Share

18.

[Apol]

“Po? Bakit kailangan na kasama pa ako, Miss Carol? Ayoko ko pong sumama, please… Tulungan niyo naman po ako na magsabi kay Mr. X.” Kulang nalang ay lumuhod siya para magmakaawa sa matanda.

Isasama daw siya ni Mr. X sa assembly ng mga Mafia Boss! Sinong hindi matatakot? Kay Mr. X pa nga lang parang mamamatay na siya sa takot, tapos may ibang Mafia Boss pa siyang makakaharap? Parang sobra naman yata ‘yon.

“Mrs. Helger, mahalagang pagtitipon ‘yon. Hindi ka pwedeng mawala ro’n dahil ikaw ang kabiyak niya. Basta tandaan mo ang itinuro sa’yo nila Miss Leni. Wag mo siyang bibigyan ng kahihiyan kung ayaw mong malintikan sa kanya.” May himig pananakot pa nitong saad.

Napalunok siya at mas lalong pinagpawisan. Akala niya tuloy-tuloy na ang pagiging tahimik ng buhay niya dahil dalawang linggo nang hindi bumabalik si Mr. X mula sa ibang bansa.

Pero hindi pala.

Sa pagbalik nito ay agad pa siyang isasama sa nakakatakot na pagtitipon na ‘yon.

“Miss Carol, para saan ba ang assembly na nila?”
SEENMORE

Trapped series#4. (Red and Yuri story) is on-going♥️

| Sukai
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (5)
goodnovel comment avatar
shiela
apol sigurado kkainin mo sinabi mo mamahalin mo si mr.x hehehe thanks miss a!!!
goodnovel comment avatar
shiela
ganda miss a!
goodnovel comment avatar
Elleboj
thanks miss a!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status