LIKE 👍
“H-hindi naman siguro niya ako mamumukhaan di’ba?” Naalala ko kung paano ko siya noon binato ng itlog at pinakyuhan. Paano kung mamukhaan niya ako? T-tapos gumanti siya? Mukha pa naman itong nakakatakot. Pero bata pa ako no’n at walang muwang. “Miss!” Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng tawagin ako ng babaeng kausap nito. N-namukhaan nila ako? Naku wag naman sana. “Ang mga supot na dala mo! Tinangay ng aso!” Saka lang ako natauhan ng makita ang supot ng pinamili ko na tangay ng asong gala. “Bwisit kang aso ka! Ibalik mo ‘yan ‘ulam ko ‘yan!” Nakipaghabulan ako sa aso. Pero dahilan ko lang ‘yon para makalayo ako sa kanila. Hinihingal na huminto ako sa pagtakbo a nilingon sila. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko na sila natanaw sa labas ng bahay namin. Wala naman akong dapat ikatakot, bata pa naman ako noon at saka matagal na ‘yon. Pero narinig ko kasi ang sinabi ng babae kanina. Mukhang hindi maka-move ang lalaking ‘yon. Grabe naman magtanim ng galit ang isang ‘yo
(Saddie pov) Pagkatapos kong mamili ay naglibot muna ako. Mamayang pa naman nila idedeliver ang mga appliances na binili ko sa bahay. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko ang grupo nila Aling Marites. Naku naman! Bakit nandito sila? Patakbo na sana ako ng makita ako ng mga 'to. "Sabi na nga ba at ikaw yan!" Napangiwi ako ng tig-isang hawakan ng dalawang matanda ang braso ko. Mukhang wala na akong takas sa kanila ngayon. Tuwang-tuwa ang matatanda dahil para daw akong artista na pinagtitinginan ng mga tao sa paligid. "Wala ka bang balak mag artista? Aba kay ganda-ganda mong bata, Miss!" "Wala po. Tawagin niyo nalang pong Saddie." Miss kasi sila ng Miss sa akin. "Mukhang may lakad po kayo ngayon. Mauuna na po ako sa inyo— "Naku wala naman. Manonood lang kami ng sine. Tara, sumama ka sa amin. Wag kang mag alala dahil libre ka namin," "Wag na ho, nakakahiya naman. Saka may bibilhin pa ho kasi ako—" Wala siyang nagawa ng hilahin siya ng mga 'to. Hindi ako makapagfocu
‘Sa kaba lang siguro ‘to.’ Tama, sa kaba lang ‘to sigurado ako. Bakit kasi panay ang tingin nito sa akin? Sabihin na natin na may kasalanan ako. Tama ba na manakot siya sa pamamagitan ng tingin? O baka hindi nito alam ang epekto ng titig nito? Tumingin ako sa kamay nito na nakapatong sa hita. Ang laki at maugat. Magaling nga kaya ito humawak ng bola? Ayon sa mga narinig ko ay palagi daw itong MVP. So, magaling nga siya? Tumingin ako sa kamay ko. Napakaputi ko tapos ang liit pa. Mukhang isang suntok lang ako dito pagnagkataon. ‘Lord, wag naman sanang magtanim ng galit ang lalaking ‘to. Hindi makatarungan na magtanim siya ng galit sa bata. Di’ba po?’ Piping dasal ko. Sobra ang pasasalamat ko ng huminto na ang L3 sa harap ng bakery nila. Kulang nalang ay takbuhin ko ang daan palabas makalayo lang sa presensya ni Morgan. Nag unahan sa pagbaba sila Aling Marites habang naghahalakhakan, naghampasan pa ang mga ‘to. Pakiramdam ko ay umabot ng siyam-siyam bago sila makababa.
