Salamat po sa suporta niyo! Salamat din sa patuloy na nagbibigay ng GEMS at RATE! Thank you!
[Alena] “Isa akong disgrasyadang babae… wala nang magmamahal sa akin dahil isa akong dalagang ina.” Iyon ang tinatak niya dati sa utak niya. Walang araw, oras, minuto na hindi siya nasasaktan at nalulungkot sa sinapit niya. Para sa katulad niyang walang-wala, isang kahihiyan ang nangyari sa kanya. Hindi niya alam kung paano mabuhuhay sa mga susunod na araw at kaharapin ang mga nangungutyang tingin sa kanya. Natakot siya na hindi makakatagpo ng lalaking mamahalin siya… ang nasa isip niya noon ay hindi na siya magiging masaya. Pero mali siya. “Yes, I do, father…” sagot niya sa pari matapos siyang tanungin. Nang i-angat ni Kairo ang belo niya ay agad na nangilid ang luha niya. Akala niya hindi na siya magiging masaya… pero mali siya. Binigay ng Diyos si Kairo sa kanya… binigay ng Diyos ang mga anak niya. “Mahal na mahal kita, Alena.” Madamdamin na saad ni Kairo bago siya hinalikan ng magaan sa labi. Hindi niya magawang magsalita, sobrang emosyonal niya ngayong araw ng ka
Lilinawin ko lang po. Ang story na ito ay kwento na nang kapatid ni Apol at Charlotte na si Johnson, si Charlotte po ang partner niya dito hehe. Enjoy reading po! *******¥ “KAILAN mo balak magtrabaho sa kumpanya, Charlotte? Hindi ka na bumabata, ang Ate Cherry mo malapit ng ikasal, ikaw kailan mo balak magpakasal?” Tanong ng ama ni Charlotte. Biglang nawalan siya ng gana sa pagkain, binaba. “Aalis na po ako, dad—“ “Umupo ka muna, Charlotte, kinakausap pa kita! Bakit ba palagi mo nalang iniiwasan ang tanong ko? Bente otso ka na! Ang gusto ko ay lumagay ka sa tahimik. Umalis ka na sa pagiging pulis dahil hindi bagay ang propesyon na iyan para sa babaeng katulad mo!” Galit na hayag ng daddy niya. Napabuga nalang siya ng hangin. Maging ang mommy niya ay sumang ayon rin sa daddy niya. Wala talaga siyang kakampe. “Tama ang daddy mo, anak. Bakit hindi nalang modeling? Pag aartista? Bakit pulis pa ang napili mong trabaho?” Tanong pa ng mommy niya. Heto na naman sila sa ganitong
[Charlotte] Pawis na pawis silang sumilong nila Ivy sa gillid ng isang tindahan dito sa Quiapo, katatapos lang nila magronda, pawis na pawis sila dahil inikot nila ang buong area para siguraduhin na walang kaguluhan, kahapon kasi ay may gulo rito. Mabuti nalang ngayon ay wala na. “Kumain na kaya tayo, baka mamaya pa dumating sila Sir, nagugutom na ako.” Reklamo ni Ivy habang himas ang tiyan. Sabay-sabay kasi sila palagi kumain, bilang team ay nakasanayan na nila iyon. “Mamaya na, magpaalam muna tayo kay Sir baka mamaya magalit na naman iyon sa atin ‘yon at isipin na wala na naman tayong ginawa, lagi pa naman tamang hinala ‘yon. Saka pwede ba, anong gutom? Eh kakakain mo lang kanina ng mami di’yan sa kanto. Kaya ka lalong lumalaki, wala kang kabusugan.” Puna niya na ikinasimangot nito. Agad na napaayos sila ng tayo ng dumaan ang patrol car na sinasakyan ng Division A, sina SPO4 Loisa Pelaez, kasama nito ang mga kagrupo. Hinintuan sila nito ng sasakyan ng makita sila. Agad na s
“Pulis na takot humawak ng baril, isang kalokohan!” Isa iyan sa salitang madalas marinig ni Charlotte. Nakakalungkot, pero iyon ang totoo. Kahit nga siya ay natatawa mismo sa sarili niya. After ng kasal ng kapatid ni Johnson na si Ate Alena ay hindi na bumalik sa normal ang lahat sa kanya. Simula ng makita niya si Johnson ng araw na iyon, na mayro’ng malamig na tingin, naging balisa na siya at hindi nakapag-focus sa trabaho. Tumatagos sa pagkatao niya ang malamig na tingin ng binata, wala siyang nakitang rekognasyon sa magandang mata nito habang nakatingin sa kanya… na para bang nakalimutan siya nito, ang tingin nito sa kanya ay walang dating, walang pagmamahal at walang pagkagulat o anupaman. Blanko at madilim… gano’n siya nito tiningnan. At dumurog iyon ng husto sa kanyang dibdib, ang sakit, tagos at sagad sa buto. Sobra siyang nagsisisi sa ginawa niya noong kasalanan. Kaya naiintindihan niya kung bakit gano’n ito sa kanya. Hindi maalis si Johnson sa isip niya noon. Wala si
“SPO3 Helgeeeerrrr!!!!” Umalingawngaw ang malakas na tinig ni Ivy sa kanilang departamento, natingnan tuloy ito ng masama ni Sir Landri na kasunod lang nito. “Sorry, Sir, na-excite lang.” hingi nito ng paumanhin. “Kung makasigaw ka naman parang may assignment tayo na natanggap, t-teka, hindi nga?!” Napatayo si Fredo ng nakangiting tumango si Ivy. “Hindi ka nagbibiro?!” “Sir, totoo po ba?” Kanyang tanong, maski siya hindi makapaniwala. Napailing nalang si Sir Landri, kahit ito halatang natutuwa. “Tama ang narinig ninyo, officers. Ikaw talaga, Gerud, masyado kang matabil, inunahan mo pa akong magbalita sa kanila.” “Sorry naman, Sir, hindi ko mapigilan ang sarili ko. After 5 years kasi ngayon lang tayo nagkaro’n ng magandang assignments bukod sa pagpapatrol.” Tama si Ivy, kaya nga kahit siya ay hindi maiwasan ang masabik. “Sir, ano po ang assignment na gagawin ng Division natin?” Tanong niya pagkatapos nilang maupo sa kani-kanilang upuan. “Magbabantay tayo ng isang kilalang
Hindi sila sa headquarter pumunta, kundi sa address na sinabi ni Sir Landri sa kanila. Napanganga sina Ivy at Fredo sa napakalaking mansion na hinintuan nila, maliban sa kanya. Mayaman ang pamilya nila kaya sanay na siyang makakita ng ganito kalaking bahay, hindi na bago ito sa kanya. “Wow, anak ng… ganito kayaman ang babantayan natin? Kaya naman pala kayang magpasahod ng malaki dahil ubod talaga ng yaman!” Palatak ni Fredo. Napapitlag sila sa gulat ng biglang may dumating na magkakasunod na sasakyan. Nagulat silang tatlo ng bumaba ang iba’t ibang division team sa mga sasakyan, sa pangunguna ni Loisa. “Bakit nandito sila? Akala ko ba tayo na ang gagaw ang mission na ito?” Bulong na tanong ni Ivy. Hindi siya nakasagot, agad na napako ang mata niya sa mapang uyam ni Loisa sa labi para sa kanila. “Narito pala ang mga losers. Mukhang nagulat kayong makita kami.” Tawang saad ni Loisa. “Alam namin na ayaw ninyo kaming katrabaho, gano’n din kami, pero wala kaming magawa dahil nag ut
Nanlaki ang mata ni Charlotte kaya naman napaangat siya ng tingin, saka niya napansin na nakatingin sa kanya ang lahat, ang mga kababaihang pulis ay nasa mukha ang inggit at inis, kabilang si Loisa na natameme na sa tabi. “Helger,” siniko siya ni Ivy. “Pinili ka daw, ang swerte mo… inay kupo, kahit habang buhay ko pang bantayan iyan ay gusto ko, kaso ikaw ang pinili niya.” Parang huminto sa pag-ikot at paggalaw sa paligid niya habang magkatitigan silang dalawa. Ganito ba ang nararamdaman noon ni Johnson sa kanya sa tuwing nakikita siya? Ganito pala ang epekto niya noon sa binata na binalewala niya… “Gusto ko ang pulis na kagaya niya… walang pakialam sa damdamin ng iba, mas madaling makatrabaho ang gano’ng klase ng tao… Tama ba ako, Miss Helger?” Napalunok siya. Nagsimulang manubig ang kanyang mata. No, wag kang iiyak, Charlotte. Be professional, nasa trabaho ka ngayon. “Y-Yes, Sir. W-Wag kayong mag alala dahil gagawin ko ng maayos ang trabaho ko. H-hindi ko ipapahiya
FLASHBACK: 10 years ago. “Charlotte, I love you!!!” Umalingawngaw ang malakas na boses ni Johnson sa paligid, kaya hiyang-hiya na tumakbo ang dalaga para iwasan ito. “Charlotte, naman. Tumatakbo ka na naman, wala naman akong sakit na nakakahawa ah.” “Pwede ba, Johnson, tigilan mo na ang pagsunod sa akin. My god, nakakahiya ka! Saka hindi kita boyfriend kaya tigilan mo na ako! Hindi kita gusto, yuuuccckkk!!!” Nagawa pang ngumiti ni Johnson kaysa masaktan, ang kapal talaga ng mukha! Isip-isip ni Charlotte. “Charlotte, wait!” Tawag ng binata rito pero hindi ito lumingon. “Ang sungit talaga ng mahal ko. Kaya lalo akong naiinlove sayo!” Pagdating ni Johnson sa bahay ay agad na pingot ang sumalubong sa kanya. “A-Aray ko, Tita Erza!!!!” “Ikaw na bata ka, ano itong naririnig ko na hinaharass mo daw si Charlotte?! Aba, Johnson, hindi magandang ugali iyan, mahal mo man o hindi, pambabastos pa rin iyan!” “Tita, mahal ko si Charlotte, okay. Papakasalan ko siya at aanakan ng marami—