LIKE 👍
(Kiray pov) Hindi ako mapakali habang hinihintay na tumunog ang timer na sinet ko. Sobra ang kaba ko habang hinihintay na mabake ang mga gawa ko. Sinong hindi kakabahan eh isa sa judges si Laxus?! Anak ng unggoy naman oh! Hindi ko alam kung nananadya ba 'to o talagang trip ako ng gungg0ng na 'to. Una, sa Presedential suite niya kami pinatuloy ng anak ko. Ngayon naman ay judge ito sa contest na sinalihan ko. Paano ako mananalo kung isa ito sa judges? Sigurado ako na isasabotahe niya ako. "Relax ka lang, Kiray. Hindi lang naman sa kanya nakasalalay ang contest na 'to." Pagpapalakas ko ng loob ko. Ano ba kasi ang ginagawa ni Laxus dito? Noong nagsasama pa kami noon ay hindi naman ito sumasali sa mga ganito. Mas nakatutok ito sa pagpapalago ng underground business nito. Bakit hindi nalang ito tumutok sa pagiging asawa ni Rayana at pagiging Mafia boss? Napakislot ako sa gulat ng malakas na tumunog ang timer ko. Sa sobrang pag aalala ko ay hindi ako makapag focus. Halos l
Hindi ako nakapagsalita. Wala akong mahimigan na pagsisinungaling sa tinig niya. Ganitong-ganito siya noon sa akin pero nasaktan na ako kaya ayokong magpadala. "Intensyon mo man o hindi, wag mo ng uulitin 'yon. Hindi mo ba inisip ang reputasyon mo? Gusto mo bang pagtawanan ka nila dahil nagkaanak ka sa panget na katulad ko? Isipin mo naman ang nararamdaman ni Rayana, Laxus--- "Fvck Rayana and everyone! Stop calling your self ugly cause you're not. Hindi ka panget sa paningin ko." Tumulo ang luha ko. "H-Halimaw lang gano'n?" "Kiray--- Galit ko siyang tiningnan. "Ano? Tama naman di'ba? Hindi mo na kailangan ipasampal sa akin 'yan dahil alam ko naman na ganyan ang tingin mo sa akin." Naalala ko ang mga sinabi niya sa akin noon. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako kapag naaalala ko 'yon. Pinahid ko ang luha ko at tumalikod sa kanya. Ayokong makita ang mukha niya. Mukhang nasasaktan kasi ito at nagsisisi, mukhang dinadaya ako ng paningin ko. "M-Maghahanap ako ng ibang hotel n
“Hindi naging masaya? Nagpapatawa ka ba?” Inis na hinarap niya ito. “Ano ang gusto mong palabasin ngayon? Na ako pa ang dahilan kaya hindi ka sumaya?” Puno ng sakit at hinanakit na tiningnan ko siya. “Hindi ba ‘yon naman ang gusto mo? Ang iwan ka namin ng anak mo at maglaho sa buhay mo? Kung hindi ka naging masaya, sisihin mo ang sarili mo. It’s your fault anyway.” Tinalikuran ko siya dahil baka ano pa ang masabi ko sa kanya. Ayoko naman na palaging kaming ganito, nag aaway sa harap ng bata. “Wala akong anak na halimaw!” Uminit na naman ang ulo ko ng maalala ‘yon. Hindi siya naging masaya kasi hindi sila nakasal ni Rayana? Well karma na iyon sa kanya. Kinabukasan akala ko ay hindi na tatayo si Laxus para lapitan ako dahil sa mga sinabi ko sa kanya kahapon pero mali ako. Tumayo siya buhat si Mumu, pero this time ay tumikim lang siya at hindi nagkomento. Hanggang sa umabot ang huling araw ng contest hindi na kami nakapag usap. Kapag sinusubukan nitong lapitan ako ay umiiwa
