Share

7.

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2025-01-14 00:00:00

Naapektuhan yata ang tenga ko sa pagsabog kaya nabibingi na ako at kung ano-ano na ang naririnig ko. “Iha, kung gusto mong bumawi sa anak ko, tulungan mo ako at magpanggap kang siya.”

“Magpanggap? Hindi ko ho kayo maintindihan,” naguguluhan ako.

“H-hindi kita gustong sisihan, iha.” Tumulo ang luha nito. “Pe-Pero dahil sayo nawala si Rayana… dahil sayo nawalan ako ng anak. I-ikaw ang may kasalanan kaya nawalan ako ng anak… ikaw.” Puno ng sakit at pagdadalamhating paninisi nito.

Tumulo ang luha ko. Tama ito, ako ang dahilan kaya namatay si Rayana. Wala nang dapat sisihin kundi ako. “P-patawad po… patawad po…” kasalanan ko nga. Kung hindi dahil sa akin ay kasama pa sana nito si Rayana.

“Hindi ko kailangan ng sorry mo, iha. Ang kailangan ko ay tulong… at magagawa mo lang iyon kung magpapanggap kang anak ko.”

Natigilan ako sa huling sinabi nito. Hanggang ngayon ay naguguluhan ako. “P-pero paano po? Anong klaseng pagpapanggap po ba ang kailangan na gawin ko?”

Maingat nitong hinawakan ang aking mukha. Sa nanlalabo kong mga mata ay nakita ko ang sumasamo at nakikiusap nitong mata. “Gagamitin mo ang mukha ng aking anak, iha… gagamitin mo ang kanyang mukha para makuha ang hustisya na nararapat sa kanila. Tulungan mo ako na pagbayarin ang mga tao na pumaslang sa kanya.”

“P-Po?” Napaawang ang labi ko sa narinig ko. Akala ko ay nabibingi lang ako kanina pero mali ako, tama pala ang narinig ko.

Sinabi nito sa akin na ipapa-opera nito ang aking mukha. Gulat na gulat ako pero inaamin ko na nakaramdam ako ng kaunting tuwa. Matagal ko ng gusto na gumanda. Pedo hindi ko kaya na magpanggap na ibang tao sa katauhan ng iba, lalo na kung mukha pa ng kaibigan ko ang gagamitin ko. Saka sinabi nito na kailangan ko daw magpakasal sa fiancee ni Rayana.

Ayoko… hindi ko gustong magpakasal sa isang lalaki na ibang mukha ang gamit. Ang sabi nga ng lola ko, may lalaki na magmamahal sa akin balang araw sa kabila ng aking itsura. Gusto ko sana na hintayin na dumating ang araw na iyon. Pero sa aking kalagayan ay malabo.

Naalala ko bigla si Rayana… naalala ko kung gaano ito kasaya no’ng ikwento niya sa amin ni Mariz ang tungkol sa fiancee nito. Mahal na mahal ng kaibigan ko ang fiancee nito kaya hindi ko kaya na magpanggap na gamit ang mukha nito at magpakasal sa lalaking mahal nito.

“Pasensya na ho kayo, ma’am. Pero hindi ko matatanggap ang alok mo. Gusto ko hong tumulong pero hindi ho sa ganitong paraan. Wala akong balak na magpalit ng mukha at gamitin ang mukha ng iba para mabuhay. Kontento na ako sa panget kong itsura.” Sunod-sunod na pumatak ang luha ko, “P-Patawarin niyo po ako… alam kong masakit para sa inyo na mawalan ng anak, hindi ko na po maibabalik ang buhay ni Rayana kaya patawarin niyo po sana ako… patawad po dahil sa akin ay nawalan kayo ng anak… patawad po…” mamamatay na rin naman ako. Sapat na siguro itong kabayaran sa pagdamay ko sa kaibigan ko.

Mapait akong ngumiti.

Lumaban ako ng patas, naging matapang at hindi sumuko sa laban ng buhay. Pero sa bandang huli ito pala ang kahihinatnan ko.

