Share

MAID FOR MR. ARROGANT
MAID FOR MR. ARROGANT
Author: BIBIBHEYANG

Journey to Hacienda Laurel: A Meeting of Destinies

A moon determined to restore its homeland throne and captured to make serve peaceful. A beautiful sky whose throne is threatened falls in love at first sight with humans with the sinful stars to the earth.

Gazing into strangers’ eyes to find our soulmates. Knowing we're so much closer than we thought.

Our heart keeps the light that forever radiates.

Nilalakbay namin ang karagatan patungo sa kabilang isla upang mamuhay muli ng mapayapa. Tuwing ika-lima ng pebrero ay araw-araw namin 'tong ginagawa.

Minsan napapa-isip na lamang ako kung tama ba 'to? Tama bang sakupin ang hindi amin. Naalala ko pa noong bata ako, sa tuwing naglalakbay kami. Halos ang aking mga ngiti ay hindi mapawi. Pinapanuod ko ng malaya ang kalangitan na walang halong problema. Ngunit sa akin paglaki. Napagtanto ko na hindi na ako masaya sa ganitong bagay. Gusto ko ng manatili lamang sa lugar na amin pinagmulan at huwag ng sumakop ulit ng iba.

Ipinikit ko ang aking mga mata at nilasap ang sariwang hangin na may halong alat mula sa karagatan.

"Luna, nawa'y maunawaan mo ang iyong Ama." Sambit ng aking ina.

Iminulat ko ang aking mga mata, kapagkuwan ay tumingin sa kanya. Ang kanyang hugis pusong mukha, manipis at mamula-mulang labi, mga matang napaka-amo at ang kanyang napaka-itim na buhok! She looks like an angel from above. Lahat nang iyon ay aking minana.

"Okay lang. Sanay na po." Hindi interesadong sagot ko.

Nakita ko ang kaonting lungkot na dumaan sa kanyang mga mata.

"Nagsasawa ka na ba?" Dagdag niya.

Kahit gusto ko man tumango ay hindi ko na lamang ginawa. Dahil alam kung masasaktan lang siya.

"Naiintindihan ko po." Banggit ko.

Umiwas ako ng tingin at bumuntong hinga. It seems like I always owe my life.

"Sa isla na ating pupuntahan. Paniguradong matutuwa ka doon. Masagana at mapayapa roon." Mapaklang saad niya.

Ang ingay ng bangka. Ang wasik ng alon. Ang makinang na buwan. Ang malamyos na hangin. Ang tinig ng gabi.An ocean of blackness without any shore. Isang gabing di' pang-karaniwan sa lahat.

Night times are the best time for most of us. But for me? Not!

The night is such a time when our mind is free and the deepest thought usually makes its place, we start to think and give serious thought about things that we want in our life. Sa ganitong oras ako taimtim na humi-hiling na sana'y tumigil na ang lahat.

I felt a sort of appeasement in surrendering to it my weight. Nanatili ang aking paningin sa alon na malayang nagbabayo. Nakita ko rin ang iilang kasamahan namin na inaayos na ang bangka sa gilid ng dagat na kanilang pinag-daongan.

Narinig ko ang paghinto ng bangka na aming kinaroroonan. Napatingala ako at mariin na napasinghap sa nakita.

"Saan 'to?" Nababadyang gulat na tanong ko.

"Sa bukidnon." Maikling sagot ng aking ama.

Bahagyang napaawang ang aking labi. We all want to make changes in our lives, and while we should not have to wait until the beginning of a day to make some of them, it's a very good time to make the change.

Kinuha ko ang isang bagahe ko at tumayo na. Ang pagsilip ng araw ang siyang naging lakas ko upang sumubok muli, nawa'y gabayan niya ako..

Nagsimula na kami maglakad na halos ika-hina ko. Nakita ko ang ibang mandaragat na hinihila ang lambat. Ang mga batang masayang naglalaro sa kulay puting buhangin. Ang mga dalagita na abalang pinapa-araw ang mga isdang nahuli kinahapunan. Isang mapayapa at masaganang nayon.

