공유

Kabanata 7

작가: Iamblitzz
last update 최신 업데이트: 2021-09-11 20:01:28

NAKARINIG nang mahinang katok si Thorin sa kanyang silid kaya naman pansamantala niyang ihininto ang pagbr-browse ng email sa kanyang laptop na ipinadala sa kan'ya ni Nicolai tungkol sa status ng law firm.

"Bukas 'yan, come in," may kalakasang boses na saad niya. Agad namang bumukas ang pinto at tumambad sa kan'ya ang nakababatang kapatid.

"Good evening, kuya. Alas-otso na. Have you taken your meds?" tanong pa nito tapos ay lumapit sa kama at tumabi sa kan'ya.

"Yeah, tapos na. Thank you sa paalala," tugon ni Thorin sa kanyang kapatid at muling ibinalik ang paningin sa binabasang email.

"'Di mo dapat kinaliligtaan ang maintenance medicine mo. Alam mo namang iba ang effect sa'yo 'pag nakakaligtaan mo e," ani Thyon na may kalakip na pag-aalala sa tinig.

Napangiti naman si Thorin saka muling binalingan ang kapatid at hinaplos sa ulo. "Daig mo pa si Mama kung manermon, ha? Don't worry, 'di ko n

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (2)
goodnovel comment avatar
Marz Princess May Lumasag
nice story ...... unlock ......... more ...
goodnovel comment avatar
Nelsonalexis Lopez
parang naulit Ang episode 8
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • MALAYA (A Tagalog Story)   EPILOGO

    NAKATANAW si Malaya sa veranda ng hacienda Aragoncillo at pinagmamasdan ang kulay kahel na kalangitan. Para sa kan'ya, napakagandang pagmasdan ang papalubog na araw sa kanluran. Kung dala lang niya ang kanyang camera, siguro ay kinuhanan na niya iyon ng litrato."Mukhang ang lalim ng iniisip mo, huh? Nahihirapan ka na ba sa law school?"Mula sa kalangitan na unti-unting nagiging kulay dugo ay ibinaling ni Malaya ang paningin sa lalaking nagsalita sa kanyang likuran. "Kuya..."Malapad ang pagkakangiti ng kanyang Kuya August habang nakatingin din sa kalangitan na noon ay unti-unti nang kinakain ng dilim. "Iniisip mo naman siya, 'no?" usisa pa nito. "Sunday bukas, 'di ba? If you want pagkasimba natin, dumalaw tayo sa cemetery, " suhestiyon pa nito.Napangiti naman ang dalaga matapos marinig iyon sa nakatatandang kapatid. "Sige, Kuya. Naging busy din kasi ako this past week ka

  • MALAYA (A Tagalog Story)   FINALE

    "Malaya..."Hindi malaman ni Malaya kung bakit awtomatikong napamulat siya ng kanyang mga mata nang marinig ang malamyos na tinig ni Thorin. Halos katutulog pa lang niya noon dahil mula ng dumating siya sa mansyon kagabi ay katakot-takot na kwento ang pinagsaluhan nila ni Thyon. Hindi tuloy niya napuntahan si Thorin sa silid nito.Bumalikwas ng bangon si Malaya upang hanapin ang pinanggalingan ng boses. At gayon na lang ang pagpatak ng kanyang mga luha nang makitang nakatayo sa may hamba ng pinto ng kanyang silid si Thorin.Sa loob ng isang taon, ni hindi nawala sa isip at puso niya ang lalaking kauna-unahan niyang minahal. Walang araw at gabing hindi niya ito naiisip. Kaya ngayong nasa harapan na niya ito ay walang pagsidlan ang sayang kanyang nararamdaman.Akala niya noong una, tuluyan na siyang kinamuhian ni Thorin dahil sa pag-amin niya sa kanyang tuna