Naramdaman ko na pinahid nito ang luha ko. May awa ang mata na tiningnan ako nito. “Iha, alam kong sobra ang hinihingi ko sayo. Pero ito lang ang tanging paraan para mapanagot natin ang mga taong nasa likod ng kanilang pagkamatay. Ang mayor na gusto mo… hindi mo ba gustong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya? Kaibigan ka ng anak ko… ikaw ang dahilan kaya namatay siya. Dapat lang na tulungan mo ako na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. Na-Nakikiusap ako sayo, iha… tulungan mo ako…” pakiusap nito.

“Hindi ba’t gusto mo na mabuhay ng normal? Sa oras na gamitin mo ang mukha ng aking anak ay makakamit mo ang lahat ng gusto mo. Magiging malaya ka at masaya.” Magtulungan tayo, iha. Lilinisin ko ang pangalan mo at babayaran ang lahat ng utang ng mga magulang mo, basta tulungan mo lang ako na mabigyan ng hustisya ang pagkamay ng anak ko.” Dagdag ng ginang.

“Pa-Pasensya na po pero hindi ko magagawa ang gusto niyo…” sabi ko na ikinabagsak ng balikat nito.

*****Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa matinding sakit. Tahimik akong lumuluha at namimilipit, para akong mamamatay… hindi ko na yata kakayanin pa, gusto ko ng sumuko ng katawan ko.

Kinaumagahan ay may mga lalaking pumasok sa kwarto ko. Rinig ko ang pag-uusap ng mga ito. “Sigurado ka na sa hospital na ito dinala ang bababeng ‘yon? Kanina pa tayo naglilibot pero hanggang ngayon ay hindi parin natin siya nakikita dito, baka maling impormasyon ang natanggap mo!”

Nanigas ang aking katawan ng mabosesan ko ito. Hindi ako pwedeng magkamali, isa ito sa tauhan ng pumatay kay mayor.

Narinig ko ang paglapit ng yabag nila sa akin kaya pumikit ako at nagpanggap na natutulog. Nanginginig ako at nanlalamig sa takot.

Sinabi ko na tanggap ko na ang kamatayan ko, pero hindi gano’n ang nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako, kinakabahan, at nanginginig sa takot. Malayo sa pagiging handa ng harapin ang kamatayan katulad ng sinasabi ko.

“Tara na, maghanap tayo sa ibang kwarto. Sigurado ako na mahahanap natin ang babaeng ‘yon dito!” Sabi ng kasama nito.

Nang makalabas ang mga ito ay saka ko lamang pinakawalan ang aking hininga. Sa sobrang takot ay hindi na pala ako humihinga sa takot na baka marinig nila.

Habang naririnig ko silang nag-uusap kanina ay may napagtanto ako. Gusto ko pang mabuhay… gusto ko pang maranasan na maging masaya at maging malaya. Gusto ko pang lumaban sa buhay at ayoko pang mamatay.

Humagulhol ako ng iyak. Natatakot ako na mamatay at iyon ang totoo. Hindi pa ako handang mamatay, gusto ko pang mabuhay.

SEENMORE

LIKE

| 32
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   8.

    (Kiray pov) Abot hanggang langit ang kaba ko. Ngayong araw ang schedule ng operation ko. Nandito kami ngayon sa Thailand para gawin ang procedure ng operation ng aking mukha. Marami kasi ang magagaling na doktor sa bansang ito pagdating sa cosmetic surgery. “Kaya ko ‘to…para kay mayor, kay Rayana at para sa sarili ko… kakayanin ko.” Pagpapalakas ko sa aking loob. Sinabi kasi sa akin kanina ng doktor na sa kabila ng anestisya ay makakaramdam pa rin ako ng matinding sakit. Sa tindi daw kasi ng mga pilat ko sa katawan at sa aking mukha ay kakailangan ng mahaba at matagal-tagal na operasyon. Tinanong ako ng doktor sa english kung handa na ba ako. “Y-Yes, Doc… I’m ready…” kinakabahan na sagot ko dito. Wala nang atrasan ito. Pagkatapos nito ay tuluyan ng magbabago ang buhay ko. Bago simulan ang operasyon sa akin ay taimtim akong nagdasal. Na sana ay successful ang patong-patong na operasyon sa akin. ****** (Laxus King pov) Kumunot ang noo ko ng marinig ang ulat ni Jigs. “ Din

    Last Updated : 2025-01-14
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   9.