Wala sa sariling nakatingin lang ako sa kanya. Pinoproseso pa rin ng utak ko ang mga sinabi niya. Gusto kong sabihin na nabibingi lang ako, na epekto lang ito ng pagod ko. Na baka ito lang ang gustong marinig ng tenga ko. Pero ng makita ko ang sinseridad at nakikiusap nitong mga mata ay alam kong tama ang narinig ko, hindi ako nabibingi lang. ‘Come back to me my queen’ May kung anong pakiramdam na gumapang sa puso ko. Palagi kong sinasabi na hindi ko na siya mahal at nakamove in na ako. Na kinalimutan ko na siya simula ng matauhan ako. Pero ano itong pamilyar na pakiramdam sa dibdib ko. “Kiray…” Tawag nito sa akin ng pumiksi ako, dahilan para maalis ang kamay nito sa braso ko. “Please, Laxus. Tigilan mo nga ako. Kung taktika mo ito para makuha ang anak ko… neknek mo ulit. Pag usapan nalang natin ang tungkol sa custody sa susunod. Sa ngayon wala akong lakas para makipag argumento sayo, pagod ako.” Dali-dali ko siyang iniwan. Baka kung ano pang flowery words ang sabihin
(Kiray pov) Napanganga ako ng makita ang napakaraming gamit sa tapat ng bahay ko. Paranh may maglilipat bahay. Teka kanino kaya ang mga ‘to? Hindi ko naman natandaan na nagpapaupa ako. “Manong, sandali lang ho. Baka nagkamali kayo ng pinagdeliveran nitong mga ‘to, wala po akong natandaan na may lilipat sa bahay ko ngayon.” Saka kung meron man dapat ay alam ko. Tumingin ang driver sa hawak nitong papel bago tumingin sa akin. “Tama naman ang address na nakalagay dito, ma’am. Kung gusto mo tawagan mo nalang si Sir. Siya nalang ang kausapin mo. Papunta na rin naman siya dito ngayon.” Ani nito bago umalis kasama ang limang paynante. Sir? Pagkalapag ko kay Mumu sa crib ay nakarinig ako ng busina sa labas. Akala ko ay bumalik ang truck para kumpirmahin na tama ang sinabi ko kanina. Pero laking gulat ko ng makita ang isang malaking van sa labas. Mula rito ay bumaba si Laxus na nakapormal attire pa. Suot ang dark blue coat na pinailaliman ng white polo, black pants at black leather
(Kiray po) Napasinghot ako ng makaamoy ng nasusunog. Nakita ko na may makapal na usok na nanggaling sa kusina kaya nagmamadali akong tumakbo papunta dito. “Anong…” nagbukas-sara ang ilong ko ng makita si Jigs na naka apron habang nagluluto. “Jigs, ano ang ginagawa mo dito ngayon?” May alanganing ngiti na binati ako nito. “Madam, good morning.. Ako kasi ang nakatokang magluto ngayon. Nakalimutan ko hindi nga pala ako marunong magluto h-hehe.” “Ate Kiray! Ate Kiray! Si Manang!” Humahangos na dumating si Nene kasama si Ren, parehong namumutla ang dalawa. “Si Manang, masakit ang likod hindi na makatayo!” Natampal ko ang noo ko. Hindi ko alam kung ang nasusunog ba naming kusina o si Manang ang uunahin ko. ‘Hindi sila magpapabigat.’ Ito ang sinabi nila sa akin bago tumira sa bahay ko. Hindi nga sila nagpapabigat pero sakit naman sa ulo ang dala nila. Una, si Jigs. Ang galing nito sa baril pero hindi marunong maglinis at magluto. Ilang beses ng muntik masunog ang bahay ko dahil di
Nagmamadali akong magluto para makakain na kami. Alam ko kasing pagod ito. Napahinto ako sa paghalo ng niluluto ko ng maramdaman ang titig nito. Paglingon ko ay tama ako, nakatingin ito. Ang mas kinagulat ko ay nasa harapan ko na ito. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit nito. “I’m sorry…” Hindi ako kumibo. Sa loob ng isang linggo ay walang araw na hindi siya humihingi ng tawad sa akin. Alam kong sincere siya pero may parte sa puso ko na natatakot at ayaw maniwala. Masakit kasing umasa at sa huli ay masasaktan ka lang pala. “Kiray…” Isa pa ‘to. Sa tuwing tatawagin niya ako sa pangalan ko ay nanlalambot ako. Pinipilit ko lang na wag ipahalata na apektado ako. “Bakit kapag pinatawad ba kita aalis ka na?” Natigilan ito. “So hindi pa rin pala—“ “I’m not here just because i want you to forgive me.” Natigilan ako. Gusto kong iiwas ang mata ko sa malamlam na titig niya at wag magpaapekto sa nakikita kong lungkot sa mata niya pero hindi ko magawa. Si Laxus—kaya niyan
“Ha? Si Maureen ang babaeng ‘yon?” Nang tumango si Laxus ay napaawang ang labi ko. Si Maureen ay nagpanggap na si Rayana? Katulad ng ginawa ko ay nagpanggap din ito? “Walang hiyang Maureen ‘yan… akala ko matalik na kaibigan siya ni Rayana pero hindi pala… pati si Mommy Nissa ay sinubukan niyang lokohin.” “Actually, isang linggo ng mawala ka ay kinausap ako ni Mrs. Solante. Alam niya no’ng una palang na huwad si Maureen.” Natigilan ako. Kung gano’n bakit niya tinanggihan ang pagsamo ko? Natatandaan ko pa noon, nagmakaawa ako sa kanya. Pero tinanggihan niya ako dahil sa pekeng Rayana. “Sinabi ba niya ang dahilan?” Tumango si Laxus. “Yes. Sinabi niya sa akin na iyon ang nararapat… ang bumalik ka sa tunay mong katauhan at mahalin kita sa kung sino ka talaga.” “S-sinabi niya ‘yon?” Hindi ako makapaniwala. Akala ko ay pinili niya talaga ang pekeng Rayana. Pinag isipan ko pa siya ng masama. “Patawad, Kiray… patawad kasi huli na kita binalikan. Maniwala ka, ilang beses kong
“WHAT THE HELL?!!!” Napaubos si Saddie ng salubungin sila ng makapal na usok habang pababa ng hagdan. Galit na galit tuloy ang asawa niya. Umalis si Morgan sandali, pagbalik nito ay may dala na itong panyo na basa na nakatapal sa ilong niya. “Here put this. Lumabas ka muna, ako na ang bahala sa mga bata.” Pigil ang galit na sabi nito. Hinawakan niya ito sa kamay. “Ako na… baka matakot lang sila.” Sumimangot ito sa sinabi niya. “Tsk. Kaya ang tigas ng ulo nila kasi kinukunsinti mo.” Lalong nasira ang mukha nito ng makita ang pagngiti niya. Naalala niya kasi si Tita Letty, ganitong-ganito ang sinasabi nito noon sa kanya. Imbes na lumabas dahil sa makapal na usok, lihim niyang sinundan ito. Tama nga ang hinala niya—kasama ng mga anak nila ang Tito Kirk ng mga ito. “The fvck, Kirk! Balak mo bang sunugin ang bahay namin?!” Natampal niya ang noo. Mukhang away na naman ito. Si Kirk din kasi ang tigas ng ulo. Ito na yata ang pinaka kunsintidor sa kanilang lahat. Kaya palagin
“This way, ma’am.” Nakangiting iginiya siya ng manager mismo ng restaurant sa table nila ni Morgan. Mukhang pina-reserved na naman nito ang buong resto dahil wala siyang ibang nakitang ibang costumer maliban sa kanya. Hindi lang ‘yon, puno ng petals ng roses paligid, mayron ding banda ng mga musicians sa sulok. Kapag hindi sila sabay na pumupunta sa restaurant ay palagi itong nauuna sa kanya. Pero ngayon ay nauna siya dahil wala pa ito ng dumating siya sa table nila. Hindi pa siya nagtatagal sa pag upo ng may malaking kamay na tumakip sa mata niya. Sa amoy palang nito ay nahulaan niya agad kung sino ito. “Sino ‘to? Amoy palang mukhang gwapo na.” Biro niya. Natawa rin siya ng marinig ang mahinang pagtawa nito. “Happy anniversary, my love.” Bulong nito sa tenga niya habang nakayakap sa balikat niya. “Napakaganda mo, wala kang kupas.” Puri nito sa kanya. Hindi niya maiwasan na mapangiti sa kilig. Araw-araw naman siya nitong pinupuri pero hindi nagbabago ang epekto nito sa ka
