Halos maihi na si Izzy sa kaba habang naka upo at nag hihintay sa loob ng taxi na kanyang sinakyan, kanina pa rin siyang naka titig sa mensaheng mula kay Seth Santiago na halos masaulo niya na yata bawat letra sa ilang ulit niyang pag babasa.
“K-kuya, malayo pa ho ba tayo?” Tanong ni Izzy sa taxi driver, sandali siyang napangiwi nang marinig itong mapa buntong hininga, hindi naman ito masisisi ni Izzy, wala pa yatang dalawang minuto ay mag tatanong nanaman siya ng kaparehong tanong. “Limang minuto na lamang ho ma’am, traffic ho kasi kaya medyo matagal ang biyahe, mukha hong masyadong importante at mahalagang tao ang pupuntahan niyo ngayon.” Lalo pang napa ngiwi si Izzie dahil sa katabilan ng driver, dahil na rin marahil sa labis na kaba ay hindi niya na rin naiwasan pa ang maging masungit, matalalim niya itong inirapan dahilan upang agad itong mag bawi ng tingin. “Hindi naman ho kayo tsismoso niyan manong?” “Eh pasensya na ho, hindi ko ho kasi mapigilang mag tanong, sa itsura niyo ho kasi ay mukha hong masyadong mahalaga ang pupuntahan niyo, paalala lang ho ma’am na kailangan niyo hong mag ingat lalo pa at hindi na maayos ang takbo ng mundo ngayon.” Seryosong sabi ng driver, mapait namang napa ngiti si Izzy. “M-may nanay ka pa ho ba manong?” “Mayroon pa ho, malakas pa siya kahit matanda na, medyo sakitin lang kung minsan, dala na rin siguro ng edad, bakit niyo ho natanong?” Muli pang napangiti sa kawalan si Izzy, maluluha-luhang pinili niya na lamang na sa bintana tumingin. “K-kung ganoon ho eh maswerte kayo manong, matanong ko lang ho, hangang saan po ba ang kaya niyong gawin para sa nanay niyo?” “Aba’y kahit ano ho siguro ma’am, nag iisa lamang naman ho ang nanay natin, kahit ano gagawin at ibibigay ko masuklian lamang ang hirap niya saakin noon.” Proud na sagot ng driver, napatango naman si Izzy bago ito binalingan. “Tama, ganoon rin ho ako manong, gagawin ko ho ang lahat para sa nanay ko, kahit na ano. Kung tinatanong niyo ho kung anong sadya ko doon sa pupuntahan ko, pupunta ho ako roon para sa buhay ng nanay ko.” -- Wala sa sariling nahigit ni Izzy ang pag hinga nang hindi pa man tuluyang nakaka baba sa taxi ay agad niya nang natanaw na nag lalakad palabas ng malaking building ang taong kanyang sadya sa lugar na iyon. Naka pang business attire pa ito na tila ba isang napaka importanteng meeting ang pupuntahan, hindi niya tuloy mapigilang manliit sa sarili lalo pa at ang kulay itim na uniporme niya sa coffee shop ang kanyang suot, may mga mantsa pa yata ng kape at kung ano-ano pa iyon. “Maam, nandito na po tayo.” Pukaw sa kanya driver ng taxi, sandali pa siyang napalunok bago inabot rito ang kanyang bayad, ilang sandali pa ang ginugol ni Izzy bago nag lakas loob na bumaba ng sasakyan. Dahil hindi malaman kung paanong ayos sa sarili ang gagawin, nag kasya na lamang si Izzy sa pag suklay ng magulo niyang buhok gamit ang kamay saka mapait na napa ngiti sa isiping kahit ano naman yata ang gawin niyang pag aayos ay wala pa rin namang mag babago, mag mumukha pa rin siyang katulong oras na lapitan niya ang lalaki. “Isabel Vergara, it’s nice to see you again.” Pakiramdam ni Izzy ay kakawala sa kanyang dibdib ang puso nang bigla na lamang mag salita sa kanyang likuran ang lalaking kanina lamang ay pinagmamasdan niya mula sa loob ng taxi. “S-sir Seth Santiago, m-magandang gabi