Share

KABANATA 1

Author: nhumbhii
last update Huling Na-update: 2025-04-21 10:58:01

Third Person POV

NAPASAPO si Luna sa sentido nang maramdaman ang matinding pagsakit ng ulo. Parang may nagmamartilyo sa magkabilang gilid ng kanyang ulo habang unti-unti niyang pinipilit imulat ang mga mata. Mabigat ang talukap na para bang ayaw pa ring bumitaw sa tulog. Tila ba ang buong katawan niya ay mabigat, masakit ang batok, at nanlalambot ang mga kalamnan.

Napasinghap siya nang tumama ang malamig na hangin ng aircon sa hubad niyang balikat.

Teka lang.

Hindi agad niya na-proseso ang lahat. Sa gitna ng hangover haze, isang sunod-sunod na sensasyon ang gumising sa diwa niya: ang malambot na bedsheet na hindi niya pag-aari, ang mamahaling pabango na hindi niya pabango, at ang—

Perfume?

Bigla siyang napabangon mula sa pagkakahiga, kasabay ng mabilis na kabog ng dibdib niya. Ramdam niya agad ang init sa pisngi—hindi dahil sa lagnat, kundi sa kaba, hiya, at takot na pinagsama. Lumingon siya sa kaliwa.

Isang lalaki ang mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakatalikod. Malapad ang balikat, wala ring saplot sa pang-itaas. Nakalambitin ang kumot hanggang baywang nito, at kitang-kita ang makinis na likod.

Oh. My. Gosh.

Para siyang napako sa kinauupuan. Dahan-dahan siyang umatras sa kama, at halos pigil and hininga. Sino ‘to? Paano siya napunta rito? At—

Ano'ng nangyari kagabi?!

Inikot niya ang paningin sa buong kwarto. High-ceilinged. May chandelier. Velvet ang curtain. Hindi ito ang kwarto sa unit niya. Hindi rin ito unit ng kahit sinong kilala niya. Cream at gold ang tema ng kwarto at may welcome fruit tray sa side table katabi ang isang malaking abstract painting sa pader. Parang hotel. Mamahalin.

Oh no.

Napahigpit ang hawak niya sa kumot habang pilit inaalala ang nangyari kagabi. Naalala niyang nasa bar siya kasama ang kaibigang si Sofia na artista din kagaya niya. She gave her drink at hindi naman siya nagdalawang isip na kunin at inumin iyon, after that—wala na, hindi na niya naalala ang mga sumunod pang nangyari.

"Come on, Luna... think," bulong niya sa sarili habang pilit kinakalkal sa utak ang nangyari. Pero isang malabong eksena lang ng tawanan, ilaw, at tunog ng musika. Sunod niyang alaala, eto na—nagising siyang hubad sa kama katabi ng isang estranghero.

Tiningnan niya ulit ang lalaki.

Hindi niya maipagkakailang gwapo ito. Seeing his high-bridged nose and strong jawline, smooth skin, he looked like a celebrity—a model, or someone who belonged on a luxury brand billboard.

Sinapo niya ang mukha at muntik pang mapamura. Anong klaseng gulo ba 'tong pinasok niya? Hindi siya pwedeng makita ng publiko sa ganitong ayos. Oras na malaman ng lahat na nagka-one night stand siya sa isang estranghero, tiyak na pagkakaguluhan siya ng media. Tiyak na masisira ang career na pinagpaguran.

Mabilis siyang bumaba ng kama, kumot pa rin ang nakabalot sa katawan niya at hinanap ang mga damit sa sahig. Nakita niya ang clutch purse niyang nakatapon sa gilid. Halatang sa sobrang kalasingan, doon niya lang ito basta naihagis.

Dinampot niya ito at binuksan. Walang laman kundi mga credit cards, IDs, lip gloss, at isang lukot na singkwenta pesos.

"Wow," mapait niyang bulong. “Anong mabibili ko sa singkwenta?”

