Share

111.

May pag aalala na nakatunghay sina Adius at Aimee sa mommy nila habang nakahiga ito. Wala pa rin itong malay magmula ng manggaling sila sa meeting na dinaluhan ng kanilang ama.

“Daddy, relax ka lang okay. Hindi po masungit si mommy.” Humahagikhik na wika ni Aimee. Napansin ng paslit na kanina pa paroon at parito si Kairo, bakas ang kaba sa mukha nito ngayon.

Maging si Adius ay napangiti sa tinuran ng kanyang kakambal. Ngayon lang niya nakita na kabado ang daddy niya. Wala ang bakas ng katapangan nito na madalas niyang makita noon. Tila isang kabadong bata ang daddy nila ngayon.

“Dad, tama si Aimee. Hindi po masungit si mommy. She is the best mom in the world. She is kind just like Aimee.” Napatunayan iyon ni Adius sa maikling panahon na nakasama niya ito. Mahinahon ang mommy nila, hindi ito katulad ng tita Apol niya na maingay at madaldal at masakit sa tenga ang bunganga.

May pilyong ngiti na bumaling si Adius sa kapatid, naalala nito ang binilin ni Bene sa kanila. Tila nakakaintindi
SEENMORE

♥️

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mush keh la
ay nku alena salamat sa update po more update pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status