Share

Kabanata 5

DOMINIQUE’S POV

Kinabukasan, malamig ang pakikitungo ko kay Diana.

Pag-uwi namin kahapon ay sinumbong ko agad siya kay mama. Of course, our mother was shocked knowing that she’s seeing her boyfriend in that kind of place! But since she’s kind, she didn't get angry the way I did!

Ako ang mas galit kumpara kay mama. Ayaw kong kunsintihin si Diana. Magkasama kaming lumaki at iniingatan ko siya. Hindi ko maaatim na makipagrelasyon siya ng ganitong kabata at doon pa sa lalaking hindi mapagkakatiwalaan.

Kaya ngayon, puro sorry ang bukang bibig ng kapatid ko.

“Ate, sorry na. mabait naman si Mike at-“

Pabalang kong inilapag sa mesa ang baso pagkatapos kong uminom habang kumakain kami ng almusal. Hinid nakapagsalita ulit si Diana dahil sa gulat. I acted like I didn’t hear anything. So, Mike is the name of her boyfriend? Balita ko ay may karangyaan daw sa buhay ang lalaking ‘yon at wala ako’ng pakialam!

“Ma, alis na po ako. Bye!” humalik ako kay mama at lumabas na.

Bago ‘yon, naaninag ko ang pag bagsak ng balikat ni Diana dahil sa sa hindi ko pag pansin sa kanya. She deserves that for being hard headed.

Pwede naman kasi siya’ng mag boyfriend pero sa tamang edad kagaya ko. Noong naging kami ni Carl ay first year college ako. I never had a boyfriend in my younger years. She should focused on studying.

Ayaw ko lang talaga na makagawa siya ng maling desisyon. Mapupusok na ang mga lalaki ngayon at ayaw kong madungisan agad ang kapatid ko. Kaya ngayon, mag tiis siya dahil hindi ko muna siya papansinin.

She lied and keep to us about her boyfriend.

Sumakay na ako sa jeep papuntang school. Nang makarating doon ay mabilis kong hinila si Jayvee at Suzette sa classroom para mag review dahil last examination na namin ngayon. I need to pass all of our subjects especially the major so somewhat, maintaining my high grades since first year would be worth it.

“Kapag hindi na kaya ng utak ko mamaya, pakopya ako, Dom, ah!” saad ni Suzette habang nagbabasa ako ng mga lectures.

Tumango na lang ako sa kanya.

“Ako rin!” segunda ni Jayvee. “Paano mo ba kasi nagagawang ipasok lahat sa utak mo ang mga lessons na ‘to, Dom? Nakakaloka!”

Binalingan ko sila ni Suzette na hindi naman nag re-review kundi abala sa mga cellphone nila!

“Paano kayo makakapag-aral niyan, sa iba kayo nakafocus? Sige, mamaya cellphone ang isagot niyo sa exam!”

Kasing bilis ng kidlat na bumalik sila sa pagbabasa.

“Ito na nga di ‘ba?” Jayvee smiled annoyingly. “Basta kapag hindi na kaya ng powers ko, do the best technique, Dom!”

“Kung mag re-review kayo, hindi niyo na kailangan ng tulong ko,”

Suminghap si Suzette.

“Sungit naman. Sige, kapag hindi ko alam ang isasagot sa iba…mag pray na lang ako,”

Napailing na lang ako. They are so talkative.

Natapos ang oras at exam time na namin. Of course, I reviewed so I’m confident that I can answer all the questionnaires. It became so easy to me. Gusto ko pa nga matawa habang pinanonood si Suzette at Jayvee na halos magkasunod lang natapos sa exam, pero nauna parin ako sa kanila.

Lahat ng subject ay ita-take namin sa araw na ito. Kaya nang mag break, dinala ko ang ilang notes sa canteen para mareview ang mga susunod na exam.

“Ngayon pa lang kinakabahan na ako sa scores ko!” bulalas ni Suzette habang kumakain.

Tahimik lang ako’ng kumagat sa sandwich habang ang mata ay nasa notes. Kaunti na lang, matatapos na ang mga iniisip ko rito sa school.

