Share

Kabanata 6

DOMINIQUE’S POV

The days turned to a month pass so quickly. Marami ako’ng natutunan lalo na roon sa internship namin. That was an amazing experience. My block mates and I just enjoyed it since we were going to separate paths afterwards.

Nag internship kaya matagal kami ni Suzette na hindi nakapasok sa bar. Alanganing oras na rin kasi kung umuwi kami pero minsan, kahit sobrang late na ay humahabol parin kami sa trabaho.

Tama nga ang desisyon ko na lunurin ang sarili sa trabaho para makaipon kaya noong internship, hindi na ako humingi kay mama ng pera.

“Congrats, ate! Here’s my gift!”

My heart jump with so much happiness when Diana handed me a red box before hugging me.

Napatigil tuloy si mama sa pag-aayos ng mukha ko dahil doon. Today is my graduation day. Hindi ko rin naman natiis ang kapatid ko lalo na ngayon dahil masaya sila para sa’kin.

“What’s this,” natatawa kong usal habang binubuksan ang regalo ni Diana.

She giggled and looked so excited.

Tinanggal ko ang ribbon na nakapalibot sa box at nang iangat ko ‘yon, halos maluha ako ng makita ang nasa loob. It was a scrap book. It was filled of our pictures together since we were kids but my smile disappeared when I saw a picture of a man included there.

“Diana naman, bakit mo pa isinama ang taong ito sa picture? You could’ve cut him off!”

Itinuro ko sa kanya ang picture naming dalawa noong mga bata kami. Nakaupo kami pareho sa kandungan ng aming ama na nang iwan sa amin. Salubong ang kilay ko pero may kung ano’ng kumurot sa dibdib ko.

Seeing this makes those painful memories to comeback.

“S-Sorry, ate. Ang pangit kasi kung gugupitin ko siya. Nasa gitna naman-“

“Wag niyo na pag-awayan ‘yan,” saway ni mama. “Ang maganda, itapon mo na lang ang litratong ‘yan, Diana…’

Napasimangot ang kapatid ko at sumunod din.

Bumalik sa pag-aayos sa’kin si mama at hanggang matapos, tahimik lang ako. Naglaro na naman sa isip ko ang tungkol kay papa. Kapag talaga may mga bagay na nakakapagpaalala sa’kin sa kanya, nahuhulog ako sa malalim na palaisipan.

Nasaan na kaya siya? Siguro masaya siya ngayon. Hindi niya ba talaga kami hinanap at naisipan na balikan? Hindi niya alam na ang panganay niya…ga-graduate na.

“Kalimutan mo na ‘yon,” hinaplos ni mama ang mukha ko. “Ang ganda-ganda mo ngayon tapos nakasimangot ka,”

Napangiti ako bago tumayo. Sinipat ko ang sarili sa salamin. I looked so pretty in my red off shoulder dress and light make-up. Si mama at Diana naman ay nakasuot din ng dress.

“Ang ganda mo, ate!” mangha na sabi ni Diana. “Picture na tayo!”

Inilabas niya ang cellphone at nag picture kaming tatlo.

While looking at them, I realized that I’m already contented with them. Naging masaya kami kahit hindi kumpleto.

Pagkatapos naming mag picture taking, umalis na kami at sumakay sa jeep papuntang school. Sinalubong agad kami ni Suzette, Jayvee at Renz na kasama ang mga magulang nila.

“Dominique, ga-graduate na tayo!” umirit si Jayvee.

“Siya na naman po ang maganda!” si Suzette.

Nag picture kaming apat na suot ang mga toga bago pumasok sa loob kung saan gaganapin ang ceremony. Our school was big and wide so any occasion can be held here.

I smiled as the entire hall was filled with students and parents. A satisfaction immediately filed my heart. Sa wakas, papunta na kami sa exciting part!

Nag simula ang ceremony at pinakilala ang mga special guests. They gave inspiring speeches for us, graduates.

“We have to apologize but our third special guest can’t come because of hectic schedules,” saad ng emcee. “But Mr. Kramer wishes you all the best and a bright future ahead,”

I heard disappointment gasps from some of the students.

I got confused. Bakit, sino ba ang Mr. Kramer na ‘yon at disappointed sila na hindi ito nakapunta?

“Sayang, akala ko ngayon ko na siya makikita ng personal,” rinig kong bulong ng block mate ko.