Tumingin siya ulit sa natutulog na lalaki. Ang himbing ng tulog nito, na parang walang problemang dinadala. Samantalang siya, para nang binubulabog ng universe ang buong pagkatao niya.

May isang bahagi sa kanya na gustong magwala, umiyak, o kahit manumbat. Pero wala siya sa posisyon. She didn’t even know what really happened.

Huminga siya nang malalim. Tiningnan ang singkwenta pesos. Maingat niya itong pinatong sa bedside table. Walang drama, pero puno ng desperasyon. May nakita siyang ballpen malapit sa telepono kaya kinuha niya iyon. Sa likod ng room service card, maingat siyang nagsulat:

"I’m sorry, but this is all I had."

Pinatong niya ito sa tabi ng pera.

Hindi niya alam kung bakit, pero pakiramdam niya, mas okay na ‘yon kaysa umalis na lang na walang may iniabot kahit singko.

Mabilis siyang nagbihis at nagsuot ng shades kahit indoors naman. Lumapit siya sa pinto pero bago pa man siya lumabas, sumulyap ulit siya sa lalaki—hindi para pagmasdan sa huling sandali, kundi para siguraduhin na hindi ito magigising.

Pagbukas niya ng pinto, sumilip siya sa magkabilang direksyon. Walang tao at mukhang wala ding CCTV.

Thank you, Lord.

Kailangan niyang mag-ingat. Sa showbiz, parang may mata ang lahat ng sulok ng mundo. Isang maling kilos, tapos ka na.

Just breathe, Luna and walk.

At iyon nga ang ginawa niya. Gusto niyang umuwi na lang at itago sa limot ang kung ano mang nangyari. Hindi niya kilala ang lalaking nakasama niya kagabi at hindi rin niya alam kung paano nagsimula ang lahat.

Pero isang bagay ang sigurado siya—

Wala sa script ang nangyaring ’to.

THE SOFT HUM OF THE AIR CONDITIONER and the faint scent of perfume were the first things Damon Villaruel noticed when he stirred awake.

Napakunot ang noo niya nang tumagos ang sinag ng araw sa kurtina. Ang liwanag, kahit banayad, ay masakit sa mata. Dumampi ito sa balat niyang hubad, hanggang baywang lang ang kumot. The sheets were wrinkled and warm. His muscles ached slightly—hindi sa pagod, kundi sa tensyon.

He rarely drank because it wasn’t his thing. Control was everything to him but last night was different. He needed a break. A slip. A single night of recklessness.

Umupo siya sa kama at dahan-dahang iginala ang paningin.

Walang ibang tao sa kwarto.

May bahid ng tamis ang pabango sa hangin. Jasmine? No, something deeper. Exotic. Feminine. Definitely not his cologne.

Napatingin siya sa bedside table and saw a crumpled fifty-peso bill, weighed down by a room service card. May nakasulat sa likod. Maikli lang pero pulido ang sulat-kamay.

“I’m sorry, but this is all I had.”

Blink.

“What the hell…” he murmured, kunot-noo habang hawak ang papel na parang insulto sa buong pagkatao niya. “Fifty pesos?” ulit niya, this time louder. “Seriously?”

Hindi siya galit pero naiinis siya sa dalawang dahilan. Una, ang pag-iwan sa kanya ng babaeng nakatalik niya kagabi at pangalawa, ang lakas loob nitong mag-iwan ng singkwenta pesos sa kanya. Anong tingin niya sa kanya? Isang bayaran?

He raked a hand through his hair at inalala ang nangyari kagabi. He was drunk, pero nasa wisyo pa din naman siya. Gusto lang naman sana niyang tulungan ang babae, kaso hindi niya inakalang may mangyari sa kanila.

Guilt clouded him. He’s accountable sa nangyari knowing na totally wasted na ang babae kagabi at parang pinagsamatalahan niya ang kahinaan nito.

Nagpakawala siya ng isang butong hininga. Damon Villaruel was not the type to wake up with strangers—and definitely not the type to be left by them.

