“ATE ZEA! Ate Zea!”Napalingon si Zea, kumakabog ang dibdib. Bakit parang paulit-ulit niyang naririnig ang tinig ni Riley pero ni anino, hindi niya ito makita?“Ate Zea!” muling tawag ni Riley, mas malinaw ngayon.“Riley? Nasaan ka?” tanong niya, pilit hinahanap ang pinagmumulan ng boses.Walang tugon ang kanyang kapatid. Tanging alingawngaw lamang ng tinig niya ang bumabalik. Ang matataas na talahib ay humaharang sa kanyang paningin, parang gubat na walang hanggan. Sandali lang, paano siya napadpad doon?“Ate Zea, tulungan mo ako!” muli nitong sigaw.“Nasaan ka?”“Nandito lang ako!” sagot ng bata, parang nasa mismong likuran niya.She turned around but didn’t see him, a deep frown appearing on her face. Mas lalong bumilis ang kabog ng dibdib niya.“Iligtas mo ako, Ate Zea,” bulong ni Riley sa mismong tainga niya.Napaatras siya sa gulat at agad niya itong nakita, nakatayo sa harapan niya, nakasuot ng gusgusing damit, magulo ang buhok, at tila ilang araw nang walang kain.“Riley! Anon
Terakhir Diperbarui : 2025-09-24 Baca selengkapnya