“Bakit?” hindi ko napigilang mag tanong. “Sino ba siya?”

Nanlaki ang mata niya sa’kin na para bang malaking pagkakamali ang sinabi ko.

“Dominique, hindi mo ba siya kilala?” singhap niya. “He’s one of the wealthiest bachelor in the country!”

Umangat ang kilay ko. “Talaga?”

Ngayon ko lang narinig ang pangalan na Kramer. Hindi siya humahalera sa malalaking pangalan na alam ko pagdating sa mga kompanya.

“Oo! Alam mo ba, ubod siya ng guwapo! Nasa kanya na nga ang lahat!” kinikilig niya’ng sabi.

Napailing na lang ako at muling bumaling sa stage.

Medyo nainip pa nga ako dahil sa matatagal na speeches. Pero nang mag line up na kami para sa pagkuha ng certificate at medalya sa stage, naexcite ako.

Nakayakap ako sa braso ni mama habang naghihintay at nang tawagin na ang pangalan ko, matamis kaming ngumiti ni mama habang sumasampa sa stage.

“Dela Fuente, Faye Dominique R. Academic Excellence Award, Bachelor of Science in Accountancy, Magna cum Laude,”

I smiled sweetly as I could.

Nakikita kong naluluha pa si mama habang isinasabit sa’kin ang medal. Diana also took a picture of us.

“Congrats, anak” bulong ni mama pagbaba namin sa stage. “Ang galing mo,”

Ngumiti ako at niyakap siya. “This is all for you, Ma”

Bumalik kami sa kinatatyuan kanina at nang matapos ang program, nagkita-kita kami nila Suzette sa labas.

“Congrats sa Magna Cum Laude namin!” sigaw ni Jayvee at Suzette.

Tumalon-talon ako’ng niyakap sila. “Congrats sa’tin at sa Summa Cum Laude natin!”

Nakangiti naming niyakap si Renz na paparating kasama ang mommy at daddy niya. He got the Summa Cum Laude spot.

Nag picture ulit kami nila mama kasama ang mga kaibigan ko. Gusto kong sulitin ang araw na ito dahil pagkatapos nito panibagong pagsubok na naman ang haharapin namin.

“Beautiful as always, Dominique. Congratulations!” lumapit sa’kin ang mommy ni Renz at niyakap ako.

“Thank you, po, Tita” nahihiya kong sabi. “Congrats din po kay Renz,”

“Yeah, he really makes us proud always,” she smiled sweetly. “I just want to invite you guys for simple lunch but I guess, you all have own celebration so maybe next time?”

“Next time po, Tita!” si Suzette.

Naunang umalis si Suzette at Jayvee kasama ang pamilya. Naiwan kami nila Renz dahil may mga block mates na nagpapa-picture samin. Para raw sa remembrance. Habang si mama at Diana ay nasa isang sulok, naghihintay.

“Dominique? What’s your plan after this?”

Nilapitan ulit ako ni Tita Roma, mommy ni Renz. Mula talaga noon, mabait na siya samin lalo na sa’kin, despite of being wealthy.

“Uh, maghahanap po ng kompanya na pag-aaplyan, Tita,” sagot ko dahil ‘yon naman taaga. “Sana po palarin…”

Ngumiti siya bago tinapik ang balikat ko.

“You can apply to our company. Renz’s friends are always welcome there as long as you have determination,”

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Sa k-kompanya nila? Na isa sa kilala sa bansa?

“S-Sigurado po kayo, Tita?” halos mautal ako. “N-Nakakahiya naman-“

“You have the potential, Dominique. In fact, hindi naman kami maarte. Our company started from scratch though,” walang bahid na arteng sabi niya.

May kinuha siya sa bag na maliit na papel at binigay sa’kin.

“You can contact this number if you want to have access with us but you can still think…”

Tinanggap ko ang calling card bago nagpasalamat. Umalis na sila at naiwan ako’ng tulala. I can’t believe it! Inalok niya lang naman ako sa kompanya nila!

P-Paano kung mataas pala ang standards nila since malaking kompanya sila? Parang nakakahiya naman. Pakiramdam ko hindi ko ‘yon kaya.

“Ate, tara na! Gutom na kami ni mama!” bigla na ako’ng hinila ni Diana.

Tinago ko ang calling card na bigay ni Tita Roma at hindi na lang sinabi sa kanila ang tungkol dito. Pumunta nga kami sa isang restaurant para kumain at nagkataon na marami rin tao rito. This will be our simple celebration.

