VESPERE SILSIA GREEN - FERREL
NAGULAT AKO NG MAY MAKITA AKONG media sa labas ng airport. Pero ng napansin ko din na hindi naman ako ang sinisigaw ng mga tao, napa ngisi ako sa loob ng suot kong mask. Inayos ko ang suot kong hood at eye glasses saka ako ang lakad ng maayos. Sa gilid ako dumaan upang hindi ako masama sa madudumog. Dahil yung lalaki na kasama ko sa Business Class siya ang hinihintay ng mga babae at reporter. Nag tungo ako sa gilid dahil andun ang aking driver, hanggang mapa lingon ako ng dumami lalo ang tao. “Totoo po ba Mr. O’Reilly ang balita na ikaw po ay may girlfriend at isa itong modelo?” Narinig kong tanong babaeng reporter. “Ma’am Ferrel. Tara na po, the van is waiting po..” wika ng driver ko na kina lingon ko. Ngumiti ako. “Akala ko mag wait pa po ako ng ilang minuto..” ngumiti ako at hinayaan ko na itong buhatin ang bagahe ko. Nilingon ko ang lalaki sa huling beses saktong itong naka tingin sa akin na kina salubong ng kilay ko. Mabuti naka salamin ako at hindi ako ganun kadaling makikita ng mga tao. Tumalikod na ako at nag lakad na ako patungo sa van at sumakay dito. Sa loob na ako nag tanggal ng suot kong jacket at mask, dahil napaka init pala sa Pilipinas. “Ma’am, sabi po pala ng mommy ninyo diretso na kayo sa mansion..” wika ng driver ko. “Sure po.” Ngumiti lang ako at binuksan ko ang bintana at nilabas ko ang ulo ko para mahanginan ako ng natural na hangin. Napa ngiti ako dahil naka uwi na ako ng Pilipinas. Kung may mga kapatid ako? Yes meron, ang isa kong kuya ay isang Doctor isa siyang Surgeon at ang ate ko naman ay isang City Engineer. Ako lang talaga naiiba sa profession. Lahat naman kami naka tapos kaya kahit paano may degree. Late lang din ako nakapag tapos dahil pinag sasabay ko ang work ko noon at pag aaral homeschooling ako plus work din. “Mukhang mag tatagal po ata kayo dito?” Tanong ni Manong Jerry. “Ay opo manong Ben, 1 month po akong bakasyon, kundi ako pag bigyan ng agency mag protesta talaga ako. Kilala nila ako na talagang kaya gawin ‘yan.” Kwento ko kay manong na kina tawa nito. “Kayo po talaga, ay ma’am si Madam po pala nag paalala na kung pwede bumili po ako ng tinapay sa bakery bago tayo tumuloy sa mansion.” Wika ni Manong Jerry. “Ako na lang po, katulad po ba sa dati?” Tanong ko dito at pag presinta ko narin. Tumango ito at tinabi ng maayos ang sasakyan. Kinuha ko ang wallet ko mabuti nakapag palit na ako ng pera. Bumaba na ako at sinuot ko ang mask ko para hindi ako makilala. Pumila ako at nang ako na ang bibili ay sinabi ko agad ang plano ko bilhin. Marami ako binili dahil masarap ang tinapay nila dito, bata pa lang ako kapag nag audition ako dito kami bumibili ng baon namin para bago ako sumalang busog ako. “Thank you..” ngumiti ako, nakita kong nagulat ang may ari alam ko nakilala niya ako. Kumaway lang ako at nag lakad na ako palabas ng biglang may pumasok kaya naka banggaan ko ito. “Damn! Watch you step, idiot!” Asik nito. Tinaasan ko ng isang kilay ito. “Ako pa? Sino ba ang hindi naka tingin sa harapan? Nakatingin ka sa loob ng bag mo. Estupida..” inirapan ko ito at iniwan ko ito agad. Nang lingunin ko ang babae namumula ito sa galit kaya naman lalo ko inirapan ito at sumakay na ako. Pag sakay ko ay umandar na ang sasakyan at kumuha ako ng ube pandesal. HINDI NAG TAGAL NAKARATING na ako sa bahay ko. Nagulat akong makita ko ang kaibigan kong si Gabriela o Gabi at Melodrina. Dali dali akong bumaba. “Hoy kayo! Bakit kayo nandito sa bahay ko?!” Singhal kong tanong at dinuro ko pa sila. Hawak ko ang ube pandesal na kinakain ko. Na meywang pa ako at tinaas ko ang noo ko. “Kapal niyo ha?! Trespassing kayo!” Asik ko. “Tita, nandito na si Sia!” Sigaw ng kaibigan ko. Kinagat ko ang tinapay at mabilis akong tumakbo at dumamba ako sa likod ni Gabi. “Piggy back! Let’s go!” Sigaw ko at