Share

CHAPTER 5

Author: INK
last update publish date: 2026-07-10 21:55:09

MAYA DELA TORRE POV

Eksaktong tatlumpung minuto. Ni isang segundo, hindi ako lumagpas.

Maingat kong bitbit ang silver tray na may nakapatong na umuusok na kape pabalik sa third floor. Habang naglalakad ako sa malawak at tahimik na pasilyo ng mansyon, hindi ko maiwasang mapaisip sa nangyari kanina sa play area. Grabe talaga ang shift ng mood ng boss ko. Isang segundo, nakangiti siya kay Baste at parang pinakamabait na tatay sa buong mundo. Tapos sa isang kurap, biglang naging yelo ulit ang mga mata niya nang bumaling sa akin. Parang may on and off switch ang pagiging tao niya.

Pagdating ko sa tapat ng malaking double doors ng opisina niya, akmang kakatok na sana ako nang marinig ko ang boses niya mula sa loob. Hindi lang ito basta nagsasalita, sumisigaw siya.

"I don't care about the board's excuses! Tell them if they can't finalize the acquisition by Monday, I'll replace every single one of them. Yes, fire them all!"

Napaatras ako nang bahagya at napakagat sa ibabang labi ko. Parang gusto ko na lang bumalik sa kusina at magtago sa loob ng refrigerator. Ang lakas ng boses niya, rinig na rinig hanggang sa labas kahit gawa sa makapal na mahogany ang p***o. Mukhang mainit na naman ang ulo ng bilyonaryo. Kaso, kapag na-late ako sa pag-deliver ng kape niya, baka ako naman ang masisante. Wala akong choice.

Kumatok ako nang tatlong beses. Tumigil ang pagsasalita niya sa loob.

"Come in," pamilyar at malamig niyang utos.

Pagbukas ko ng p***o, naabutan ko siyang nakatayo sa harap ng floor-to-ceiling na bintana. Nakatalikod siya sa akin habang hawak ang cellphone sa isang kamay, ang kabila naman ay sapo-sapo ang noo niya. Rinig ko ang mabigat niyang pagbuntong-hininga bago niya pinatay ang tawag nang walang paalam sa kausap niya. Ibinulsa niya ang phone at humarap sa akin.

Nakakunot na naman ang noo niya. Ang mga mata niyang kulay kape ay parang may bagyong nag-aabang.

"Your coffee, Sir Rafael. Ethiopian roast, just like you ordered," mahina pero malinaw kong sabi habang naglalakad palapit sa oak desk niya. Inilapag ko ang tray sa gilid ng laptop niya na bukas pa rin at puno ng mga graphs at numbers na hindi ko maintindihan.

Hindi siya sumagot agad. Lumapit siya sa lamesa, kinuha ang tasa, at inamoy ang kape. Sumandal siya sa gilid ng desk niya, malapit sa akin, at humigop ng kaunti. Pinanood ko ang paggalaw ng Adam's apple niya. Pasado ba? Sana naman pasado. Wala talaga akong balak mag-toothbrush ng swimming pool bukas ng umaga.

Ilang segundo siyang tahimik bago niya ibinaba ang tasa sa saucer.

"It's perfect," mahina niyang komento.

Nakahinga ako nang maluwag. "Salamat po, Sir. Kung wala na po kayong ibang ipapagawa, bababa na po ako para tapusin ang paglilinis sa—"

"Stay."

Natigilan ako sa paghakbang. Tiningnan ko siya nang may pagtataka. Kumuha siya ng tubig mula sa baso sa tray at uminom bago muling ibinaling ang matalim niyang paningin sa akin.

"How do you do it?" biglang tanong niya.

Kumunot ang noo ko. "Ang alin po, Sir? Ang pagtimpla ng kape? Sinundan ko lang po yung turo ni Luisa—"

"Not the coffee, Maya," putol niya. Ipinulupot niya ang mga braso niya sa kanyang dibdib. "I mean with Baste. Kaninang umaga, napakain mo siya ng agahan nang walang sigawan at iyakan. At kanina naman, nakita kong tuwang-tuwa siyang kalaro ka. That kid is usually stubborn and difficult to handle. Hindi siya basta-basta nagtitiwala sa mga bagong tao rito sa bahay."

Medyo nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko inasahang makikipag-usap siya sa akin tungkol sa personal na bagay, lalo na tungkol sa pamangkin niya.

"Wala naman po akong ginagawang espesyal, Sir," tapat kong sagot. "Pito po kaming magkakapatid sa probinsya, at ako po ang panganay. Sanay na sanay po akong mag-alaga ng mga bata. Kailangan lang po nila ng pasensya at atensyon. Minsan po kasi, hindi naman laruan ang gusto nila, gusto lang nila ng may makikinig sa mga kwento nila kahit puro kalokohan lang."

Nang masabi ko iyon, bigla akong nakaramdam ng kaba. Baka isipin niya pinaparinggan ko siya dahil puro trabaho ang inaatupag niya imbes na samahan ang bata. Pero imbes na magalit, nakita ko ang paglambot ng ekspresyon ng mukha niya. Tumingin siya sa sahig na parang may malalim na iniisip.

"I try my best to give him everything he needs," mahinang sabi niya, na parang kinakausap niya ang sarili niya kaysa sa akin. "He lost his parents last year. My brother and his wife died in a car accident. Ako na lang ang pamilya niya. I buy him the best toys, the best clothes, but... I admit, I don't know how to be a father to a five-year-old. I only know how to run a company."

Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa akin ito. Ako lang ang maid niya, isang empleyadong kinuha niya lang kaninang umaga para magtimpla ng kape at maglinis. Pero sa mga sandaling ito, hindi ko nakikita ang nakakatakot na bilyonaryong CEO. Nakikita ko ang isang lalaking pagod na pagod at nahihirapang magbalanse ng responsibilidad niya.

"Hindi naman po nabibili ang pagmamahal, Sir," banayad kong sagot bago ko pa mapigilan ang bibig ko. "Nararamdaman po 'yon. At base po sa nakita ko kanina nang purihin niyo yung spaceship na ginawa niya, mahal na mahal po kayo ni Baste. Kailangan niyo lang pong maglaan ng mas maraming oras para sa kanya."

Biglang nag-angat ng tingin si Sir Rafael at tumitig sa akin. Matalim na naman ang mga mata niya. Napatakip ako nang bahagya sa bibig ko. Nasobrahan yata ako sa daldal.

"Sorry po, Sir. Ang daldal ko po. Bababa na po ako—"

"Where is his nanny?" mabilis niyang tanong, pinuputol ang paghingi ko ng tawad.

Napakurap ako. "Po? Ah, hindi ko po alam, Sir. Wala po akong nakitang yaya kanina habang naglalaro kami ni Baste. Akala ko po sinabihan niyo siyang magpahinga."

Isang malamig na ngisi ang sumilay sa labi niya. "I didn't tell her to rest. I checked the security cameras when I saw Baste bothering you during your supposed break time. The nanny was fast asleep in her room while my nephew was wandering around the house alone."

Nanlaki ang mga mata ko. "P-Po?"

"I fired her twenty minutes ago. Pinalayas ko na siya sa mansyong ito," malamig at walang pusong pahayag niya. Umayos siya ng tayo at naglakad palapit sa akin. Huminto siya nang halos isang dangkal na lang ang pagitan namin. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya na humahalo sa amoy ng kape. "I don't tolerate incompetence, Maya. Especially when it comes to my nephew's safety."

Napaatras ako nang isang hakbang sa sobrang gulat. Tinanggal niya talaga ang yaya nang ganun-ganun lang?

"S-Sino na po ang mag-aalaga kay Baste ngayon?" nag-aalangan kong tanong.

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. "You."

"Po?!" halos mapasigaw ako. "Pero Sir, personal maid niyo po ako! Ang dami-dami ko pong gagawin sa schedule niyo, idadagdag niyo pa po ang pag-aalaga sa bata?"

"I will adjust your schedule. But right now, we have a bigger problem," seryosong sabi niya. Tumingin siya sa suot kong uniform na may puting apron. "Baste saw a commercial about a new limited-edition dinosaur set. He threw a massive tantrum earlier. Sabi ko dadalhin ko siya sa mall ngayon para bilhin 'yon para tumigil na siya sa pag-iyak."

"Eh di maganda po! Mabibilhan niyo na siya, makakapag-bonding pa kayo," nakangiti kong sagot, umaasang makakalusot na ako sa bagong responsibilidad na gusto niyang ibigay sa akin.

"He refuses to go with me," mabilis niyang dugtong, at kitang-kita ko ang inis sa mukha niya. "Sabi niya, hindi raw siya sasakay sa kotse kung hindi ka namin kasama. He wants you there, Maya."

Gusto kong himatayin sa kinatatayuan ko. Ako? Kasama ng isang bilyonaryo at ng makulit niyang pamangkin na pupunta sa isang mamahaling mall?

"Sir, nakakahiya po. Maid lang po ako, baka ano pang isipin ng mga tao kapag nakita nila akong kasama niyo—"

"I don't care what people think," matigas niyang utos. Tiningnan niya ang relos niya. "You have exactly fifteen minutes to go to your room and change out of that uniform. Wear something decent. We are leaving at exactly 3:00 PM. Don't make us wait."

Tumalikod na siya at bumalik sa pag-upo sa harap ng laptop niya, hudyat na tapos na ang usapan at wala na akong karapatang umangal.

Natataranta akong tumakbo palabas ng opisina at halos magkandarapa pababa ng hagdan. Decent clothes? Paano ako maghahanap ng maayos na damit sa loob ng labinlimang minuto, eh halos puro lumang t-shirt at maong pants lang ang dala ko mula sa probinsya!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MAID FOR THE CEO   CHAPTER 17

    MAYA DELA TORRE POVMahirap huminga kapag ang buong mundo ng taong kasama mo ay biglang gumuho sa harap mo. Nakayakap pa rin si Rafael sa akin, at ramdam na ramdam ko ang pag-uga ng mga balikat niya. Hindi siya umiiyak—mas malala pa roon, parang pinipigilan niya ang isang bulkan na sumabog mula sa loob. Para siyang estatwa na anumang oras ay pwedeng mabasag sa sobrang bigat ng dinadala niya.*Paano mo ba sasaluhin ang isang bilyonaryong sanay na solusyunan ang lahat ng problema gamit ang pera, pero ngayon ay wala nang magawa kundi manginig sa galit at gulat?*"Rafael," bulong ko habang patuloy na hinahaplos ang likod niya. "Huminga ka. Huwag mong dibdibin lahat nang sabay-sabay."Dahan-dahan siyang kumalas sa pagkakayakap. Tiningnan niya ako, at ang mga mata niyang laging matalas at mayabang ay puno na ng kawalan ng pag-asa. Ibinagsak niya ang mga dokumentong hawak niya sa mesa. Kumalat ang mga lumang papel—ang mga ebidensyang pilit itinago ng mga Montecillo sa loob ng maraming taon.

  • MAID FOR THE CEO   CHAPTER 16

    MAYA DELA TORRE POVNapakasakit sa tenga ng katahimikan sa loob ng sala. Ang matandang lalaki na may peklat sa kaliwang mata ay nanatiling nakaupo, habang si Manang Rosa naman ay nasa gilid, bakas ang pag-aalala sa mukha habang hawak ang tray ng kape na hindi man lang ginalaw ng bisita. Si Baste ay maingat kong dinala sa kwarto kanina para hindi niya makita ang tensyon.Sino ba talaga ang lalaking ito? At anong kailangan niya kay Rafael?"Hindi mo ba iinumin ang kape?" basag ko sa katahimikan. Ayokong magmukhang takot, kahit ang totoo ay nag-uumapaw na ang kaba sa dibdib ko.Tiningnan ako ng matanda. Malalim ang mga mata nito, puno ng mga kwentong hinding-hindi ko gugustuhing malaman. "Hindi ako nandito para sa kape, hija. Nandito ako para ibunyag ang kasinungalingan na nagpapatakbo sa pamilyang Montecillo.""Kung tungkol 'yan sa negosyo nila o sa board of directors, mas mabuting kay Sir Rafael mo na lang sabihin," sagot ko habang pinapanatili ang matatag na tono. "Wala ako sa posisyo

