共有

CHAPTER 5 - SHE'S NOT AFRAID TO DIE

last update 最終更新日: 2022-11-21 07:35:16

Mabilis naman na sumunod ang dalaga sa binata, upang humingi sana ng pagkain, bago pa mag-iba ang modo nito.

Ngunit nagulat siya dahil sa kusina ito dumeretso. Umupo siya sa upuan sa harap ng mesa at nagmasid lang sa ginagawa ng binata. Hindi niya alam kung ano ang niluluto nito, nahiya naman siyang magsabi na nagugutom siya at gusto niyang humingi ng pagkain, baka sungitan lang siya. Nakaramdam na nga siya ng pagkainip dahil ilang minuto na ang nakalipas parang hindi pa rin ito tapos sa kanyang ginagawa sa kusina. Akmang tatayo na siya ng maamoy niya ang sarap ng amoy ng chicken steak. Napalunok siya ng laway, na bumalik mula sa pagkakaupo. Mas lalong nanuot ang sarap ng amoy nito ng ilapag ng binata ang kanyang niluto sa harapan niya at may kasama pa itong kanin.

“P..para sa akin ba to?” nahihiya niyang tanong sa binata.

“Hindi, para sa akin. Nakita mo na ngang nilagay ko sa harapan mo diba?”sarkastikong sagot nito sa kanya.

“Hmmmp, nagsusungit ka na naman, parang nagtatanong lang eh, baka mamaya, pag kinain ko to sakalin mo ako.”

“Napakadaldal mo talaga, akala ko ba nagugutom ka na?” naiirita niyang tanong sa dalaga.

Sinimangutan lang siya nito, at mabilis na kinamay ang pagkain, dahilan upang mapa-awang ang mga labi niya. Napakamot siya sa batok.

“Ganyan ka din ba kapag nasa bahay nyo? Hindi ka man lang naghuhugas ng kamay bago mo lantakin ang pagkain?” sita niya sa dalaga dahilan upang mapatigil ito sa pagsubo. Tiningnan siya nito na parang bata, at binalik ang pagkain sa plato. Lihim siyang napangiti ng makita na parang tuta itong pumunta sa lababo at naghugas ng kamay.

“Naghugas na ako, pwede na ba akong kumain?” nagmamaktol nitong tanong sa kanya. Halatang naiinis dahil nabitin ang kanyang pagkain.

“Uhmmm,” tipid niyang sagot dahil nahalata na niyang gutom na gutom na talaga ang dalaga.

“Dahan-dahan lang sa pagkain baka mabulunan ka. Paano kung may lason yan, eh di madali kang matigok."

Parang gusto na talagang suntukin ni Jayna ang lalaking kaharap dahil lahat na lang ng kilos niya binabantayan nito. Hindi niya na lang ito pinansin, nagpatuloy na lang siya sa pagkain. Aaminin niyang nasarapan siya sa niluto nitong chicken steak, ayaw man niyang ipahalata ngunit nadadaig siya ng kanyang gutom. Naparami siya ng kain, at halos wala ng natirang ulam sa plato dahil inubos na niyang lahat.

“Siya nga pala, anong tinapos mo?” seryoso nitong tanong sa kanya.

“Hindi ako nakapagtapos,” tipid niyang sagot.

“Huwag ka ng magsinungaling, Business Management ang tinapos mo.” Napasimangot siya sa tinuran ng binata sa kanya. Alam na pala nito bakit pa nagtatanong. “Teka bakit niya nalaman?” sa loob-loob niya.

“Simula bukas, sa opisina na ang trabaho mo.” Muntik pa siyang mabulunan ng tubig ng marinig ang utos nito. Nandilat ang kanyang mata na tumingin sa binata.

“Hindi pwede may trabaho ako.” naiirita niyang sagot sa binata.

“Alam ko, sa Monolithic Engineering Services ka nagtatrabaho. Hindi ka na babalik doon. Simula bukas ikaw na ang bagong secretary ko.”

Padabog niyang nilagay ang baso sa mesa, gusto niyang tumutol sa sinabi ng binata. Galit niya itong pinukulan ng masamang tingin. Hindi niya alam kung paano nalaman ng lalaking ito ang personal background niya.

“Hindi, ayaw kong magresign sa trabaho ko, maghanap ka ng personal secretary mo kung gusto mo. Ayaw kong magpahawak sayo, ngayon pa nga lang hindi na tayo magkakasundo, tapos may balak ka pang kukunin akong personal secretary mo? Huh, Never!”

“Pumili ka, magreresign ka sa trabaho mo at maging personal secretary ko, o hindi ka aalis sa trabaho mo, ngunit mananatili kang nakakulong dito sa bahay?”

Nakuyom ni Jayna, ang kanyang kamao, parang gusto na naman niyang lumabas sa balat niya. Bakit ba ang hirap kausapin ng lalaking ito? Sa lahat pa naman ng ayaw niya ang dinidiktahan ang buhay niya. Bumalik siya sa mula sa malalim na pag-iisip ng marinig muli ang sinabi nito.

“Huwag mo ng pag-aksayahan pa ang mag-isip, wala din naman silbi yan dahil desisyon ko pa rin ang masusunod.”

“No, mas gugustuhin ko pang manatili dito sa bahay mo na nakakulong kaysa ang makasama ka araw-araw, at walang ibang ginawa kundi ang maging sunud-sunuran sayo na parang puppet mo!”

Bang!

Agad siyang nasindak ng hinampas ni Allaric ng malakas ang ibabaw ng mesa. Galit itong tumayo at nanginginig na sinakal siya.

“Bakit ba ang hirap mong mapasunod sa gusto ko huh?! Baka nakakalimutan mo na simula ng binenta ka ng iyong ama ay pag-aari na kita. Sa ayaw at sa gusto mo, susundin mo ako, kung gusto mong mabayaran ang malaking utang ng iyong ama, dahil kung hindi..”

“Dahil kung hindi, ano! huh!? Papatayin mo ako? Sige, tutulungan pa kita!” Biglang nakasalubong ang kilay ni Allaric ng marinig ang sagot ng dalaga. Agad siyang natigilan ng makitang mabilis ang mga kamay nito na kinuha ang slicing knife na ginamit niya kanina sa paghiwa ng chicken steak. Akmang gigilitin na ng dalaga ang pulso niya sa kamay ng mabilis niyang inagaw ang slicing knife sa kamay nito at tinapon sa kung saan.

Matagal silang nagkatitigan na dalawa. Walang ni isa sa kanila ang nagsalita. Halata sa mga titig nila ang galit sa bawat isa. Dahil nanggigigil si Allaric sa sobrang pagtitimpi ng galit niya sa dalaga, muli na naman niya itong sinibasib ng halik na may kasamang parusa.

Nahulaan naman ng dalaga ang tumatakbo sa isipan ng binata kaya agad niya itong pwersahan na tinulak bago paman siya nito mahawakan ng mahigpit. Nanginginig ang katawan niya na sinampal ang binata. Natauhan siya sa kanyang ginawa, nang makita na nag-uusok sa galit ang kanyang kaharap. Mabilis siyang tumalikod dito at patakbo na tinungo ang silid niya kanina.

Mabilis niyang sinara at ni-lock ang pinto bago paman ito makapasok sa silid niya. Nagbuga siya ng hangin habang nakasandal sa likod ng pintuan. Sobra ang kaba na naramdaman niya, muntik na siya kanina. “Mababaliw na yata ako kapag tumagal pa ako dito. Madalas na akong sinusumpong ng tantrum ko.” Humihingal niyang usal sa sarili.

“Fuck! Jayna! buksan mo ang pinto!” narinig niyang sigaw ng binata sa labas ng pintuan. Napapikit pa siya ng maramdaman ang lakas ng pagsipa nito sa pinto.

“Kapag nagpupumilit kang pumasok dito, itutuloy ko ang pagpapakamatay!” balik niyang sigaw kay Allaric. Ilang minuto pa siyang nakiramdam sa maaring gawin ng binata, ngunit kalahating oras na ang nakalipas, wala pa rin siyang naramdaman na mga galaw sa labas ng pintuan. “Umalis na kaya siya?” tanong niya sa sarili.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
コメント (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ang ganda talaga ng story na to yong palaban ang bidang babae
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   SPECIAL CHAPTERS -LOVING YOU IS A LOSING GAME

    JAYNA AND ALLARIC WEDDING"Ate, congratulations!" Nakangiting wika ni Adira kay Jayna ng lumapit ito sa kanya. Gabi ang kasal nila ni allaric at ginanap ito sa isang sikat na resort na pagmamay-ari din nila. Nagtaka siya kung bakit ngayon lang ito dumating, gayung kanina pa natapos ang kanilang kasal ni Allaric. Nag-uwian na nga ang mga bisita nila. Pati ang quadruplets at si Arley ay lasing na rin dahil nag-inuman silang magkakapatid kaya ngayon nakatulog na. Siya naman ay busy na ngayon sa pagpapatulog sa kanyang triplets. Tiningnan niya ang oras sa wall clock. Pasado Alas onse na ng gabi."Thank you." Sagot niya at kinumutan ang ngayon tatlong taong gulang na mga anak habang magkatabing natutulog sa kama. Napagod ang mga ito sa kakalaro sa tabing dagat kanina. Binalingan niya si Adira."Teka, bakit ngayon ka lang?" Takang tanong niya."Busy kasi ate. Si kuya? Galit ba siya?" Tanong nito."Hmmm..medyo. pero ako na ang bahala magpaliwanag sa kanya.""Thank you ate. Hindi na rin ako ma

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   CHAPTER 36 - THE FINALE

    "Doc, ang asawa ko," naluluhang tanong ni Jayna ng makita na lumabas ang Doctor mula sa loob ng Operating Room. "Ate, ligtas na si Kuya.""Adira," saka pa lang napansin ni Jayna na si Adira pala ang Doctor na lumabas."Paanong nandito ka? Akala ko nakaalis ka na?" Takang tanong ni Jayna ng kumalas na sila ng yakap sa isa't-isa."Actually nasa flight na ako ng sinabi sa akin ni Kuya Troy ang nangyari kay Kuya. Kaya nag request ako sa pilot na bumalik." Umupo sila sa mga nakahilera na mga upuan sa labas ng Operating Room."Kailan magising ang Kuya mo?" Tanong niya ng nakaupo na sila."Kapag naghupa na ang anesthesia sa katawan niya. Baka bukas gising na rin siya." Masiglang sagot nito."Ahmmm, si Neil at Glee?" Alanganin niyang tanong."Si Glee, ligtas na siya ngunit hindi pa rin nagigising. Si Neil, naman, hindi na nakaabot sa hospital at binawian na ng buhay. Malalim ang tama ng bala sa dibdib niya. Ang sabi ni Lolo Allen, binaril niya si Neil dahil akala niya nakasuot pa rin ito ng

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   CHAPTER 35 - THE END OF WAR

    Samantalang nakita ni Master Allen si Neil na nakabihis. Balot na balot ang katawan nito ng bulletproof vest at napapalibutan ng bala at hunting knife ang baywang papunta sa paa nito. “Saan ka pupunta?” tanong niya kahit na may hula na siya kung saan ito pupunta. “Ililigtas ko si Glee mula sa kamay ni Allaric.” Sagot nito at nagpatuloy sa paglalakad. “Hindi ka pwedeng umalis!” sigaw niya dahilan upang tumigil ito sa labas ng pintuan. Lumingon ito sa kanya. “Lo, ano ang gusto mong gawin ko, ang manatiling nakatunganga rito habang iniimagine kung paano patayin ni Allaric ang kapatid ko?” “Na kagagawan mo!” sigaw niya dahilan upang matigilan ito. “Neil ilang beses ko ng sinabi sa’yo na tama na! Tigilan mo na si Allaric! Ngunit hindi ka nakinig! Dinamay mo pa ang kapatid mo na nanahimik sa buhay niya!” Lumapit siya sa may pintuan. Nakita niya ang pagtagis ng bagang nito habang nakatingin sa kanya. “At sino ang gusto mong mag ligtas sa kanya ikaw? Hindi mo nga magawang patayin si Alla

