(Kiray pov) Nang magmulat ako ng mga mata ay tumambad sa akin ang puting kisame ng kwartong kinaroroonan ko. Nakarinig din ako ng tunog ng aparato sa bandang uluhan ko.
Sigurado ako na nasa hospital ako. Kung gano’n, ibig sabihin ay buhay pa ako! Agad na tumulo ang luha ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Akala ko ay mamamatay na ako sa pagsabog na ‘yon at tuluyan ng magpapaalam sa mundo. Kaya ang swerte ko dahil nagising pa ako. Naalala ko si Rayana. Bumangon ako pero laking gulat ko ng hindi ko makuhang igalaw ang katawan ko. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang pagsigid ng kirot sa aking buong katawan ng subukan ko muling gumalaw… hanggang sa ang kirot ay nauwi sa nakakamatay na sakit. “Tu-tu…long…” kahit ang boses ko ay paos at walang lakas, halos hindi ako makapagsalita. Saka ko lang napansin ang na ang tanging bibig at mata ko lang ang nagagalaw ko, nakabalot ng benda ang aking buong katawan. Para akong suman, nakabalot ako at hindi makagalaw. Nangatog ako sa takot. Nanumbalik sa isip ko ang alaala no’ng bata pa ako. Kung saan ay nagising ako sa parehong kalagayan, nakabalot ng ganito at halos hindi makagalaw habang namimilipit sa sakit ng aking katawan. “Diyos ko, ang sakit-sakit… hindi ko na kaya!” Iyak ko sa isip ko. Mayamaya ay may lumapit na nurse sa akin. “Naku, gising ka na pala, ma’am. Sandali lang ha at tatawagin ko si Doc para sabihin sa kanya na gising ka na.” Gusto ko sana na sabihin rito na wag akong iwan dahil natatakot ako pero walang boses na lumalabas sa labi ko. Nanunuyo ang aking lalamunan na pang uhaw na uhaw, sa bawat paglunok ko ng laway ay napapaiyak ako at tumutulo ang luha ko sa sakit ng buo kong katawan. Mas lalo akong naiyak ng marinig ang sinabi ng doktor sa akin. Ayon dito ay matindi daw ang pinsala na natamo ko sa sunog. Pwede daw itong maka-apekto sa aking Nervous System na pwedeng humantong sa pagkawala ng function ko, pagkaparalisa, at pwedeng ikamatay ko pa kung hindi ako agad magagamot. Iyak ako nang iyak ng malaman ko ito. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para ipagamot ang sarili ko. Wala naman akong naiipon dahil binabayad ko sa utang ang mga kinikita ko. Hanggang sa umalis sila ay naiwan ako na umiiyak. Nakatakas nga ako sa kamay ng mga humahabol sa akin pero dito naman ako mamamatay sa hospital na ito. Ang saklap ng buhay ko… panget na ako, mamamatay pa ako ng maaga at puro problema. Naalala ko bigla si Rayana. Gusto kong tumayo at puntahan siya pero hindi ko magawa. Sa tuwing sumusubok ako na gumalaw ay sumasakit ang buo kong katawan. Napapahiyaw ako sa sobrang sakit… para akong mamamatay. Sinubukan kong tumawag ng nurse ngunit hindi sapat ang lakas at boses ko para marinig nila ako. “D-Diyos ko… tulungan niyo po ako. A-ang sakit sakit po…” iyak ko hanggang sa ako’y makatulog ng may luha pa sa mata. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata ng maramdaman kong may gumagalaw sa mga binti ko. “Uhmm… a-ang sakit…” impit kong ung0l habang kagat ang labi ko. Nakita ko na may dalawang nurse na nagtatanggal ng benda ko sa binti. Tinaas pa nila ito at pinatong sa bakal para makita ko. Gusto kong sabihin na ibaba nila ito dahil hindi ko gustong makita ang kalagayan ko pero hindi ko magawang sabihin ito… nakatitig lang ako sa binti ko na parang na-letchon. Tumutulo na naman ang luha ko. Nakaramdam ako ng sobrang awa sa sarili ko. Habang nakatingin sa aking mga binti ay may biglang nagsalita. “Kamusta na ang pakiramdam mo, iha?” Tumingin ako rito. Nakita ko ang isang may edad na eleganteng babae na nakatayo sa bandang paanan ko. Mukhang nasa late 50’s ito. Kahit matanda na ito ay bakas parin ang kagandahan nito noong kabataan nito. Parang pamilyar ang babae sa akin… pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon. Kumunot ang noo ko. Sino kaya