  • MAID FOR THE CEO   CHAPTER 15

    MAYA DELA TORRE POVAng mga sumunod na araw ay parang pag-akyat sa isang matarik na bundok. Hindi namin alam kung kailan kami mahuhulog o kung kailan kami makakarating sa tuktok. Habang ang balita tungkol sa audit ng Montecillo Holdings ay mainit na pinag-uusapan sa telebisyon at internet, ang mansyon naman ay naging isang tahimik na kuta.Si Rafael ay palaging nasa harap ng laptop niya, nakikipag-video call sa mga abogado, o di kaya'y nakatingin lang sa bintana na malalim ang iniisip. Hindi ko na siya tinatanong kung ano ang nangyayari. Alam kong pagod na pagod na siya sa pagpapaliwanag. Ang ginagawa ko na lang, sinisigurado kong may mainit na kape siya sa desk, na kumakain siya sa tamang oras, at na hindi nararamdaman ni Baste ang tensyon.Isang hapon, pagkatapos naming mag-bake ni Baste, nakita ko si Rafael na nakahiga sa sofa sa living room. Tulog siya. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang makatulog nang ganito kahimbing sa gitna ng araw. Ang mga gu

  • MAID FOR THE CEO   CHAPTER 14

    MAYA DELA TORRE POVLumipas ang ilang araw na parang kalmado ang dagat bago ang bagyo. Si Rafael ay abala sa pag-aayos ng mga naiwang problema sa kumpanya, at ako naman, nakatuon ang atensyon kay Baste. Pero kahit tahimik, ramdam ko ang tensyon sa paligid. Hindi nawala sa isip ko ang babala ni Tita Elena. Alam kong hindi siya ang huli.Isang hapon, habang nag-aayos ako ng mga bulaklak sa garden, dumating ang isang pamilyar na itim na sedan. Hindi ito ang sasakyan ni Rafael. Bumaba ang isang babaeng naka-eleganteng coat—si Clara.Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko siya nakikita simula noong magkagulo ang lahat. Lumapit siya sa akin nang dahan-dahan, ang bawat hakbang niya ay puno ng kompiyansa."So, ikaw pala ang dahilan kung bakit nagkagulo ang buhay ni Rafael," panimula niya. Ang boses niya ay parang boses ng isang reyna na nangmamaliit ng hamak na utusan."Clara, nandito ka para kay Sir Rafael? Wala siya rito," sagot ko, pilit pinapan

  • MAID FOR THE CEO   CHAPTER 13

    MAYA DELA TORRE POVAng mga sumunod na araw ay parang paglalakad sa ulap. Minsan, kinukurot ko ang sarili ko para masigurong hindi lang ako nananaginip. Ang CEO na dati ay halos hindi ako lingunin, ngayon ay parang laging hinahanap ang presensya ko sa loob ng mansyon. Pero hindi ibig sabihin na naging madali ang lahat. Sa katunayan, mas naging komplikado ang mga tinginan at ang mga simpleng salita."Maya, help me with my tie," utos ni Sir Rafael isang umaga habang nagmamadali siyang mag-ayos para sa isang meeting.Lumapit ako, medyo kinakabahan pa rin kahit sanay na ako. Ramdam ko ang mainit na hininga niya habang nakatingala siya nang bahagya para maayos ko ang necktie niya. Ang lapit niya. Masyadong malapit.*Huwag kang titingin sa mga mata niya, Maya. Huwag na huwag.*"Done, Sir," sabi ko agad pagkatapos kong higpitan nang bahagya ang pagkakatali. Hindi ko siya hinintay na tumingin sa akin at mabilis akong humakbang paatras."You're shaki

  • MAID FOR THE CEO   CHAPTER 12

    MAYA DELA TORRE POVNakahinga ako nang maluwag nang pumasok si Sir Rafael sa pinto. Kita ko sa mga mata niya ang matinding pagod pero may halong gaan—yung tipong nakabitaw na siya sa isang mabigat na pasanin. Hindi ko alam kung ano eksakto ang nangyari sa loob ng board room, pero ang mahalaga, ligtas na siya. At dahil ligtas na siya, ligtas na rin kaming lahat."Salamat sa Diyos, Sir," sabi ko habang inilalapag ang kutsara sa mesa.Tumingala siya, parang sinusubukang alalahanin kung paano ulit ngumiti nang totoo. "It’s done, Maya. Wala na silang kapangyarihan na gamitin ang kumpanya para saktan si Baste."Nakita ko kung paano siya huminga nang malalim. Sa mga nakaraang araw, parang laging nakakuyom ang mga kamao niya. Ngayon, nakita ko siyang humawak sa mesa, hindi para manakit o mang-utos, kundi para suportahan ang sarili niyang bigat.*Sana naman, ito na ang huling gulo,* isip ko.Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya. Ang la

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status