Share

PHASE 1

Phase 1

"Saffy, pinapa-tawag ka ni Sir Ralph," sambit ni Cyd, isa sa mga kaklase ko.

Wala na akong naging balita kay Oreus, magmula noong nagka usap si Rowie at 'yong babae.

"Samahan na kita, Saffy?" sambit ni Remus nang mapansin na mag-isa lang akong pupunta sa faculty na nasa kabilang building pa.

Tumango na lamang ako bilang sagot kay Remus at hindi na lamang ako nagsalita pa.

Magmula nang pumunta si Remus noong una siyang nagpunta sa bahay ay araw-araw na rin niya akong dinadalaw.

Mahilig rin si Remus na kumuha ng mga litrato, kaya noong graduation ay isa siya sa nag pi-picture sa akin.

Kasama ko si mama at papa noong umakyat at nakatanggap naman ako ng tatlong medalya na talaga namang ikinatuwa nila.

Naghanda sila at agad na ipinagmalaki ako ni papa sa mga ka-trabaho niya nang minsang nagka-inuman sila noong nag-celebrate kami habang si mama naman ay abala sa pag-iintindi sa mga bisita.

Nagpunta rin si Rowie at Raki kasama ang iba pa naming kaklase. Tinawagan din ni Rowie si Oreus noong araw na iyon pero walang sumagot kahit pa ang 'humored girlfriend' nito.

Mapait akong napa-ngiti nang maalala kung gaano ako katagal naghintay sa chat ni Oreus. Naghintay na naman ako at umasa sa wala.

"Saffy, natulala ka naman," pagtawag ni Remus, 'saka kinurot ang tagiliran ko.

Doon ko lang din napansin na nasa tapat na pala kami ng faculty ni Sir Ralph, at hinihintay na lang pala ni Remus ang pagpasok ko.

Napakamot ako sa ulo ko na parang nangati kahit na alam ko na wala naman akong kuto o kahit anong peste sa ulo.

"Hintayin mo muna ako rito, Remus," bilin ko sa kaniya at kumatok sa pinto 'saka pumasok sa loob.

Nakita ko na prente lamang naka upo si Sir Ralph sa kaniyang upuan at halatang hinihintay na lamang ang pagdating ko.

Agad akong lumapt kay Sir Ralph dahil sa hiya.

Binata pa si Sir at kahit ang mga kaklase ko ay na a-attract sa kaniya lalo pa at napaka bait nito.

"Ineng, hindi ako makaka-attend sa klase ko sa inyo ngayon kaya may iiwan na lamang akong gawain," sabay abot sa akin ng isang manila paper at 3 pages na bondpaper.

Ipinaliwanag ni Sir kung ano ang gagawin at nagpa salamat na lamang siya, halata sa boses nito na nahihiya siya kaya ngumiti ako bilang sagot sa kaniya.

Agad din akong lumabas dahil ayaw ko nang maghintay pa si Remus sa akin.

"Ano'ng sabi ni Sir, Saffy?" agad na tanong niya sa akin at agad na kinuha ang hawak ko.

Napa-ismid na lang ako at sinamaan ng tingin si Remus sa ginawa niya.

"Bakit ba inaagaw mo pa 'yan? Akala mo naman ang bigat-bigat n'yan!" sabay hampas ko nang mahina sa kaniyang braso.

"Ang tulad mo kasi, hindi dapat nahihirapan. Dapat sayo, minamahal at inaalagaan," makahulugang sambit niya at nginitian ako.

"Ha?" sagot ko na lamang ng hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

"Alam mo ikaw, Saffy, ang ganda mo. Bingi at manhid lang!" D'yan ka na nga," at nauna na siyang pumasok sa loob ng room namin.

Bakit parang ang bilis namin nakarating dito?

Inisip ko ang sinabi ni Remus.

Bingi raw ako? Manhid?

Napalaki ang mata ko ng ma-realize ang sinabi ni Remus.