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   CHAPTER 34 - HIS TWINS REVELATION

    “Kuya!”Sabay silang napalingon ni Jayna ng marinig ang boses ni Adira. Nakatayo ito sa tabi ng kotse na kanilang nadaanan. Halatang matiyaga itong naghihintay sa kanila na lumabas ng hotel.“Sa tingin ko babe, kailangan niyo munang mag-usap. Mauna na ako sa kotse.” paalam ni Jayna. Ngumiti lang siya kay Adira at hinayaan na mag-usap ang dalawang kambal.“Kuya,” Naluluhang yumakap kay Allaric si Adira. “I’m sorry Kuya. Kasalanan ko dahil hinayaan kong mag leave si Glee. Hindi ko alam na may itim pa la siyang binabalak.”Tinapik tapik ni Allaric likuran ng kapatid. Hinaplos niya ang pisngi nito. “I know. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Don’t cry in front of me dahil hindi bagay sa’yo. Lalo kang pumapangit.” Tuluyan ng kumalas ng yakap si Adira sa kanya. Bahagya siyang tinadyakan nito dahil sa inis sa tinuran niya. “Kuya naman eh. Nakakainis ka. Sinusubukan ko lang naman sana kung may panlaban din ako sa pag-aartista. Sinira mo ang momentum ko.” Naiinis na wika ni Adira bagamat nakan

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   CHAPTER 33 - NEIL OR GLEE?

    Mahal ko siya, Adira! Mahal na mahal ko si Allaric!” 'SLAP!' Nabaling ang pisngi ni Glee sa kabila dulot ng malakas na sampal ni Adira. Ramdam niya ang sobrang galit mula sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Nagawa mong sirain ang pagkakaibigan natin at ang pamilya ni Kuya dahil lang sa dahilan mo na mahal mo siya? Sa tingin mo ba dahil sa ginawa mo, mamahalin ka ng kambal ko? Simulat-sapul kilala mo na ang ugali ni Kuya, Glee! For God sake, sa lahat naging kaibigan kong babae, ikaw lang ang pinansin niya dahil naniwala siyang mabuting kang babae! Pero wala kang pinagkaiba sa—” Hindi na tinuloy ni Adira ang gusto sanang sabihin kahit pa na gusto na niyang saktan ang kaibigan. Nakuyom niya ang kamao, habang naluluhang nakatingin kay Glee na nakaupo sa kama sa loob mismo ng silid pahingahan ng kambal niya. Kararating niya lang mula New York at dito siya dumeritso sa Dela Vega Empire. Pagdating niya hindi niya naratnan ang kanyang Kuya Allaric at si Jayna. Ang sabi ni Troy, n

  • MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"   CHAPTER 32- THREESOME

    Ilang beses nag ring ang cellphone ni Jayna ngunit hindi pa rin nito sinasagot. Hindi na mapakali si Troy. Parang hindi maganda ang pakiramdam niya sa mga nangyayaring ito. Nagtaka siya kung bakit at paano napunta rito si Glee gayung ang alam niya nasa New York ito at sa main branch ng Amarah Hospitals nagtatrabaho. Sinubukan muli niyang kontakin ang numero ni Jayna. Ngunit hindi pa rin nito sinasagot. Kinulong muna niya si Glee sa loob ng pribadong silid ni Allaric. Hindi niya hahayaang makaalis ito dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong masamang laro sa likod nito. Binalingan niya ang batang boss na kasalukuyan nakapikit ang mga mata habang nakababad sa lamig sa loob ng bathtub. "I need my Wife." Mahinang wika nito. Alam niya ang asawa lang nito ang may kakayahan na gamutin ang init na nararamdaman."Yes boss." Muli niyang tinawagan ang numero ni Jayna ngunit naka out of coverage na ito. Naisip niyang tawagan ang telepono sa mansyon.

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status