MAYA DELA TORRE POVLabinlimang minuto. Ang tagal ng bawat segundong lumilipas habang nagmamadali akong naghahanap ng maisusuot sa loob ng maliit kong closet. Sabi ni Sir Rafael, "wear something decent." Ang problema, ang definition ko ng decent ay maong at simpleng t-shirt, pero ang definition niya ay malamang pang-sosyal na outfit.Buti na lang, bago ako umalis ng probinsya, may pinahiram sa akin si Manang Rosa na isang simpleng floral dress na kulay peach. Bagay naman siguro ito sa mall. Mabilis kong isinuot ang dress, sinuklay ang buhok ko, at nag-apply ng konting pulbo. Hindi ako mahilig sa make-up, kaya sapat na ang malinis na hitsura.Paglabas ko ng kwarto, saktong alas-tres na. Pagdating ko sa garage area, nandoon na ang itim na SUV. Nakasandal si Sir Rafael sa pinto ng sasakyan habang may kinakalikot sa cellphone niya. Nakasuot na siya ng casual na polo shirt at maong—bihirang pagkakataon na makita siyang hindi naka-suit."You're two minutes late," malamig niyang sabi nang h
Last Updated : 2026-07-10 Read more