'Di kaya, alien si Remus at hindi ko lang agad naintindihan dahil occupied ang isip ko?

Napa-iling ako sa naisip at agad na sinabunutan ang aking buhok. Imposible, Saffy.

Nababaliw na 'ata ako! Dahil kay Oreus 'to, e.

Nanlaki ulit ang mata ko sa naisip. Ano ka ba naman, Saffy! H'wag mo na lang s'yang isipin dahil may girlfriend na 'yon at kinalimutan ka na niya.

My heart ached, a bit.

Magmula nang umalis si Oreus hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin.

Kung minsan ay tinatawagan ni Rowie si Oreus kapag magkasama kami pero 'yong babae pa rin ang sumasagot katulad no'ng nakaraan.

Hindi na kami magka-klase ni Rowie ngayon dahil HUMSS ang kinuha niyang strand samantalang ako naman ay nag ABM.

Mahilig talaga ako sa math o kahit ano mang subject na related sa numero.

Si Sir Ralph ay teacher ko sa Physical Science at ako rin ang inatasan niya na mag lagay sa table niya ng mga gagawin namin na output ngayon habang wala siya.

Groupings ang activity na gagawin namin at dahil wala naman kaming grupo pa, marami ang nagyayaya sa akin na sumama sa grupo nila.

Halos kakasimula lamang ng 2nd semester at halos lahat din ng mga kaklase ko ngayon ay kaibigan ko na kahit medyo mahiyain ako.

"Saffy, tayo na lang nina Cyd at Polly ang magkaka-group," sabi ni Remus kasama si Cyd at Polly na nasa likod niya.

May kumakalat na tsimis dito sa room na nililigawan daw ni Remus si Polly kaya hindi na ako nagtatakang kasama niya ito ngayon.

Marahan akong tumango na ikinatuwa naman ni Polly kahit na halatang naiilang sa akin habang si Cyd ay nakangiti lamang.

Nginitian ako ni Remus at kinurot ko na lamang siya sa tagiliran niiya.

Psh, gagamitin pa talaga ako para magkasama sila ni Polly.

Sinimulan na namin ang pag re-research tungkol sa Terrestrial Motion at agad naman akong nag-sketch ng mga example nito.

Nang matapos ko na ang pag i-sketch ay sinimulan ko na ang pag guhit nito sa manila paper na binili ni Remus at Polly sa canteen kanina.

Si Cyd naman ang naka-assign sa pagsusulat ng definition nito habang si Polly at Remus naman ang mag re-report bukas.

"Natural Motion is the motion which the objects moves naturally in a vertical mannner," pagbabasa ni Polly sa definition habang isinusulat naman ito ni Cyd sa ilalim ng drawing ko.

Since may nabasa akong definiton kanina na ang natural motion daw ay somehow related sa Greek's idea of four fundamental elements tulad ng fire, earth, water and air, 'yon na lamang ang iginuhit ko.

Nagpatuloy lamang sina Polly at Cyd sa kanilang ginagawa habang ako ay nagmamasid lang sa classroom at sinisigurado na lahat nga ay may ka-group at gumagawa ng activity tulad ng bilin ni Sir.

Hindi ako president sa classroom at hind rin ako officer kaya nakaka-kaba rin dahil baka sabihin pa nila na pabida ako.

People nowadays, kahit wala ka namang ginawang mali, pag-iisipan ka nila ng masama at bibigyan nang kung ano-anong kahulugan ang bawat kilos mo. Mabuti man o masamang gawain ay huhusgahan ka nila.

Lumipas ang isang oras at ang mga kaklase ko ay unti-unti nang lumalapit sa pwesto namin para mag-pass ng mga outputs nila.

Nagpatuloy lamang ang klase namin hanggang dumating ang oras ng uwian at unti-unti na rin'g nag aalisan ang mga kaklase ko.

"Saffy, mauuna na kami ni Polly, ha?" pagpa paalam ni Cyd na kasama si Polly habang bitbit ang isang envelope.

