LIKE 👍
(Saddie pov) Tuwang-tuwa sila Mama habang binubuksan ang mga pasalubong ko galing ng Korea. Oo, sa Korea ako dinala ni Morgan. Akala ko nga ay saan lang kami papasyal, iyon pala ay sa ibang bansa pala niya ako ipapasyal. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin maalis ang tuwa at kilig ko sa effort na ginawa nito para mapasaya ako. Napangiti si Mama ng makita ang malaking ngiti sa labi ko. “Masaya ako na makita kang masaya, anak. Kampante na ako na makita kang masaya dahil nakatagpo ka ng lalaking mamahalin ka ng sobra.” Tama si Mama, ang swerte ko talaga. Naalala ko ang nangyari noong nakaraan. Akala ko ay binisita ako nila Papa para kamustahin. Ang saya ko noong araw na ‘yon. Iyon pala ay pinuntahan lang nila ako para utusan na pakiusapan si Morgan na bigyan sila ng pera. Nasaktan ako at nabura ang saya ko dahil mali pala ang inakala ko. Hindi ko naman maatim na sundin sila dahil kalabisan na ang gusto nila kaya tumanggi ako. “Wala kang silbi! Pera lang ay ipagdadamot mo pa sa amin!
“Nagpadala ako sa kayabangan ko at nagpasilaw sa malaking pera. Pasensyahan mo na kami ng Tita Letty mo.” Tumango si Tita Letty ngunit hindi nagsalita. “Sige aalis na kami. Pero bago ‘yon,” inabutan ako ni Papa ng invitation letter. “Malapit na ang birthday ni Stephanie, sana makapunta ka, anak. Sige aalis na kami.” Nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng marinig ang sinabi ni papa. Hinawakan ko ang kamay nito para pigilan at naiiyak na yumakap rito. “W-wala ‘yon, pa. Napatawad na po kita. A-ang mahalaga po ay humingi ka po ng tawad.” Lahat naman ay nagkakasala at nakakagawa ng kasalanan. Kung magkikimkim ako ay wala din mangyayari. Saka alam ko naman na mahal ako ni papa. Anak ako nito at hindi matitiis. Parang bata na humikbi ako ng pahirin ni papa ang luha ko. Nang mapatingin ako kay Tita Letty ay umirap ito at inismiran ako pero hindi ko ito binigyan ng pansin. Alam ko naman noon pa na hindi ako nito gusto. Ang mahalaga ang relasyon namin ni papa bilang mag ama. “Aasahan
(Saddie pov) Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay humiga na ako sa kama. Parang bata na sininghot ko ang unan ni Morgan. Hindi pa ito nagtatagal sa kanina pero miss na miss ko na ito. Hindi na ako sanay na wala ito sa tabi ko. Kinabukasan ay maaga ako gumising. Sanay ako na maaga gumising. Kung hindi pagjojogging ay pagsasayaw ang exercise ko bago kumain ng almudal. Pero ngayong umaga nagtataka ako kung bakit ang bigat ng katawan ko at parang kulang pa ako sa tulog. Maaga naman ako natulog kagabi. Nangalumbaba ako habang nakatingin sa gatas na tinimpla ko. Wala rin akong gana. Pagkacharge ng phone ko ay binuksan ko ‘to. Napangiti ako ng pagkabukas nito ay tumambad sa akin ang sunod-sunod na text ni Morgan. “Good morning, my love. I love you.” Kilit na kilig na humalik pa ako sa screen ng phone ko, para akong teenager na ngayon lang nakabasa ng text messages sa unang nobyo. Sana walang magbago sa amin ni Morgan. Manatili sana itong mahal na mahal ako sa paglipas ng marami