po.” Tarantang pag bati ni Izzy sa lalaki, agad niyangnakagat ang pang ibabang labi ngmakitang hindi man lang ito ngumiti, sa halip ay nanatili itong seryoso at walang reaksyon. “P-pasensya na po dahil sa biglaan kong pagtawag sa inyo, m-mayroon lamang po sana akong ipapakiusa-“ “Let’s not talk here.” Tila tinatamad na putol nito sa sasabihin niya, napa tanga naman dito si Izzy. “P-po?” “I said let’s not talk about whatever you need here, we are in public and I refuse to have a word with you here, if you don’t mind, please come with me.” Bagama’t tila may kasungitan sa tinig ay pormal pa ring sabi ng lalaki, nanatili namang tahimik si Izzy at piniling tumango na lamang bilang sagot. “Very well, follow me then.” -- Halos maihi si Izzy sa kaba habang tahimik na naka sunod at marahang nag lalakad sa wala pa ring reaksyong si Seth Santiago. Hindi niya tuloy mapigilang mapa-isip kung marunong man lamang ba itong ngumiti, sa itsura at tindig kasi nito ay tila ito basta na lamang mananapak kapag nag biro ang kausap. ‘Ganito kaya ang epekto ng kayamanan sa isang tao? Nagiging parang tuod na’t mukhang nawawalan ng pakiramdam?’ Tahimik niyang bulong sa sarili, sa kabila ng nararamdamang kaba ay hindi pa rin napigilan ni Izzy ang pag silay ng isang tipid na ngiti sa labi dahil sa mga isiping iyon. Ngiting agad rin namang nawala at napalitan ng mas matinding kaba nang huminto sa paglalakad ang lalaki sa tapat ng isang malaki at magarang pintoan. “Relax, Isabele. I am not gonna do anything bad to you, I could feel how nervous you are on every pores of your skin.” May inis sa tinig na sabi ng lalaki bago binuksan ang pinto, sandali pa siyang namangha nang wala man lang itong ginamit na susi o kahit na ano maliban sa hinlalaki. Nag mukha tuloy siyang taong mula na napunta sa syudad. “Are you just gonna stand there?” Pukaw sa kanya ng masungit na lalaki, wala namang imik na nag madali na lamang sa pag pasok si Izzy kahit pa halos matumba-tumba siya dahil sa panginginig ng tuhod. “Sit over there, and wait for me.” Utos nito sa malamig na tinig bago nag lakad papasok sa isang pinto, tila naman isang pipi na tumango na lamang si Izzy bago sumunod, samantalang ang mga mata niya naman ay hindi halos matigil sa pag ikot sa pag tingin sa malaking bahay ng lalaki. ‘Gaano nga kaya kayaman ang taong ito?’ Tahimik na tanong niya nanaman sa sarili saka muling pasimpleng pinaikot ang mga mata sa kabahayan. “Magandang gabi po ma’am, gusto niyo po ba ng maiinom?” Mabilis na napa ayos ng upo si Izzy nang marinig ang tinig ng babae, naka suot ito ng unipormeng pang katulong at tila ilang taon lamang rin ang tanda sa kanya, ganoon pa man ay tila mas nag mukha pa rin itong tao kumpara sa kanya. “T-tubig lang po, maraming salamat.” “Ayaw niyo ho ba ng juice o kaya ay kape?” Naka ngiting tanong ng babae, nahihiya naman siyang umiling bilang sagot, iyon lamang at iniwan na rin siya nito. Wala pang limang minuto ay bumalik rin ito agad dala ang hiling niyang tubig, agad niyang tinangap iyon at nag pasalamat, dahil sa panunuyo ng lalamunan dahil na rin marahil sa matinding kaba ay inisang lagok niya lamang iyon, maubo-ubo pa siya nang mabilaukan nang bigla na lamang sumulpot sa harap niya si Seth Santiago, nakapag palit na ito ng isang fitted na kulay puting sando at itim na jogging pants. ‘S***a, ang matso... tao pa ba ang isang ito?’ Namamanghang bulong niya sa sarili, hindi niya alam kung ilang beses siyang napalunok nang sariling laway, kakaubos lang ng tubig sa hawak niyang baso ngunit tila nauuhaw siya ulit. “Stop staring at me.” Walang reaksyong saway nito sa kanya dahilan upang agad siyang mapa bawi ng tingin. “P-po? P-pasensya na po, h-hindi ko naman po kayo tinititigan eh.” “Also drop the ‘po’, I know I am way older than you but there is no need for you to make me feel old, you are 22 and I am 35, not a huge difference isn’t?” Mahabang litanya nito saka naupo sa pang isahang sofa sa tapat niya. Sandaling katahimikan, mayamaya pa ay bahagyang naningkit ang kanyang mga mata nang mapag tanto ang sinabi nito. “P-paano niyo nalaman ang edad ko?” Puno ng pag tataka niyang tanong, pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang puso sa kaba nang makitang ngumisi ang lalaki. “Lucky guess...” Sagot nito sa isang malamig na tinig. “Yet we are not here to talk about how old or how young we both are, state your business, Isabel Vergara.” Deretsahang tanong nito, kung kanina ay sasabog ang kanyang puso sa kaba ngayon naman pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga. Ilang sandali rin ang ginugol niya sa pag iisip kung paano niya nga bang sasabihin sa masungit na nilalang sa harap niya na kailangan niya ng pera para sa operasyon ng kanyang ina. Marahas niyang nahigit ang pag hinga kasabay saka mariing napapikit, sa kanyang pag mulat ay ang mapanuri at ang malamig na tingin ng lalaki ang bumungad sa kanya. “A-alam kong hindi tayo magkakilala sir, ako lang ang babaeng ta-tatanga-tangang nabanga niyo sa kalsada kanina, p-pero g-gusto ko ho sanang humingi ng malaking tulong sa inyo para sa nanay kong nasa ospit-“ “How much, Isabel?” Putol nito sa sasabihin niya, naroon pa rin ang mapanuring tingin nito na buong-tapang niyang sinalubong. Para kay nanay... Paalala niya sa sarili. “M-malaking pera ho ang kailangan ng nanay ko para sa operasyon, h-hindi ko ho p-puwedeng hingin bilang tulong lahat iyo-“ “How much does your mother need, Isabel.” Mariin niyang nakagat ang pag ibabang labi nang muli nanamang putulin ng lalaki ang sasabihin niya. Nahigit ni Izzy ang kanyang pag hinga saka pabulong na nag salita. “I-isa’t kalahating m-milyon ho, s-sir.” Lakas-loob niyang sabi, nanatili namang tahimik ang lalake, tila siya isang naka bukas na libro na pinagaaralan nito, pilit ring binasa ni Izzy ang reaksyon ng kausap ngunit wala siyang nabasang kahit na ano maliban sa pagiging misteryoso nito. “Money is not a problem with me, Isabel. I could earn that amount in just a few weeks maybe a month, I am not concerned about the money, in fact I can take care of all medical expenses that your mother needs... however...” Seryosong sabi nito, hindi na halos huminga si Izzy sa labis na kaba sa pag hihintay sa kasunod nitong sasabihin, at kung maari lamang niyangiuntog ang sariling ulo sa marmol na sahig ay ginawa niya na matapos marinig ang kasunod ng sinabi nito. “What can you do to pay me back, Isabel Vergara?” “K-Kahit ano s-sir Seth, k-kahit ano gagawin ko kapalit ng tulong niyo para sa nanay ko.” Puno ng kaseryosohan at matapang niyang sagot, mas lalo namang tumalim ang titig nito sa kanya kasabay ng tanong na hindi niya inaasahan. “Anything huh? Then that basically mean you will do anything