“Ano’ng balak niyo after graduation?” tanong ni Jayvee. “Ako, mag-aapply sa malalaking kompanya kung papalarin kapag nakapasa sa board,”

“Basta sasabit na lang ako kay, Dom!” ani Suzette. “Kung saan siya mag-aapply, doon ako!”

Hindi na lang ako sumagot dahil alam naman nila kung ano agad ang gagawin ko. Desperada na ako’ng makatapos para makapagtrabaho agad.

Nang matapos ang break, bumalik kami sa room at muling nag exam. Well, I didn’t have any hard time answering because I reviewed all of them. Nakahinga ako ng maluwag nang matapos namin lahat ng subject ngayon.

May mga natira pang nag e-exam kaya nag paalam ako sa prof na pupunta sa comfort room. Kanina pa kasi ako naiihi.

I just peed and washed my hands.

Pagkalabas ko sa cr ay nakapa ko sa bulsa ang bagay na dapat kanina ko pa itatapon. I slowly took out from my pocket the pills that I’m taking since the day I had an intercourse with that unknown guy.

Pagkatapos ng gabing ‘yon ay nag research ako kung ano’ng dapat gawin. Ayaw kong mabuntis kaya mainam ito. Ginawa ko halos lahat ng nakita sa internet na dapat gawin kung ayaw mo mabuntis. That guy seems use a protection when he took me though.

May isang basurahan sa pinakalabas ng comfort room. Tumingin muna ako sa paligid bago iyon inihagis doon.

“Dominique,”

Halos mapaigtad ako sa gulat nang may tumawag sa pangalan ko.

I turned around and saw Carl’s confused face. Sinalakay ako ng kaba dahil nakatingin siya sa basurahan. Nasa ibabaw pa naman ang pills na itinapon ko!

“B-Bakit?”

Sumingkit ang mata niya at lumapit sa basurahan. Nanigas ako sa kinatatayuan at hindi alam ang gagawin.

“Exam time ngayon. Tapos ka na ba? Ano itong itinapon mo-“

Hindi niya na naituloy ang sasabihin nang makita ang pills sa basurahan. He slowly picked it up before turning to me in shock.

“What the hell is this, Dominique?” halos manlaki ang mata niya sa’kin.

Para ako’ng binuhusan ng malamig na tubig. Unti-unti siya’ng lumapit sa’kin at hinawakan ako sa braso.

“Bakit meron kang ganito?” bumigat ang pag hinga niya. “You’re pure and we don’t had any contact-“

“What are you saying, cheater?” banayad kong sabi at kinalma ang sarili.

Act normal, Dom. Don’t get affected.

Malamig ko siya’ng tinitigan kaya nawala ang gulat sa mata niya.

“I’m asking about this-“

“Hindi ‘yan sa’kin-“

“Kanino?” desperado niya’ng tanong. “Ikaw ang nag tapon at babae lang naman ang gumagamit nito di ‘ba?”

Puno ng kuryosidad, irita at gulat ang mukha niya.

I gulped while my heart is beating so fast.

“Why are you asking? Wala ka ng pakialam! No’ng nag cheat ka, humadlang ba ako at hinabol ka pa? Hindi di ‘ba? You’re not worth it!”

Guilt now enveloped his face. Napaiwas siya ng tingin bago itinaas ulit ang pills.

“Hindi ako naniniwalang hindi sayo ito-“

“Kay Suzette ‘yan. Inutusan niya ako’ng itapon at kung ayaw mong maniwala, edi wag!” I hissed.

His eyes slowly softened and put the pills back in the trash.

“I-I’m sorry…akala ko-“

“Just shut up. Nakakairita ka,” tinalikuran ko agad siya.

Nakahinga ako ng maluwag no’ng nakalayo ako sa kanya. Gosh, muntik na ako kanina! Nagamit ko pa tuloy si Suzette!

Pag balik ko sa classroom, saktong dismissal na since last exam na namin ‘yon. Si Jayvee ay hindi namin kasabay ni Suzette na umuwi dahil didiretso kami ngayon sa trabaho.

Papagurin ko ang sarili ko ngayon sa trabaho dahil malapit na ang internship at graduation namin para naman may extra ako’ng pera dahil siguradong magiging busy kami sa pagiging intern.

