Share

Chapter 29

Halos hindi ko na maalala kung kailan huling nasaktan nang sobra ang puso ko. Nakalimutan ko na nga iyong sakit nang mahuli kong nambabae si Anton.

Pero ngayon...para na namang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ko. Habang pinagmamasdan kong yakapin si Arc ng first love niya, para akong kakapusin ng hininga.

Masakit. Nakakadurog ng puso. At nakakatakot.

Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko. Nakatulala lang ako sa kanilang dalawa. Parang sa isang iglap, naging hangin na lang ako. Ang pangyayaring kinatatakutan ko, naganap na. At wala akong magawa kundi ang panoorin silang dalawa.

Ito na ba? Ito na ba ang senyales ng tadhana na hindi kami ni Arc ang para sa isa’t isa? Sa ganitong paraan niya ba ako ginigising sa katotohanan?

Tiningnan ko ang kamay ko na kanina lang ay hawak ni Arc. Hindi ko napigilan ang mga luhang pumatak mula sa mga mata ko. Bago pa ako tuluyang bumigay ay tumakbo na ako papasok sa loob ng mansyon.

Nasalubong ko si mama sa sala pero hindi ko siya pinansin.

“L
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Christine Sarzuelo
nakakaexcite sana may update ulit later author.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status