 LOGIN
LOGIN“Hindi mo ako masisising mababa ang tingin ko sa’yo, Riva,” Gael spat, each word slicing the space between them like glass shards thrown in slow motion. “See? Nagdala ka pa talaga ng lalake. All dressed up, pretending to be someone—just to shove it in our faces na may nagkakagusto pa sa’yo?”
Napahigpit ang hawak ni Riva sa kamay niyang nanlalamig. The words were cruel, yes, but not unfamiliar. Matagal na siyang sinasabihan ng kung anu-ano, lalo na mula kay Gael. Pero iba na 'to. Mas matalim, mas sinasadya. Mas pampahiya.
Shiela muffled a laugh behind her porcelain hand, kunwari’y na-offend sa eksena pero halatang nasisiyahan.
“At ang totoo,” dagdag ni Gael, voice rising like boiling oil, “alam naman naming binayaran mo lang ‘yang kasama mo. Para lang masabing may lalaki pang natitira na papatol sa’yo.”
Napalunok si Riva. The humiliation burned her cheeks.
Half-truths were the worst kind of lies.
Yes, Luther wasn’t really her boyfriend. But no—hindi niya ito binayaran.
“Bakla si Luther,” bulong ng utak niya, pilit pinapakalma ang sarili. “Kaya siya sumama ngayon. Para rin tumigil ang pamimilit ng pamilya niya sa kasal.”
Pero kahit alam niya ang totoo, parang nanliit siya sa sarili niyang sapatos. Lalo pa’t naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Luther sa baywang niya. Mainit. Matatag. Para bang nagsasabing, Hindi kita iiwan, kahit fake lang ‘to.
“You’re really that stupid, just like the tabloids said,” Luther continued, ang tingin sa kanya parang basura sa gilid ng kalsada. “Hindi na ako magtataka kung bakit lahat ng inoo-offeran mo ng kontrata, binabasura ka.”
“Ako—” Riva tried, pero natigilan. Wala siyang masabi. Paano ka nga ba magpapaliwanag sa taong hindi naman interesado makinig?
“Oh, c’mon.” Biglang boses ni Luther. Malamig. May diin. “If it weren’t for Riva, I won’t even allow my eyes to land on any of the idiots here claiming superiority.”
Tumigil si Gael. Si Shiela, napangiwi.
Kahit alam ni Riva ang totoo, na bakla si Luther, hindi pa rin niya mapigilang mamangha sa presence ng lalake. Pero hindi lang porma ang bumibira—‘yung aura nito, parang invisible sword na humihiwa ng ego sa bawat tingin.
“So, this is your scumbag ex-husband and his shameless mistress?” tanong ni Luther, bagsak ang tingin kay Gael. “They’re far from average.”
Tumayo ang buhok sa batok ni Riva. He didn’t just say that.
“Sino ka ba, ha?!” Shiela finally snapped, ang “mabait na bunso” aura niya, dahan-dahang nalulusaw gaya ng makeup sa ilalim ng araw.
“Even the mistress is average,” dagdag ni Luther, walang pag-aalinlangan. “I’ve seen better personalities on wet cardboard.”
“By any chance,” sabay tingin kay Shiela mula ulo hanggang paa, “did you have any form of surgery? The proportions are… suspicious.”
Shiela let out a dramatic gasp at humikbi, kunwari’y nasaktan sa sobrang katotohanan. “Gael…” bulong niya habang hinahanap ang braso ng lalaki na parang drama sa noontime show.
“Wala ka talagang silbi, Riva!” pasabog ni Gael. “You made our family matters public circus! Tapos ngayon, insultuhin mo pa si Shiela? Apologize to her while I’m still cherishing our friendship!”
Riva blinked hard. “Family affair? Nagpapatawa ka ba, Gael? We’re already divorced! Kung may circus man dito, ikaw ‘yun.”
Shiela sniffed dramatically. “I feel bad after your divorce. Pero baka naman kasi mas mahal niya lang ako kaysa sayo…”
Mahal? My ass.
“Are you even certain,” tuloy ni Gael, “na hindi ka rin nakatikim ng ibang lalaki aside from me? Eh baka nga ikaw pa nauna mangloko. Tignan mo nga ‘tong kasama mo—baka nga bayarang…”
Bagsak ang panga ni Riva. Ang lalaking nanakit sa kanya noon, ngayon ay ineinsulto pa siya sa harap ng lahat.
First, he admitted his own sin.
Second, he projected that sin to her.
Third, he's now trying to rewrite her dignity.
“Much for an idiot,” bulong ni Luther.
“Apologize to Shiela, now!” utos ni Gael, nanginginig sa galit.
“I won’t allow my fiancée to do that,” sabay hawi ni Luther sa braso ni Riva, paakap ito ngayon—protective, dominant, confident.