Habang kumakain kami, pinapakita sa’kin ni Diana ang mga pictures namin kanina. Napangiti ako. We look so happy even though we’re incomplete but it doesn’t matter though. Hindi ko mapigilang mapatingin sa paligid. May nakikita ako’ng pamilya na sama-samang kumakain. May nanay at tatay.

I smiled bitterly with the realization that I will never experience the feeling of having a complete family.

Minsan, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Oo, masaya ako at kuntento na kasama si mama at Diana pero habang tumatagal, napagtanto ko na mas lalong lumalaki ang sugat sa dibdib ko. The reality slaps me that my father left us to save his other family. I can't help but feel pity for myself every time I see someone with their fathers.

Maipagyayabang ko ang pagkakaroon ng mapagmahal at mabait na ina pero ang pagkakaroon ng ama? Iyon ang hindi ko magagawa. I'm a loser in that matter.

-

Hindi uso sa’kin ang bakasyon. Pagkatapos ng graduation, nag patuloy ako sa pagtatrabaho at paghahanda para sa board exam.

Kapag uuwi ako galing trabaho, magbabasa ako hanggang sa makatulog. Kapag weekend naman at walang pasok, nagkukulong ako sa kwarto at buong araw mag-aaral. Hindi na ako nag abala na sumali sa reviewing class dahil sayang lang sa pera.

Sipag lang ang pinairal ko. Halos mapuno na nga ang buong kwarto ko ng iba’t ibang klase ng papel, nakasulat ang mga dapat kong tandaan. Hindi ako pwedeng mapagod dahil nakasalalay dito ang magandang record ko kapag nag apply ako ng trabaho.

“Anak, meryenda ka na…”

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si mama dala ang meryenda ko.

“Salamat po, pakilagay na lang po sa table,”

Sabi ko habang abala parin ang mata ko sa laptop at sa mga notes sa harap ko. Narinig ko ang yabag ni mama palapit at tumayo sa gilid ko.

“Dominique,” masuyo niya’ng hinaplos ang balikat ko. “Pwede bang mag pahinga ka? Ang hirap ng sitwasyon mo. Wala ka ng tamang pahinga at tulog-“

“Ayos lang po ako,” tiningala ko siya. “Sinusulit ko na lang po ang pag re-review dahil pagkatapos nito-“

“Kaya nga mag pahinga ka kahit isang araw lang. Isang linggo pa naman bago ang examination at sigurado ako’ng makakapasa ka roon…”

Lumambot ang mata niya.

“Wag mo abusuhin ang katawan mo. Sigurado ako marami ng pumasok diyan sa utak mo na kaya kang ipasa sa board exam,”

Sumilay ang ngiti sa labi ko at niyakap si mama sa baywang.

“Thank you, Ma. Gusto ko na lang talaga matapos ‘to para wala na ako’ng problema…”

“Kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako, ha?” hinalikan niya ako sa ulo. “Ang bilin kong mag pahinga ka, gawin mo,”

Tumango ako ng dalawang beses nang makalabas na siya.

Sumandal ako sa upuan at sumulyap sa dinala ni mama na meryenda. She’s really the sweetest and loving mother. Kahit paano…ang pressure na nararamdaman ko para sa papalapit na board exam ay nabawasan.

Sa ilang linggo na pag re-review ko, hindi ko maitatanggi na nakakaramdam ako ng pagod. Mahirap din pala maging desperada para sa bagay na gusto mo para sa sarili. At simula noong graduation ko, hindi ko alam bakit palagi kong naiisip si ang tatay naming walang pakialam samin.

Siguro nag assume ako? I assumed that maybe when I finished college, he will finally showed up and explain us everything. Pero wala. Walang nagpakita na Andrew Smith. Kaya ngayon, gusto kong maipasa ang board exam para kung sakaling magkita kami isang araw, maipapamukha ko sa kanyang nagawa kong magtapos at magkaroon ng degree kahit wala siya!

Ngayon, nagsisimula na ako’ng magalit sa mga lalaking magaling lang sa umpisa.

Sa sarili kong ama na pagkatapos magkaroon ng anak ay iiwan na lang, kay Carl na niloko ako dahil hindi nakuha ang gusto niya at huli…sa lalaking kumuha ng virginity noong gabing nalasing ako na kahit kailan ay hindi ko makakalimutan!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status