"Sige, mag i-ingat kayo, ha?" pagpapa-alala ko sa kanila at nginitian na lamang nila ako.

Since may CR naman sa loob ng classroom ay agad akong nagpunta roon para maghugas ng aking kamay.

Baka mamaya magka-allergies pa ako dahil sa chalk.

Binuksan ko ang gripo at kumuha ng sabon para mas maayos ko'ng malinis ang mga kamay ko.

"Sayang si Saffy, ano, pare?" rinig kong sambit ng isang lalaki na batid kong nasa labas lang.

"Oo nga, e. Gusto ko nga rin sana 'yong ligawan kaso mailap naman sa lalaki."

"Paanong hindi magiging mailap? Sinusulsulan 'ata ni Remus 'yon, e. Bantay sarado palagi kahit may Polly na siya. Chickboy din, e," rinig kong sambit ng isang lalaki at tumawa lamang.

Habang tumatagal ay humihina ang boses nila kaya alam kong naka layo na sila.

Lumabas ako sa CR at inayos ko na ang gamit ko para makalabas na rin ng classroom.

Nang masiguradong ayos na ang lahat ay umalis na rin ako sa classroom.

Nasa'n na kaya si Remus? Pagtataka ko dahil hindi ko man lang siya nakita kanina sa room o kasama man lang nina Polly.

Baka hinatid si Polly at nakalimutan lang magsabi sa akin.

Ano bang pakielam ko pa? Ayos lang naman sa akin dahil magiging tahimik ang buhay ko ngayong uwian.

Naglakad na ako sa hallway at dahil nasa 2nd floor pa ang aming classroom ay bababa pa ako ng hagdan.

Ang kulay ng pintura ng buong building ay ang common na kulay ng mga public schools.

Balak akong pag-aralin sa private school nina mama at papa pero tinanggihan ko na lamang dahil ayaw ko na mahihirapan pa sila sa tuition fee. Besides, dito sa school na pinapasukan ko ay may sari-sariling printer kada floor at strand kaya hindi na rin gagastos sa mahal na pagpapa-print sa bayan tuwing may research na dapat i-pasa.

Pababa na ako ng hagdan papuntang 1st floor nang may nakita akong dalawang lalaki na nag u-usap at ayon sa boses ng mga ito, sila rin ang narinig ko kanina noong nasa CR ako.

Balak ko na lang sanang hindi na sila pansinin pero dahil naka harang sila sa dadaanan ko ay no choice na kung hindi ang pansinin sila.

"Excuse me, po. Baka p'wede po akong dumaan?" magalang kong sambit sa kanilang dalawa.

"Hi, Saffy! Mag-isa ka 'ata ngayon, ah?" sabi ng isang lalaki sabay tingin sa hagdan ng 2nd floor at tila sinisigurado na ako nga lang mag-isa.

"Opo, e. Nagmamadali po ako, mga kuya. Baka pwede na po akong dumaan?" sagot ko at 'saka tumingin sa mga mukha nila.

Nakikilala ko ang isang lalaki na taga-kabilang section lang habang ang isa naman ay hindi ko na mamukhaan.

"Ako nga pala si Ceazar, kakambal ni Cyd. 'Eto naman si Gelo, kaibigan ko," sabi ni Ceazar at inilahad ang kamay niya sa akin at tinanggap ko naman agad nang malaman kong kakambal siya ni Cyd.

Kaya pala pamilyar siya sa akin, minsan ko na siyang nakita na nag da-drive ng motor at angkas niya si Cyd. Napagkamalan ko pa nga siyang boyfriend ni Cyd dahil hindi sila gaanong magka mukha.

"Uuwi ka na ba? Gusto mo ihatid ka na kita?" pagtatanong Ceazar sa akin.

Agad akong umiling dahil sa narinig.

"No, I'm fine. Malapit lang naman ang paradahan namin dito sa school, e." sagot ko sa kaniya at inumpisahan na ang paglalakad.