“Nasaan ang anak ko?” “Ho?” Gulat na gulat na react ko. “Pwede ba wag ka na mag maang-maangan! Nasaan ang anak ko?! Alam kong tinatago mo siya sa akin!” Naguluhan ako sa tanong at bintang nito. Pero naunawaan ko agad ang ibig nitong iparating. “Mawalang galang na ho. Pero matagal na ho kaming hiwalay ng anak niyo. Kung nawawala man ho siya ay labas na ako doon, wag niyo siyang hanapin sa akin.” Sumingasing ang ilong nito sa galit. Nawalan ito composure at galit na dinuro-duro ako. “Wag mo ako gawing tanga! Alam ko na binilog mo ang ulo ng anak ko para samahan ka at layasan ka! Siguro ay gumaganti ka sa amin kaya pinapili mo siya at iwan kami ng daddy niya! Ilabas mo ang anak ko, Saddie! Magkakagulo tayo kapag hindi mo nilabas ang anak ko!” Maang ko itong tiningnan. Walang puwang ang pagpapaliwanag dahil halatang sarado ang isip nito sa mga sasabihin ko dahil naniniwala ito na ako ang may kasalanan. Huminga ako ng malalim. Nakakakuha na kami ng atensyon sa mga kapitbahay
(Saddie pov) Inayos ko ang suot kong blue sleeveless dress habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Binigay pa ito ni Tita Letty sa akin para suotin ko sa birthday party ni Stephanie ngayong araw. Regalo daw ito bilang pagbawi sa kagaspangan na pinakitq nito sa akin. Saka ito rin unang beses na dadalo ako ng birthday ng anak nito kaya gusto nito na presentable ako at maganda. Nagtatakanga nga ako dahil bigla nalang itong bumait pero sinawalang bahala ko nalang ‘yon. Lahat naman kasi ng tao ay pwedeng magbago. Saka asawa ito ni papa, nararapat lang na matanggap ako nito bilang anak ni papa. Umikot ako sa tapat ng salamin. Maikli ito dahil above the knee lang ang haba ng dress. Mababa din ang neckline kaya kita ang cleavage ko. Three inches ang takong ko kaya humaba tingnan ang legs ko. Simple lang ang make up ko pero nangibabaw ang ganda ko, lalo na at malagatas ang makinis na balat ko. Napaisip tuloy ako. Mukhang agaw pansin ang suot ko. Hindi kaya nakakahiya kay Stephanie? B
(Saddie pov) Nang makapasok si Stephanie sa loob ay kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Morgan wt ipaalam rito na nakarating ako ng ligtas sa hotel para hindi ito mag alala. Pero hindi nakatatlong tawag na ako ay hindi ito sumasagot. Baka kasama nito si Lola Juliana at inaasikaso kaya nagtext nalang ako para mabasa nito. “Nandito na ako, Mumu. I love you!” Pagkatapos ko itong itext ay sumunod na ako kay Stephanie papasok sa hotel. Namangha ako sa sosyal at ganda ng buong lugar—engrande at halatang pinaghandaan talaga. Sigurado ako na malaki ang nagastos nila papa sa selebrasyon na ito. ‘Pero ang sabi ng mga ito ay wala na silang kapera-pera. Eh saan galing ang pinanggastos nila dito?’ Hindi naman sa nangingialam, at lalong hindi ako naiinggit. Pero nagtataka lang ako. Saan kukuha sila papa ng pera para sa ganito kaengrande na party? O baka naman nagsinungaling lang ito na walang natira sa 20M para makahiram ulit kay Morgan? Pinilig ko ang ulo ko at inalis ang iniisip ko
