"KUYA, alam mo? Bagay kayo ni Malaya."
Nilingon ni Thorin ang kapatid habang nasa komedor sila at naghahanda ng agahan. Bakas sa mukha ng nakababatang kapatid ang panunukso ng sabihin iyon.
"Stop it, Thyon. Baka marinig ka ni Malaya," saway niya rito sabay lingon sa direksyon ng pinto ng komedor. Subalit lihim rin siyang napangiti sa sinabi ni Thyon, at aywan niya kung bakit.
Humagikhik naman ang dalaga sa kanyang Kuya Thorin. Nakita kasi niyang namula ang mukha nito. "Eh, bakit nagba-blush ka, kuya? Para kang teenager na kinikilig!"
Hindi na lamang sinagot ni Thorin ang kapatid at saka umiling-iling na lamang rito. Ilang sandali pa nga, dumating na si Malaya sa komedor. Agad napansin ni Thorin na namula ang babae nang magtama ang kanilang mga paningin. Napangiti tuloy siya sa kanyang isip dahil doon.
Mabilis rin namang binawi ni Malaya ang tingin sa kan'ya at naglakad patungo sa malaki at pahabang mesa. "Magandang umaga, T-Thorin at Thyon," bati pa nito sa kanilang magkapatid.
"Good morning, Malaya!" masigla namang ganting-bati ni Thyon. "'Lika, dito ka maupo sa tabi ko," anyaya pa nito saka tumayo at hinila sa braso ni Malaya upang maupo ang dalaga sa tabi nito.
"Good morning, Malaya. How's your sleep? Nakatulog ka ba nang maayos?" untag naman ni Thorin sa dalaga. Nahihiya namang tumingin si Malaya sa kan'ya at saka bahagyang ngumiti.
"O-oo. Masarap ang tulog ko. Maraming salamat ulit sa tulong ninyo sa'kin," ani Malaya sa binata. Halatang hindi mapakali ang dalaga habang kaharap ang magkapatid.
"Wala 'yon. Kahit sino naman ay tutulungan namin basta nangangailangan ng tulong," kaswal namang sagot ni Thorin. "Halina't kumain ng agahan. At 'wag kang mahihiya, Malaya. Ituring mong parang bahay mo rin ito."
Tumango naman si Malaya na may kasamang kiming ngiti sa binata, 'tapos ay nag-umpisa na siyang magsandok ng kakainin. Sa loob-loob niya, nagpapasamalat siya dahil napakabait ng mga taong tumulong sa kan'ya. At lubos niya rin iyong ipinagpasalamat sa Panginoon.
"At saka Malaya, single pa si Kuya Thorin. 'Di ba sabi mo, wala ka rin namang boyfriend?" Malapad pa ang ngiti ni Thyon nang sabihin iyon sa dalaga.
Ramdam naman ni Malaya ang pag-init ng pisngi. Lalo pa nga't nang dumako ang tingin niya sa binata ay nahuli rin niyang nakatingin rin ito sa kanya. Tuloy ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba paris kanina, no'ng unang magpanagpo ang kanilang mga mata.
"Thyon, kumain ka na lang. Kung anu-ano pa ang sinasabi mo kay Malaya," pormal naman na saway ni Thorin sa nakababatang kapatid. Ngumuso naman si Thyon sa kanyang Kuya Thorin at ipinagpatuloy na lamang ang pagkain.
"Malaya, ang sabi mo pala ay naghahanap ka ng trabaho, kaya ka napunta rito sa Sto. Cristo, hindi ba?" untag ni Thorin sa dalaga na noon ay tahimik lamang na kumakain.
"O-oo." Muntik pang mautal si Malaya pagkasabi niyon. Alam kasi niya sa kanyang sarili na hindi lubos na totoo ang sinasabi niya. Naghahanap lamang siya ng mapupuntahan para makalayo sa tinakasan.
"Kung gan'on, ano sa tingin mo ang trabaho na nababagay kay Malaya, Thyon? May suggestions ka ba?" Nag-isip naman ang kapatid at saka pagkuwan ay ngumiti.
"Alam ko na kuya, kailangan ko kasi ng personal assistant sa shop ko. D'on na lang si Malaya. Nag-resign na kasi si Camille dahil luluwas daw ng Manila. Isa pa, para 'pag nasa school ako ay may maiiwang trustworthy," nakangiti pang suhestiyon ni Thyon sa kanyang kuya, at saka binalingan si Malaya na noon ay tahimik lamang na nakikinig sa kanila.