    (Laxus King pov) “Fvck!“ I cursed repeatedly when I found out I had to wait six months before that woman could recover from her operation. Hindi ko alam kung anong operasyon ang ginawa sa babaeng iyon at kinakailangan kong maghintay ng anim na buwan bago ito makalabas ng hospital. Inabot sa akin ni Jigs ang report tungkol sa kalagayan nito. “Mr. King, wala tayong magagawa kundi ang hintayin na makalabas siya ng hospital at makarecover. Tumawag na ako sa mga wedding planner at nagpaset ng bagong date para sa kasal niyo ni Madam.” Kumunot ang noo ko. “Sinet ko sa mismong araw ng kaarawan mo, Mr. King ang araw ng inyong kasal. Alam kong ayaw mong magdiwang sa araw na ‘yon pero wala tayong pagpipilian sa ngayon.” Muli akong napamura. Nang makalabas ito ay naglabas ako ng isang pakete ng imported na sigarilyo at nagsindi ng isa. Naalala ko ang kalagayan ng babaeng iyon kanina ng bisitahin ko ito sa hospital. Nababalot ito ng benda. Nilabas ko ang report tungkol sa kala

    Last Updated : 2025-01-15
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   10.

    (Kiray pov) Ano ang ginagawa ng lalaking ito dito? Nasaan na ang mapapangasawa ko? Sa picture kasi na pinakita sa akin ni tita ay long hair at balbas sarado na may guhit sa kilay at tattoo sa leeg— Awtomatikong dumako ang mata sa tattoo nito sa leeg at sa kilay nitong may guhit. “N-no way…” Nang pasadahan ko ang suot nito ay saka ko napagtanto na tama ako. Ito ang fiancee ni Rayana? Pero ang sinabi nito sa kanila noon ay tauhan ito fiancee niya? Napasinghap ako ng bigla nitong hilahin ang kamay ko para iakyat sa altar. “Don’t let me wait for you again, woman. Kanina pa naghihintay ang lahat sa’yo, hindi mo dapat ugaliin na paghintayin ang mga bisita at maging bast0s.” May inis sa boses na sabi nito. Naguguluhan ako na tumingin dito—at the same time ay natulala ako sa kagwapuhan nito. Wala itong pinagbago kahit kaunti mula ng huli ko itong nakita. Napakaganda ng kulay asul nitong mga mata, nakakahalina at mapapatulala ka nalang talaga. Bagay rito ang suot na white suit, bla

    Last Updated : 2025-01-15
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   11.

    Mukhang hindi ako nito gusto—nagulat ako ng yakapin ako ng mahigpit ng kerida ng ama ni Laxus. Ang sabi sa akin ni mommy Nissa ay wala akong close sa mga ito, nagtataka tuloy ako kung bakit ganito ang kilos ni tita Mary. Hinawakan nito ang aking kamay, “Rayana, binabati ko kayo ni Laxus. Masaya kami ni Zack para sa inyo!” At muli ay yumakap ito sa akin. “Ano ba ang nakain mo, iha at paulit-ulit kang tumatakas sa kanya? Akala tuloy namin ay ayaw mong makasal sa kanya.” Sabi nito na ikinataka ko. “Ah… eh…” ang hirap naman mag-isip ng dahilan lalo na kapag clueless ka. “Nagkaroon lang po kami ng tampuhan ng asawa ko noon.” Dahilan ko. “Tampuhan? Grabe ka naman magtampo, Rayana… inaabot ng halos dalawang taon.” Singit ni Zack. Naging ngiwi ang ngiti ko, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, mabuti nalang at dumating si mommy Nissa para sumingit sa usapan namin. May mga edad na ang tatlong babae, pero kahit gano’n ay napakaganda parin nilang tatlo. Muntik akong manliit sa sari

    Last Updated : 2025-01-15
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   12.