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 25

    AFTER one year, sa tulong ni Thorin ay nabigyan ng gobyerno ng amnesty ang grupo ni Ka Andres at kasalukuyan na itong namumuhay bilang mga ordinaryong mamamayan.Hindi pa roon natatapos ang pagtulong ni Thorin sa ama-amahan ng nobya at sa grupo nito, dahil kinuha niyang manggagawa sa hacienda ang mga ito at binigyan ng matitirhan sa hacienda. Sinikap niya at ni Don Ysmael na tulungan ang mga ito upang tuluyang magbagong buhay.Samantalang ang mga tulisan naman na pumatay sa kanyang mga magulang at dumukot noon kay Malaya ay nalitis at nahatulan na ng reclusion perpetua o lifetime imprisonment at kasalukuyan ay nakapiit na sa New Bilibid Prison. Si Nicolai ang tumayong abogado at nagpakulong sa mga ito.Naging maayos ang buhay ng iba sa nakalipas na isang taon, pero hindi kay Thorin. Lumipas na kasi ang isang taon ay hind

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 24

    "KUNG gan'on, ikaw ang nakapulot at nagpalaki sa aking anak?!" bulalas ni Don Ysmael pagkatapos aminin ni Ka Andres na siya ang tumayong ama-amahan sa dalaga."Oo ako nga, Don Ysmael. Noong panahon na nagtatago kami sa mga sundalo, nakasagupa namin ang mga tulisan. May bihag silang sanggol at talagang kaawa-awa ang kalagayan nito," salaysay ni Ka Andres."No'ng una, nakipagkasundo kami sa mga tulisan na kami ang magpapalaki sa sanggol, pero ang nais nila ay gawing itong hostage para makakuha ng ransom. Nahabag ako sa kalagayan noon ng sanggol kaya naman nagpumilit akong kunin ang bata, na nagsiklab ng engkwentro sa pagitan namin at mga tulisan. Subalit sa awa ng Diyos, nasagip namin ang sanggol na babae at pinangalangan naming Malaya..."Sa labis na emosyon ay humagulhol si Don Ysmael at saka niyakap si Ka Andres. "Maraming salamat sa iyo! Kung hindi dahil sa iyo, malamang

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 23

    "PAANO ninyong naging anak si Malaya, Don Ysmael? Ang sabi niya sa akin, isa siyang NPA?"Malamlam ang mga mata ng Don nang balingan si Thorin. Kasalukuyang sakay sila ng kanyang sasakyan at patungo sa San Rafael. Ayon kay Major Cortez, may ilang grupo ng NPA ang nagtatago sa kabundukang doon. Nagbabaka-sakali silang baka bumalik si Malaya sa mga itinuturing nitong magulang.Sumama si Thorin kay Don Ysmael at sa mga sundalo para hanapin si Malaya. Aaminin niyang hinusgahan niya si Malaya no'ng una, pero sa tingin niya, normal lang iyon sa gaya niyang nawalan ng magulang. Nagulat siya noong una at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga natuklasan.Sa ilang araw niyang pagkukulong sa kanyang kwarto, nagnilay-nilay siya tungkol sa mga naganap sa pagitan nila ng dalaga. At aaminin niyang sa kabila ng lahat, mahal na mahal pa rin niya ito. Para nga siyang mababal

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 22

    Katatapos lang mag-agahan ni Thorin at kasalukuyan siyang nagpapahangin sa veranda nang lapitan siya ni Nana Delia."Señorito, may bisita ka.""Sino, Nana Delia?" clueless na tanong niya sa matandang katiwala. Wala naman siyang inaasahang bisita ng araw na iyon."Si Don Ysmael Aragoncillo, hijo," anang Nana Delia na ikinakunot ng kanyang noo. Wala silang usapang ng Don na bibisita ito sa kan'ya."Ano raw ang kailangan, Nana Delia?" tanong niya sa matanda.Umiling naman ang kaharap. "Hindi ko alam, Señorito. Basta ang sabi'y nais ka niyang makausap."Tumango-tango na lang si Thorin sa katiwala. "Sige, Nana Delia, pakisabing pababa na ako. Pakihatiran n'yo na lang siya ng meryenda," aniya saka tumalikod na at iniwan ang matanda.Mabilis na tinungo ni Thorin ang silid sa ika-apat na palapag ng mansyon para magpa

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status