Humawak ako sa dibdib ko. Para itong sasabog sa inis. Mapapalagpas ko pa ang pang iinsulto nito sa akin. Pero ang palabasin na kabet si Mama at ako ay bastard, ibang usapan na ‘to. Nang marinig ko ang paglabas ng mga kaibigan ni Tita ay saka lamang ako lumabas. Hinanap ko si Tita Letty para sana komprontahin ito. Pero biglang sumulpot si Stephanie at malambing na yumakap sa akin. Halatang nakainom na ito dahil pulang-pula ang mukha nito at sumisinok at nabubulol na. “Saddie, shalamat ha!” Kumunot ang noo ko. Muntik na itong matumba kaya inalalayan ko itong maupo sandali. “B-bakit ang tagal mong nawala? N-narinig ko sila mama at papa kanina. D-dahil pala sayo kaya nagkaroon ako ng ganito ka-engrandeng party. Ikaw ha… nagsecret ka… hindi mo pa sinabi sa akin kanina. Thank you talaga, Saddie ha. Promise last na ‘to… hindi na ako uungot kila daddy ng engrandeng party ever! Sapat na sa akin ang isang beses! Napakasaya ko ngayon! Payakap nga!” Hindi ako nakaiwas ng yakapin ako ni
Napasinghap ako sa nakita ko. Katabi ko na sa kama si Navy at pareho kami walang saplot. Binalot ko ng kumot ang kahubaran ko at niyakap ang sarili ko. Nanginginig pa ako sa pagkabila habang bumababa ako ng kama kipkip ang kumot sa katawan ko. “H-hindi ‘to maaari! P-paano nangyari ‘to?” Halos masabunutan ko ang sarili ko at habang pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Pero kahit ano ang isip ko ay hindi ko natandaan na sumana ako kay Navy sa kwartong ito. Ang natatandaan ko ay umiinom kami ni Stephanie pero hindi pa naman ako gano’n kalasing. “Saddie.” Kinapa ni Navy ang kama. Nang hindi ako nito nakapa ay dumilat ito at hinanap ako. Nang makita ako nito ay nginitian ako nito na parang walang nangyari. “A-ano ang ibig sabihin nito, Navy? P-plano mo ba ‘to?!” Sigurado ako na hindi ako sumama dito kagabi kaya may hinala ako na plano niya ito. Saka hindi naman ako nagpakalasing kagabi. Oo uminom ako pero nilimitahan ko lang ang sarili ko. Bumuntong-hininga ito. “Saddie, naman
“WHAT THE HELL?!!!” Napaubos si Saddie ng salubungin sila ng makapal na usok habang pababa ng hagdan. Galit na galit tuloy ang asawa niya. Umalis si Morgan sandali, pagbalik nito ay may dala na itong panyo na basa na nakatapal sa ilong niya. “Here put this. Lumabas ka muna, ako na ang bahala sa mga bata.” Pigil ang galit na sabi nito. Hinawakan niya ito sa kamay. “Ako na… baka matakot lang sila.” Sumimangot ito sa sinabi niya. “Tsk. Kaya ang tigas ng ulo nila kasi kinukunsinti mo.” Lalong nasira ang mukha nito ng makita ang pagngiti niya. Naalala niya kasi si Tita Letty, ganitong-ganito ang sinasabi nito noon sa kanya. Imbes na lumabas dahil sa makapal na usok, lihim niyang sinundan ito. Tama nga ang hinala niya—kasama ng mga anak nila ang Tito Kirk ng mga ito. “The fvck, Kirk! Balak mo bang sunugin ang bahay namin?!” Natampal niya ang noo. Mukhang away na naman ito. Si Kirk din kasi ang tigas ng ulo. Ito na yata ang pinaka kunsintidor sa kanilang lahat. Kaya palagin
“This way, ma’am.” Nakangiting iginiya siya ng manager mismo ng restaurant sa table nila ni Morgan. Mukhang pina-reserved na naman nito ang buong resto dahil wala siyang ibang nakitang ibang costumer maliban sa kanya. Hindi lang ‘yon, puno ng petals ng roses paligid, mayron ding banda ng mga musicians sa sulok. Kapag hindi sila sabay na pumupunta sa restaurant ay palagi itong nauuna sa kanya. Pero ngayon ay nauna siya dahil wala pa ito ng dumating siya sa table nila. Hindi pa siya nagtatagal sa pag upo ng may malaking kamay na tumakip sa mata niya. Sa amoy palang nito ay nahulaan niya agad kung sino ito. “Sino ‘to? Amoy palang mukhang gwapo na.” Biro niya. Natawa rin siya ng marinig ang mahinang pagtawa nito. “Happy anniversary, my love.” Bulong nito sa tenga niya habang nakayakap sa balikat niya. “Napakaganda mo, wala kang kupas.” Puri nito sa kanya. Hindi niya maiwasan na mapangiti sa kilig. Araw-araw naman siya nitong pinupuri pero hindi nagbabago ang epekto nito sa ka