“sigurado kang bagay sa akin ‘to? Feeling ko kasi mukha akong suman.” Ani Saddie habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Nandito sila ngayon sa mall nila Agnes kasama si Stephanie para bumili ng susuotin niya mamaya para sa mahalagang event sa buhay nilang mag asawa. Anniversary kasi nilang dalawa ni Morgan mamaya. At siyempre gusto niya na maging pinaka maganda sa paningin nito. “Ano ka ba, Saddie… kahit magsuot ka ng basahan ikaw pa rin ang pinaka maganda sa paningin ng asawa mo. Pero napapansin ko nga, parang tumataba ka lately.” Nilapag ni Stephanie ang hawak at lumapit sa kanila. Dahil sa sinabi ni Agnes ay nakisipat rin ito. “Oo nga noh, tumaba ka ng konte.” Napangiwi siya. Nito kasing nakaraan ay wala siyang ginawa kundi ang kumain. Dinadaan nalang niya sa kain ang stress niya. Dinatnan kasi siya ng regla ngayong buwan. Umaasa pa naman siya na magdadalantao ngayong taon. Apat na taon na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbubuntis. Nakapagtapos na si
“Sir, hinahanap ka ni ma’am. Nandito kami ngayon sa office niyo.” Napahinto siya sa paglapit ng marinig ang isang bodyguard na nagsusumbong sa asawa niya. Agad siyang nagtago sa gilid at nakinig sa sinasabi nito. Hindi niya naririnig ang boses ni Morgan pero alam niya may inuutos ito. “Sige, Sir… sasabihin ko nalang na pauwi na kayo. Oo, sir… binigay ko na kay Jerome, dadalhin daw niya diyan mamaya sa inyo.” Pinadala kay Jerome? Ibig sabihin pupunta ito kung nasaan ang asawa niya? Hindi siya tumuloy sa paglapit rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nang makitang hindi nakatingin sa kanya ang mga bantay niya ay nagmamadali siyang tumakbo para tumakas. Dumaan siya sa exit door pababa ng hagdan, kung mag eelevator kasi siya ay madali siyang mahahanap. Alam niya kung nasaan si Jerome, palagi itong nasa office ni daddy Laxus. Kailangan niya itong masundan. Pagkalabas ng gusali at sumakay agad siya ng taxi. “Manong, ihinto niyo.” Utos niya sa driver ng makarating sa isa pang
“Masakit ang mawalan ng anak, pero kailangan mong kayanin.” Hindi siya kumibo. “Anak…” “U-umalis na kayo.” Malamig niyang taboy sa mga ito. “H-hindi niyo alam ang nararamdaman ko dahil tinaboy niyp naman ako noon.” Natigilan ang mga ito sa sinabi niya. Tumingin siya ng puno ng hinanakit sa papa niya. “Lalo ka na… wag mo akong damayan na parang alam mo ang sakit na nararamdaman ko. Wala ka naman pakialam sakin kaya wag kang magpanggap na nakikiramay ka. Alam ko naman na ito ang gusto mo, ang magdusa ako para makaganti ka. Wala ka naman talagang pake sa akin, papa… wala naman ibang mahalaga sayo kundi pera. Hindi niyo alam ang pakiramdam ng mawalan ng anak dahil para sa inyo wala naman akong halaga… k-kaya iniwan niyo akong dalawa.” “Saddie…” umiyak ang mama niya ng tabigin niya ang kamay nito at humiga talikod sa kama. “Anak, alam kong hindi ako naging mabuting ama. Naging makasarili ako, naging pabaya at masama ding asawa. Hindi ko nawala maibabalik ang lahat. P-P
Wala sa sarili na nakasandal si Morgan sa labas ng emergency room kung nasaan ang asawa. Masyado ng maraming dugo ang nawala dito. Sa doktor na mismo nanggaling na imposibleng masalba ang batang dinadala nito. “M-mumu, ang sakit…” Pumikit siya ng maalala ang mga daińg nito kanina… maging ang ginagawa dito ni Navy pagkarating nila… muntik na itong mawala sa kanya. Damn! Damn! Damn! Kung hindi siya naging kampante at nagpabaya ay hindi ito mangyayari sa kanyang mag ina. Kung noong una palang ay hindi na siya pumayag sa gusto ng asawa na alisin ang mga bodyguards nito ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Tama ang daddy niya—hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat na masunod ang mga asawa. Pagdating sa kaligtasan ng asawa, lalaki dapat ang masusunod. “M-mumu, ang anak natin… ang anak natin!” Dainġ nito bago panawan ng ulirat kanina. “I’m really sorry, Mr. King… pero wala na ang bata.” Alam niya na imposible ang dinadasal niya kanina. Pero umaasa pa rin siya na mabubuha
Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako nito pabalik. “TULONG! Parang awa niyo na ‘tulungan niyo ako!” Hinawakan ko ang kamay nitong nasa ulo ko para tanggalin ito. Pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nitong NASA ulo ko. “Wag ka ng umasa na may makakarinig sayo, Saddie! Walang ibang tao sa islang ito kundi tayo lang at mga tauhan ko! Mapapaos ka lang sa kakasigaw mo!” Alam ko… pero umaasa pa rin ako na may makakarinig sa pagmamakaawa ko. Hindi ako huminto sa pagsigaw kaya nainis ito at binilisan ang paghila sa buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdiin ng kuko nito sa anit ko. Napakasakit! Isabay pa na wala akong tsinelas kaya tumatama ang talampakan ko sa mga sirang shell sa buhangin kaya puro sugat ang paa ko. “Tama na, Navy! Maawa ka pakawalan mo ako! Bitiwan mo ako nasasaktan ako! M-maawa ka parang awa mo na! B-buntis ako maawa ka!” Pero imbes na maawa ay tinawanan lamang ako nito. “Maawa? Sana inisip mo ‘yan bago mo ako tinakasan! Kung may utak ka hindi
(Saddie pov) Sinanay ko muna ang mata ko sa daan. Ilang beses kong kinabisado ang daan bago ako naghanda sa pagtakas. Mahirap na dahil baka mabulilyaso ako kaya hinintay ko muna gumabi bago ako tumakas. “Wag kang mag alala dahil makakauwi rin tayo. Sa ngayon dito muna tayo para hindi tayo maabutan ng mga taong naghahabol sayo.” ‘Talaga? Ang sabihin mo lang gusto mo akong mapaniwala na may naghahabol sa akin! Pakana mo ang lahat!’ Ngumiti ako bago tumango rito kahit gusto kong basagin ito. Ang galing talaga magsinungaling ni Navy… sanay na sanay ito. “Salamat, Navy. Sige papasok na ako sa kwarto, nahihilo na naman kasi ako. Sana nga bukas makauwi na tayo. Ayoko na kasi dito… sigurado kasi ako na nag aalala na sila mama sa akin, saka ang asawa ko.” Panandaliang nawala ang ngiti nito. “Hayaan mo, sigurado na magkikita din kayo.” Ngumiti ito ng pilit. “Salamat.” Akmang papasok na ako ng pogilan nito ang braso ko. “Paano kung… kung patayin si Morgan ng mga humahabol sayo?
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala