Share

Whispers of Destiny

Life is a wonderful journey of discovery and adventure with many roads to travel to achieve inner peace and happiness.

Nakaupo ako sa gilid ni Mama habang nag-uusap sila ni Don Rico. Isang buwan na ang nakalilipas ng manatili kami rito.

Akala ko nang una'y hindi magiging madali ang lahat sa akin? Ngunit sa nakalipas na araw, napagtanto ko na dapat lang pala akong masanay. Na mapapabuti sa akin ang lahat ng ito even though we may begin at different times and other places.

Following your dreams isn't always all it's cracked up to be. The moment you believe you can't do it, everything else begins to crumble. Never stop believing. Because every milestone is a miniature victory on the road to achieving your goals. Huwag kang mangamba na sumubok muli ng panibago, kung ang kapalit naman nito ay maganda.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko at tumingin muli kay Don. Gusto nitong paaralin ako sa kolehiyo. Siguro ay kukuha na lamang ako ng two years course. Ang sabi niya'y ang pag-aaral ay isang armas para sa mas ikakaunlad mo pa.

Ayaw ko sanang pumayag ngunit totoo naman ang sinabi nito. Mas lalaki man ang aking utang na loob sa kanya.,okay lang. Basta ba sa kinabukasan ko. Okay na ako doon.

"Venice, sa maynila ka mag-aaral kasama ang apo ko." Usal ng matanda.

Sumilip ako sa mga mata ni Mama. Even when you're in the saddest, most confused time of your life? It settles for less than perfection and makes allowances for human weaknesses.

Bumuntong-hinga ako. Ayaw ko sa kanilang mawalay ngunit ano pa ba ang magagawa ko? Tama ito Venice. Tama ito.

"Kailan po ba ang enrollment, Don?" Magalang na tanong ko.

"Next week ang enrollment. Ngunit bukas ay tutungo na kayo sa maynila. Inaasahan kong aalagaan mo ang apo ko!" Kaswal niyang sagot.

Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Nawa'y sa pagpunta sa maynila ay may magandang kahahantungan.

"O-Opo! M-Makakaasa po kayo." Sambit ko.

Ngumisi siya sa akin.

"Ayusin mo na ang iyong bagahe. Mag-uusap lang kami ng iyong ina." Napakagat ako sa labi at unti-unting tumango.

Tumayo ako at nagpaalam bago naglakad paalis sa balkonahe.

I care for myself. But you can't get away from yourself? You can't decide. I have been and still am a seeker.

Habang naglalakad ako patungo sa kwartong ibinigay sa amin ni Don rito sa mansyon hindi ko mapigilan ang mag-isip. Maraming bagay ang gumugulo sa isip at puso ko!What if half the things ever said, turned out to be a lie?

Na-estatwa ako sa paglalakad ng mapabaling ako sa aking unahan.

Ryker Gregory walked towards me. I am completely fascinated by the differences and comparisons. A hopeless romantic, it's very disgusting.

Napa-iwas ako sa kanya ng tingin nang nag-angat siya ng tingin sa kalagitnaan. Bahagya akong humalukipkip sa tabi.

Napaka-tahimik ng paligid habang naglalakad siya. Para bang ang mundo ko ay napunta sa ibang dimension.

He's wearing a black v-neck shirt and a dark blue pants. Halos mabilaukan ako sa nerbyos ng tumapat na siya sa akin. It's been a month, nakakapagtaka lang bakit mas lalo akong kinakabahan kapag nandiyan siya.

His hair is slightly dishelved. The smirk on his face stayed. Minsa'y seryoso siya at minsan naman ay maloko siya.

Napa-kagat ako sa labi. Naghuhuramentado na ang puso ko lalo. Napaatras ako ng kaunti ng bahagya siyang lumapit sa akin.

This is too much. I know it is. Bakit ba kasi ako ninerbyos masyado?

Magsasalita na sana ako ng maunahan niya ako.

"You ruined everything for me." He coldly said.

Nanlaki ang mata ko kapagkuwan ay sasagot na sana ng bigla akong tinawag ni Papa.

Binalewala ako ni Senyorito at tumuloy-tuloy nang naglakad paalis.

Halos hindi ko mai-galaw ang sariling paa dahil sa pagkabigla. Bumaling ako kay Papa na nasa hardin. Isa siya sa mga hardinero dito sa mansyon at si Mama naman ay tumutulong sa mga kasambahay.

Tumango sa akin si Papa ata saka ngumiti. Kahit may sama sa loob ay ngumiti na rin ako. Ilang minuto akong nanatili sa pwesto ko bago nagpasyang maglakad.

Sumilip ako sa balkonahe. Kahit napalayo ko. Nararamdaman ko parin ang tensyon. Wala na doon si Mama. Napabuntong-hinga ako.

Nobody can hurt me without my permission. Halos gusto ko siyang sigawan kanina pero hindi ko ginawa dahil sa nararamdaman kong presensya niya. I don't want to live my life worrying about it. Kung anuman ang problema niya sakin ngayon? Okay lang. Tatanggapin ko! Dahil ang lahat ng ito ay may consequence.

Bahagya akong pumikit at itinuloy na lamang ang lakad..

Pagkatapos kong ayusin ang mga damit sa aking bagahe ay agad akong tumulong kay Mama sa gawaing bahay.