Si Thyon ay may dress shop sa kabayanan. Nag-aaral kasi ito ng fashion designing sa karatig-bayan. At habang nag-aaral, gumagawa na rin ito ng sariling design ng mga damit at gowns na ibinibenta nito sa sariling shop. Patok naman iyon sa mga kadalagahan na taga-Sto. Cristo na mahilig sa fashion.
Tumango-tango naman si Thorin sa mungkahi ng kapatid. Sa tingin rin niya ay mainam na trabaho iyon sa dalaga. Kung tutuusin, marami rin naman siyang alam na trabaho tulad ng gawain sa hacienda. Ngunit ayaw niyang doon ito magtrabaho dahil alam niyang mahirap ang trabaho roon.
"Gusto mo ba 'yon, Malaya?" tanong naman ni Thorin rito.
"Oo," maagap namang sagot ng dalaga kahit pa nga wala siyang ideya sa trabahong sinasabi ng mga ito. Alam naman kasi niyang lahat ng bagay ay matututunan basta't pagsisikapan. "Maraming salamat sa pagtitiwala n'yo sa'kin kahit ngayon lang ninyo ako nakilala. Malaki ang utang na loob ko sa inyo," dagdag pa ni Malaya.
"Ramdam ko naman kasing mabuting tao ka, Malaya." Si Thyon ang nagsabi niyon sa dalaga.
"Yeah, ako rin," segunda naman ni Thorin. "At 'wag mong isipin na utang na loob mo ito sa'min. Masaya kaming nakakatulong," nakangiti pang turan ng binata rito.
"Maraming salamat talaga sa inyo," ani Malaya na hindi malaman kung paano pa magpapasalamat sa napakabuting magkapatid na kaharap. Sa isang banda, nakaramdam din siya ng pagsundot ng kanyang konsenya, dahil alam n'yang may inililihim siya sa mga ito.
• • •
"Uhm, Malaya. . . kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang malaman kung saan ka nakatira at kung may mga magulang ka pa," anang Thyon sa dalaga nang mapag-isa sila nito sa balkonahe ng mansyon habang nakatunghay na malawak na nasasakupan ng hacienda.
Sandali munang nag-isip si Malaya nang maaaring sabihin sa babae. Sa loob-loob niya, gusto niyang aminin ang tunay na pagkatao pero wala pa siyang lakas ng loob. Saka na lang siguro kapag kaya ko na. . .
"W-wala akong permanenteng bahay," panimula niya. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niyang tumingin sa direksyon niya si Thyon. Diretso lamang ang tingin ni Malaya sa malawak na kapatagan na natutunghayan nila sa balkonahe. Ayaw kasi niyang mahalata nito na nagsisinungaling siya.
"Wala na rin akong pamilya. Kaya't kung saan ang trabaho ko, iyon na rin ang tirahan ko," pagsisinungaling niya.
"I see," tumatango-tango namang sagot ni Thyon. "Ang lungkot naman pala ng buhay mo, Malaya." Bakas sa tinig nito ang simpatya para sa estrangherang dalaga.
"Sanay naman na ako. Gan'on talaga ang buhay. Kailangan lamang maging matatag para makasabay sa agos," anang Malaya habang hindi maalis-alis ang tingin sa mga mayayabong na puno na sakop ng hacienda. Bagaman ilang kilometro ang layo niyon sa kinaroroonan nila, may palagay siyang mga puno iyon na namumunga.
"Bilib ako sa'yo, Malaya. You're so brave. Imagine, isang taon lang ang age gap natin pero marami ka nang pinagdaanan sa buhay," komento naman ni Thyon habang nasa harapan rin ang paningin.
"Kayo? Nasaan ang magulang ninyo ni Thorin?" balik-tanong naman ni Malaya sa dalaga.
"Wala na rin. Matagal na silang nasa langit kaya kami na lang ni Kuya Thorin ang magkasama." Bakas sa tinig ng dalaga ang lungkot ng sabihin iyon.
"Maswerte ka pa rin dahil nariyan ang kuya mo."
"Oo naman! Napakabait ni Kuya at saka maalalahanin. At swerte rin ang magiging wife niya!" Tumingin pa kay Malaya ang dalaga pagkasabi noon. Pakiramdam tuloy ni Malaya ay sa kan'ya nito sinasabi iyon.