Nang makarating kami ni Suzette sa bar, nagpakita muna kami kay boss bago nag bihis. Bilib talaga ako sa bar na ito, hindi nauubusan ng customer. Ngayon ay marami parin at tiyak kong mamaya, mas lalo pang dadami.

“May mga foreigner, Dom!” siniko ako ni Suzette habang nakaharap kami sa bar counter at hinihintay ang mga order galing kay Paul.

“Talaga?” walang buhay kong tanong.

Hindi naman ako mahilig sa mga ganoon. Wala nga ako’ng nakikitang mas bata at guwapong customer dito. Karamihan kasi ay nasa mid 40’s na. mga pamilyado na pero kung makangiti sa mga sexy na entertainer namin dito ay wagas!

Naranasan pa nga namin na may babaeng sinundo ang asawa niya rito at nag eskandalo. Hindi lang mga entertainer ang inaway, kahit kaming mga waitress.

“Dom, table 7-“

“Akin na!”

Nabitin ang pagsasalita ni Paul nang agawin ni Suzette sa kanya ang order na dapat ako ang mag se-serve. Naguguluhan namin siya’ng tinignan.

“Chance ko na ‘to!” ani Suzette at inayos ang buhok. “Serve ko lang, ha!”

Doon ko lang napagtanto na mga foreigner ang nakaupo sa table 7. Napailing na lang ako bago kinuha ang ibang order.

“Inagawan ka pa talaga ni Suzette,” natatawang sabi ni Paul.

Suminghap ako. “Alam mo namang hindi ako mahilig sa ganyang bagay,”

Dahil trabaho lang ang iniisip ko. Alam kong si Suzette ay naghahanap ng magiging boyfriend.

“Palibhasa, ikaw ang hinahabol ng ibang customer. Noong isang gabi, may naghahanap daw sayo. Gwapo, matangkad at mukhang mayaman. Sabi nga ni Rachel ay nandito raw ngayon,”

Kumunot ang noo ko.

“Joke time ba ‘to, Paul?”

“Hindi, no!” umiling siya. “Medyo masungit nga raw yung lalaki. Tawag pa nga raw sayo ay ’pretty’!”

“Baka customer na nang ti-trip lang,”

Tinalikuran ko na siya at nag trabaho na lang.

Nag serve lang ako ng mga orders at naglilinis ng ibang lamesa na inaalisan ng ibang customer. Ang ilang bote at baso na iniiwan, kami na rin ang kumukuha.

“Dom, pakitapon naman sa basurahan. Busy kasi si Robert,” utos ni boss at itinuro ang isang garbage bag.

“Okay, boss!”

“Doon mo itapon malapit sa parking, ha?” habol pa ni boss kaya tumango ako.

Inayos ko ang kwelyo ng uniform ko at ibinaba ang maikling skirt bago hinila ang garbage bag. Hindi naman ito sobrang bigat kaya nahila ko agad ng mabilis palabas.

Kalapit lang naman ng bar ang parking pero isang minuto pa siguro ang lalakarin ko dahil iikot pa ako sa likod. Tahimik sa parking nang makarating ako, medyo madilim din at iilang tao ang nakita ko na lumalabas ng sasakyan at dumidiretso sa bar.

Natagpuan ko ang pinag-iiwanan ng mga garbage bag sa pinakasulok ng parking. Lumakad ako palapit doon. Hindi naman mabaho ang mga dala ko at nakatali naman kaya walang amoy na lalabas, walang magrereklamo. Bukas ay ipi-pick up na rin ang mga ‘to.

“Para sa trabaho magtiis ka, Dominique,” bulong ko sa sarili.

Bumuga ako ng hangin nang maihagis na ang basura. Pinunasan ko ang namuong pawis sa noo bago napabaling sa itim na sasakyan sa likuran ko. Madilim kaya hindi ko nakikita kung may tao ba sa loob nito pero nararamdaman kong may nakatitig sa akin.

I just shook my head. Maybe that was just my hallucination.

Tumalikod ako at ilang hakbang pa lang na nakalalampas sa sasakyan, umilaw ang unahan nito. Kinilabutan ako at napatitig doon.

Someone is really watching inside! Sa takot na may humila sa’kin ditong manyak ay kumaripas ako ng takbo pabalik sa bar.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status