Kinuha ko ang mga labahan sa lalagyan nito tsaka ko inihulog sa washing machine.

Humarap ako kay Mama na abalang kinukusot ang mga puting damit sa palanggana.

"Samahan ko na po kayo," Naupo ako sa tabi niya.

"Ayos lang, Luna. Kaya ko 'to." Mahina niyang sambit.

Bumuntong-hinga ako tsaka siya pinakatitigan. Tiyak akong sa pagpunta ko sa maynila ay malulungkot siya.

"Ma? Okay lang po ba?" Nag-aalalang tanong ko.

Kumunot ang noo niya bago bumaling sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" Malumanay niyang saad.

"Tungkol sa pag-aaral ko." Simpleng sagot ko.

Tumango lamang siya. Kahit hindi niya iparamdam sa akin na hindi niya gusto. Nararamdaman ko,.because I'm her daughter.

Siguro'y ayaw lamang niya akong paghinaan ng loob kapag sumagot siya ng hindi. Dahil tiyak akong kapag ayon ang sinabi niya? I'll follow her. Mahal na mahal ko sila ni Papa kahit minsan ay labag sa kalooban ko ang mga ginagawa nila.

My family’s uniqueness, my family’s individuality, and my family life experience mold me into a fascinating being. I just hope that I can embrace it. Because my mission in life is not merely to survive but unfortunately to thrive. Kailangan kong umunlad para sa kapakanan ng aking pamilya.

Napa-angat siya ng tingin sa akin. Nakita ko ang nababadyang luha sa kanyang mga mata.

"M-Mahal na mahal kita, Luna." Wika niya.

Napakagat ako sa labi at saka lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay bago dinala sa aking mga labi.

"Ma, mas mahal ko kayo." Anang ko saka hinalikan ang kanyang kamay.

Hinila niya ako sa kanyang bisig at niyakap nang pagka-lambing.

Tumulo ang aking luha. This is not my dream. Hindi ko pinangarap na mawalay at matibag ang pagsasama namin.

Tahimik na humikbi si Mama. Hinaplos nito ang aking buhok habang humihikbi.

Pinunasan ko agad ang luhang gusto ng lumaya. Ayaw kong ipakita sa kanila na, madali akong matibag..na sa isang iglap lang ay para akong papel na nasusunog. I am a woman with a strong personality and faith.

Kinalas ko ang yakap ni Mama sa akin. Hinaplos ang kanyang pisngi upang tanggalin ang luhang patuloy na puma-patak.

"Pasensyahan mo na si Mama. Hindi lang ako sanay." Ngumiti siya.

Tumango ako. Ayaw ko ng sumagot pa, maybe because she will see my weakness. Kailangan kong balewalain ang lahat.

Ilang minuto kami nag-usap ni Mama bago ko narinig ang pagtunog ng washing machine tanda ng tapos na 'to.

Tumayo ako at tumungo roon. Kinuha ko ang mga dekolor na damit sa loob at inilagay sa malaking lalagyan. Dahil automatic naman na 'tong washing machine nila na pagkatapos niyang masabon ay siya na rin 'tong magbabanlaw. Isasampay ko lamang 'to sa sampayan at tapos na.

Dala ang malaking basket ay nagpaalam ako kay Mama na tutungo sa likod. Tumango siya at itinuloy na lamang ang naudlot na labahan dahil sa nangyari kanina.

Mapayapa akong naglalakad sa may likod bahay ng bigla kong makita sina Klare at Racquel na animo'y may sinisilip sa malawak na hardin ng mga orchids.

Napangiti ako. Sa isang buwan na nakatira ako rito. Naging mabuti sila sa akin. Sa madaling salita kinalaunan ay naging matalik kaming magkaibigan na tatlo. Gayumpaman ay nakakatanda sila sa akin ng tatlong taon ay hindi 'to naging sagabal sa pagsasama namin.

Naglakad ako palapit sa kanila ng tahimik. Napangisi ako ng hindi nila naramdaman ang aking presensya. Masyado yata silang abala sa tinitignan.

"Klare, Racquel,." Wika ko ng makalapit ako sa kanila.

Tumingin sa akin si Klare na animo'y kiti-kiti.

Ngumisi siya,"Nandito si Senyorito." Aniya.

Kumunot ang noo ko. Alam ko naman na may lihim siyang pagtingin sa apo ni Don Rico. Ngunit minsan ay nababahala na ako.

Bumaling sa amin si Racquel na nagtaas pa ng kilay.

"Huwag ka ngang mag-ingay diyan. Baka marinig tayo." Mahinhin nitong sambit sa katabi.

Mas lumapit ako sa kanila at sinilip ang taong naroon.

Tumingkayad ako. Nakita ko si Senyorito na may kasamang babae. Wala naman silang masamang ginagawa ngunit nakakapanibago lang. Malawak 'tong nakangiti sa babae.

"Sino siya?" Maliit ang boses kong tanong.

"Si Madame Clarettine." Seryosong sagot ni Klare.

"Childhood friend niya." Dagdag naman ni Racquel.

Tumango-tango ako. Hindi ko alam kung masuwerte ba ang babaeng iyon kay Senyorito! Dahil para sa akin? I believe he is a man with an opportunity to make a living. He just wants a hanging out or making some party for having fun. In’s absence, men are defined not by themselves, but defined to their actions.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status