Share

Kabanata 25

DOMINIQUE’S POV

Lumipas ang isang linggo at hindi ko parin kinikibo si Diana. Para lamang siya’ng hangin sa’kin kapag nasa bahay ako.

Si Mama naman, pansin ko rin ang pagiging tahimik. Nagtitinda parin siya sa palengke at mula nang malaman namin na buntis ang kapatid ko, hindi na ulit niya binuksan ang usapan tungkol doon.

Alam kong pinipilit lang ni Mama na tanggapin lahat. Dahil nasasaktan parin siya…kami.

“Hanggang ngayon hindi mo parin sinasabi kung ano’ng problema mo,” saad ni Suzette na kumakain habang ako ay nakatingin sa labas ng glass wall.

Nandito kami ngayon sa canteen at nakatambay dahil may free time pa kami bago bumalik ulit sa trabaho. Kaunti lang ang tao ngayon dito kaya tahimik.

“Para namang hindi kita kilala, Dominique! Sumimangot ka lang alam kong may iniisip ka!”

Bumaling ako kay Suzette. Sasabihin ko ba sa kanya?

“Ano nga? Sabihin mo na!”

Bumuntong hininga ako at muling bumaling sa labas ng building.

“Buntis si Diana, Suzette…”

Kasunod niyon ang paglagapak ng kuts
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status