    “O-oh, I didn’t expect you to be so sweet tonight, iha. Ganito yata ang nagagawa ng bagong kasal, bigla nalang nagbabago ang tao.” may alanganin na ngiting sabi nito bago nagmamadaling umalis kasama ang asawa. “Bakit umalis agad ‘yon? May mali na sa ginawa ko?” Parang bigla naging iwas na iwas ito “Oh my god, Rayana!” Sigaw ng isang boses mula sa malayo, ito ang babaeng kausap kanina ni mommy Nissa. “Hindi ako makapaniwala na kinasal ka na talaga!” Sabi nito sabay yakap sa akin ng mahigpit. Napaawang ang labi ko ng maalala ko ito. ‘Bakit mo siya kinalimutan, Kiray!’ Kastigo ko sa sarili ko. Ito si Maureen, ang matalik na kaibigan ni Rayana. Mga bata palang daw ang dalawa ay matalik na silang magkaibigan. “I-i’m sorry, Rayana kung ngayon lang ako. But as I promised, dumating ako para dumalo sa kasal mo,” emosyonal na wika nito. Isa itong sikat na modelo sa ibang bansa at minsan nalang mamalagi dito sa Pilipinas. Halos wala itong patid sa pag-iyak habang nakayakap sa

    Last Updated : 2025-01-15
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   13.

    (Kiray pov) Napaigik ako ng itulak at isandal ako nito sa pader. May pagkasuklam ang mata nito habang nakatingin sa akin, na para bang may ginawa ako sa kanya na malaking kasalanan. “Stop acting like we’re close, woman. Hindi ako madadala sa arte mo,” nilapit nito ang labi sa punong tenga ko at galit na nagsalita. Imbes kiligin, natakot ako sa sunod na sinabi nito. “You can’t wrap your hands around my neck, bago mo magawa, papatayin muna kita.” Banta nito bago ako nito binitiwan. Pigil ko ang paghinga ko, nang mawala ito ay saka ako dahan-dahan na nanghina na parang nauupos a kandila. Parang sirang plaka na paulit-ulit na umalingawngaw sa utak ko ang banta nito. Papatayin daw ako… ano ba ang ginawa ni Rayana para magalit ng ganito si Laxus? Nanginginig na hinanap ko ang cellphone na binigay sa akin ni mommy Nissa. Kailangan kong magreport dito tungkol sa nangyari. Natatakot na ako sa kinikilos nito. Paano kung hindi magtagal ay malaman nito na nagpapanggap lang ako? Baka maging

    Last Updated : 2025-01-16
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   14.

    (Kiray pov) Ang tapik ni manang Diday sa aking pisngi ang nagpagising sa akin. Nakatulog pala ako sa biyahe. “Nauna nang pumasok ang asawa mo, Madam. Halina’t pumasok na tayo sa loob,” paliwanag nito ng makitang tumingin ako sa kinauupuan ng asawa ko kanina. Nang makababa ay tumingala ako sa bahay—mas tamang sabihin na mansion na nasa harapan ko. Malaki at malawak ito, para itong palasyo. Pero nakakatakot dahil mukha itong haunted house. Black and sark red ang pintura, mukhang luma pa. Nakakadagdag takot din ang naglalakihang puno na nakapalibot dito. Nang tumingin ako sa malaking tarangkahan ay nakita ko may nakita ako na nag-iisang kulay puti—isang White Octagon Logo na may nakaukit na bungo sa gitna nito. White Octagon? Tumingin ako sa Logo at humawak sa baba ko. “Hindi kaya may samahan ng kulto ang asawa ko?” Mahinanh bulong ko. Nang makita kong lumakad na si manang ay lakad-takbo akong sumunod dito. “Manang Diday, dati po bang haunted house ‘to? Mukha kasing walang naka

    Last Updated : 2025-01-16
  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   15.

