LIKE 👍
(Saddie pov) Hinaplos ko ang sugat ni Morgan sa kilay habang nagpapasalamat sa diyos dahil ligtas ito. Buti nalang at hindi malubha ang tinamo nito. Kundi ay baka hindi lang gasgas ang natamo nitong mga sugat. Nang masiguro kong tulog na ito ay saka ako tumayo para kunin ang ointment na nireseta ng doktor para sa sugat nito. Pagkatapos lagyan ng ointment ang sugat nito ay kinumutan ko ito bago lumabas ng kwarto. “Masakit pa rin ba ang tiyan mo, iha?” Tanong ni mommy Kiray ng masalubong ko ito. May dala itong gatas para sa buntis. Dahil tulog si Morgan ay sa sala muna kami tumuloy. “Pasensya ka na sa nangyari, iha. Dapat ay nakinig ako kay Morgan. Hindi ka sana mawawalan ng malay kung sinunod ko ang sinabi ng anak ko.” Puno ng pagsisisi na sabi nito. Pagkalapag nito ng gatas ay hinawakan ko ang kamay nito. “Mommy, hindi mo kailangan humingi ng tawad, wala ka pong kasalanan. Ang totoo nga po ay nagpapasalamat ako dahil sinabi niyo sa akin. Dahil kung hindi ay baka hindi ko nalam
(Morgan pov) “Wala pa rin nahuling driver! Hindi ba nakapagtataka? Apat na beses ka ng muntik maaksidente pero wala naman driver ang mga sasakyan na muntik makabangga sayo. Aksidente ba talaga ‘to o sinadya? Saka lahat ng sasakyan na ginamit ay unidentified at hindi kilala kung sino ang may ari!” “The cctv footages? Did you check it?” “Oo, pero katulad no’ng nauna ay blindspot at hindi naabot ng cctv ang mga nangyari.” Pinigilan ko ang magmura ng malakas. Ayoko kasing magising si Saddie ngayon na mahimbing na natutulog. “Mag imbestiga ka. Sigurado na may maiiwang butas ang may pakana ng ito. Ireport mo agad sa akin ang malalaman mo.” Utos ko rito bago binaba ang tawag. I clenched my fist. Tama si Jerome. Nakapagtataka na apat na beses itong nangyari. Sa una ay iisipin mong aksidente ang lahat. Pero ng marinig ko ang huling sinabi nito ay napaisip na ako. This is not a fvcking incident —plano ito at sinadya. Ngunit sino ang gagawa nito? Naningkit ang mata ko ng may hina
“Salde, halika ka, anong oras na.” Madilim na ang langit kaya tinawag na ni Letty ang asawang si Salde, na ngayon ay nakatanaw sa lumang bahay nilang mag asawa. Bumuntonghininga ang ginang. “Wala na tayong magagawa pa, Salde. Kasalanan natin ‘to. Kung hindi tayo naging ganid ay hindi masisira ang pamilya natin. Hindi rin sana magagalit sayo ang mga anak mo.” Nang muntik ng makunan si Saddie at nalaman ni Stephanie ang ginawa nilang mag asawa ay nasuklam ito. Lalo na nang malaman nito na noon ay naging kabet siya ni Salde at dahilan ng pagkasira ng pamilya nito. All this time, buong akala ng kanilang anak ay anak lamang sa pagkabinata ni Salde si Saddie. Nagsingaling si Letty at hindi naman siya itinama ni Salde. Kaya lumaki ang kanilang panganay na hindi alam ang totoo. Nakadama ng kalungkutan si Letty ng maalala ang anak, maging si Salde ay puno ng pagsisisi na naluha. “Wag mo akuin ng mag isa ang kasalanan, Letty. Bilang ama ay napakalaki ang pagkakamaling nagawa ko. Hindi lan
(Saddie pov) Tumingin ako kay Morgan na abala sa pagtatrabaho. Simula ng maghomebase muna siya ay hindi na ako umaalis sa tabi niya. Natatakot kasi ako na baka malingat lang ako ay wala na siya. Simula kasi ng muntikan na kaming maaksidente ay hindi na ako mapanatag. Kahit anong pilit nito sabihin sa akin na aksidente iyon at hindi na mauulit ay hindi pa din ako pumapayag na pumasok ito. “Do you want something, my love? Tell me.” Kinandong ako nito ng makita ako. “Uhmm… wala.” Kumunot ang noo nito. “Tatlong araw ka ng hindi nagpapabili sa akin. Sigurado ka?” Natigilan ito sandali. “Kung dahil ‘to sa nangyari ay wag ka ng mag alala. Hindi na mauulit ‘yon.” Umiling ako at ngumiti. Wala naman talaga akong gustong kainin. Kung mayro’n man ay hindi ko din sasabihin. Baka kasi mamaya ay mapahamak ito sa labas. “Wala nga, Mumu. Sasabihin ko naman sayo kung meron eh.” Tiningnan ako nito na parang binabasa kung nagsasabi ako ng totoo, pero tumunog ang cellphone nito kaya sinagot nit
