Share

Kabanata 2

Penulis: Iamblitzz
last update Terakhir Diperbarui: 2021-08-28 14:41:48

"SEÑORITO Thorin, nagising na ang inyong bisita."

Nilingon ni Thorin si Nana Delia, ang kanilang mayordoma. "Okay Nana Delia, pupuntahan ko s'ya. Paki-handaan na rin po niyo siya ng hapunan," tugon naman ni Thorin sa matandang katiwala.

"Sige, Señorito."

"Who's your visitor, kuya? Bakit 'di ko yata alam?" tanong naman ng kanyang kapatid.

Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Kalimitan kasi, kapag may panauhin sa mansyon, ay pinaghahandaan nila ito ng maliit na salo-salo. Kung kaya't marahil ay nagtaka ito dahil walang ganoong pangyayari ang naganap.

"'Yong babaeng nasagip ko sa labas ng hacienda kaninang tanghali pag-uwi ko."

"Babae, Kuya?" pag-uulit ng kapatid.

Tumango naman siya rito. "Oo, mukhang dayuhan. Palagay ko, naligaw lang siya. Doon ko kasi siya nakita sa may bukid," aniya pa at saka tumayo na. "Pupuntahan ko muna siya at kukumustahin," paalam niya pa sa kapatid. Mabilis naman itong tumango bilang sagot pero may nabasa siyang naglalarong ngiti sa mga labi nito.

Naiiling na lang siyang tumalikod at iniwan ito. Umakyat siya sa ikalawang palapag ng mansyon at saka tinungo ang guest room kung saan niya dinala ang babaeng sinagip niya kanina lamang. Pagdating niya sa silid, marahan muna siyang kumatok bago pumasok.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Okay na ba?" tanong ni Thorin sa babae nang magtama ang kanilang mga mata ng lumingon ito pagpasok niya. Nakaupo ito sa gilig ng kama.

Sandali munang nakatingin lamang sa kan'ya ang estranghera bago sumagot. "Maayos na. Ikaw ba ang nagligtas sa'kin?" Nagdulot ng kakaibang pakiramdam kay Thorin ang tinig ng babae ng magsalita ito. Na hindi naman niya mawari kung bakit.

"Yes, ako nga," aniya habang pinasadahan ng tingin ang kabuohan ng babae.

Kanina no'ng sakay niya ito sa kabayo, napansin na niyang maganda ito kahit mukhang marungis. Hindi naman ito magandang-maganda katulad ng mga babaeng kilala niya. Simple lang ang ganda nito. May manipis na labi, may katangusang ilong, malalantik na pilik-mata at maliit na mukha. Kayumanggi lang rin ang kulay ng balat nito. A typical Filipina beauty. Ngunit ang mas napansin ni Thorin sa babae ay ang kulay tsokolateng mga mata nito. Para bang kay raming sinasabi niyon na hindi niya nawari kung ano.

"Maraming salamat. At paumanhin sa abala," hinging-paumanhin nito habang bakas sa mukha ang hiya.

Ginawaran naman niya ito ng bahagyang ngiti. "It's okay. Ano nga pala ang pangalan mo? Ako nga pala si Thorin," kaswal niyang pakilala pa rito.

"Malaya ang pangalan ko," turan naman ng dalaga.

"Siguro ay gutom ka na. Halika sa komedor. Nagpahanda ako ng makakain. Besides, gabi na rin. Oras na ng hapunan." Pansin ni Thorin na bumalatay ang pag-aalinlangan sa babae. Siguro ay nahihiya ito sa kan'ya. "'Wag kang mahihiya sa'kin, Malaya. Halika na't baka malamig na ang hapunan," nakangiti n'ya pang anyaya rito.

Sa huli ay tumango si Malaya sa kan'ya at saka tumayo. Nauna nang lumabas si Thorin sa silid habang kasunod naman niya sa likuran ang noon ay walang imik na babae. Bumaba sila sa ikalawang palapag at tinungo ang komedor. Eksakto namang pagdating nila roon ay katatapos lang ihanda ni Nana Delia at ng ibang kawaksi ang hapunan para sa dalagang bisita niya.

"Maupo ka, Malaya. 'Wag kang mahihiya," pakli pa ni Thorin sa dalaga na noon ay atubiling dumulog sa hapag.

Mabilis namang tumalima si Malaya at saka naupo sa bakantang silya hindi kalayuan sa kan'ya. Pinagmasdan lang ni Thorin ang dalaga habang halata sa mukhang nahihiya ito.

"Señorito, ipaghahanda ba kita ng makakain?" tanong pa si Nana Delia sa kan'ya. Ngumiti naman siya sa matanda at sabay umiling.