    Galit na galit na nagpumiglas si Alexa, humihiyaw siya sa galit. Hindi niya matanggap na ginawa ito ni Nissa sa kanila. “Don’t touch me with your filthy hands!” Singhal niya sa may hawak sa kanya. “Saan kami dadalhin ng asawa ko? Magkano ang binayad sa inyo ng babaeng ‘yon? Sabihin niyo lang at handa akong doblehin pakawalan niyo lang kami!” Imbes sumagot ay tinawanan lang sila ng mga ito. “Pasensya na, ma’am. Pero hindi nabibili ang katapatan… hindi kami katulad niyo,” Namula sa galit si Alexa. Nanginginig ang kalamnan na dinuraan niya sa mukha ang nagsabi nito sa kanya, na agad niyang pinagsisihan, dahil bilang ganti ay malakas nitong sinikmuraan ang asawa niyang si Cesar. “T-tama na! Tigilan niyo ang asawa ko!” Pakiusap niya ng simulan itong pagtulungan ng mga lalaki. Wala siyang nagawa kundi panoorin na bugbugin ito. ‘Walanghiya ka, Nissa! Pagbabayaran mo ang ginawa mong ito sa amin!’ Ngitngit na sumpa niya sa galit. Hindi niya akalain na sa isang iglap lang ay mawawala

    Last Updated : 2025-01-16

Latest chapter

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   226.(100.)

    Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magb

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   225.(99.)

    Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morg

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   224.(98.)

    (Saddie pov) Akala ko sa yate kami sasakay pero sa speed boat pala kami sasakay. May ilaw naman mula rito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi sapat ‘yon para makita namin ng maayos ang dinadaanan namin, lalo na at bumuhos pa ang malakas na ulan. ‘Diyos ko!’ Kulang kailan naman tumatakas kami ay saka pa umulan! Niyakap ko ang tiyan ko. Di bale. Konteng tiis nalang ay makakaalis na kami. Ang mahalaga ay natakasan na namin yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla akong kinabahan ng biglang huminto ang speed boat na sinasakyan namin. Hindi sana totoo ang hinala ko. “Ngayon pa talaga nasira!” Nanlumo ako. Bakit ngayon pa kung kailan nasa dagat kami at tumatakas? Hindi nga kami napahamak sa kamay ng mga dumukot sa amin pero mukhang dito naman kami sa gitna ng karagatan mapapahamak. Niyakap ko ang tiyan ko. Nag aalala ako sa dinadala ko. Siguro ay nilalamig na rin ang baby ko ngayon. Kanina pa kasi kami basa ng ulan at nanginginig sa lamig ng ulan at simoy ng hangin. K

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   223.(97.)

    Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Nav

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   222.(96.)

    (Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   221.(95.)

    Malakas na binagsak ni Morgan ang kamao sa bumper ng sasakyan ng malaman ang nangyari. “Fvck! Fvck! Fvck!” Halos maglabasan ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit ng malaman ang nangyari sa asawa. Kanina pa siya pinapakalma ng kapatid pero bigo ito. “Paano ko magagawang kumalma ngayong nasa panganib ang mag ina ko?! Fvck!!!” Hindi lamang ‘yon, nasa panganib din ang buhay ng ina nito na malubha ang tama sa ulo. Wala pang isang araw ng magpasimula siya ng imbestigasyon ngunit nalagay na sa panganib ang buhay ng asawa niya. Nalaman ba nito ang plano niya na pag alam kung sino ito? Umiling si Morgan. That’s impossible! Sigurado na hindi iyon makakalabas sa kanilang pamilya. Tiyak na kagagawan ito ng taong nagtatangka sa buhay niya. Pagdating sa presinto ay umiling si Laxus ng makita ang galit na galit na anak. “Wala kayong malaman? Are fvcking kidding me? Anong silbi niyo kung wala kayong makuhang lead kahit isa kung nasaan ang asawa ko?!” Nang makita ng mga pulis si Lax

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   220.(94.)