ito? Naisip ko na baka kamag-anak namin ito ni lola na gustong tulungan ako. Pero malabo iyon. No’ng nagkasakit kasi at namatay si lola ay walang dumalaw sa amin maski isa sa mga kamag anak namin “S-sino ka?” Tanong ko sa pagitan ng aking pag-iyak. Lumapit siya sa akin at tiningnan ako ng nakakaawa. Napansin ko na namumugto ang mga mata nito, palatandaan na ito’y umiyak nang umiyak. “Sa susunod na araw ay lalo pang sasakit ang mga sugat mo, iha. Kailangan mong ma-operahan sa lalong madaling panahon. Alam mo ba kung magkano ang magagastos mo para gumaling ka?” Tumango ako at malungkot na tumango. Alam ko iyon, at kahit ayaw ko pang mamatay at hindi ko gustong tanggapin ay wala akong magagawa. Bumalatay sa mukha nito ang labis na kalungkutan at sakit, kasabay ng pagdaloy ng masagana nitong luha. “Si… Si Rayana… wala na siya. Wala na ang anak ko…” ani nito sabay hagulhol ng iyak sa aking harapan. ‘Si Rayana, wala na siya’ Paulit-ulit na umalingawngaw sa pandinig ko ang sinabi nito. Gusto kong isipin na nagbibiro lang ito, na isa lang itong estranghero na naligaw sa kwarto ko. Ngunit ang malakas na panaghoy nito ang nagpapatunay na labis itong nasasaktan sa pagkawala ng anak nito. Wala na si Rayana… wala na ang kaibigan ko, at dahil iyon sa akin. “S-sorry po… sorry po…” hindi ko mabilang kung ilang beses akong humingi ng tawad rito. Kasalanan ko kung bakit ito nawalan ng anak. Maingat nitong hinawakan ang aking kamay. “May magagawa ka para bumawi, iha… ang kailangan mo lang gawin ay magpanggap na siya.” Gulat akong tumingin rito. “Ano po ang ibig mong sabihin?” Seryoso itong tumingin sa akin. “Magpanggap ka na si Rayana, iha… magpanggap ka na anak ko!” Sabi nito sa akin.LIKE
“Napakaganda mo, Iha. Bagay na bagay sayo. Sigurado na wedding of the year ang kasal ninyo ng anak ko!” “Thank you po, tita.” “Tita? Val, malapit na kayong ikasal ni Kiki, you should call me mommy from now on.” “Thank you po, mommy.” Tumingin siya sa repleksyon niya sa salamin. Nagsusukat palang siya ng wedding dress para sa kasal nila ni Kirk pero napakasaya na niya. Malayo ito sa naramdaman niya noong nagsusukat siya ng susuotin sa kasal nila ni Jeric. Ganito siguro kapag mahal mo ang mapapangasawa mo. Hindi mo mapaliwanag ang eksaktong pakiramdam pero alam mong masaya ka. Natuptop ni Saddie ang bibig ng makita siya nito. Puno ng paghanga na nilapitan siya nito. “Ang ganda mo, Val. Mukha ka ng bride, mukha ka pang model!” Puri nito sa kanya. Marami ang nagsabi noon sa kanya dahil matangkad siya. Hindi niya maiwasan na maluha. “Bakit, iha? May problema ba?” Nag aalalang tanong ng mommy ni Kirk sa kanya. Umiling siya dito. “Masaya lang ho ako. Kasi kahit wala na an
Wala daw itong inalok ng kasal maliban sa kanya? Sinong niloloko nito? “Wag mong sabihin na naniniwala ka kanya? Come on, Val. Gusto ka lang niyang paikutin ulit. At ikaw naman naniniwala agad?” Nagtatakang nakatingin sa kanya ang mga kasambahay niya sa bahay. Kanina pa kasi siya palakad-lakad habang nagsasalita mag isa. Nang makita siya ni Fire ay lumapit ito sa kanya. “Dumating ka na pala kanina pa. Tsk. Sabi ko sayo sabay tayong maglunch eh. Kumain ka na ba?” Umiling siya. “How about the meeting?” Kumunot ang noo nito ng mapansin na nalukot ang kanyang mukha. “That man follow me here to tell me about his fake marriage. Can you believe that?” Natigilan ito ng marinig ang sinabi niya. “Ang sabi pa niya… mahal niya ako. Ang gag0ng ‘yon. Halata ba na mahal ko siya para paglaruan niya ang damdamin ko?” “So you really love him, huh.” Hindi siya nakasagot rito. Bumuntonghininga ito at malungkot na ngumiti. “Nagtanong pa ako. Alam ko naman ang sagot. Pero gusto ko paring marini