"'Wag na Nana Delia, kape na lang."

"Sige."

Nang tumalikod ang matanda ay muling itinuon ni Thorin ang tingin kay Malaya. Nag-uumpisa na itong kumain ngunit batid niyang naiilang ito dahil sa presensiya niya. "Bakit ka nga pala napadpad dito sa Sto. Cristo, Malaya? Mag relatives ka ba rito?" tanong niya upang kahit paano ay mawala ang pagkailang na nararamdaman nito sa kan'ya.

Nilunok muna ni Malaya ang laman ng bibig bago sumagot. "W-wala akong kamag-anak dito. Nagpunta lang ako rito para maghanap ng trabaho."

"Trabaho?" pag-uulit ni Thorin sa sinabi nito. Tumango naman si Malaya sa kan'ya bilang sagot. "Ano bang alam mong trabaho? Maaari kitang bigyan kung gusto mo," alok n'ya pa niya na ikinagulat ng kaharap.

"Paumanhin sa abala señorito, ito na ang kape mo," anang Nana Delia sabay lapag ng tasa ng umuusok ng kape.

"Salamat, Nana Delia." Humigop muna ng kape si Thorin bago muling tumingin sa dalaga.

"K-kahit ano naman ay kaya ko basta marangal na trabaho," anito. Tumango-tango naman si Thorin nang marinig iyon.

"Okay. Bueno, tapusin mo na muna 'yang pagkain mo para makapagpahinga ka na. Bukas na lang natin pag-usapan 'yan." Tumayo na si Thorin sa hapag bitbit ang tasa ng kape. "Goodnight, Malaya," paalam niya pa rito ng may bahagyang ngiti.

"M-Magandang gabi rin sa'yo," anang Malaya saka bahagyang ngumiti rin. Tumango na lang si Thorin sa dalaga bago tumalikod at iwan ito.

• • •

Nang tuluyang mawala sa paningin ni Malaya ang binatang nagpakilalang Thorin at saka pa lamang siya nakahinga ng maluwang. Kanina kasi habang kaharap niya ito, ay hindi siya mapakali. Aywan niya ngunit pakiramdam ni Malaya ay napapaso siya tuwing makikita niya itong nakatingin sa kan'ya.

Hindi naman ito mukhang nakakatakot o mukhang masamang tao. Ang totoo, noong una niya itong makita sa silid ay para siyang nakakita ng anghel sa katauhan ng lalaki. Paano ba naman kasi'y napakagandang lalaki nito. Ang mga mata nito, ilong, bibig at hugis ng mukha ay perpekto sa kanyang paningin.

Hindi man siya palaging nakakakita ng magagandang lalaki noong nasa bundok pa siya, ay alam niyang mas nakaaangat ang kagwapuhan nito. Kahit pa nga mahaba ang kulay tansong buhok nito, at saka may bigote at balbas ay hindi iyon nakabawas sa angking kagwapuhan nito. Bagkus, para kay Malaya, dumagdag lamang iyon sa lalaking-lalaki na dating nito. Tingin rin niya may dugong banyaga ang lalaki. Bukod pa roon, napakabait pa nito sa kan'ya. Lubos rin ang pasasalamat niya dahil iniligtas siya ng lalaki. Kung hindi, baka patay na siya ngayon.

"Hi!"

Napukaw ang naglalabay na diwa ni Malaya nang may magandang babae na lumitaw sa harapan niya. Malaki ang pagkakahawig nito kay Thorin kung kaya't sa palagay niya ay nakababatang kapatid ito ng lalaki.

"Hi," ganting-bati niya sa babae. Nakita ni Malaya na mabilis itong naupo bakanteng silya sa tabi niya saka matamis na ngumiti.

"I'm Thyon. Ikaw?"

"Ako si Malaya."

Matamis muling ngumiti ang bagong dating sa kan'ya at saka inilahad ang palad. "Nice to meet you, Malaya. Ang cute naman ng name mo," komento pa nito. Nahihiya naman siyang inabot ang nakalahad na kamay nito saka bahagya ring ngumiti.

"Masaya rin akong makilala ka," aniya.

"Ang sabi ni Kuya Thorin, nakita ka raw niyang hinimatay kaninang tanghali sa daan. Kung hindi mo mamasamain, maaari ko bang malaman kung bakit?"

Tama nga ako, magkapatid sila. Pareho silang magandang ang itsura, isip-isip ni Malaya habang pinagmamasdan ang maganda at maamong mukha ng kaharap.

"Nahilo kasi ako dahil sa sobrang init ng klima kaya marahil, nawalan ako ng malay," salaysay niya rito.