    Tumawa ito ng makita ang walang patid na pagtulo ng luha ko. “Ano? Natatakot ka na ba ngayong gaga ka! Dapat lang! Pagkatapos ng ginawa mo ay sisiguraduhin ko na magkikita kayo ng anak ko sa impiyerno! Dante, dalian mo ang pagmamaneho! Gusto ko ng makaganti sa babaeng ‘to!” “Sige, manoy—“ masakit sa tenga na lumangitngit ang gulong na sinasakyan namin. “Anong problema?! Bakit ka huminto?!” “M-may sasakyang humarang sa daan, kuya!” Sumbong ng nagmamaneho ng sinasakyan nila. “Humarang?! Ano pa ang hinihintay mo, sagasaan mo!” “Pero, kuya—“ “Inutil! Sundin mo nalang ang utos ko!” Walang nagawa ang lalaki kundi ang sundin ang kapatid. Pero biglang sumabog ang sasakyan nito ng may bumaril sa gulong ng sasakyan “Anak ng…” halos umusok ang ilong ng lalaki sa galit. May dinukot ito sa tagiliran. Nanlaki ang mata ko ng makitang baril ito. ‘No!’ Gusto ko itong saktan pero binalaan ako nito sa pamamagitan ng tingin na babarilin kung kikilos ako ng masama. Pagkatapos mag uto

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   219.(93.)

    Hindi pa nag iinit ang pwet namin ni mama sa pagkukwentuhan ng makarinig kami ng katok. Mukhang dumating na ang asawa ko. Mga alas otso pa kasi ng gabi uuwi si tito kaya sigurado ako na asawa ko ang kumakatok. Pero pagbukas namin ni mama ay isang lalaking delivery man ang kumakatok. Nakasuot ito ng over all black uniform at sumbrero. “Ma’am, delivery po!” Kumunot ang noo ni mama. “Delivery? Sigurado ka ba na dito ‘yan? Wala kasing binilin ang asawa ko.” Takang tanong ni mama. “Ah oho. Kung gusto niyo ho ma’am ay pwede niyong icheck.” Inabot nito kay mama ang kahon na dala. Pagkakuha ni mama sa kahon ay kumunot ang noo nito dahil hindi naman ito nakapangalan sa kanya. Blanko ang waybill doon at walang nakasulat. “Mukhang mali kayo ng pinagdeliveran.” “Gano’n ho ba? Mukhang hindi naman mali ang pinunta ko dito, ma’am.” Tumingin ang lalaki sa akin. Nakita ko ang pagngisi nito sa akin ng makahulugan. Bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag. Pamilyar ito—parang nakita ko

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   218. (92.)

    (Saddie pov) Nagulat ako ng makita si mommy Kiray. Ako kasi ang nagbukas ng pinto ng may kumatok. “Anak, sino ‘yan?” Nang makita ni mama ang biyenan ko ay nagulat din ito. “Oh balae, ikaw pala. Hindi mo man lang nasabi na dadaan ka, hindi tuloy ako nakapagluto ng meryenda.” Ani nito. “Wag kang mag alala, may dala naman akong makakain natin.” Sabi ni mommy sabay kindat sa amin. Saka ko lamang napansin ang kahon na dala nito at— Teka sino ang babaeng kasama nito? Isip-isip ko ng makita ang napakagandang babae na kasama nito. “Hi, Saddie. Ako nga pala si Aimee.” Anitp sabay lahad ng palad sa akin. Napakaganda nito. Katulad ko ay napakaputi rin nito at halatang anak ng mayaman. Hindi ko tuloy alam kung tataggapin ko ang kamay nito na parang mamahalin sa kinis at ganda. Mukha itong koreana. Sandali… Tinitigan ko ito. Bakit parang pamilyar sa akin ang mukha nito? Hindi ko nga lang alam kung saan ko siya nakita. Nang hindi ko tanggapin ang kamay nito ay ito na mismo ang kumamay

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status