“sigurado kang bagay sa akin ‘to? Feeling ko kasi mukha akong suman.” Ani Saddie habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Nandito sila ngayon sa mall nila Agnes kasama si Stephanie para bumili ng susuotin niya mamaya para sa mahalagang event sa buhay nilang mag asawa. Anniversary kasi nilang dalawa ni Morgan mamaya. At siyempre gusto niya na maging pinaka maganda sa paningin nito. “Ano ka ba, Saddie… kahit magsuot ka ng basahan ikaw pa rin ang pinaka maganda sa paningin ng asawa mo. Pero napapansin ko nga, parang tumataba ka lately.” Nilapag ni Stephanie ang hawak at lumapit sa kanila. Dahil sa sinabi ni Agnes ay nakisipat rin ito. “Oo nga noh, tumaba ka ng konte.” Napangiwi siya. Nito kasing nakaraan ay wala siyang ginawa kundi ang kumain. Dinadaan nalang niya sa kain ang stress niya. Dinatnan kasi siya ng regla ngayong buwan. Umaasa pa naman siya na magdadalantao ngayong taon. Apat na taon na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbubuntis. Nakapagtapos na si
“Sir, hinahanap ka ni ma’am. Nandito kami ngayon sa office niyo.” Napahinto siya sa paglapit ng marinig ang isang bodyguard na nagsusumbong sa asawa niya. Agad siyang nagtago sa gilid at nakinig sa sinasabi nito. Hindi niya naririnig ang boses ni Morgan pero alam niya may inuutos ito. “Sige, Sir… sasabihin ko nalang na pauwi na kayo. Oo, sir… binigay ko na kay Jerome, dadalhin daw niya diyan mamaya sa inyo.” Pinadala kay Jerome? Ibig sabihin pupunta ito kung nasaan ang asawa niya? Hindi siya tumuloy sa paglapit rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nang makitang hindi nakatingin sa kanya ang mga bantay niya ay nagmamadali siyang tumakbo para tumakas. Dumaan siya sa exit door pababa ng hagdan, kung mag eelevator kasi siya ay madali siyang mahahanap. Alam niya kung nasaan si Jerome, palagi itong nasa office ni daddy Laxus. Kailangan niya itong masundan. Pagkalabas ng gusali at sumakay agad siya ng taxi. “Manong, ihinto niyo.” Utos niya sa driver ng makarating sa isa pang
“Masakit ang mawalan ng anak, pero kailangan mong kayanin.” Hindi siya kumibo. “Anak…” “U-umalis na kayo.” Malamig niyang taboy sa mga ito. “H-hindi niyo alam ang nararamdaman ko dahil tinaboy niyp naman ako noon.” Natigilan ang mga ito sa sinabi niya. Tumingin siya ng puno ng hinanakit sa papa niya. “Lalo ka na… wag mo akong damayan na parang alam mo ang sakit na nararamdaman ko. Wala ka naman pakialam sakin kaya wag kang magpanggap na nakikiramay ka. Alam ko naman na ito ang gusto mo, ang magdusa ako para makaganti ka. Wala ka naman talagang pake sa akin, papa… wala naman ibang mahalaga sayo kundi pera. Hindi niyo alam ang pakiramdam ng mawalan ng anak dahil para sa inyo wala naman akong halaga… k-kaya iniwan niyo akong dalawa.” “Saddie…” umiyak ang mama niya ng tabigin niya ang kamay nito at humiga talikod sa kama. “Anak, alam kong hindi ako naging mabuting ama. Naging makasarili ako, naging pabaya at masama ding asawa. Hindi ko nawala maibabalik ang lahat. P-P