"Aw, mabuti pala at nakita ka ni kuya. Kung nagkataon na mga taong-labas ang nakakita sa'yo, malamang napagsamantalahan ka na," saad naman sa kan'ya ng dalaga habang tumatango-tango.

"Kaya nga sobra akong nagpapasalamat kay T-thorin. . ." Nang banggitin ni Malaya ang pangalan ng nakatatandang kapatid nito ay tila kumislap ang mga ng dalaga. Kasabay niyon ay may sumilay rin na magandang ngiti sa labi nito na lubos niyang ipinagtaka.

"I'm sorry for asking this, Malaya. Pero may boyfriend ka na ba?" tanong pa ni Thyon na ikinabigla niya.

"W-wala. Wala pa akong nagiging nobyo," agad naman niyang sagot rito. Mas lumapad naman ang ngiti ng dalaga dahil sa sinabi niya.

"I see. Ilang taon ka na ba?"

"Twenty years old."

"Mas ahead ka pala sa akin ng isang taon,19 pa lang ako." Ngumiti pa ito ng sabihin iyon. Batid ni Malaya na mabait rin ang babae gaya ng kuya nito, kung kaya't pakiramdam niya, kay gaan na agad ng loob niya sa bagong kakilala. "Anyway, nagkausap na kayo ng kuya, 'di ba?" Tumango naman siya bilang sagot. "Anong masasabi mo kay Kuya Thorin? Gwapo siya, 'di ba?"

Hindi alam ni Malaya kung papaano tutugunin ang tanong na iyon ng babae, pero sa huli ay sinagot niya rin ito. "O-oo. Mabait rin siya at maginoo."

"Kung ikaw ba, Malaya. Magugustuhan mo ba ang kuya?" Hindi alam ni Mamaya kung seryoso si Thyon sa tanong nitong iyon.

Ngunit nang makita niyang mataman itong nakatingin sa kanya at tila naghihintay ng isasagot niya ay atubili siyang sumagot. "W-wala sigurong babae ang hindi magugustuhan ang gaya niya."

Sa sinabi niya ay muling ngumiti ng pagka-ganda ganda si Thyon. "Sorry, huh? Kung masyado akong madaldal. Exited lang kasi akong magkaroon ng sister-in-law."

"Ha?"

"Wala! Wala! 'Wag mo na lang pansinin 'yong sinabi ko. Anyway, I'm sorry din kung naistorbo ko ang pagkain mo," hinging-paumanhin pa ni Thyon sa kan'ya.

Umiling naman siya rito. "Ayos lang 'yon. Isa pa, tapos na akong kumain."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Hermenia Castillon
nice story kahit ka babasa ko lang thanks author
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • MALAYA (A Tagalog Story)   EPILOGO

    NAKATANAW si Malaya sa veranda ng hacienda Aragoncillo at pinagmamasdan ang kulay kahel na kalangitan. Para sa kan'ya, napakagandang pagmasdan ang papalubog na araw sa kanluran. Kung dala lang niya ang kanyang camera, siguro ay kinuhanan na niya iyon ng litrato."Mukhang ang lalim ng iniisip mo, huh? Nahihirapan ka na ba sa law school?"Mula sa kalangitan na unti-unting nagiging kulay dugo ay ibinaling ni Malaya ang paningin sa lalaking nagsalita sa kanyang likuran. "Kuya..."Malapad ang pagkakangiti ng kanyang Kuya August habang nakatingin din sa kalangitan na noon ay unti-unti nang kinakain ng dilim. "Iniisip mo naman siya, 'no?" usisa pa nito. "Sunday bukas, 'di ba? If you want pagkasimba natin, dumalaw tayo sa cemetery, " suhestiyon pa nito.Napangiti naman ang dalaga matapos marinig iyon sa nakatatandang kapatid. "Sige, Kuya. Naging busy din kasi ako this past week ka

  • MALAYA (A Tagalog Story)   FINALE

    "Malaya..."Hindi malaman ni Malaya kung bakit awtomatikong napamulat siya ng kanyang mga mata nang marinig ang malamyos na tinig ni Thorin. Halos katutulog pa lang niya noon dahil mula ng dumating siya sa mansyon kagabi ay katakot-takot na kwento ang pinagsaluhan nila ni Thyon. Hindi tuloy niya napuntahan si Thorin sa silid nito.Bumalikwas ng bangon si Malaya upang hanapin ang pinanggalingan ng boses. At gayon na lang ang pagpatak ng kanyang mga luha nang makitang nakatayo sa may hamba ng pinto ng kanyang silid si Thorin.Sa loob ng isang taon, ni hindi nawala sa isip at puso niya ang lalaking kauna-unahan niyang minahal. Walang araw at gabing hindi niya ito naiisip. Kaya ngayong nasa harapan na niya ito ay walang pagsidlan ang sayang kanyang nararamdaman.Akala niya noong una, tuluyan na siyang kinamuhian ni Thorin dahil sa pag-amin niya sa kanyang tuna