tinaas ko ang kamay ko. And Gabi understands the assignment. “Jumisyo marimar ibaba mo nga ‘yan Gabi! Ang tangkad at ang bigat niyan! Yukong yuko ka na Gabriela!” Suway ni Mommy kaya bumaba na ako. Nag tawanan kami mag kakaibigan at nag yakapan. “Namiss ko kayo ng sobra sobra!” Masaya kong wika. “Pumasok na kayo at mag tanghalian tayo ng sabay-sabay..” wika ni Mommy. NANG MATAPOS KAMI kumain nag usap kami, “Anak ha? Kailangan pumunta tayo sa reunion..” wika ni Mommy. Bumuntong hininga ako. “It’s okay anak, inormal mo na palagi ka nilang tinatanong tungkol kung kailan ka mag aasawa at magkaroon ng anak.” Wika ni Mommy na kina simangot ko lalo. “Mommy, pwede po ba pass muna ako? Kahit ngayong taon lang please? Nagbakasyon ako para naman kahit papaano mawala pagod ko.” Pakiusap ko. “Hindi pwede..” wika ni Daddy na kararating lang kasama ang dalawa ko pang Kapatid na si Valeska at kuya Leander. Tumayo ako agad at niyakap ko ang daddy ko at mga kapatid. “Welcome home..” bati ni daddy. Nagpapasalamat ako agad at ganun din sila ate at kuya. “Kailangan nasa reunion tayo para naman kahit papaano buo tayo. Hindi lang naman ikaw nag iisa na tinatanong niyan ako din nauna pa nga mag asawa si Veleska. “Wika ni Kuya Leander. “Right.” Sagot ni Daddy. Ngumiti naman ako at nag salita. “Pwede po ba mamaya na natin pag usapan ‘yan? Gusto ko po muna sana matulog kung okay lang?” Tanong ko sa kanila. “Mag pahinga ka muna, ano gusto mo lutuin kong pagkain for dinner?” Tanong ni Mommy. “Sinigang!” Masaya kong sagot at umakyat na ako sa taas kasama ang mga kaibigan ko. Masaya ako dahil naka uwi ako na pero syempre hindi din kasi magigisa na naman ako ng buhay nito sa mga kamag-anak namin.CHAPTER 31 - VESPERE SILSIA GREEN - FERREL Hindi ko inaasahan na nandito si Mr. O’Reilly at ang kaibigan nitong si Mr. Soshiro. “You’re invitation card Miss Green.” Inabot ko sa lalaki ang card ko, agad nito minarkahan na ibig sabihin naka punta ako o nakapasok. Sunod naman na hinanap ay ang nasa likuran ko. “I am your date for tonight no buts..” humawak agad si Draven sa waist ko kaya agad kong inalis ito. “Ipapahamak mo talaga ako ano? Gagawa ka talaga ng isyu para lang masira ako..” inis kong tanong dito at nauna ako mag lakad. Inalalayan ako nito na makapasok sa mismong cruise ship. “Hindi ko gusto gawin ang sinasabi mo, but sooner or later i will tell everyone that you are my wife..” nangilabot ako sa sinabi nito. “Pwede ba? Sinabi ko na gusto ko walang makaka alam ng meron tayo..” palayo na ako ng hilahin ako nito, saktong madilim ang parteng dadaanan namin. Naramdaman ko ang lapat ng labi nito sa labi ko na kina laki ng mata ko. Ito din ang unang kumalas sa halik
DRAVEN HYDER BLEIDON - O’REILLY “Bo-boss tama po ang nakita ko?” Tanong ni Jian. Ngumiti lang ako habang binabasa ang naka sulat. She’s a pregnant with my child. “Hayaan mo na, isipin mo na lang parte ng pag bubuntis niya..” sagot ko dito. “Ibig sabihin may heir na po kayo?” Tanong nito. Tumango ako na kina ngiti nito. “Kailangan po malaman ng buong organization ito para ma welcome ang susunod sa yapak ng pamilya..” wika ni Jian. “Gusto ko ikaw na ang bahala dito, tawagan mo ako upang maisama ko ang soon to be my wife too.” Utos ko dito. “Masusunod po..” sagot nito sa akin. Kailangan malaman ito ng buong pamilya. Akala ko pahihirapan pa ako nito na malaman ang totoo, pero mukhang hindi na rin nito naisip pa. Tinago ko ang resulta na hawak ko. VESPERE SILSIA GREEN - FERREL “Nakaka pag taka lang biglang nag balikan ang pera na nawawala sa kumpanya?” Tanong ni Daddy habang naka tingin kami sa laptop nito. Nakita ko kanina na halos kakaunti na lang natitira pero hindi na