"Ah, edi sasamahan ka na lamang namin maglakad papunta ng paradahan niyo," sagot ni Gelo at sinundan na rin ako.

Hindi na lamang ako nag salita at diretsong naglakad papunta ng gate ng school.

Nang makarating sa gate ay pumila na akpo para makalabas na nang diretso.

"Saffy kanina pa kitang hinihintay," sambit ng isang lalaki sa tapat ng tenga ko na ikinagulat ko naman.

"Kanina pa akong salita nang salita rito. Dami nating iniisip, ah?" sabay akbay naman sa akin Remus.

"Teka, 'bat ka nandito? Akala ko ba hinatid mo si Polly?" pagtatanong sa kaniya.

"Oo nga, hinatid ko na siya kanina sa paradahan," sabay kindat at nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad.

Bakit parang ang bilis naman 'ata?

"Teka nga," at inalis ko ang pagkaka-akbay niya sa akin.

"Bakit hindi man lang kita nakita kanina?" pagtatanong ko sa kaniya.

"Bakit ka muna may kasamang lalaki kanina? Umalis lang ako saglit, ah," sabay nguso kina Ceazar at Gelo na nakatigil na lamang doon sa tabi ng guard house.

"Teka nga, ako ang unang nagtanong, ah? Bakit tanong din ang sagot mo?" inis kong tanong ulit sa kan'ya.

Nakakabadtrip talaga itong Remus na 'to! Akala ko pa naman makaka uwi na ako ng tahimik.

"Ay, oo nga pala," at bigla siyang kumamot sa ulo niya.

"Nauna kasi akong lumabas kanina para hintayin si Polly, alam mo naman 'yon, mahiyain. Naiilang daw siya sa mga kaklase natin, e." pagpapaliwanag niya.

"Tapos no'ng papasok na ulit ako, ayaw akong payagan ng guard dahil nga uwian na, e. Kaya ayon, hinintay na lang kita rito." pagpapatuloy niya pa.

"Ahh," sagot ko sabay tango sa kaniya.

Kasabay ko ulit umuwi si Remus kaya magkatabi kami sa loob ng tricycle.

Nang makarating kami sa loob tapat ng gate namin ay nag paalam na lamang ako dahil baka humaba na naman ang usapan namin, tumango na lang siya sa akin bilang sagot.

Mabagal kong tinahak papasok ang bahay namin at laking gulat ko ng makita ang mama ni Oreus sa bahay.

"Nako, tuwang-tuwa nga si Oreus nang makita na namin ang tunay niyang magulang. Hindi ko na nga rin siya ma-contact ngayon, 'di ko alam kung bakit," pagku-kuwento niya sa mama ko.

"Oh, and'yan na pala si Saffira, mare," sagot ni mama at itinuro ako kay Tita Minerva.

"Hija, kumusta ka? Ngayon na lang ulit ako naka dalaw dito, pasensya ka na at wala ako noong celebration ng graduation mo. 'Eto nga pala ang regalo ko sa iyo, sana magustuhan mo," sabay abot sa akin ni Tita Minerva ng isang paperbag.

"Salamat po rito, Tita Minerva. Nag-abala pa po kayo," sabay ngiti ko sa kan'ya.

"S'yempre, para na rin kitang anak, e. Pero, hija, may tanong sana ako sa'yo." sambit nito.

"Nakaka-usap mo pa ba si Oreus?" dagdag pa nito.

"Nako, hindi rin po Tita, e." malungkot kong sagot sa kaniya.

"Ah gano'n ba? Siya sige. Akala ko kasi galit sa akin dahil hindi na niya ako kinausap magmula ng umalis dito, e," sagot naman ni tita na halata rin ang lungkot sa boses.

Matapos noon ay nagpaalam na rin si tita at nakipag beso naman siya sa akin.

Hinatid siya ni mama palabas ng bahay at ako naman ay dumiretso na lamang sa aking kuwartro.

Ano na ba talagang nangyayari sa'yo Oreus?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status