Wala sa sarili na nakasandal si Morgan sa labas ng emergency room kung nasaan ang asawa. Masyado ng maraming dugo ang nawala dito. Sa doktor na mismo nanggaling na imposibleng masalba ang batang dinadala nito. “M-mumu, ang sakit…” Pumikit siya ng maalala ang mga daińg nito kanina… maging ang ginagawa dito ni Navy pagkarating nila… muntik na itong mawala sa kanya. Damn! Damn! Damn! Kung hindi siya naging kampante at nagpabaya ay hindi ito mangyayari sa kanyang mag ina. Kung noong una palang ay hindi na siya pumayag sa gusto ng asawa na alisin ang mga bodyguards nito ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Tama ang daddy niya—hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat na masunod ang mga asawa. Pagdating sa kaligtasan ng asawa, lalaki dapat ang masusunod. “M-mumu, ang anak natin… ang anak natin!” Dainġ nito bago panawan ng ulirat kanina. “I’m really sorry, Mr. King… pero wala na ang bata.” Alam niya na imposible ang dinadasal niya kanina. Pero umaasa pa rin siya na mabubuha
Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako nito pabalik. “TULONG! Parang awa niyo na ‘tulungan niyo ako!” Hinawakan ko ang kamay nitong nasa ulo ko para tanggalin ito. Pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nitong NASA ulo ko. “Wag ka ng umasa na may makakarinig sayo, Saddie! Walang ibang tao sa islang ito kundi tayo lang at mga tauhan ko! Mapapaos ka lang sa kakasigaw mo!” Alam ko… pero umaasa pa rin ako na may makakarinig sa pagmamakaawa ko. Hindi ako huminto sa pagsigaw kaya nainis ito at binilisan ang paghila sa buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdiin ng kuko nito sa anit ko. Napakasakit! Isabay pa na wala akong tsinelas kaya tumatama ang talampakan ko sa mga sirang shell sa buhangin kaya puro sugat ang paa ko. “Tama na, Navy! Maawa ka pakawalan mo ako! Bitiwan mo ako nasasaktan ako! M-maawa ka parang awa mo na! B-buntis ako maawa ka!” Pero imbes na maawa ay tinawanan lamang ako nito. “Maawa? Sana inisip mo ‘yan bago mo ako tinakasan! Kung may utak ka hindi
(Saddie pov) Sinanay ko muna ang mata ko sa daan. Ilang beses kong kinabisado ang daan bago ako naghanda sa pagtakas. Mahirap na dahil baka mabulilyaso ako kaya hinintay ko muna gumabi bago ako tumakas. “Wag kang mag alala dahil makakauwi rin tayo. Sa ngayon dito muna tayo para hindi tayo maabutan ng mga taong naghahabol sayo.” ‘Talaga? Ang sabihin mo lang gusto mo akong mapaniwala na may naghahabol sa akin! Pakana mo ang lahat!’ Ngumiti ako bago tumango rito kahit gusto kong basagin ito. Ang galing talaga magsinungaling ni Navy… sanay na sanay ito. “Salamat, Navy. Sige papasok na ako sa kwarto, nahihilo na naman kasi ako. Sana nga bukas makauwi na tayo. Ayoko na kasi dito… sigurado kasi ako na nag aalala na sila mama sa akin, saka ang asawa ko.” Panandaliang nawala ang ngiti nito. “Hayaan mo, sigurado na magkikita din kayo.” Ngumiti ito ng pilit. “Salamat.” Akmang papasok na ako ng pogilan nito ang braso ko. “Paano kung… kung patayin si Morgan ng mga humahabol sayo?
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala