Share

CHAPTER 11 - BE MY WIFE

last update Last Updated: 2022-12-03 11:18:32
Hindi nakaligtas sa mga mata ni Jayna ang bakas ng sobrang takot sa mukha ng mga shareholders.

Agad namang sinimulan ni Allaric ang meeting nang makita na naka focus na ang atensyon ng lahat sa kanya. Matalim niyang tinapunan ng tingin si Mr. Clayton, na siyang dahilan kung bakit nagkaroon sila ng emergency meeting. Kanina pa niya ito napapansin na namumutla at hindi makatingin ng diretso sa kanya.

"Mr. Clayton," tawag niya sa singkwenta anyos na matanda. "Totoo bang binenta mo ang shares mo sa Montenegro Airlines?"

Umangat ng tingin ang matanda, at parang iiyak na nagpapaliwanag. "Mr. President, maniwala kayo, wala talaga akong balak na ibenta sa kanila ang shares ko, kaya lang hawak nila ang pamilya ko. Papatayin nila ang pamilya ko kung hindi ako papayag."

"At sa tingin mo, hindi din kita papatayin ngayon? Ilan ang shares mo sa kumpanya ko?"

"30%, Mr. President."

"Tangina, at naubos mo lahat ibenta 'yun sa Montenegro Airlines!?" Galit niyang tanong sa matanda. Kapag kasi nangyari
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
naku Jayna ginait ka lng ni Neil di ka importante
goodnovel comment avatar
jhen almonte
Neil ksalanan ng pmilya u bat ngkagnyan c Allaric...kya wg kng paala alangan...umayos k,kya k dn nya pbagsakin...Jayna isa kp,wg kng mging tanga ky Neil,dhil dk nya mhal...
goodnovel comment avatar
Jake Tan
Naku Neil wla ka sa kailingkingan ng mga pinagdaanan ni Allaric nong bata pa xa.. at ikaw jayna dika totoong mahal ni neil di moba nakikita un.. wagkang tanga jayna..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   SPECIAL CHAPTERS -LOVING YOU IS A LOSING GAME

    JAYNA AND ALLARIC WEDDING"Ate, congratulations!" Nakangiting wika ni Adira kay Jayna ng lumapit ito sa kanya. Gabi ang kasal nila ni allaric at ginanap ito sa isang sikat na resort na pagmamay-ari din nila. Nagtaka siya kung bakit ngayon lang ito dumating, gayung kanina pa natapos ang kanilang kasal ni Allaric. Nag-uwian na nga ang mga bisita nila. Pati ang quadruplets at si Arley ay lasing na rin dahil nag-inuman silang magkakapatid kaya ngayon nakatulog na. Siya naman ay busy na ngayon sa pagpapatulog sa kanyang triplets. Tiningnan niya ang oras sa wall clock. Pasado Alas onse na ng gabi."Thank you." Sagot niya at kinumutan ang ngayon tatlong taong gulang na mga anak habang magkatabing natutulog sa kama. Napagod ang mga ito sa kakalaro sa tabing dagat kanina. Binalingan niya si Adira."Teka, bakit ngayon ka lang?" Takang tanong niya."Busy kasi ate. Si kuya? Galit ba siya?" Tanong nito."Hmmm..medyo. pero ako na ang bahala magpaliwanag sa kanya.""Thank you ate. Hindi na rin ako ma

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   CHAPTER 36 - THE FINALE

    "Doc, ang asawa ko," naluluhang tanong ni Jayna ng makita na lumabas ang Doctor mula sa loob ng Operating Room. "Ate, ligtas na si Kuya.""Adira," saka pa lang napansin ni Jayna na si Adira pala ang Doctor na lumabas."Paanong nandito ka? Akala ko nakaalis ka na?" Takang tanong ni Jayna ng kumalas na sila ng yakap sa isa't-isa."Actually nasa flight na ako ng sinabi sa akin ni Kuya Troy ang nangyari kay Kuya. Kaya nag request ako sa pilot na bumalik." Umupo sila sa mga nakahilera na mga upuan sa labas ng Operating Room."Kailan magising ang Kuya mo?" Tanong niya ng nakaupo na sila."Kapag naghupa na ang anesthesia sa katawan niya. Baka bukas gising na rin siya." Masiglang sagot nito."Ahmmm, si Neil at Glee?" Alanganin niyang tanong."Si Glee, ligtas na siya ngunit hindi pa rin nagigising. Si Neil, naman, hindi na nakaabot sa hospital at binawian na ng buhay. Malalim ang tama ng bala sa dibdib niya. Ang sabi ni Lolo Allen, binaril niya si Neil dahil akala niya nakasuot pa rin ito ng

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   CHAPTER 35 - THE END OF WAR

