 LOGIN
LOGINMaging ilang taon na ang lumipas, parang sugat na hindi naghihilom ang alaala ng sinabi ng manager ni Riva noon: “Kung mahal mo ang kompanyang ‘to, unahin mo ang trabaho bago ang puso. Babalik rin ang pagmamahal, pero ang promotion, minsan lang ‘yan dadaan.”
Pero pinili pa rin ni Riva ang pagmamahal. Pinili niya si Gael. Iniwan niya ang promosyon, ang oportunidad, ang sarili—lahat para sa lalaking minahal niya.
At akala niya noon, sapat na ‘yon.
Nang hindi siya ma-promote bilang Sales Manager kahit dalawang taon na siyang masipag, tapat, at palaging nauuna sa trabaho, alam na niyang kailangan na niyang umalis. Sa edad niyang trenta, mas pinipili ng management ang mga batang fresh graduate na may “fresh face”—pero kulang sa experience.
With a heavy heart, she left the company she once loved. Not because she failed, but because she finally understood: minsan, kahit anong sipag mo, hindi ka pa rin nila pipiliin.
Pero habang binabaybay niya ang daan papunta sa condo ni Luther, hindi iyon ang laman ng isip niya. Mas mabigat pa rito ang kaba sa dibdib niya.
May dala siyang plastic bag na may lamang nilagang baka, bagong luto, mainit pa. Kumatok siya sa pinto ng condo ni Luther, sabay pindot sa doorbell. Tumunog ang chime—isang low, elegant tone, hindi tulad ng karaniwang tunog ng pinto.
Ilang segundo lang at bumukas ang pinto.
At ang bumungad sa kanya ay si Luther—shirtless, pawisan, kagigising lang yata.
Halos mabulunan si Riva sa sariling laway. She stood frozen, trying not to let her eyes drift down to the sculpted lines of his abs, the faint trail of hair disappearing under his pajama waistband, the curve of his collarbone glistening under the soft lighting of the condo hallway.
“Brought you some... nilaga,” utal niyang bungad. “Uh... want some?”
Tila naamoy ni Luther ang nerbyos niya. He tilted his head, eyes unreadable, lips slightly curved upward—not in a smirk, but something teasing, something dangerous.
Hindi siya nagsalita. Sa halip, binuksan lang niya nang mas malaki ang pinto.
Pasok.
Tumango si Riva, nakayukong pumasok. Mabango ang loob ng condo, amoy linen, may halong scent diffuser ng sandalwood at mint. Maayos ang sala, minimalist pero elegante. Lahat ng gamit ay mukhang imported. Kahit ang carpet, mukhang mahal.
“The kitchen’s there,” sabay turo ni Luther.
“Ah… okay.”
“I’ll just get change.” Pumasok ito sa isang silid, iniwan siyang mag-isa.
“Thank you!” Riva spoke out loud, stopping Luther from entering his room.
“We’re partners now, after all…” Huling sabi nito bago pumasok.
Kahit ngayon hindi parin makapaniwala si Riva sa ikalawang pag kakataon.
“Is this even real?” Saad ni Riva sa isip.
Naupo si Riva sa counter at humugot ng malalim na hininga. “Ano bang pinasok ko?” bulong niya sa sarili. “Bakla siya, pero bakit ganun ‘yung dating? Baka naman may ganun talagang aura? Pero… bakit ako kinikilig?”
Riva was in deep thoughts. She’s thinking what they’re relationship is now. Are those certificates real? She’s now a Jill. Should they love each other? What will his parents would say?
All of these thoughts and questions came rushing into her.
Natawa si Luther ng makitang nasa cellophane parin ang nilagang dala ni Riva.
He initiated to get two bowls without waiting for Riva while she’s busy thinking.
Gusto ni Riva ng sagot, pero napipi siya ng narandaman ang pressensya ni Luther.
Napatikhim si Luther ng nadatnang napasapo parin ang noo ni Riva, halatang malalim ang iniisip.
“Ah, sorry! Ako na dapat ang kukuha nun!” Agad niyang nilipat ang nilaga sa bowl ni Luther, sabay abot dito. “Here. Sorry again.” Sharing Luther’s portion.
Umupo si Luther sa tapat niya at tahimik na nagsimulang kumain.
“You’re in deep thoughts… what’s bothering you?”
“Wala. I mean, marami. Puro kalituhan. Anong meron satin? Peke ba talaga ‘to? O totoo na?” Napakamot si Riva ng matauhan sa sinabi.
Napabuntong-hininga si Luther. “Do you want it to be real?”
Luther gaze at her softly.
Natigilan si Riva. Hindi niya alam ang sagot.
“I still owe you two months’ rent. Ibabayad ko ‘yon once makuha ko ‘yung last salary ko from the company.” Palit niya ng usapan.
Tumango lang si Luther. “Take your time. Hindi kita pinilit dito para lang sisingilin.”
Matapos ang kain, nagyaya ito. “It’s still early. Gusto mo bang mag-shopping?”