"T-tama," sang-ayon na lamang niya rito. Talagang maswerte ang magugustuhan niya, turan niya pa sa isipan.
Sa kabilang banda, dinig naman ni Thorin ang lahat pinag-uusapan ng dalawang babae. Papunta kasi sana siya sa balkonahe nang makitang naroon pala ang dalawa. Hindi sana niya intensyon ang makinig pero may tila nag-uudyok sa kanyang gawin iyon lalo pa nga't tungkol kay Malaya.
Mayamaya, nagpasya na rin siyang iwan na ang mga ito. Ayaw rin kasi ng niyang malaman pa ng dalaga na naroon siya at nakikinig sa girl's talk ng mga ito. Isa pa, baka lalo pa siyang tuksuhin ni Thyon tungkol kay Malaya pag nahuli siyang naroon. Lalo pa't ramdam niyang hindi komportable ang dalaga roon.
Nang tunguhin ni Thorin ang living room ay nakasalubong niya si Nana Delia. Tuloy ay naisip niya itong tanungin tungkol sa isang bagay. "Nana Delia," pakli niya na ikinahinto naman nito.
"Ano iyon, señorito?"
"Sa tingin mo ba Nana Delia, maswerte ang babaeng mapapangasawa ko?" Napangiti naman ang mayordoma sa sinabi niyang iyon.
"Walang duda, señorito. Bukod kasi sa magandang lalaki ka, ay may mabuti ka ring kalooban," wika nito na sinabayan pa ng matamis na ngiti. "Bakit, señorito? Dahil ba ito sa dalagang bisita mo? Sa aking paningin ay bagay na bagay kayo," may himig panunukso pang turan ng matanda.
Napangiti naman si Thorin habang napapailing sa matandang kaharap. "Ikaw talaga Nana Delia, o? Pati ba naman ikaw ay tinutukso ako?"
"Naku, hijo! Nagsasabi lamang ako ng totoo," hirit pa nito. Iiling-iling na lamang si Thorin saka nagpaalam na sa matandang pa na rin niyang pangalawang ina.
NAKATANAW si Malaya sa veranda ng hacienda Aragoncillo at pinagmamasdan ang kulay kahel na kalangitan. Para sa kan'ya, napakagandang pagmasdan ang papalubog na araw sa kanluran. Kung dala lang niya ang kanyang camera, siguro ay kinuhanan na niya iyon ng litrato."Mukhang ang lalim ng iniisip mo, huh? Nahihirapan ka na ba sa law school?"Mula sa kalangitan na unti-unting nagiging kulay dugo ay ibinaling ni Malaya ang paningin sa lalaking nagsalita sa kanyang likuran. "Kuya..."Malapad ang pagkakangiti ng kanyang Kuya August habang nakatingin din sa kalangitan na noon ay unti-unti nang kinakain ng dilim. "Iniisip mo naman siya, 'no?" usisa pa nito. "Sunday bukas, 'di ba? If you want pagkasimba natin, dumalaw tayo sa cemetery, " suhestiyon pa nito.Napangiti naman ang dalaga matapos marinig iyon sa nakatatandang kapatid. "Sige, Kuya. Naging busy din kasi ako this past week ka
"Malaya..."Hindi malaman ni Malaya kung bakit awtomatikong napamulat siya ng kanyang mga mata nang marinig ang malamyos na tinig ni Thorin. Halos katutulog pa lang niya noon dahil mula ng dumating siya sa mansyon kagabi ay katakot-takot na kwento ang pinagsaluhan nila ni Thyon. Hindi tuloy niya napuntahan si Thorin sa silid nito.Bumalikwas ng bangon si Malaya upang hanapin ang pinanggalingan ng boses. At gayon na lang ang pagpatak ng kanyang mga luha nang makitang nakatayo sa may hamba ng pinto ng kanyang silid si Thorin.Sa loob ng isang taon, ni hindi nawala sa isip at puso niya ang lalaking kauna-unahan niyang minahal. Walang araw at gabing hindi niya ito naiisip. Kaya ngayong nasa harapan na niya ito ay walang pagsidlan ang sayang kanyang nararamdaman.Akala niya noong una, tuluyan na siyang kinamuhian ni Thorin dahil sa pag-amin niya sa kanyang tuna