I want you to do...” Seryong tanong nito habang hindi pa rin inaalis ang malagkit at matalim nitong titig sa kanya. Mabilis namang tumango si Izzy bilang sagot. “Hm, I don’t have anything in mind, Isabel Vergara, so let me ask you instead, what can you give a man who already has everything?” Muli pang napalunok si Izzy bago sinalubongang tila puno ng panganib nitong mga tingin. “I-Isang gabi, Seth Santiago... Isang gabi sa piling niyo, wala akong ibang maibibigay kung hindi ang sarili ko, desperada man kung pakingan pero katulad ng sinabi ko kahit ano gagawin ko para sa nanay ko...” Buong tapang niyang sabi kahit pa siya mismo ay hindi rin sigurado. “M-maari mo akong angkinin ng isang buong gabi, tulungan mo lamang ang nanay ko.”Sa may dalampasigan, kasalukuyang naka tayo si Izzy habang tinatanaw ang payapa at kulay asul na dagat.Rinig niya ang masayang tawanan ng mahahalagang tao sa paligid niya, sumasabay iyon sa pag hampas ng maliliit na alon sa kanyang mga paa.Mayamaya pa ay agad na agaw ang kanyang pansin ng isang tinig na tila musika sa kanyang pandinig, maliit iyon at matinis.Boses ng kanyang anghel... Agad siyang napa ngiti nang makita ang maliliit nitong mga hakbang habang patakbong lumalapit sa kanya, bitbit may kalakihang plastic bag."Mommy! Mommy!"Bakas ang tuwa sa tinig na tawag nito habang tuloy pa rin sa pag takbo, ngiting-ngiti naman ang tatay nito habang naka sunod."Careful, Sofia..."Saway niya saka agad itong kinarga nang tuluyan itong makalapit."Mommy look, I've got Ice Cream for everyone."Labas ang maliliit na ngiping sabi nito sabay excited na inangat ang hawak nitong supot ng Ice Cream."Binili ni daddy ba 'yan? Meron din ba ako?"Tanong niya dito saka kunwaring napanguso nang
Kasalukuyang nag papatuyo ng buhok si Izzy sa harap ng malaking salamin sa kwarto nila ni Seth nang lapitan siya nito. Agad pa siyang napangiti nang yakapin siya nito ng mahigpit sa baywang mula sa likod. Pasado alas sais pa lamang ng gabi at halos kaka uwi lamang din nila galing sa pag bisita nila kay Shania. "You smell good." Naka ngising sabi nito habang bahagya siyang hinahalikan sa leeg, napa ngiti naman si Izzy saka napakagat ng labi bago ito alanganing tinitigan. Kanina pa kasi niya gustong mag tanong kay Seth, tungkol sa napag usapan nito at ni Shania kanina. Kaya lang ay hindi niya na nagawa sa sasakyan kanina dahil nakatulog siya sa biyahe pauwi. "What's wrong?" Tanong nito nang tila mapansin ang pag titig niya. Mabilis naman siyang napa iling saka ngumiti bago lakas-loob na nag salita. "Ma-may gusto akong itanong sa'yo." Halos pabulong niyang sabi, nakita niya pa ang bahagyang pag buka ng bibig ni Seth saka ngumiti. Mukha namang hindi na niya kailanga
Pigil ang pag hinga ni Izzy habang naka titig sa mataas at malaking gate ng isang kulungan.Hindi niya na rin malaman kung ilang minuto nang naka hinto ang itim na sasakyang minamaneho ni Robert sa tapat niyon, at lalong hindi niya na rin mabilang kung ilang beses niya nang pinag isipan kung tama ba ang napag pasyahan niyang gawin.Isama pang pakiramdam niya ay tila siya napi-pressure sa bigat ng pag titig sa kanya ni Seth na ngayon ay naka upo sa tabi niya."Are you sure this is what you want to do?"Bakas ang pag aalala sa mukhang tanong nito, may pag aalangan naman siyang napa tango saka bahagyang ngumiti."Sa totoo lang? Hindi talaga... Pero ano nga ba ang dapat, Seth? I know in my heart that this is the right thing to do... It's been a year, siguro naman sapat nang panahon ang ibinigay natin sa kanya para kahit paano ay mapag isipan niya rin ang bigat ng kasalanang nagawa niya sa atin, sa akin..."Mahabang litanya ni Izzy saka muling nag pilit ng ngiti. Alanganin naman siyang ngi
Matamis na napa ngiti si Izzy matapos mailagay sa tupperwear ang inilutong Calderetang manok, may pag mamadali pa niyang inayos iyon sa isang paper bag saka excited na ipinatong sa kitchen counter.Sandali niya pang inayos ang sarili saka tinawag na si Robert na siyang driver na pinag bilinan ni Seth."Alis na po tayo, manong Robert."Malaki ang ngiting sabi niya bago kinuha ang dalawang paper bag, ang isa ay may lamang pagkain habang ang isang mas maliit naman ay ang surpresang regalo niya para sa kanyang fiance.Mabilis namang kumilos si Robert upang ihanda ang sasakyan.Sa kompanyang pag aari ni Seth siya agad nagpa hatid. Kulang na lamang ay mapunit ang kanyang pisngi sa laki ng kanyang ngiti lalo at pag pasok na pag pasok niya pa lamang sa loob ay agad na siyang binati ng mga guards na bantay doon maging ang kanyang mga katrabaho."Andiyan ba si Seth?"Nakangiting agad niyang tanong kay Mark, ang secretary ni Seth. Agad naman itong napa ngiti nang makita siya saka tumango."Nasa
"Shania? You're the one behind all these?" Bakas sa tinig ang gulat na sabi ni Margaux habang titig na titig kay Shania, agad pang nakaramadam ng inis si Izzy nang makita ang pag silay ng isang matamis na ngisi sa labi nito na halatang nag iinis pa. "Don't act surprise now, Margaux, para namang hindi mo ako kilala. You know what I'm capable of. Actually hindi naman talaga kayo dapat kasama dito eh, kung hindi lang masyadong tatanga-tanga ang mga tao ko. Pinasok nila ang Ice Cream Shop at doon nag hintay sa babaeng 'to. Bakit ba kasi sumama pa kayong dalawa? And you!" Sabi nito saka siya sinamaan ng tingin sabay duro sa kanya. Mabilis naman siyang napa atras nang bahagyang umabante ang mga kasama nitong kalalakihan, sa itsura pa lang ng mga ito ay halatang hindi na ito gagawa ng maganda. Isama pang sa itsura ng mga ito ay halatang handa nitong gawin lahat ano man ang sabihin ni Shania. "Hindi ka talaga nadala sa mga pananakot na ginawa ko sa'yo. Nakuha mo pang lumipat sa bah
"Izzy... Izzy wake up..."Pilit nag mulat ng mata si Izzy nang marinig ang mahina at halos pabulong na boses ng pamilyar na tinig na iyon. Nanlalabo ang mga matang pilit niyang inaninag ang may ari ng boses saka bahagyang napa ngiwi nang maramdaman ang kirot mula sa likod ng kanyang ulo.Ano ba ang nangyari?Nag tataka niyang tanong sa sarili, mayamaya pa ay agad na binalot ng kaba ang kanyang dibdib nang malala ang nangyari sa Ice Cream shop kanina. Pilit niyang ikinilos ang mga kamay at paa ngunit lalo lamang siyang nakaramdam ng matinding takot nang mapagtantong naka gapos iyon."Izzy... Are you awake?"Muling pabulong na tawag sa kanya ng babae sa harap niya, mariin pa siyang napamura nang makilala iyon."Margaux?""Si Jane... I can't wake her up... Kanina ko pa siyang tinatawag pero I don't think she can hear me... Oh my God... I don't know what the hell is going on, where are we?"Bakas ang takot sa tinig na sabi ni Margaux, isama pang nanlalaki ang mga mata nito, madilim man an