Ngumiti si Riva. Shopping. Matagal-tagal na rin mula nang huli siyang bumili para sa sarili niya. Noon, puro pambahay. Puro kailangan ni Gael.
Ngayon? Sa unang pagkakataon, para sa kanya.
Pagkarating nila sa mall, nagpresinta si Riva na maunang pumasok habang ipinaparada pa ni Luther ang kotse. But fate, as cruel as ever, had other plans.
Naglakad siya papasok—at tumambad agad ang ayaw niyang makita.
Si Shiela.
“Ow em jie!” sigaw nito, parang scripted. “Such a coincidence, ate Riva! You here to buy cohabitation supplies?”
Napalingon ang ibang tao. Nakita nilang mag-isa si Riva. Napangiwi siya sa hiya.
“Talagang nakakahiya ka nga! Sa lagay mong ‘yan, ipapahiya mo pa ang Ferell,” singit ni Gael habang hawak ang baywang ni Shiela.
Hindi na napigilan ni Riva.
“Tignan mo nga sarili mo, Gael. My husband and I—legally married. May proseso. May oath. Habang ikaw? Pinangakuan si Shiela pero hanggang ngayon—wala. Puro salita.”
“Shiela and I are truly in love!” singit ni Gael. “At sa ginagawa mong ‘to, mas lalo kong naisip na tama ang desisyon kong iwan ka.”
“Love, just forget it, hm?” lambing ni Shiela, kunwaring nagpakahinahon.
“Tignan mo si Shiela,” dagdag ni Gael. “Mas perpekto pa sa perpekto. Ikaw? Puro ka drama. Nakakainis. Mas malala pa sa ordinaryo.”
“Love… tama na…” lambing ulit ni Shiela.
“Pa-inosente,” mahinang bulong ni Riva. Pero nadinig.
“Ano?!” singhal ni Gael.
Mabilis ang pangyayari. Isang tulak. Isang pagkabigla. Natumba si Riva, tumama sa isang mamahaling vase. Nabasag ito. Nahiwa ang palad niya. Duguan.
“San Galyeo Vase!” sigaw ng staff. “Milyones ‘yan!”
“Siya ang may gawa!” sabay turo ni Shiela.
“Bayaran mo!” sigaw ng isa pa.
Hindi makapagsalita si Riva. Natulala.
“Tayo na!” utos ni Gael. “Ayaw mong tumayo—?”
At bago pa bumagsak ang kamay ng staff—
Isang malakas na boses ang pumunit sa paligid.
“You’ll regret touching my wife.”
Mula sa likod, lumitaw si Luther.
Naka-black turtle neck, dark jeans, shades sa noo, and a deadly aura. His presence silenced the room.
Ang mga mata niya, malamig, mapanganib.
Walang ibang nagsalita.
Luther walked forward, slow and calculated. Tumayo sa tabi ni Riva. Marahang inalalayan ito.
“I hope you’ve enjoyed the scene,” bulong nito, “because this is your last time trying to humiliate her.”
His grip on her shoulder was firm, steady, and somehow grounding. Riva felt her knees weaken—not from pain, but from the comfort of being protected.
Not once. Not twice.
But always.

Buong gabi, hindi mapakali si Riva. Nakahiga siya sa malambot ngunit tila banyagang kama, ang mga palad ay nakakuyom sa ibabaw ng kumot na parang kumakapit sa huling piraso ng kontrol na meron siya. Nakatingin siya sa kisame na parang hinuhugis nito ang mga sagot na matagal na niyang hinahanap. Ngunit walang dumating. Walang kasagutang sumagi, tanging bigat ng damdamin at pagod sa katawan ang bumalot sa kanya.Hindi siya makatulog, lalo pa’t napakalapastangan ng offer kanina mula sa dating naging madrasta. Ang bawat salita, parang tinik na paulit-ulit sumasaksak sa kanyang isipan.Oppose Ezekiel?Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya kung paano siya nauwi rito, sa mundong hindi niya lubos na inakala na papasukin niya. Bigla niyang naalala ang kanyang unang asawa—si Gae
Mula pa kaninang umaga, abala na si Riva sa kusina. Maaga siyang nagising, dala ng kaba at kakaibang kasabikan. Hinihintay niyang magising ang asawa, si Luther. Kanina pa nakahain ang inihanda niyang almusal — simpleng luto lang, pero maayos at kumpleto. Habang nilalatag sa mesa ang mga plato, napapangiti siya nang walang dahilan.Pero alam niya kung saan iyon nanggaling. Naalala niya ang mga nangyari kagabi.Halos mapasama na siya — muntik nang masaktan, muntik nang mawala sa kanya ang hininga. Ngunit… si Luther. Ang lalaking peke niyang asawa, siya ang sumagip sa kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw kung paano nalaman ni Luther na naroon siya sa Xentro.Napahinto siya sa pag-aayos ng kutsara. “Oo nga…” mahina niyang sambit, para bang kausap ang sarili. “Hindi ko pa pala siya tinatanong tungkol doon!”Sa isip niya, nagsimula nang mabuo ang mga salitang bibitawan niya kapag kaharap na niya si Luther. Paano ba niya sisimulan? Diretso ba? O dahan-dahan lang?Pero agad din siyang
Nararamdaman ni Riva na bawat segundo sa loob ng Xentro ay parang hinahati sa mas maliliit na piraso ng kaba at hinala. Habang nakatayo siya sa isang gilid, nagmamasid sa kilos ng mga tao, hindi mawala sa isip niya ang tanong na kanina pa naglalaro sa kanyang isipan—bakit siya pa ang tatawag sa General? Parang may kulang sa kwento, may lihim na ikinukubli. Hindi iyon basta simpleng pakiusap o utos; may bigat, may kapangyarihan sa likod ng bawat galaw ng lalaking iyon.“Relatives ba sila para mag-utos nang gano’n?” bulong niya sa sarili, ngunit ramdam niyang kahit magkamag-anak pa, kahina-hinala pa rin ang lahat. Para bang may mas malalim pang dahilan—isang dahilan na pilit niyang sinusubukang hulihin pero laging dumudulas.Sa loob ng Xentro, nagkakagulo na. Ang mga ilaw ay kumikislap-kislap sa bawat sulok, halong puti at madilim na bughaw, para bang sinasadya nitong takpan ang mga bagay na ayaw ipakita. Ang sahig ay malagkit sa pinaghalong alak at pawis, at may halimuyak ng mamahaling
Tinanggal ni Luther ang suot na tuxedo at marahang isinuot kay Riva, para bang bawat galaw ng kanyang mga kamay ay sinisiguradong natatakpan ang balat nito. Ramdam ni Riva ang bigat at init ng tela, pero higit pa roon ay ang bigat ng kahulugang dala nito—parang ibinalik sa kanya ang dignidad na muntik nang mawala. Nakalapat ang tela sa kanyang balat, mainit pa mula sa katawan ng lalaki, at tila ba binabalot siya ng proteksyon.Hindi siya tinitigan ni Luther. Ang malamig na anyo ng kanyang mukha at ang mariing pag-ipit ng panga nito ay nagsasabi na may pinipigil na galit. Para kay Riva, isa itong malinaw na palatandaan na tama ang kanyang hinala—galit ito. Napalunok siya, at hindi niya namalayang may isang luha na pumatak mula sa kanyang mata.Nagulat siya nang bigla siyang buhatin ni Luther—bridal style. Napasinghap siya, at sa kabila ng gulat, napako ang kanyang mga mata sa mukha ng lalaki. Matikas ang panga, matalim ang tingin, ngunit may kakaibang bigat at pag-aalaga sa pagkakarga
Nagpupumiglas si Riva, desperadong kumawala sa pagkakahawak ng lalake. Ramdam niya ang gaspang ng palad nito sa kaniyang braso—mainit, mabigat, at parang bakal na ayaw bumitaw. Nang magtangkang gumapang ang kamay ng lalake papunta sa kaniyang dibdib, isang matinding galit ang sumiklab sa dibdib niya. Mabilis, walang pag-aalinlangan, itinulak niya pababa ang kaniyang bigat at tinadyakan nang mariin ang maselang bahagi nito.Isang matinding ungol ng sakit ang kumawala mula sa bibig ng lalake. Napasubsob ito sa mesa, halos manginig ang mga tuhod habang pilit kumukuha ng lakas. Kita sa mukha nito ang pamimilipit sa matinding hapdi. Ang ibang lalake sa paligid—malalaking katawan, matataba, at karamihan ay lasing—ay napaurong sa gulat. May ilan pa na hindi na nakatayo mula sa kanilang kinauupuan, mistulang nabigla sa bilis ng pangyayari.Sa kabila ng kanilang pigil na reaksyon, malinaw sa kilos ng mga ito na hindi sila sanay na may lumalaban. Dahan-dahan, bahagyang nanginginig ang mga dalir
The clubhouse was still raging with noise—isang magulong timpla ng bass na parang dumadagundong sa dibdib at hiyawan ng mga taong walang pakialam kung may nasasaktan. The air was thick, amoy usok ng sigarilyo, halong pabango at pawis, na parang sumisiksik sa bawat hibla ng buhok ni Riva. Halos hindi niya marinig ang sinabi ng babae sa tabi niya, ngunit isang bagay ang malinaw—hindi iyon maganda.Bibilisan na sana niya ang hakbang papunta kay Zephanie nang biglang sumulpot ang isang grupo ng malalaking lalaki, naka-itim na shades kahit madilim ang paligid. Malalapad ang balikat, at bawat kilos ay parang sinukat para magpakita ng pwersa. Hindi lang siya hinarangan—itinulak pa siya, diretso sa entablado kung saan may mga babaeng nagsasayaw, nag-aalis ng saplot isa-isa.“Aray! Masakit…” daing niya, nagpupumiglas, nanginginig ang mga kamay habang sinusubukang kumawala sa matitigas na bisig ng mga lalaki. Parang bakal ang pagkakahawak nila, walang puwang para makasingit kahit kaunting lakas