HINDI tumigil sa pagpapadala ng mga bulaklak si Fire. Sa tuwing dumadalaw ito sa kanya ay hindi niya ito nilalabas. Pero hindi naman niya ito pwedeng iwasan habangbuhay kaya ng dumalaw muli ito ay bumaba siya para kausapin ito. Kung hindi niya ito haharapin ay hindi mababawasan ang sakit ng ulo niya. Tatlong araw na rin kasing hindi tumitigil sa pagpunta si Kirk para makausap siya. Haharapin niya si Fire, pero ang lalaking na ‘yon ay hinding-hindi niya kakausapin. Para saan pa? Nang makita siya ni Fire ay tumayo ito. Kumikislap ang mga mata nito habang hawak ang isang bouquet ng bulaklak. Ayaw niyang basagin ang kasiyahang nakikita niya sa mukha nito pero ayaw niyang magsinungaling. “Fire, please stop this…” nawala ang ngiti sa labi nito. I’m sorry, Fire. Pero kailangan niya itong gawin. “Alam ko na marami kang sinakripisyo sa akin. Pero hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo. Kahit subukan natin ang gusto mo, sigurado ako na hindi gagana ‘yon sa ating dalawa. Alam mo
HINILOT ni Valeria ang sintido. Sunod-sunod na nagback out sa hindi malamang dahilan ang mga investors ng kumpanya. Kung kailan malapit ng i-launch ang bagong formula na ginawa nila. Mayamaya ay bumukas ang pinto at pumasok si Timmy, ang may edad na secretary ng kanyang lolo. “Ma’am, someone wants to see you. Handa daw siyang mag invest ng malaki sa kumpanya natin.” Kumunot ang noo niya. “Who? The Bolton’s company? No thanks.” Tukoy niya sa kalabang kumpanya na walang ginawa kundi isabotahe sila. Umiling ito sa kanya. “No, ma’am. Pero isa siyang CEO ng bagong tayong kumpanya. Narinig ko na maganda ang pamamalakad niya. Hindi lamang ‘yon, nanggaling din siya sa respetadong pamilya ng mga negosyante sa buong mundo. Iyon nga lang ay hindi niya gustong ipakilala ang sarili niya. Gusto ka muna niyang makilala at makausap ng personal.” Kumunot ang noo niya. Nang sasagot sana siya ay nakuha ng cellphone niya ang atensyon niya ng tumunog ito. “What’s up, my Val.” Napaikot siya ng ma
Naiintindihan naman niya kung bakit nag isip ito ng gano’n. Siguro iniisip nito na naghahabol siya dahil nalaman niyang mayaman ito. Saka ito ang nakauna sa kanya. Binigay niya ang sarili dito kahit ikakasal na siya. Kaya hindi niya masisisi si Kirk kung mag isip ito ng masama. Pero nakasakit na… hindi naman siya lumandi sa iba. Ito lang ang minahal niya. Kung maaga siguro niya nalaman na mahal niya ito at hindi ito naipit sa mga plano niya ay hindi mangyayari ito. Pagkatapos niyang magbalat ng prutas ay umupo siya sa gilid ng higaan ni Fire. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang stable ang paghinga nito. Hating-gabi na kasi pero hindi parin ito nagigising. Pero maganda daw ‘yon ayon sa doktor dahil nakakapagpahinga ang katawan nito. Nagbilin ito sa kanya na umuwi siya ng alas siyete ng gabi. Pero alas dos na nang madaling araw ay hindi parin siya umuuwi. Sigurado kasi siya na hindi ito makakapagpahinga kapag umalis siya. Sigurado na pipilitin nitong tumayo para magbantay. M
“Ma’am, mag iingat kayo doon ha. Wag kayong mag alala, aalagaan namin itong bahay.“ “Salamat ho, Aling Dalia.” Tumingin siya kina manang Bona at manong Ging. “Sigurado ho ba kayo na ayaw niyong sumama?” Umiling ang mga ito. “Maraming salamat sa offer, ma’am. Pero matanda na kami ni Ging. Mas gusto naming manatipi dito sa Pilipinas kaysa ang tumanda at mamatay sa ibang bansa. Ikaw ang inaalala namin, ma’am. Baka malungkot ka do’n.” “Wag kayong mag alala, manang. Sanay na ho akong mag isa.” Bumuntonghininga ang mga ito. Kahit hindi niya sabihin. Alam niya na alam na ng mga ito kung bakit namamaga ang mga mata niya. Isang linggo na kasi siyang walang hinto sa pag iyak. Naglasing pa nga siya. Ang nakakahiya pa. Pumunta siya ng Rizal para magsumbong kina manang Bona na may asawa na si Kirk at hindi na sila magkakatuluyan. Pati dito sa bahay niya sa Greenhills ay umatungal daw siya ng iyak habang sinisigaw kung gaano niya kamahal si Kirk. Nandito ngayon sa bahay sina manang