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 25

    AFTER one year, sa tulong ni Thorin ay nabigyan ng gobyerno ng amnesty ang grupo ni Ka Andres at kasalukuyan na itong namumuhay bilang mga ordinaryong mamamayan.Hindi pa roon natatapos ang pagtulong ni Thorin sa ama-amahan ng nobya at sa grupo nito, dahil kinuha niyang manggagawa sa hacienda ang mga ito at binigyan ng matitirhan sa hacienda. Sinikap niya at ni Don Ysmael na tulungan ang mga ito upang tuluyang magbagong buhay.Samantalang ang mga tulisan naman na pumatay sa kanyang mga magulang at dumukot noon kay Malaya ay nalitis at nahatulan na ng reclusion perpetua o lifetime imprisonment at kasalukuyan ay nakapiit na sa New Bilibid Prison. Si Nicolai ang tumayong abogado at nagpakulong sa mga ito.Naging maayos ang buhay ng iba sa nakalipas na isang taon, pero hindi kay Thorin. Lumipas na kasi ang isang taon ay hind

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 24

    "KUNG gan'on, ikaw ang nakapulot at nagpalaki sa aking anak?!" bulalas ni Don Ysmael pagkatapos aminin ni Ka Andres na siya ang tumayong ama-amahan sa dalaga."Oo ako nga, Don Ysmael. Noong panahon na nagtatago kami sa mga sundalo, nakasagupa namin ang mga tulisan. May bihag silang sanggol at talagang kaawa-awa ang kalagayan nito," salaysay ni Ka Andres."No'ng una, nakipagkasundo kami sa mga tulisan na kami ang magpapalaki sa sanggol, pero ang nais nila ay gawing itong hostage para makakuha ng ransom. Nahabag ako sa kalagayan noon ng sanggol kaya naman nagpumilit akong kunin ang bata, na nagsiklab ng engkwentro sa pagitan namin at mga tulisan. Subalit sa awa ng Diyos, nasagip namin ang sanggol na babae at pinangalangan naming Malaya..."Sa labis na emosyon ay humagulhol si Don Ysmael at saka niyakap si Ka Andres. "Maraming salamat sa iyo! Kung hindi dahil sa iyo, malamang

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 23

    "PAANO ninyong naging anak si Malaya, Don Ysmael? Ang sabi niya sa akin, isa siyang NPA?"Malamlam ang mga mata ng Don nang balingan si Thorin. Kasalukuyang sakay sila ng kanyang sasakyan at patungo sa San Rafael. Ayon kay Major Cortez, may ilang grupo ng NPA ang nagtatago sa kabundukang doon. Nagbabaka-sakali silang baka bumalik si Malaya sa mga itinuturing nitong magulang.Sumama si Thorin kay Don Ysmael at sa mga sundalo para hanapin si Malaya. Aaminin niyang hinusgahan niya si Malaya no'ng una, pero sa tingin niya, normal lang iyon sa gaya niyang nawalan ng magulang. Nagulat siya noong una at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga natuklasan.Sa ilang araw niyang pagkukulong sa kanyang kwarto, nagnilay-nilay siya tungkol sa mga naganap sa pagitan nila ng dalaga. At aaminin niyang sa kabila ng lahat, mahal na mahal pa rin niya ito. Para nga siyang mababal

  • MALAYA (A Tagalog Story)   Kabanata 22

    Katatapos lang mag-agahan ni Thorin at kasalukuyan siyang nagpapahangin sa veranda nang lapitan siya ni Nana Delia."Señorito, may bisita ka.""Sino, Nana Delia?" clueless na tanong niya sa matandang katiwala. Wala naman siyang inaasahang bisita ng araw na iyon."Si Don Ysmael Aragoncillo, hijo," anang Nana Delia na ikinakunot ng kanyang noo. Wala silang usapang ng Don na bibisita ito sa kan'ya."Ano raw ang kailangan, Nana Delia?" tanong niya sa matanda.Umiling naman ang kaharap. "Hindi ko alam, Señorito. Basta ang sabi'y nais ka niyang makausap."Tumango-tango na lang si Thorin sa katiwala. "Sige, Nana Delia, pakisabing pababa na ako. Pakihatiran n'yo na lang siya ng meryenda," aniya saka tumalikod na at iniwan ang matanda.Mabilis na tinungo ni Thorin ang silid sa ika-apat na palapag ng mansyon para magpa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status