Natigilan ang lahat. Tila nahulog ang kaluluwa ni Gael mula sa bibig niyang nakanganga.
“Fiancée?” halos pabulong ni Gael, hindi makapaniwala.
“You heard that right,” ani Luther. “Riva is not here just for divorce papers. She’s here to file our marriage license.”
Sabay niyang inilabas ang envelope, kinindatan ang staff, at lumingon kay Riva. “Since everyone’s already here, I think we’ve got enough witnesses.”
“Luther—” bulong ni Riva, pero bago pa siya makapagpaliwanag, hinawakan siya ni Luther sa kamay.
Soft. Warm. But anchoring.
“Play along…” bulong nito, barely audible, enough to send chills down her spine.
Tumango siya, bagama’t naguguluhan pa rin. Para siyang sinampal ng hangin. Ang pinakaaayawan ni Luther ay ang kasal. Ilang beses na niyang sinabi: “I’m gay. I’ll never marry, unless it’s to piss off my parents.”
Pero ngayon, siya ang pinakasalan nito?
The oath began.
“Hawak-kamay,” ani ng officiant.
Luther faced her with a gentle smile. Sa gilid ng labi niya, may nakatagong tikas, at sa mga mata nito—may pangakong: You’re safe.
“Do you, Luther Jill, take Daine Riva Lamoste as your lawfully wedded wife—”
“I do,” sabay kindat sa kanya. Confident. Unbothered.
Riva blinked.
“I do,” she repeated without realizing. Para siyang nakalutang. Alam niyang fake ito. Alam niyang scripted. Pero bakit parang totoo?
Mabilis lang ang seremonya. Ngunit sa puso ni Riva, bumilis ang tibok nito.
Isang pirma.
Isang selyo.
Kasado.
“She’s mine now,” ani Luther, sabay harap kina Gael at Shiela.
Tumayo siya ng tuwid, hawak si Riva sa balikat.
“And you?” sabay tingin kay Gael. “You’ll never touch her again. Not even in your thoughts.”
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Gael.
Ngumiti si Luther. “See you at the reception. Or not.”
At si Riva? Nakatitig lang sa wedding certificate sa kamay niya.
Hindi niya alam kung paano, pero ngayon lang siya nakaramdam ng katahimikan kahit napapaligiran ng gulo.
Fake man ‘to—pero ang pangakong dala ng halik ni Luther sa noo niya… totoo.
After Luther claimed Riva, he excused himself to answer a call. But before he could even do that, the corner of his mouth lifted.
The day he’d been waiting to happen.
“Daine Riva Lamoste Jill. My wife…”

Buong gabi, hindi mapakali si Riva. Nakahiga siya sa malambot ngunit tila banyagang kama, ang mga palad ay nakakuyom sa ibabaw ng kumot na parang kumakapit sa huling piraso ng kontrol na meron siya. Nakatingin siya sa kisame na parang hinuhugis nito ang mga sagot na matagal na niyang hinahanap. Ngunit walang dumating. Walang kasagutang sumagi, tanging bigat ng damdamin at pagod sa katawan ang bumalot sa kanya.Hindi siya makatulog, lalo pa’t napakalapastangan ng offer kanina mula sa dating naging madrasta. Ang bawat salita, parang tinik na paulit-ulit sumasaksak sa kanyang isipan.Oppose Ezekiel?Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya kung paano siya nauwi rito, sa mundong hindi niya lubos na inakala na papasukin niya. Bigla niyang naalala ang kanyang unang asawa—si Gae
Mula pa kaninang umaga, abala na si Riva sa kusina. Maaga siyang nagising, dala ng kaba at kakaibang kasabikan. Hinihintay niyang magising ang asawa, si Luther. Kanina pa nakahain ang inihanda niyang almusal — simpleng luto lang, pero maayos at kumpleto. Habang nilalatag sa mesa ang mga plato, napapangiti siya nang walang dahilan.Pero alam niya kung saan iyon nanggaling. Naalala niya ang mga nangyari kagabi.Halos mapasama na siya — muntik nang masaktan, muntik nang mawala sa kanya ang hininga. Ngunit… si Luther. Ang lalaking peke niyang asawa, siya ang sumagip sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw kung paano nalaman ni Luther na naroon siya sa Xentro.Napahinto siya sa pag-aayos ng kutsara. “Oo nga…” mahina niyang sambit, para bang kausap ang sarili. “Hindi ko pa pala siya tinatanong tungkol doon!”Sa isip niya, nagsimula nang mabuo ang mga salitang bibitawan niya kapag kaharap na niya si Luther. Paano ba niya sisimulan? Diretso ba? O dahan-dahan lang?Pero agad din siyang
Nararamdaman ni Riva na bawat segundo sa loob ng Xentro ay parang hinahati sa mas maliliit na piraso ng kaba at hinala. Habang nakatayo siya sa isang gilid, nagmamasid sa kilos ng mga tao, hindi mawala sa isip niya ang tanong na kanina pa naglalaro sa kanyang isipan—bakit siya pa ang tatawag sa General? Parang may kulang sa kwento, may lihim na ikinukubli. Hindi iyon basta simpleng pakiusap o utos; may bigat, may kapangyarihan sa likod ng bawat galaw ng lalaking iyon.“Relatives ba sila para mag-utos nang gano’n?” bulong niya sa sarili, ngunit ramdam niyang kahit magkamag-anak pa, kahina-hinala pa rin ang lahat. Para bang may mas malalim pang dahilan—isang dahilan na pilit niyang sinusubukang hulihin pero laging dumudulas.Sa loob ng Xentro, nagkakagulo na. Ang mga ilaw ay kumikislap-kislap sa bawat sulok, halong puti at madilim na bughaw, para bang sinasadya nitong takpan ang mga bagay na ayaw ipakita. Ang sahig ay malagkit sa pinaghalong alak at pawis, at may halimuyak ng mamahaling
Tinanggal ni Luther ang suot na tuxedo at marahang isinuot kay Riva, para bang bawat galaw ng kanyang mga kamay ay sinisiguradong natatakpan ang balat nito. Ramdam ni Riva ang bigat at init ng tela, pero higit pa roon ay ang bigat ng kahulugang dala nito—parang ibinalik sa kanya ang dignidad na muntik nang mawala. Nakalapat ang tela sa kanyang balat, mainit pa mula sa katawan ng lalaki, at tila ba binabalot siya ng proteksyon.Hindi siya tinitigan ni Luther. Ang malamig na anyo ng kanyang mukha at ang mariing pag-ipit ng panga nito ay nagsasabi na may pinipigil na galit. Para kay Riva, isa itong malinaw na palatandaan na tama ang kanyang hinala—galit ito. Napalunok siya, at hindi niya namalayang may isang luha na pumatak mula sa kanyang mata.Nagulat siya nang bigla siyang buhatin ni Luther—bridal style. Napasinghap siya, at sa kabila ng gulat, napako ang kanyang mga mata sa mukha ng lalaki. Matikas ang panga, matalim ang tingin, ngunit may kakaibang bigat at pag-aalaga sa pagkakarga
Nagpupumiglas si Riva, desperadong kumawala sa pagkakahawak ng lalake. Ramdam niya ang gaspang ng palad nito sa kaniyang braso—mainit, mabigat, at parang bakal na ayaw bumitaw. Nang magtangkang gumapang ang kamay ng lalake papunta sa kaniyang dibdib, isang matinding galit ang sumiklab sa dibdib niya. Mabilis, walang pag-aalinlangan, itinulak niya pababa ang kaniyang bigat at tinadyakan nang mariin ang maselang bahagi nito.Isang matinding ungol ng sakit ang kumawala mula sa bibig ng lalake. Napasubsob ito sa mesa, halos manginig ang mga tuhod habang pilit kumukuha ng lakas. Kita sa mukha nito ang pamimilipit sa matinding hapdi. Ang ibang lalake sa paligid—malalaking katawan, matataba, at karamihan ay lasing—ay napaurong sa gulat. May ilan pa na hindi na nakatayo mula sa kanilang kinauupuan, mistulang nabigla sa bilis ng pangyayari.Sa kabila ng kanilang pigil na reaksyon, malinaw sa kilos ng mga ito na hindi sila sanay na may lumalaban. Dahan-dahan, bahagyang nanginginig ang mga dalir
The clubhouse was still raging with noise—isang magulong timpla ng bass na parang dumadagundong sa dibdib at hiyawan ng mga taong walang pakialam kung may nasasaktan. The air was thick, amoy usok ng sigarilyo, halong pabango at pawis, na parang sumisiksik sa bawat hibla ng buhok ni Riva. Halos hindi niya marinig ang sinabi ng babae sa tabi niya, ngunit isang bagay ang malinaw—hindi iyon maganda.Bibilisan na sana niya ang hakbang papunta kay Zephanie nang biglang sumulpot ang isang grupo ng malalaking lalaki, naka-itim na shades kahit madilim ang paligid. Malalapad ang balikat, at bawat kilos ay parang sinukat para magpakita ng pwersa. Hindi lang siya hinarangan—itinulak pa siya, diretso sa entablado kung saan may mga babaeng nagsasayaw, nag-aalis ng saplot isa-isa.“Aray! Masakit…” daing niya, nagpupumiglas, nanginginig ang mga kamay habang sinusubukang kumawala sa matitigas na bisig ng mga lalaki. Parang bakal ang pagkakahawak nila, walang puwang para makasingit kahit kaunting lakas








