"Teka lang po. Pwedeng makinig muna kayo sa akin? And you don't have to come here today. I... I still need to... ahmm," I sighed heavily and closed my eyes before continuing, "Baka wala po kayong abutan mamaya rito kasi pupunta kami ni Tita sa Obstetrician, sasamahan niya po ako." I finally said.
Ilang minuto silang tahimik, tanging mabibigat na paghinga lang nila ang naririnig ko. At alam kong nakuha nila agad ang ibig kong sabihin.
"Haha! Why?" mukhang pilit na saad ni Mommy.
"I'm sorry po..." hindi ko na napigilan ang pag-iyak. I also heard Mommy's sob, she's also crying! Kaya mas lalo lang akong naiyak.
Hindi ko alam kung anong reaksyon ni Daddy dahil wala akong narinig na kahit na ano sa kaniya.
"I still want to hear it from you, Zimry." Sa wakas ay wika ni Daddy sa gitna ng paghikbi namin ni Mommy.
"I'm pregnant with Harley's child po," I said.
"T*ng-ina..." malutong niyang mura. Mariin kong kinagat ang aking labi p
"Zimry, your friends are here!" sigaw ni Mommy na nasa rooftop. Para namang kaya kong tumakbo patungo roon, ang laki-laki na ng tiyan ko kahit anim na buwan pa lamang ito.Kahit gusto ko silang salubungin ay nanatili na lamang ako sa upuan ko at naghintay sa pagbaba nilang lahat.I managed to buy a small house here in Canada ngunit malayo sa bahay nina Tita Mila. Kaya mas minabuti na muna naming makitira muna kay Tita Mila para may kasama ako tuwing wala si Mommy. Pabalik-balik siya rito at sa Pilipinas, minsan lang din ako kung bisitahin ni Daddy dahil abala ito sa bukid.Hindi ko alam kung anong nangyari kay Harley, kung pinaalis ba siya ni Daddy o siya mismo ang kusang umalis. I don't care anyway."Wahhh! Zimry!" Tumakbo si Lewisse patungo sa akin ngunit bigla itong natigilan at dahan dahan akong niyakap.Ito pa lang ang unang beses na bumisita sila rito. Puro video call lang kasi kami nitong mga nakaraang buwan. Hindi nakasama si Nowelle dahil
Agad namang sumunod si Irish at pumunta kina Tita at Natasha. Nginitian ni Irish si Natasha ngunit hindi ito pinansin ng kaibigan ko at nagkunwaring tumitikim ng ulam.I heard Dan's sigh, tumayo ito at pumunta sa kanila. Tahimik lang kaming tatlo rito sa mesa habang nagmamasid sa nangyayari.May ibinulong si Dan kay Irish at nagtawanan ang dalawa, kinurot pa ni Irish ang tagiliran nito. Kinuha niya ang hawak ng kaniyang girlfriend na mangkok at pinaupo na ito. Ang ending, silang tatlo nina Natasha at Tita ang nag-aayos ng mga pagkain."Natasha, ibigay mo kay Dan 'yan. Baka mapaso ka," utos ni Tita. Siya kasi ang kumukuha ng sinigang pero dahil hindi naman siya sanay sa gawaing bahay, iba ang pagkakahawak nito sa lagayan at mukhang mapapaso na ito kung hindi niya bibitawan.Nang napatingin si Dan sa gawi niya ay agad niyang hinawakan ang kamay ni Natasha, dahan-dahan niyang tinanggal at kinuha ang mangkok at inilapag sa tabi nito. Ngunit habang seryoso si
I want to distract myself. Rest my mind, and find an escape. I never thought that this day will come, though, naisip ko na rin pala pero hindi ganito kaaga, at akala ko ay malabong mangyari.But I was wrong. I clearly remember how I felt when my son's first word was "Daddy". Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig noon. Mag-iisang taon pa lang siya pero klarong-klaro na ang pagkakabigkas niya ng salitang 'yon.Para bang nakatatak na talaga ito sa utak niya. I even cried that day, feeling guilty that his Daddy can't hug or kiss him. I can't give him a Daddy or just a Daddy figure.I don't have time to date because I'm a full time mom, and I also have a work, though it's a work from home job, it is still tiring. Wala kaming kasama sa bahay, minsan-minsan na lang kung dumalaw si Mommy. Si Tita Mila naman ay maraming inaasikaso simula noong bumalik si Dan sa Pilipinas kaya madalang na kung dalawin kami.