AFTER one year, sa tulong ni Thorin ay nabigyan ng gobyerno ng amnesty ang grupo ni Ka Andres at kasalukuyan na itong namumuhay bilang mga ordinaryong mamamayan.Hindi pa roon natatapos ang pagtulong ni Thorin sa ama-amahan ng nobya at sa grupo nito, dahil kinuha niyang manggagawa sa hacienda ang mga ito at binigyan ng matitirhan sa hacienda. Sinikap niya at ni Don Ysmael na tulungan ang mga ito upang tuluyang magbagong buhay.Samantalang ang mga tulisan naman na pumatay sa kanyang mga magulang at dumukot noon kay Malaya ay nalitis at nahatulan na ng reclusion perpetua o lifetime imprisonment at kasalukuyan ay nakapiit na sa New Bilibid Prison. Si Nicolai ang tumayong abogado at nagpakulong sa mga ito.Naging maayos ang buhay ng iba sa nakalipas na isang taon, pero hindi kay Thorin. Lumipas na kasi ang isang taon ay hind
"KUNG gan'on, ikaw ang nakapulot at nagpalaki sa aking anak?!" bulalas ni Don Ysmael pagkatapos aminin ni Ka Andres na siya ang tumayong ama-amahan sa dalaga."Oo ako nga, Don Ysmael. Noong panahon na nagtatago kami sa mga sundalo, nakasagupa namin ang mga tulisan. May bihag silang sanggol at talagang kaawa-awa ang kalagayan nito," salaysay ni Ka Andres."No'ng una, nakipagkasundo kami sa mga tulisan na kami ang magpapalaki sa sanggol, pero ang nais nila ay gawing itong hostage para makakuha ng ransom. Nahabag ako sa kalagayan noon ng sanggol kaya naman nagpumilit akong kunin ang bata, na nagsiklab ng engkwentro sa pagitan namin at mga tulisan. Subalit sa awa ng Diyos, nasagip namin ang sanggol na babae at pinangalangan naming Malaya..."Sa labis na emosyon ay humagulhol si Don Ysmael at saka niyakap si Ka Andres. "Maraming salamat sa iyo! Kung hindi dahil sa iyo, malamang
"PAANO ninyong naging anak si Malaya, Don Ysmael? Ang sabi niya sa akin, isa siyang NPA?"Malamlam ang mga mata ng Don nang balingan si Thorin. Kasalukuyang sakay sila ng kanyang sasakyan at patungo sa San Rafael. Ayon kay Major Cortez, may ilang grupo ng NPA ang nagtatago sa kabundukang doon. Nagbabaka-sakali silang baka bumalik si Malaya sa mga itinuturing nitong magulang.Sumama si Thorin kay Don Ysmael at sa mga sundalo para hanapin si Malaya. Aaminin niyang hinusgahan niya si Malaya no'ng una, pero sa tingin niya, normal lang iyon sa gaya niyang nawalan ng magulang. Nagulat siya noong una at hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga natuklasan.Sa ilang araw niyang pagkukulong sa kanyang kwarto, nagnilay-nilay siya tungkol sa mga naganap sa pagitan nila ng dalaga. At aaminin niyang sa kabila ng lahat, mahal na mahal pa rin niya ito. Para nga siyang mababal
Katatapos lang mag-agahan ni Thorin at kasalukuyan siyang nagpapahangin sa veranda nang lapitan siya ni Nana Delia."Señorito, may bisita ka.""Sino, Nana Delia?" clueless na tanong niya sa matandang katiwala. Wala naman siyang inaasahang bisita ng araw na iyon."Si Don Ysmael Aragoncillo, hijo," anang Nana Delia na ikinakunot ng kanyang noo. Wala silang usapang ng Don na bibisita ito sa kan'ya."Ano raw ang kailangan, Nana Delia?" tanong niya sa matanda.Umiling naman ang kaharap. "Hindi ko alam, Señorito. Basta ang sabi'y nais ka niyang makausap."Tumango-tango na lang si Thorin sa katiwala. "Sige, Nana Delia, pakisabing pababa na ako. Pakihatiran n'yo na lang siya ng meryenda," aniya saka tumalikod na at iniwan ang matanda.Mabilis na tinungo ni Thorin ang silid sa ika-apat na palapag ng mansyon para magpa