Kanina pa ako palakas-lakad habang iniisip ang sinabi ni Morgan bago umalis. Bayaran ko daw ang tsinelas nito na sinira ko. Tiningnan ko ang cellphone ko. Kanina ko pa pinag iisipan kung tatawagan ko ba ang nobyo ko para humingi ng payo. Wala naman talaga akong nasira. Hindi ko alam kung paano ito nasira, eh no'ng tingnan ko ang tsinelas nito ay ayos pa 'yon. Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Hindi ko alam kung itutuloy ko bang tawagan si Navy o hindi. Kapag tinawagan ko kasi ito ay malalaman nito na wala na ako sa dorm. Paano ko ipapaliwag sa kanya na wala na akong trabaho? Sigurado na pagmumulan ng away namin 'to. Malaki-laki pa naman ang pera ko sa banko. Pero kung babayaran ko siya ng buo, malaki na naman ang malalagas sa pera ko. Malakas na tumunog ang tiyan ko. Alas diyes ng gabi na pero hindi pa ako kumakain. Nawalan ako ng gana. Napatingin ako sa kare-kare na nasa food container. Parang gusto ko tuloy isisi dito ang kamalasan ko ngayong gabi. Naningkit ang mata ko
Inis na nilapag ko sa harapan ni Morgan ang pancake na niluto ko. Ang sabi nila, wag hayaan na masira ang umaga para maging maganda anh buong araw mo—pero mukhang hindi na gaganda ang umaga ko dahil sirang-sira na ito ng lalaking ‘to. Wala itong modo, nakakainis! Mabuti nalang at may chocolate syrup at fresh milk ako na binili. Pero ang lintik, powdered milk pa ang gusto! Mabuti nalang at may tira pa akong bear brand swakto pa ako na tira galing sa dorm ko. Naku, subukan lang nito na magreklamo, papaliguan ko talaga siya ng mainit na tubig sa ulo. Pinaningkitan ko ito ng mata habang kumakain. Sarap na sarap ang hudyo. Ang alam ko sa mga lalaki ay matapang na kape ang gusto sa umaga, pero ang lalaking ito ay gatas. Kaya siguro lumaki ito na parang kapre dahil rito. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Naubos nito ang lahat ng niluto kong pancake, parang nakulangan pa nga. Pagkaubos ko sa almusal ko ay nahuli ko itong nakatingin sa akin. Mukhang hindi din makapaniwala
(Saddie pov) Umakyat ang dugo sa ulo ko sa magkahalong hiya, kaba at takot. Natatandaan kong sinara ko ang pinto sa maindoor at dito sa Mini Studio ko. Kaya paano ito nakapasok? “A-anong ginagawa mo dito?!” Naka-seamless wireless push up bra at cycling shorts lang ako kaya kitang-kita ang kurba ng katawan ko. Pasimple kong tinakip ang ang dalawang braso sa dibdib ko. Ang idea na panoorin ako ng isang lalaki habang sumasayaw ng seductive music ng mag isa na may ganito katiim na tingin ay nagdudulot ng matinding pagkailang sa akin. Sanay ako na ganito ang suot ko dahil sa uri ng trabaho ko pero kapag siya ang nasa harapan ko, iyon ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi ay tumatagos ang kanyang paningin sa buong pagkatao ko. “With due respect, Sir, hindi ka pwedeng basta nalang pumasok sa bahay ng hindi nagpapaalam!” Umalis ito ng pagkakasandal sa pinto at tumuwid ng tayo. Sa magkahalong kaba at takot ko ay napaatras ako. Hindi ko naman siya lubusang kilala para magtiwala ako…