DRAVEN HYDER BLEIDON - O’REILLY “Ito ang condition ko Mr. O’Reilly, kasama d’yan ang hindi pwede pakialamanan ng pamilya mo mas lalo kana ang buhay ko bilang modelo. Isa pa hindi ako papayag na lahat ng meron ako ay magiging conjugal. What’s is mine is only mine..” nakaka mangha ang babae na ito. Natatangi lang siyang gumawa ng ganito sa akin, halos lahat ng babae sambahin ako pero ang isang ito. “Kung ‘yan ang gusto mo ako na ang bahala sa magulang ko. Pero kung anong meron sakin hindi ko ipag dadamot sa’yo. Naiintindihan ko ang pag papahalaga mo sa pinag hirapan mo..” sagot ko dito. Ayoko pigilan ang tama kung ano ang dapat namin pag hatian ibibigay ko kahit pa hindi siya patas sa akin. Hihintayin ko na maging komportable ito sa akin. “Tatanggapin ko ang mga kondisyon na ito para sa ikakapanatag ng loob mo. Pero may isa akong hiling..” wika ko. Tiningnan ako nito. “Ano naman ‘yun?” Tanong nito. “Hayaan mo din akong suportahan ka..” malaman kong sagot. Nakita ko ang p
VESPERE SILSIA GREEN - FERREL HINDI AKO NAKA TULOG DAHIL DOON alam ko na umalis na ang pamilya ni Draven. Desido na ako na pumayag sa kasal. Gagawin ko ang pag payag mamaya mag papadala ako ng mensahe sa ina ni Draven. Gaganti ako sa habang nasa loob ako ng pamilya na ‘yun. Naikuyom ko ang kamao ko habang nasa loob ako ng van. Patungo ako sa agency kung saan ako naka pirma. Bukod sa New York meron din dito sa France. “Miss Green.. we’re here na..” wika ng driver ko. “Thank you..” pasasalamat ko at nang tumigil ang sasakyan ay bumaba na ako. Nag tungo ako sa elevator dito sa underground parking. Ang manager ko at P.A ko ay nasa itaas na at inaabangan na ako. Pinindot ako ang unang palapag at nag hinintay ko na lang na makarating ako. HINDI NAG TAGAL NAKARATING na ako. Pag labas ko sumalubong sa akin si Ria. “Miss Green, kalat po sa balita ang pinakalat po ni Miss Brown na kayo po ang third party sa kanila ni Mr. O’Reilly..” bulong nito. “Paano nila nagawa ilabas ito?” T
VESPERE SILSIA GREEN - FERREL Hindi ako komportable na nasa harapan ko ang pamilya ni Draven. Nandito sila sa Penthouse ko dito sa Paris, natapos ang party kagabe ng maaga pag uwi ko naka tulog agad ako. “Mag order na lang ako ng makakain natin.” Wika ko dahil wala akong plano mag luto. May appointment pa ako ngayong araw. Kung saan sila tumutuloy? Sa katabi ko din na penthouse. “Napakalaki ng penthouse mo, dito ka ba hija tumutuloy kapag nandito ka Paris?” Tanong sa akin Mrs. Sonia O’Reilly. “Opo binili ko ito noong 19 years old ako. Para kapag nandito ako o nandito ang fashion show ko may bahay ako at hindi ako titira sa hotel.” Magalang kong sagot. “Hija, tatapatin na kita gusto talaga ng pamilya namin na ikaw ay makasal kay Draven, hija sana pag isipan mo.” Napa tigil ako sa pag salin ng kape sa narinig ko. Wala si Draven dito ang ina lang ni Draven ang pumunta sa bahay ko. “Tatapatin ko din po kayo..” wika ko at nilapag ko ang kape sa harapan ni Miss Sonia. “Hindi
VESPERE SILSIA GREEN - FERREL NANG LUMALIM ANG gabi lahat kami naka upo ako at ang p.a ko kasama ko siya. Ganun din ang manager ko. Lima ang upuan dahil isa itong round table. Binigyan ako ng champagne ng waiter, nang may umupo sa tabi ko hindi ko agad ito tiningnan dahil abala ako sa panonood sa maliit na stage. Nagsasalita kasi ang may ari ng MDS at nakikinig ako ngunit hindi ito nag tagal dahil sa amoy ng pabango ng isang lalaki. Paglingon ko halos mapa talon ako sa gulat ng si Mr. O’Reilly ang nasa katabing upuan ko. “Still in shock?” Tanong nito pero halatang pasimple lang ito. Hindi ko ito sinagot dahil ayoko ng kahit anong isyu na lalabas sa media. Mas lalo at napakaraming camera sa paligid. Kinalabit ko ang manager ko upang makipag palitan ng upuan sana ngunit.. Nandig ang balahibo ng katawan ko ng hawakan ako ni Mr. O’Reilly sa aking hita. Agad kong inalis ang kamay nito. “Pwede ba matuto ka naman rumespeto?” Irita kong tanong dito. “Sia? Oh ikaw?” Tanong ng ma