Especially not with a fifty-peso bill and a note like a breakup scene in a bad indie film.

Tumayo siya at kinuha ang robe na nakasabit sa gilid ng kama. Lumapit sa bintana saka binuksan niya ang kurtina. Sa baba, tanaw ang city skyline ng Makati. Luntian at asul ang pinaghalong tanawin—, maaliwalas.

Parang wala lang nangyaring kahit ano kagabi…But something did happen.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • MARRIED TO A BILLIONAIRE: Surgeon by Day, Husband by Mistake   KABANATA 75

    LUNA’s POVDinig ko ang mahinang tunog ng yelo sa baso niya habang unti-unti itong natutunaw. Sa labas ng gazebo, may mahinang ihip ng hangin, pero nakakabinging katahimikan naman ang namayani sa pagitan naming dalawa.“After waking up from the coma, I was shocked… but also happy when I found out we already have kids,” pagbabasag niya sa katahimikan, his voice low but steady.Ilang segundo pa, muli kaming nabalot ng katahimikan hanggang sa magsalita siya ulit.“I remember dreaming of a family with you… even before the wedding. And now, waking up to that dream turned real feels surreal.” Nakangiti siya, ngunit makikita sa mga mata niya ang kirot kahit hindi man niya sabihin.“What I don’t understand is why you left me—right after our wedding. Did I do something so wrong… that you had to walk away and hide my own children from me?” walang paninisi sa boses niya ngunit batid ko ang lalim ng sakit sa bawat salitang binitawan niya.“Please, Luna. Tell me…” may halong pagmamakaawa sa kanyang

  • MARRIED TO A BILLIONAIRE: Surgeon by Day, Husband by Mistake   KABANATA 74

    LUNA’s POV“This house is huge, Mommy. Even back in Zurich, I’ve never been to one like this.” manghang usal ni Dash habang binibihisan ko siya ng pantulog.Katatapos lang namin kumain ng dinner at nandito kami ngayon sa magiging kwarto nila during our stay here.“Dad must be really rich. What do you think, Mom?” sunod niyang tanong.“Huh?”“Now that I think about it, if he owns a grand house this big, he must be seriously loaded.” dagdag pa niya.“If he’s filthy rich, then why didn’t he take responsibility for us? He just let Dad Nathan raise us and didn’t even bother to ask how we were.” nagulat ako nang biglang sumagot si Desmond na kasalukuyang nakahiga sa kama habang hawak-hawak ang iPad niya.“Maybe he’s just too busy running his business and trying to get even richer, so that when we finally meet, he’ll have more than enough to spoil us.” rason ni Dash.“Or maybe he’s busy with his other woman—that’s why he almost forgot about us. All he cared about was that doctor who yelled a

  • MARRIED TO A BILLIONAIRE: Surgeon by Day, Husband by Mistake   KABANATA 73

    LUNA’s POVPAGKASARA ko ng trunk ng kotse, biglang tumunog ang cellphone ko, senyales na may tumatawag. Agad kong dinukot ito mula sa likurang bulsa ng suot kong denim at sinagot ang tawag kahit na medyo abala pa ako sa ginagawa.Kadarating lang din kasi namin sa private estate ng pamilya nila Damon.“Hello?”[It’s me… Ace.]Nagkumpol ang kilay ko nang marinig ang pamilyar niyang tinig. “Oh? Bakit ka napatawag?”[Davin’s pediatrician told me na pwede na raw siyang ma-discharge bukas.]Oo nga pala, I was about to visit Davin earlier, kaso nga lang may panira at hindi natuloy. Kaya si Ace na lang ang inutusan kong pumunta sa ward ng anak ko para maki-update sa Doktor nito.Napabitaw ako sa luggage na hawak ko saka inilipat sa kanang tenga ang telepono kahit na medyo nanginginig ang kamay ko sa sinabi niya. Ewan ko ba, magkahalong gulat, tuwa at kaba ang nararamdam ko ngayon. Mahigit isang buwan din akong nag-aalala para sa anak ko, at sa wakas ay makakalabas na rin siya.“Talaga?”[Yep.