Akala ko ay madali siyang kasama sa bahay—pero hindi pala. Ang dami nitong request katulad ng, pancake lang ang gusto nitong almusal, o kaya naman ay slice bread, bawal ang kape, gatas lang ang iniinom nito. Sa tanghalin ay kailangan balance ang kinakain nito. May karne, gulay, isda at prutas, sa gabihan naman ay beef lang. “Kainis! Nangungupahan lang ang kailangan ko, hindi alaga!” Bulong ko habang nililinis ang banyo sa magiging kwarto niya. Daig ko pa ang asawa at nanay niya sa totoo lang. Sa umaga, tanghalian at gabihan ay aasikasuhin ko siya. Hindi yata matutuluyan ang kailangan nito kundi yaya! “Bwisit na damulag ‘yon! Ang laki-laki ng katawan pero hindi marunong magluto!” Pinahid ko ang pawis ko bago lumabas. Pagkatapos kong linisin ang banyo ay pinalitan ko ng bago ang bedsheet at mga punda, dinamay ko na din ang kurtina. Paglabas ko ay nasalubong ko siya na may dalang mga maleta. Nalukot ang mukha ko ng makita ang maraming kalalakihan na nakasunod sa kanya, may mga dal
Siyempre bukod sa SAKALIN ano pa gagawin sa akin ng lalaking ‘yon?! Wala ako sa mood buong araw. Mabuti nalang at hindi ito nagpaturo ngayon. Hindi din ito bumaba. Mukhang malala ang problema ng siraulong ‘yon dahil hindi ito kumain at nagpalipas ng gutom. Kinabukasan ay ang nagluto pa rin ako ng pancake para sa kanya. Para kung maisipan nito bumaba ay may makakain pa rin siya. Pero hindi pa ako tapos magluto ay bumaba ito kaya nagulat ako. Hindi ko alam kung good mood ito o hindi dahil wala naman bago sa ekspresyon nito. Ganito ba kapag tumatanda na? Nawawalan na nang dahilan para sumaya? Mayaman naman ‘to at mukhang bata pa, mga nasa trenta yata ang edad nito. Pero kung umasta ay daig pa ang sinalo ang lahat ng problema sa mundo. Mabait daw na bata ito sabi ni Ma’am Kiray. Napangiwi ako. Kapag naaalala ko ang ginawa nito sa akin kahapon ng umaga ay duda ako. Tumikhim ako at maingat na nilapag ang plato sa harap nito. Ang syrup, bagong timpla na gatas at isang basong tubig
“Sir, hinahanap ka ni ma’am. Nandito kami ngayon sa office niyo.” Napahinto siya sa paglapit ng marinig ang isang bodyguard na nagsusumbong sa asawa niya. Agad siyang nagtago sa gilid at nakinig sa sinasabi nito. Hindi niya naririnig ang boses ni Morgan pero alam niya may inuutos ito. “Sige, Sir… sasabihin ko nalang na pauwi na kayo. Oo, sir… binigay ko na kay Jerome, dadalhin daw niya diyan mamaya sa inyo.” Pinadala kay Jerome? Ibig sabihin pupunta ito kung nasaan ang asawa niya? Hindi siya tumuloy sa paglapit rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nang makitang hindi nakatingin sa kanya ang mga bantay niya ay nagmamadali siyang tumakbo para tumakas. Dumaan siya sa exit door pababa ng hagdan, kung mag eelevator kasi siya ay madali siyang mahahanap. Alam niya kung nasaan si Jerome, palagi itong nasa office ni daddy Laxus. Kailangan niya itong masundan. Pagkalabas ng gusali at sumakay agad siya ng taxi. “Manong, ihinto niyo.” Utos niya sa driver ng makarating sa isa pang
“Masakit ang mawalan ng anak, pero kailangan mong kayanin.” Hindi siya kumibo. “Anak…” “U-umalis na kayo.” Malamig niyang taboy sa mga ito. “H-hindi niyo alam ang nararamdaman ko dahil tinaboy niyp naman ako noon.” Natigilan ang mga ito sa sinabi niya. Tumingin siya ng puno ng hinanakit sa papa niya. “Lalo ka na… wag mo akong damayan na parang alam mo ang sakit na nararamdaman ko. Wala ka naman pakialam sakin kaya wag kang magpanggap na nakikiramay ka. Alam ko naman na ito ang gusto mo, ang magdusa ako para makaganti ka. Wala ka naman talagang pake sa akin, papa… wala naman ibang mahalaga sayo kundi pera. Hindi niyo alam ang pakiramdam ng mawalan ng anak dahil para sa inyo wala naman akong halaga… k-kaya iniwan niyo akong dalawa.” “Saddie…” umiyak ang mama niya ng tabigin niya ang kamay nito at humiga talikod sa kama. “Anak, alam kong hindi ako naging mabuting ama. Naging makasarili ako, naging pabaya at masama ding asawa. Hindi ko nawala maibabalik ang lahat. P-P