    Samantalang nakita ni Master Allen si Neil na nakabihis. Balot na balot ang katawan nito ng bulletproof vest at napapalibutan ng bala at hunting knife ang baywang papunta sa paa nito. “Saan ka pupunta?” tanong niya kahit na may hula na siya kung saan ito pupunta. “Ililigtas ko si Glee mula sa kamay ni Allaric.” Sagot nito at nagpatuloy sa paglalakad. “Hindi ka pwedeng umalis!” sigaw niya dahilan upang tumigil ito sa labas ng pintuan. Lumingon ito sa kanya. “Lo, ano ang gusto mong gawin ko, ang manatiling nakatunganga rito habang iniimagine kung paano patayin ni Allaric ang kapatid ko?” “Na kagagawan mo!” sigaw niya dahilan upang matigilan ito. “Neil ilang beses ko ng sinabi sa’yo na tama na! Tigilan mo na si Allaric! Ngunit hindi ka nakinig! Dinamay mo pa ang kapatid mo na nanahimik sa buhay niya!” Lumapit siya sa may pintuan. Nakita niya ang pagtagis ng bagang nito habang nakatingin sa kanya. “At sino ang gusto mong mag ligtas sa kanya ikaw? Hindi mo nga magawang patayin si Alla

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   CHAPTER 34 - HIS TWINS REVELATION

    “Kuya!”Sabay silang napalingon ni Jayna ng marinig ang boses ni Adira. Nakatayo ito sa tabi ng kotse na kanilang nadaanan. Halatang matiyaga itong naghihintay sa kanila na lumabas ng hotel.“Sa tingin ko babe, kailangan niyo munang mag-usap. Mauna na ako sa kotse.” paalam ni Jayna. Ngumiti lang siya kay Adira at hinayaan na mag-usap ang dalawang kambal.“Kuya,” Naluluhang yumakap kay Allaric si Adira. “I’m sorry Kuya. Kasalanan ko dahil hinayaan kong mag leave si Glee. Hindi ko alam na may itim pa la siyang binabalak.”Tinapik tapik ni Allaric likuran ng kapatid. Hinaplos niya ang pisngi nito. “I know. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Don’t cry in front of me dahil hindi bagay sa’yo. Lalo kang pumapangit.” Tuluyan ng kumalas ng yakap si Adira sa kanya. Bahagya siyang tinadyakan nito dahil sa inis sa tinuran niya. “Kuya naman eh. Nakakainis ka. Sinusubukan ko lang naman sana kung may panlaban din ako sa pag-aartista. Sinira mo ang momentum ko.” Naiinis na wika ni Adira bagamat nakan

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   CHAPTER 33 - NEIL OR GLEE?

    Mahal ko siya, Adira! Mahal na mahal ko si Allaric!” 'SLAP!' Nabaling ang pisngi ni Glee sa kabila dulot ng malakas na sampal ni Adira. Ramdam niya ang sobrang galit mula sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Nagawa mong sirain ang pagkakaibigan natin at ang pamilya ni Kuya dahil lang sa dahilan mo na mahal mo siya? Sa tingin mo ba dahil sa ginawa mo, mamahalin ka ng kambal ko? Simulat-sapul kilala mo na ang ugali ni Kuya, Glee! For God sake, sa lahat naging kaibigan kong babae, ikaw lang ang pinansin niya dahil naniwala siyang mabuting kang babae! Pero wala kang pinagkaiba sa—” Hindi na tinuloy ni Adira ang gusto sanang sabihin kahit pa na gusto na niyang saktan ang kaibigan. Nakuyom niya ang kamao, habang naluluhang nakatingin kay Glee na nakaupo sa kama sa loob mismo ng silid pahingahan ng kambal niya. Kararating niya lang mula New York at dito siya dumeritso sa Dela Vega Empire. Pagdating niya hindi niya naratnan ang kanyang Kuya Allaric at si Jayna. Ang sabi ni Troy, n

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   CHAPTER 32- THREESOME

    Ilang beses nag ring ang cellphone ni Jayna ngunit hindi pa rin nito sinasagot. Hindi na mapakali si Troy. Parang hindi maganda ang pakiramdam niya sa mga nangyayaring ito. Nagtaka siya kung bakit at paano napunta rito si Glee gayung ang alam niya nasa New York ito at sa main branch ng Amarah Hospitals nagtatrabaho. Sinubukan muli niyang kontakin ang numero ni Jayna. Ngunit hindi pa rin nito sinasagot. Kinulong muna niya si Glee sa loob ng pribadong silid ni Allaric. Hindi niya hahayaang makaalis ito dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong masamang laro sa likod nito. Binalingan niya ang batang boss na kasalukuyan nakapikit ang mga mata habang nakababad sa lamig sa loob ng bathtub. "I need my Wife." Mahinang wika nito. Alam niya ang asawa lang nito ang may kakayahan na gamutin ang init na nararamdaman."Yes boss." Muli niyang tinawagan ang numero ni Jayna ngunit naka out of coverage na ito. Naisip niyang tawagan ang telepono sa mansyon.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status