  • MARRIED TO A BILLIONAIRE: Surgeon by Day, Husband by Mistake   KABANATA 72

    LUNA’s POV“Is that… daddy?”Napabitaw ako sa mga anak ko at mabilis ang hakbang na tinungo ang direksyon nina Althea at Damon.Damon was clearly uncomfortable, trying to pull away while Althea gripped his face, forcing the kiss to last longer.Sinagad ko na ang sitwasyon, walang pasabing hinila ko palayo si Damon at nakitang nanlaki ang mga mata niya pagkakita sakin habang si Althea naman ay may ngising sumilay sa labi habang nakataas ang isa nitong kilay.“L-Luna…” batid ang kaba sa boses ni Damon pero mas nakatuon ang atensyon ko sa babaeng may dahilan kung bakit hindi mabuo ang pamilyang inaasam ko para sa mga anak ko.“Look who finally showed up,” ani Althea sa mapanuyang tono. “I thought you already gave up—”Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanya dahilan para hindi niya matuloy ang balak na sasabihin. Kitang-kita ko kung paano niya ako panlakihan ng mata, dala ng pagkabigla at galit sa ginawa ko.“How dare you?!” hawak-hawak niya ang kanyang kaliwang pisngi na nasampa

  • MARRIED TO A BILLIONAIRE: Surgeon by Day, Husband by Mistake   KABANATA 71

    LUNA’s POV“Are we going back to Zurich, mom?” tanong ni Dash pagkakita niya sakin na inaayos ko ang mga gamit nilang magkakapatid sa luggage.“Are we ever going to see Daddy Nathan again?” si Desmond naman ang nagtanong.Mahigit isang buwan pa lang ang nakalipas magmula noong bumalik si Nathan sa Zurich, pero hinahanap-hanap na siya kaagad ng mga bata.Isinara ko ang luggage at tinitigan silang dalawa. “We’re going to live with your Dad.” sagot ko.“Which dad?” taka ni Dash. “Do you mean Daddy Nathan … or our real daddy?”“Your real daddy,”Napatalon sa tuwa si Dash habang nalukot naman ang mukha ni Desmond. Hanggang ngayon ay malayo pa rin ang loob niya kay Damon.“Your dad’s going through something hard, so we’re doing him a little favor to help.” pilit na pagpapaintindi ko kay Desmond.“I know, mom.”Niyakap ko siya at marahang hinaplos ang likuran niya. Masyado pa siyang bata para maintindihan ang lahat, pero laking pasasalamat ko dahil kahit papano’y bukas ang isipan niya sa mga

  • MARRIED TO A BILLIONAIRE: Surgeon by Day, Husband by Mistake   KABANATA 70

    LUNA’s POVNAKAUPO ako ngayon sa mahabang sofa sa living area, kaharap si Mrs. Eleanor, habang nasa kusina pa din sina mama at papa at patuloy lang sa pag-aalmusal nila.Sinadya niya daw puntahan ako dito para kausapin. Paano naman kaya niya natunton na dito ako nakatira?“I won’t beat around the bush; I am here to ask you na kung pwede sanang pansamantalang tumira kayo ng mga apo ko sa Villaruel Private Estate kasama ang ama nila.”“Po?” halos hindi makapaniwalang usal ko sa sinabi niya.Was she trying to say na titira kami ng mga anak ko kasama si Damon sa lugar kung saan kami ikinasal?Napabuntong-hininga si Mrs. Eleanor. Ininom niya ang tsaang hinanda ko bago muling tumingin sakin. “Dr. Salazar said na mas makakabuti para kay Damon na makasama ang mga taong malalapit sa kanya para muling bumalik ang alaala niya,”“Hindi ba’t mas malapit kayo sa kanya dahil—”“The last thing he could remember was the wedding. Ikinasal siya sa’yo, at kaya naisipan kong doon siya pansamantalang patir

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status