"Tutungo tayo sa Hacienda Laurel. Naroon ang kaibigan kong si Rico." Saad ng aking ama.

Bahagya akong napapikit. Ang mga kasama namin kanina ay bigla na lamang nawala. Sa layo na aming nilakbay,.nakaramdam na ako ng pagod upang mag-isip.

"Leon, tama ba itong ginagawa natin?" Nag-aalalang tanong ng aking ina.

"Walang mali sa ginagawa ko, Vangie! Para ito kay Venice Luna. Para sa kanyang magandang kinabukasan." May pagdidiin na asik ng aking ama. Ang mabagsik nitong anyo ay mas bumagsik pa.

Naitikom ng aking ina ang kanyang labi. Nagpatuloy-tuloy kami sa paglalakad na para bang walang nangyari.

Sa ilang oras namin paglalakbay ay nakakita ako ng kalsada. Naroon ang mga tricycle driver na naghihintay para sa mga pasahero na darating.

Lumapit kami roon at nagtanong kung saan ang hacienda. May isang driver ang sumagot at nagpresinta na 'ring siya ang maghahatid sa amin.

Kinalaunan ay sumakay na sa likod si Papa at kami naman ay sa loob. Pagkatapos isakay ang aming mga bagahe sa itaas ay siyang pagtakbo ng tricycle. Bahagya akong napapikit at binabalikan muli ang nakaraan. I love the feeling of the fresh air on my face and the wind blowing through my hair.

Ilang ulit akong bumuntong hinga. Gusto kong magwala! Gusto kong sumigaw. Gusto kong masunod. That dreams are more powerful than facts. That hope always triumphs over experience.

Hinawakan ng aking ina ang aking kamay upang pakalmahin ako.

"Luna." Malambing niyang ani.

Ang nababadyang luha ay agad na pumatak sa kanyang ginawa. Bakit ganito ang pamamaraan niya? Kung kailan masaya na ako, siya rin nitong tatanggalin ang aking karapatan.

"Magkikita rin kayo muli ni Mattias." Dagdag ng aking ina.

Umiling ako at pilit na kinakalaban ang kahinaan. Kailangan kong tatagan ang aking loob.

Napatanaw ako sa tanawin na aming nadadaanan. Ang burol na naglalakihan. Ang mga pananim na gulay at prutas ay masaganang nakatanim. Ang mga punong malusog at matibay na nagtatayuan. Ang mga ordinaryong kabahayan at may iilan ring marangya.

"Ilang kilometro pa ba?" Narinig kong usal ni Papa.

"Isa na lang. Medyo malapit-lapit na rin." Sagot naman ng driver.

Gagawa akong muli ng panibagong kwento ng buhay ko. Hindi na ako nakatuon lang sa may nakaraan. Magsisimula ulit ako dahil sa bawat paglakbay ko sa buhay natuto na ako.

Now this is gonna be fun and uplifting. I'll be bold and mighty forces will come at me with aid. In the past, whenever I had fallen short in almost any undertaking, it was seldom.

Tomorrow never comes and the past never changes, that's why we should live in the moment like never before.

Tumigil ang tricycle na bahagyang tumapat sa isang malaking kulay tanso na gate. Ang apleyido ng pamilya ay naka-ukit roon.

Animo'y bumagal ang mundo ko habang bumababa ako. Ibinigay ni Papa ang bayad at isa-isang inalis ang bagahe sa itaas. Lumapit si Mama sa may harap ng gate at pinindot roon ang door bell. Kapagkuwan ay bumukas ang malaking gate. Bumungad sa amin ang dalawang guwardiya na naroon.

Kinausap sila ni Mama habang kami ni Papa ay nasa likuran niya. Naramdaman ko pagtapik ni Papa sa'king likuran. Kinalaunan ay ngumiti ang isang guwardiya at pinapasok si Mama. Lumapit sa akin ang isang guwardiya saka kinuha ang dalawang bagahe. Bahagya niya akong nginitian at nauna ng naglakad.

Napatingin ako sa suot na damit. Isang kulay rosas na bestida na bumagay sa pagiging tanso ng aking balat at kulay lupang sandal ang pang-sapin ko sa paa. Ang buhok kong napakahaba at sinadyang napaka-itim na umaalon-alon sa dulo nito.

Isang mahabang daanan at may malaking fountain ang naroon ang agad na bumangad sa amin. Sa gilid nito ay ang mga magaganda't makulay na bulaklak.

Napasinghap ako. Ang puso ko'y agad nahaluan ng kaba. Ang mga huni ng ibon at ang mga kuliglig ng insekto na pununo sa katahimikan.

Curiosity will conquer fear even more than bravery will. When you start doing the things that scare you the most, tearing down the invisible barriers that separate you from the good life, you become the person you've always dreamed about in your mind, your ideal self.

Halos umawang ang aking labi sa nakikita. Isang napakalaking mansyon ang malayang nakatayo sa loob.

Nakita ko ang paglabas ng isang matandang lalaki na animo'y nakasuot na sakanya ang salitang marangya at nag-uumapaw na kapangyarihan sa unang tingin mo palang.

Sumunod sa kanya ang isang binatang lalaki, na tansya ko ay mas matanda 'to sakin ng tatlo o higit pang taon.

His eyes, eyebrows, nose, lips, chin, jaw, and facial shape were measured and came closest to the Greeks' idea of perfection.

Broad shoulders, a defined chest, and bulging biceps. He's tall and massive. Makikita mo pa lang sa tindig niya ang salitang karangyaan.

Nakangiting tumingin sa amin ang kasama niyang matanda. Samantalang siya ay seryoso lamang. Napalunok ako ng bahagya at umiwas ng tingin.

"Don Rico, ikinagagalak kong makita kayong muli." Masayang bati ng aking ama sa matandang lalaki.

Ngumisi ang tinawag niyang Don Rico saka siya nito niyakap.

"Aba'y ganoon rin ako, Leon. Sampung taon na rin ang nakalipas." Asik nito.

Tumango ang aking ama.

Ang mga tatlong kasambahay na nasa likod ng matanda ay lumapit sa amin upang kunin ang mga dalang bagahe.

"Salamat." Mahina kong usal.

Ngumiti ang tumapat sa akin at magalang na yumuko.

Habang nag-uusap sila Papa. Hindi ko maiwasan mapatingin sa gawi ng binata. Nakita ko ang pag-baling nito sa aking puwesto. Halos tumindig ang lahat ng aking balahibo nang magtama ang aming mga mata kaya't dali akong napa-iwas.

"Pasok na tayo sa loob. Marami tayong pag-uusapan, Leon!" Wika ng matanda.

Nauna silang naglakad papasok habang kami ng aking ina ay nakasunod sa kanila. Ilang ulit akong napalunok sa naramdaman kanina. Ang intensidad ng kanyang mata na halos mabali ang aking mga buto dahil sa paghihina nito.

Pinaupo kami ng Don sa isang mahabang sofa at sila naman ay naupo sa couch na gawa sa rattan.

Bumaling sa akin si Papa at ngumiti.

"Siya nga pala, Don Rico. Si Venice Luna, ang unica hija ko." Kaswal na ani Papa.

Tumingin sa akin ang Don at bahagyang ngumiti.

Tumango na lamang ako.

"Tiyak akong maraming manliligaw 'tong anak mo. Napakaganda." Nakangising sambit ng matanda.

Bahagyang pumula ang aking pisngi.

Bumaling siya sa binata.

"Si Ryker Gregory, ang apo ko. Anak nila Raul at Georgia." Usal nito.

Seryosong tumango ang binata sa amin.

"Good morning." Napakalalim ang boses nito.

"M-Magandang u-umaga r-rin." May pag-aalinlangan na anang ko.

Tumango lamang siya sa akin at inabala ang sarili sa hawak nitong cellphone.

Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng aking puso. Napahawak ako roon. Halos mawalan ako ng hininga.

The way I feel when he is near me,

To feel those butterflies I hadn't felt in years, who could have possibly done this to me? Anong nangyayari sa akin.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Alice Monteverde
this will be a nice story
goodnovel comment avatar
Mildred Manguilin Alonzo
maganda ang story,...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status