(Morgan pov) “Don’t leave here until I came. Maliwanag ba?” Natatawang tumango si Saddie. “Okay po, boss. Sabi mo eh. Teka, Mumu. Magtatagal ka ba?” Nandito kami ngayon sa mama nito. Gusto kasi nitong kamustahin ang ina. Pero alam ko naman na dahilan lang ‘yon ni Saddie para makita at mabawasan ang lungkot nito sa ginawa ng ama nito. I pinched her cheeks and kiss her lips. “No, sandali lang ako. May kailangan lang akong asikasuhin sandali.” Hindi nakaligtas sa mata ko ang bahagyang pagnguso nito kaya lihim akong bumuntong hininga. Alam ko naman na labag talaga sa loob nito ang paglabas ko ng bahay. Gusto ko man pero marami pa akong bagay na dapat gawin. Pagkatapos pormal na magpaalam sa ina nito ay lumabas na ako ng bahay. Sumenyas ako sa nga bodyguards na inutusan ko na bantayan ang asawa ko. Yes. I hired them to look after my wife. Hindi pa eksaktong napapatunayan na ‘hindi aksidente ang lahat’ kaya naman nagiging maingat lang ako. Lalo na nang sabihin sa akin ni Kirk na
(Saddie pov) Nagulat ako ng makita si mommy Kiray. Ako kasi ang nagbukas ng pinto ng may kumatok. “Anak, sino ‘yan?” Nang makita ni mama ang biyenan ko ay nagulat din ito. “Oh balae, ikaw pala. Hindi mo man lang nasabi na dadaan ka, hindi tuloy ako nakapagluto ng meryenda.” Ani nito. “Wag kang mag alala, may dala naman akong makakain natin.” Sabi ni mommy sabay kindat sa amin. Saka ko lamang napansin ang kahon na dala nito at— Teka sino ang babaeng kasama nito? Isip-isip ko ng makita ang napakagandang babae na kasama nito. “Hi, Saddie. Ako nga pala si Aimee.” Anitp sabay lahad ng palad sa akin. Napakaganda nito. Katulad ko ay napakaputi rin nito at halatang anak ng mayaman. Hindi ko tuloy alam kung tataggapin ko ang kamay nito na parang mamahalin sa kinis at ganda. Mukha itong koreana. Sandali… Tinitigan ko ito. Bakit parang pamilyar sa akin ang mukha nito? Hindi ko nga lang alam kung saan ko siya nakita. Nang hindi ko tanggapin ang kamay nito ay ito na mismo ang kumamay
Hindi pa nag iinit ang pwet namin ni mama sa pagkukwentuhan ng makarinig kami ng katok. Mukhang dumating na ang asawa ko. Mga alas otso pa kasi ng gabi uuwi si tito kaya sigurado ako na asawa ko ang kumakatok. Pero pagbukas namin ni mama ay isang lalaking delivery man ang kumakatok. Nakasuot ito ng over all black uniform at sumbrero. “Ma’am, delivery po!” Kumunot ang noo ni mama. “Delivery? Sigurado ka ba na dito ‘yan? Wala kasing binilin ang asawa ko.” Takang tanong ni mama. “Ah oho. Kung gusto niyo ho ma’am ay pwede niyong icheck.” Inabot nito kay mama ang kahon na dala. Pagkakuha ni mama sa kahon ay kumunot ang noo nito dahil hindi naman ito nakapangalan sa kanya. Blanko ang waybill doon at walang nakasulat. “Mukhang mali kayo ng pinagdeliveran.” “Gano’n ho ba? Mukhang hindi naman mali ang pinunta ko dito, ma’am.” Tumingin ang lalaki sa akin. Nakita ko ang pagngisi nito sa akin ng makahulugan. Bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag. Pamilyar ito—parang nakita ko
Tumawa ito ng makita ang walang patid na pagtulo ng luha ko. “Ano? Natatakot ka na ba ngayong gaga ka! Dapat lang! Pagkatapos ng ginawa mo ay sisiguraduhin ko na magkikita kayo ng anak ko sa impiyerno! Dante, dalian mo ang pagmamaneho! Gusto ko ng makaganti sa babaeng ‘to!” “Sige, manoy—“ masakit sa tenga na lumangitngit ang gulong na sinasakyan namin. “Anong problema?! Bakit ka huminto?!” “M-may sasakyang humarang sa daan, kuya!” Sumbong ng nagmamaneho ng sinasakyan nila. “Humarang?! Ano pa ang hinihintay mo, sagasaan mo!” “Pero, kuya—“ “Inutil! Sundin mo nalang ang utos ko!” Walang nagawa ang lalaki kundi ang sundin ang kapatid. Pero biglang sumabog ang sasakyan nito ng may bumaril sa gulong ng sasakyan “Anak ng…” halos umusok ang ilong ng lalaki sa galit. May dinukot ito sa tagiliran. Nanlaki ang mata ko ng makitang baril ito. ‘No!’ Gusto ko itong saktan pero binalaan ako nito sa pamamagitan ng tingin na babarilin kung kikilos ako ng masama. Pagkatapos mag uto
Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako nito pabalik. “TULONG! Parang awa niyo na ‘tulungan niyo ako!” Hinawakan ko ang kamay nitong nasa ulo ko para tanggalin ito. Pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nitong NASA ulo ko. “Wag ka ng umasa na may makakarinig sayo, Saddie! Walang ibang tao sa islang ito kundi tayo lang at mga tauhan ko! Mapapaos ka lang sa kakasigaw mo!” Alam ko… pero umaasa pa rin ako na may makakarinig sa pagmamakaawa ko. Hindi ako huminto sa pagsigaw kaya nainis ito at binilisan ang paghila sa buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdiin ng kuko nito sa anit ko. Napakasakit! Isabay pa na wala akong tsinelas kaya tumatama ang talampakan ko sa mga sirang shell sa buhangin kaya puro sugat ang paa ko. “Tama na, Navy! Maawa ka pakawalan mo ako! Bitiwan mo ako nasasaktan ako! M-maawa ka parang awa mo na! B-buntis ako maawa ka!” Pero imbes na maawa ay tinawanan lamang ako nito. “Maawa? Sana inisip mo ‘yan bago mo ako tinakasan! Kung may utak ka hi
(Saddie pov) Sinanay ko muna ang mata ko sa daan. Ilang beses kong kinabisado ang daan bago ako naghanda sa pagtakas. Mahirap na dahil baka mabulilyaso ako kaya hinintay ko muna gumabi bago ako tumakas. “Wag kang mag alala dahil makakauwi rin tayo. Sa ngayon dito muna tayo para hindi tayo maabutan ng mga taong naghahabol sayo.” ‘Talaga? Ang sabihin mo lang gusto mo akong mapaniwala na may naghahabol sa akin! Pakana mo ang lahat!’ Ngumiti ako bago tumango rito kahit gusto kong basagin ito. Ang galing talaga magsinungaling ni Navy… sanay na sanay ito. “Salamat, Navy. Sige papasok na ako sa kwarto, nahihilo na naman kasi ako. Sana nga bukas makauwi na tayo. Ayoko na kasi dito… sigurado kasi ako na nag aalala na sila mama sa akin, saka ang asawa ko.” Panandaliang nawala ang ngiti nito. “Hayaan mo, sigurado na magkikita din kayo.” Ngumiti ito ng pilit. “Salamat.” Akmang papasok na ako ng pogilan nito ang braso ko. “Paano kung… kung patayin si Morgan ng mga humahabol sayo?
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala
“Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magbi
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morga
(Saddie pov) Akala ko sa yate kami sasakay pero sa speed boat pala kami sasakay. May ilaw naman mula rito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi sapat ‘yon para makita namin ng maayos ang dinadaanan namin, lalo na at bumuhos pa ang malakas na ulan. ‘Diyos ko!’ Kulang kailan naman tumatakas kami ay saka pa umulan! Niyakap ko ang tiyan ko. Di bale. Konteng tiis nalang ay makakaalis na kami. Ang mahalaga ay natakasan na namin yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla akong kinabahan ng biglang huminto ang speed boat na sinasakyan namin. Hindi sana totoo ang hinala ko. “Ngayon pa talaga nasira!” Nanlumo ako. Bakit ngayon pa kung kailan nasa dagat kami at tumatakas? Hindi nga kami napahamak sa kamay ng mga dumukot sa amin pero mukhang dito naman kami sa gitna ng karagatan mapapahamak. Niyakap ko ang tiyan ko. Nag aalala ako sa dinadala ko. Siguro ay nilalamig na rin ang baby ko ngayon. Kanina pa kasi kami basa ng ulan at nanginginig sa lamig ng ulan at simoy ng hangin. Ka
Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Nav
(Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.