Share

CHAPTER 3

Paglabas ko ng restroom inilibot ko agad ang aking paningin sa boung paligid. Hinahanap ng mata ko ang babaeng kakalabas lang pero lentek lang ang bilis niyang mawala.

"Tsk! Nasaan na yun?" Tanong ko sa sarili ko. Puro ang nakikita ko lamang ay ang mga taong nagsasayawan kasabay ang maingay na tugtog. May mga nagm-make-out pa sa tabi ko. Inirapan ko ito. Konti na lang makikita na ang kalukuwa ng babae.

Umalis na ako sa lugar na iyon. Nakipagsiksikan sa mga tao para makadaan lang.

Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at mariing minamasid ang paligid. Binabaling ko pakaliwa't kanan ang ulo makita ko lang ang negrang babaeng iyon.

Naputol lang ito ng may lumapit sa aking isang foreigner. Mala-abu ang mata nito, maputi, matangkad, matipuno ang pangangatawan, pwedeng-pwede isali sa mga runaway show.

Tinaasan ko siya ng kilaw ng tumabi siya sa kabilang stall at nakangiting tumingin sa akin. Baliw.

Humarap ako sa bartender na ngayon ay nakatingin sa akin na may ngiti sa labi. Pati rin siya baliw. Ano bang nangyayare ngayon sa mundo at lahat ng tao nakangiti?

"Martini, please." utos ko sa kanya.

"Martini for Miss Beautiful coming right up!" Masayang tugon niya sa akin.

Kailangan kong uminum ng konti para mas lumakas pa ang loob kong mahanap ang next target ko. Ayoko pa namang nasasayang ang oras ko.

Humarap ulit ako sa crowd at pinagmasdan lang silang nagsasaya. Pero naiirita na ako sa tingin ng lalakeng katabi ko ngayon. Kaya hinarap ko siya at sininghalan. "What?!?"

"Woah! I'm Just looking at you...you're the only woman looks beautiful here" complement ba yun at kailangan kong magpasalamat sa kanya?

Pinagmasdan ko lang siya ng walang bahid na anong emosyon. Dahil dito ako magaling ang hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon sa lahat ng tao maliban lang sa kapatid ko.

Ayokong mababasa nila ang kung ano ang tumatakbo sa utak ko. Dahil dun nila makikilala ang tao sa pamamagitan ng emosyon.

Naramdaman kong inilapag ni Mister Bartender ang in-order ko kaya agad ko itong kinuha at isahang inunum ito. Habang iniinom ko ito ay nakatitig lang ako sa katabi ko. Napangisi ako sa reaksyon niya.

Nang maubos ko ito ay inilapag ko ito sa mesa. "Your something woman" pagsasalita niya hindi parin mawala ang pagkamangha sa mukha nito.

"I already know that" sabi ko.

Inilahad niya ang kamay niya sa harapan "I'm Draven Scott, by the way" pagpapakilala niya. What?! Siya si Scott na next target ko?! Bakit iba ag nasa information niya?

Bakit ang bata pa nito tignan? Papatayin ko talaga ang kapatid ko nito pagkauwi ko sa bahay. Binigyan ba naman ako ng maling info?

"Scott?"ukit ko. hindi ko pinahalata sa kanya ang gulat sa mukha ko. Pinirme ko lang uto sa malamig na ekspresyon.

"Yup!" Sabi niya habang pinatunog ang 'p' nito.

Inibot ko naman ang kamay ko sa kanya at nakipag-handshake. Hindi ko na pala kailangan hanapin ang target dahil ang prey na mismo ang lumalapit sa predator niya.

Hindi naman nagtagal ay nakipagtawanan pa ako sa kanya at nagpalitan salita na isa siyang negosyante na alam ko naman na siya ang may ari ng club na ito.

And as always, babaero. Pero nasira lamang iyon ng may tumawag sa kanya sa phone pagkatapos niyang makipag-usap dito at agad siyang tumayo. "I'm sorry, I have to go." nagmamadali itong umalis papunta sa isa sa exclusive VIP rooms sa taas.

Sinusundan ko lang siya ng tingin hanggang sa lumiko ito sa right corridor nito. Hundyat ko na iyon para sundan siya kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at inayos ko muna ang buhok ko na nahawi ang mukha ko.

Nagsimula ako maglakad sa maraming taong nagasasayawan sa dance floor. Nakipagdutdutan at nakitapak na rin ng paa dahil tinatapakan na nila ang paa ko.

Nang makarating sa kabilang side ay dahan-dahan akong umakyat sa hagdan. Kailangan printe lang ako kung magmamadali man ako ay tiyak na mahahalata ako na may masamang gagawin.

Isang hakbang na lang papunta sa itaas ng nasagi ako ng grupo ng mga babaeng nagmamadaling bumaba. Tsk! Hindi ba suo sa kanila ang excuse?

Nagpatuloy ako sa paglalakad at lumiko sa nilikuan ng lalake kanina. Taas noo akong naglalakad sa dim light na paligid. May pitong pinto rito. Iniisa-isa ko muna ito nh tingin at agad lumapit sa pinakamalapit sa akin, ang left side.

Pinakiramdaman ko ang nasa loob nito. Nang makarinig ako ng maingay mula sa loob nito ay agad akong lumipat sa kabila dahil alam kong hindi ang kwartong yun kung nasaan ang hinahanap ko.

Lumipat ako sa pangalawa hanggang sa makalapit ako sa gitna nito. Kung nasaan nakapaskil dito ang 'Don't Disturb' napataas naman ang kilay ko sa nabasa. Sa pagkakaalam ko wala namang ganito sa mga VIP room.

Inilapit ko ang tenga ko sa pinto nito at pinakiramdaman ang nasa loob nito. Napakatahimik nito. Wala akong marinig na kahit na anong ingay.

Napaigtad ako sa gulat ng bigla itong bumukas kaya natataranta akong palinga-linga sa paligid at naghananap ng matataguan. Bakit naman ako natataranta? Aaiissshh...tsk!

Nakita ko naman na bumukas ang pinto ng kabilang vip room kaya nagmamadali akong pumasom rito. Gulat naman akong pinagmasdan ng isag babae.

At inilibot ko ang paningin ko sa boung paligid at doon ko lang napansin na tinitigan ako ng lahat ng taong nasa loob nito.

Napatigil naman ang babae na sumasayaw sa harapan nila na wala ng saplot. At ag iba naman ay napatigil din sa ginagawa nila. Maririnig mulang ang malamyos na musika sa paligid na parang nangaakit.

"Uhmm, siya ba ang bunos dito miss??" Pangbabasag ng isang matabang lalake na panot sa atmospera ng paligid. Napatingin ako sa kanya. Kinagat naman niya ang labi niya at binasa pa ito. Napangiwi ako. Fuck!

"Ummhh..." tumingin sa akin ang babae na nakakunot ang noo at binalingan ulit ang lalakeng nagtanong kanina at ngumiti ito ng malawak. "Yes sir!" What?! Lumapit sa akin ang babae na nakashort-shorts at tube at bumulong sa akin " May pakulo rin pala si Madam!"

Nagpupumiglas pa akong ng pinapalapit niya ako sa matabang panot. Itinulak niya ako para mas makalapit pa ako lalakeng panot ng husto dito.

Pinaupu niya ako sa tabi ni at nag-goodluck sa akin. Goodlakin ko yang mukha mo.

Lumapit sa akin ang matandang panot at ako naman ay paatras and so on. Lapit pa rin siya ng lapit sa akin kaya hindi ko na matiis ang sarili ko suntukin sa sa mukha dahil hinawakan niya ako sa hita dahilan para mapatingin sa gawi namin ang mga tao rito sa loob. Masama akong galitin.

Mala-anghel man sa mata ninyo pero mala-demonyo rin pagnakatalikod.

Kinuha ko ang baril ko sa gun pocket ko at tinutukan siya nito. Nagsigawaan naman ang nasa loob ng VIP room.

Aakma sana silang lalabas ng pinaputukan ko ng tatlong beses ang pintuan dahilan para mapatigil sila at mapayuko sa kinarorounan.

Hindi ito rinig sa labas dahil may nakakabit na itong silencer, made for assassins only.

"Isang hakbang niyo lang at makakaharap niyo na si kamatayan." walang emosyon kong pagbabala sa kanila. Inuulit ko. Masama ako pagmagalit.

Nagsiiyakan naman ang mga babae pero wala akong pakealam sa kanila.

Ang kailangan ko lang ay ang target ko. Pero, dahil nakita naman nila ako ay kailangan ko na silang iligpit. Pero, may konsensya naman ako. Hindi ko sila papatayin, for now.

Humarap ako sa lalakeng panot na ngayon ay may bahid na sa mukha nito ang takot. Yan ang gusto ko. Gusto kong makita ang takot ninyo.

Itinutok ko ang bunganga ng baril sa noo niya.

"Bang" napaigtad nama siya sa sinabi ko. "Trial lang. Kaya sa susunod pumili ka ng babaeng babastusin mo." sabi ko rito at umalis na sa kwartong ito.

Nagsihawian naman ang mga tao sa may pinto at binibigyan ako ng daan.

Pero hindi ko pa napipihit ang silyador at walang babala na agad kong kinalabit ang gatilyo ng baril patungo kay matabang panot ng hindi tumitingin sa kanya.

Nagsigawan muna ang mga tao dito sa vip room ng masaksihan nila ang ginawa ko. Agad akong lumabas sa kwartong ito at lumipat sa gitna kung nasaan ang prey ko.

Pinaputukan ko ang doorknob ng ilag beses at sinipa ang pinto dahilan para magulat ang nasa loob nito. Pero hindi ko na sila binigyan ng pagkakataon para makalaban at pinaputukan ko na sila isa-isa.

"Shit!" Rinig kong bulalas ng ibang nandito.

Napatigil lamang ako sa pamamaril ng may biglang sumigaw sa baba kung nasaan ang first floor. "RIAD!!!" fuck!

Pero hind ko na napansin na may bumaril sa akin para matamaan ako sa kanang braso ko. Agad naman akong nakabawi at pinaputokan ito ng ilang beses. At sa sinusuwerte ka nga naman ay yung target ko pala ang natamaan ko.

Nakarinig ako ng yabag na papalapit rito sa kinaruruonan ko kaya agad akong umalis gamit ang ang exit habang hawak-hawak ang kanang braso ko. Shit! Mission Failed.

Bumaba ako sa hagdan sa likod at binuksan ang bakal na pintuan. Hindi ko napansin na malakas palang bumubuhos ang ulan.

Pero patuloy parin ako sa paglalakad at pahapdi ng pahapdi ang sugat ko. Tinangal ko ang wig na hanggang leegan ko at hinagid iro sa kung saan para malugay ang natural kong itim na itim kong buhok na hanggang baywang.

Dahil feeling umiinit ang paligid.

Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. At napansin ko na lang na kalsada na ang tinatahak ko. Nalingon ako sa kabilang side na may malakas na bumusina at liwanag na lamang ang nakikita ko galing sa sasakyan nito dahil na rin sa malakas na buhos ng ulan.

Emman Point of View

Pagkalabas ko ng office ni Chief ay agad akong nagtungo sa assign seat ko. Napahilot ako sa sintido ko. Aargghh...nakaka-stress 'to.

"Oh! Emman, kamusta ang pakikipagusap kay Chief?" tanong na katabi ko na si SP1 Robert Alcaster may ngiti sa mga labi. "Sigurado ako mahirap yan, kasama mo ba naman si Jimmy sa misyon niyo, no doubt " pagpapatuloy niya na naka hawak sa baba niya na parang may malalim na iniisip.

Pinagmasdan ko lang siya ng mariin at napabuga ng hangin. "Napakahirap naman kasi ng misyon na ito, ina-assign ba naman ako sa vigilanteng hindi natin kilala"

"Exciting nga 'e." Sabi niya at naglean sa table ko napakunot naman ako ng noo "Isama mo'ko jan ha?" Bulong pa niya at nakataas baba ang dalawang kilay nito.

Hindi ko na ito pinansin at tinuon ang mga mata ko sa screen ng computer.

"Dude naman! Magshare ka ng blessings mo nakakabagot kaya dito sa prisinto tapos ang makakaharap mo lang dito 'e sa mga taong drug addict o di kaya naman ay mga taong wala ginawa kundi ang mag pa-blather" Salita lang siya ng salita pero hindu ako nakikinig.

Bigla nalang lumitaw sa malalim kong pagiisip ang iisang tao. Hindi ko namalayan na napatingi na ako.

Ang mala-anghel niyang mukha, ang bilugan niyang mata, matangos na ilong, at ang maninipis at mapupula niyang labi na animoy inaakit kang halikan nito.

Ang ang cute niyang mukha pagnaiinis. Shit! Kailan pa ako naging ganito? Noong una ko siyang makita?

Napatigil lang ako sa pagiisip ng makarinig ako ng pagsinghap mula sa katabi ko. Napalingon naman ako sa kanya. Isturbo 'to.

Tinitigan niya ako na parang may dalawang ulo na tumubo o kaya pangapat na mata. Dinuro niya ako na nananlaki ang mata.

"Bakit?" May inis na tanong ko dito.

"Baliw ka na dude, ngumingiti ka ng walang dahilan!" Sabi niya at nakaduro pa rin ito sa akin.

Napailing na lamang ako. "Bawal na ba ngayon ang ngumiti na walang dahilan?"

"Hindi naman sa ganun pero ikaw? Maniniwala pa ako sa ibang tao na yan ag sasabihin pero ikaw!?! Dude iba na yan!" Sabi pa niya at mas lumapit pa sa akin ng husto.

Inayos niya muna yung pagkakaupo sa silya at naglean dito na may nakakalokong ngiti sa labi nito. "Love life?" Patuloy pa niya at nakakalokong nakataas baba ang dalawang kilay nito. 

"Hindi ko naman sasabihin sa iba, siguro."

Pinagmasdan ko lang siya ng ilang segundo at muling tinuon ang paningin ko sa harap ng monitor. "Wala akong sasabihin sayo"

"Come on dude! We're friends, right? Anu pa't naging magkaibigan tayo?"

"Kailan pa tayo naging magkaibigan? Tsk! Wag ka ngang mangealam sa lovelife ko KUNG meron man!" Singhal ko sa kanya at binato ko siya ng ballpen na una kong nahawakan "shoo! Umalis ka nga dito! Nakakaisturbo ka! Alis! Dun ka sa pwesto mo!" Pagtataboy ko dito.

"Nakaka-hurt ka naman ng damdamin, dude ah!" Sabi niya at pumunta na sa pwesto niya habang nakahawak sa dibdib niya na animoy nasasaktan. Tsk!

Napailing ulit ako at bumalik ulit sa ginagawa.

Lumipas ang mga oras at nakatoun parin ang atensyon ko sa screen ng monitor. Binabalik-balikan ko ang lahat ng kaso sa sinasabing vigelante na iyon. Wala panh nakakaalam na lalake ba ito o babae. Pero maraming nagsasabi na babae raw ito at may kasama.

Binalikan ko ulit ang kaso noong nangyare isang araw. Massacre. At walang awa talagang pinatay ang lahat ng tao sa mansyong ito. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit negosyante lahat ang biktima?

Naputol lamang ang atensyon ko sa ginawa ko ng may tumapik sa akin kaya napalingon ako sa gawing iyon.

"Dude, tapos na ang shift mo diba?" Tanong ni Alcaster. Napatingin naman ako sa dingding kung nasaan ang wall clock at nagsasabing alas nuebe na ng gabi.

Dahil sa nakatutok ang atensyon ko dito sa kaso na hinahawakan ko ay hindi ko na napansin ang oras. Kaya tumayo na ako at inayos ang mga gamit na nagkalat sa mesa at mga pagkain.

"Dude! Mauuna na ako!" Sigaw ni Alcaster at lumabas na.

Inaayos ko muna ang mga nagkalat sa mesa at aakmang aalis na sana ng mapansing nagmamadaling umalis ang mga kasamahan kong pulis.

Oo nga pala. Narinig kong may iri-riad silang bar ngayong gabi dahil sa nabalitaang may illegal transactions ng mga armas. Tutulong na sana ako sa kanilang sinasagawang misyon ng maalala kong may dapat pa akong gagawin.

Lumabas ako ng headquarters at dumeretso sa parking lot.

Pero bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan kaya patakbo akong tumungo sa nakaparada kong sasakyan habang nakatabon ang dalawa kong kamay sa ulo ko.

Agad akong pumasok at isinarado ang pinto. Binuhay ang makina ng kotse at umalis.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagmamaneho ng mapansing may taong papatawid pero hindi niya napansin ang sasakyan ko. Bumusina ako ng dalawang beses dahilan para mapalingon ito at huminto sa gitna ng daan.

Nanlaking mata ko siyang tinitigan ng makilala ang taong ito dahilan para marahas akong mapapreno at ilang segundo ko siyang pinagmasdan ulit ang tao sa harapan. Napansin ko namang may kung anong kulay pula sa balikat nito.

Nang makumpirma kong ano ito ay ay agad-agad akong lumabas sa sasakyan at hindi ininda ang malakas na buhos ng ulan. 

Shit! What happened to her?

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status