Wala sa sarili na nakasandal si Morgan sa labas ng emergency room kung nasaan ang asawa. Masyado ng maraming dugo ang nawala dito. Sa doktor na mismo nanggaling na imposibleng masalba ang batang dinadala nito. “M-mumu, ang sakit…” Pumikit siya ng maalala ang mga daińg nito kanina… maging ang ginagawa dito ni Navy pagkarating nila… muntik na itong mawala sa kanya. Damn! Damn! Damn! Kung hindi siya naging kampante at nagpabaya ay hindi ito mangyayari sa kanyang mag ina. Kung noong una palang ay hindi na siya pumayag sa gusto ng asawa na alisin ang mga bodyguards nito ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Tama ang daddy niya—hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat na masunod ang mga asawa. Pagdating sa kaligtasan ng asawa, lalaki dapat ang masusunod. “M-mumu, ang anak natin… ang anak natin!” Dainġ nito bago panawan ng ulirat kanina. “I’m really sorry, Mr. King… pero wala na ang bata.” Alam niya na imposible ang dinadasal niya kanina. Pero umaasa pa rin siya na mabubuha
Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako nito pabalik. “TULONG! Parang awa niyo na ‘tulungan niyo ako!” Hinawakan ko ang kamay nitong nasa ulo ko para tanggalin ito. Pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nitong NASA ulo ko. “Wag ka ng umasa na may makakarinig sayo, Saddie! Walang ibang tao sa islang ito kundi tayo lang at mga tauhan ko! Mapapaos ka lang sa kakasigaw mo!” Alam ko… pero umaasa pa rin ako na may makakarinig sa pagmamakaawa ko. Hindi ako huminto sa pagsigaw kaya nainis ito at binilisan ang paghila sa buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdiin ng kuko nito sa anit ko. Napakasakit! Isabay pa na wala akong tsinelas kaya tumatama ang talampakan ko sa mga sirang shell sa buhangin kaya puro sugat ang paa ko. “Tama na, Navy! Maawa ka pakawalan mo ako! Bitiwan mo ako nasasaktan ako! M-maawa ka parang awa mo na! B-buntis ako maawa ka!” Pero imbes na maawa ay tinawanan lamang ako nito. “Maawa? Sana inisip mo ‘yan bago mo ako tinakasan! Kung may utak ka hindi
(Saddie pov) Sinanay ko muna ang mata ko sa daan. Ilang beses kong kinabisado ang daan bago ako naghanda sa pagtakas. Mahirap na dahil baka mabulilyaso ako kaya hinintay ko muna gumabi bago ako tumakas. “Wag kang mag alala dahil makakauwi rin tayo. Sa ngayon dito muna tayo para hindi tayo maabutan ng mga taong naghahabol sayo.” ‘Talaga? Ang sabihin mo lang gusto mo akong mapaniwala na may naghahabol sa akin! Pakana mo ang lahat!’ Ngumiti ako bago tumango rito kahit gusto kong basagin ito. Ang galing talaga magsinungaling ni Navy… sanay na sanay ito. “Salamat, Navy. Sige papasok na ako sa kwarto, nahihilo na naman kasi ako. Sana nga bukas makauwi na tayo. Ayoko na kasi dito… sigurado kasi ako na nag aalala na sila mama sa akin, saka ang asawa ko.” Panandaliang nawala ang ngiti nito. “Hayaan mo, sigurado na magkikita din kayo.” Ngumiti ito ng pilit. “Salamat.” Akmang papasok na ako ng pogilan nito ang braso ko. “Paano kung… kung patayin si Morgan ng mga humahabol sayo?
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala
“Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magbi
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morga