Daddy is driving the car on our way home. Nasa backseat kami ni Rhy, he's sleeping soundly while his head is on my lap. Nakatulala lang ako sa bintana at nagmamasid sa mga madadaanan.In span of five years, marami na ang nagbago rito. Ang dating dalawang oras na byahe ng Manila sa Tuguegarao ay naging tatlumpung minuto na lamang, ayon kay Daddy. Kaya posibleng makakarating kami sa bahay ng 6:00 AM. Trienta minutos din pala ang itinagal ng ka-dramahan namin kanina.Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayang nakatulog din pala ako."Oh... sh*t!" Nagising na lang ako sa malutong na mura ni Daddy.At halos atakihin ako sa puso nang tumingin ako sa bintana at biglang nagkasalubong ang mga mata namin ni Harley. Agad kong ipinikit ng marrin ang mga mata para mawala ang imahe niya sa utak ko. Heavy tinted ang sasakyan namin kaya alam kong hindi niya ako nakita sa loob kahit parang tumatagos ang tingin nito.Sh*t! Sh*t!Kakapark lang ni Daddy n
"Sometimes, God sends an ex back into your life to see if you're still tanga!" pang-iinis sa akin ni Natasha habang nakatulala ako sa bintana. Nasa harap ko siya habang isinusukat ang gown na gagamitin niya para sa kasal ni Kiz bukas. Isinukat ko na ang sa akin kanina, and it fits perfectly. Kaya may panahon na akong magmuni-muni ngayon habang abala pa ang iba. Aligaga ang mga tao at robot sa loob ng bahay ng mapapangasawa ni Kiz. Maging si Tita Kezia, nanay ni Kiz, at Tita Tyrelle, nanay nina Natasha at Nowelle, na bestfriend ni Tita Kezia, ay hindi magkanda-ugaga sa gawain. Naisipan nilang dito sa Tuguegarao idaos ang kasal dahil dito nagkakilala sina Kiz at Jordan. Their pre-nup video is captured in our University. Kasalukuyan itong ipine-play sa salas para sa final revisions, kumpulan ang mga editors sa isang malaking screen habang ang soon to be 'mag-asawa' ay nanood habang nakangiti. Parang ikinuwento kasi sa video kung paano sila nagkakilala, kung paan
Bago kami umuwi rito sa Pilipinas ay samu't-saring senaryo na ang naiisip ko. Ang inaasahan kong madadatnan ko ay ang masayang pamilya nina Harley at Angel. Kaya hindi ako makapag-isip ng mga salitang pwede kong sabihin para ipaalam na nagkaroon kami ng anak dahil ayaw kong magmukhang maninira ng buong pamilya. Harley's stare gives me chills. I don't know what he's up to. But I should care less, maybe I'm just romanticizing all his actions? But why? Argh! "Harley, go and get your son. Mag-uusap lang kami ni Zimry," utos niya sa anak. Napatayo tuloy ng tuwid si Harley at kumunot ang kaniyang noo. "Hindi ba't dapat kaming dalawa ang mag-uusap, Mom? Bakit kayo?" His brows furrowed. "Mamaya na kayo mag-usap, puntahan mo na muna si Rhy. May importante lang kaming pupuntahan, huwag kang mag-alala hindi kami lalayo, rito lang kami sa loob ng mansyon." Hindi na nito hinintay pa
"Go, friend! Magpaloko ka ulit. Push mo 'yan!" pang-aasar ni Lewisse. Punung-puno pa ang bibig nito ng pagkain. Inis ko siyang binalingan. Kung pwede lang talaga siyang masapak ngayon, kanina pa 'yan natamaan sa akin. Tsk! "What's your plano ba? Are you going to live with him ulit? Oh my gosh! So exciting!" isa pa 'to! "Mukhang napalapit na si Rhy kay Harley, 'tol.""Halos araw-araw hinihiram ni Harley si Rhy sa akin. Wala naman akong nagagawa dahil kapag nakita pa lang ni Rhy ang ama niya ay sigurado na siyang sasama siya kahit hindi pa ito nagpapaalam sa akin. Bago kami umuwi rito sa Pilipinas ay kinausap ko na siya na kahit kailan ay hindi na kami mabubuo, kaya siguro sinusulit nito ang araw niya rito kasama si Harley. Babalik na rin naman kami sa Canada pagkatapos ng isang buwan." Sumipsip ako sa aking orange juice at pinagdiskitahan ang menu sa gitna ng table. I want to eat sweets, I feel so stress since last week! I turned on the button to open t
"Oh, bakit bumalik ka?" "Why the hell are you crying?""Oh my gosh, Zimry! What happened?" Kahit na pinagtitinginan ako ng mga tao ay wala na akong paki-alam. Hindi ko kayang pigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Muntik pa akong matumba kanina habang papunta rito, mabuti na lamang ay inalalayan ako ng isang robot guard. Pagkaupo ko ay agad akong yumuko at doon humagulgol ng tahimik. Hinahagod naman ng mga kaibigan ko ang aking likod. Napakahirap maging isang ina. Ayaw ko ng bumalik sa dating buhay kasama si Harley, pero kailangan kong isaalang-alang ang damdamin ng aking anak. Ang taas ng pangarap niya para sa aming tatlo na hindi ko kayang abutin. Though, Harley seems fine about it, hindi siya tumututol sa mga plano nilang lahat para sa amin. O baka naman iniisip lang niya si Rhy? How about me? Parang ako na ang nagmumukhang masama ngayon dahil hindi ko mapagbigyan ang sarili kong anak. Ang sa akin lang naman ay baka mas lalo siy