Thank you po sa inyong lahat. Sana po ay samahan niyo ako hanggang sa wakas. Please rate this story po kung sakaling nagustuhan niyo. Salamat po sa mga nag-iiwan ng comments. Ingat po kayo palagi.
MIREYA’S POVNapabalikwas ako dahil naalala ko ang nangyari sa akin kanina. Wala na ako sa kulungan at nasa isang silid na ako. Hindi ko alam pero nasa maayos na akong lugar. Unang hinanap ng mga mata ko si Loewi. Nasaan kaya siya? Sana ay wala silang gawin sa pusa ko. Bumukas ang pintuan at pumasok si Axel. Masamang tingin kaagad ang ibinigay ko sa kanya. Pero para siyang walang pakialam sa akin.“Bakit niyo pa ako nilipat dito? Diba gusto niyo na mahirapan ako? Sana hinayaan niyo na lang ako doon.” Galit na saad ko sa kanya.“Kumain kana, kung talagang gusto mong makaalis dito ay sundin mo ang mga sinasabi ni Kuya.”“Huwag mo ng bilugin ang ulo ko. Dahil alam ko na papahirapan niyo lang ako,” saad ko sa kanya.“Kumain kana dahil baka makita ka pa ni mommy na ganyan at malalagot na naman kami. Sana magpasalamat ka na lang dahil nasa maayos ka ng kalagayan.”“Wala akong dapat ipagpasalamat sa inyo. Dahil kinamumuhian ko kayong lahat! Lalo na ang kuya mo! Mga h*yop kayo!” Sigaw ko sa k
MIREYA'S POVBinalot ng takot ang buo kong katawan. Bakit nandito ang larawan niya? Naglakad si Xandro at kinuha ang frame. "H-Huwag kang lumapit! H-Huwag! Ilayo mo sa akin 'yan!" Sigaw ko sa kanya. Nagpapanic na ako dahil bigla akong natakot.Pero patuloy siyang lumalapit sa akin. At nasa kamay niya ang larawan ng lalaking matagal ko ng gustong kalimutan. Ang bangungunot sa buhay ko. Ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko."Kilala mo ba ang daddy ko?" Nakakunot ang noo na tanong niya sa akin."D—Daddy? S—Siya ang daddy mo?" Nanginginig ang boses ko habang tinatanong ko siya."Yes, daddy ko siya." Ngayon ko lubos na naintindihan kung bakit ganun na lang ang galit niya sa akin? Pero inosente ang pamilya ko. Kaya pinilit ko na pakalmahin ang sarili ko. "Nang dahil sa pamilya niyo kaya nasira ang pamilya namin. Nakulong si daddy at worst namatay." Puno ng galit na saad niya sa akin.Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sakit at galit. Pero ano bang kasalanan ko? Wala akong kasalanan. Da
WARNING: READ AT YOUR OWN RISK! MULI PO AY PINAPAALALA KO NA ANG STORY PO NA ITO AY KATHANG-ISIP LAMANG PO. MAY MGA EKSENA PO NA MAAARING HINDI PO NINYO MAGUSTUHAN. MAARI PO NINYO ITONG I-SKIP. THANK YOU PO.MIREYA'S POVNanatili akong nakaupo sa tapat ng bintana. Simula kagabi ay nandito lang ako. Tahimik ang buong paligid at nakatulala lang ako. Hindi ko magawang tumayo. Hindi ko magawang humiga sa kama. Dahil wala akong lakas na kumilos. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Napalingon ako sa pintuan dahil biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Xandro na may dalang pagkain."Kumain kana," utos niya sa akin pero hindi ko siya pinansin ibinaling ko ulit sa labas ang tingin ko. Pero hindi siya tumigil at paulit-ulit siyang nagsasalita.Blankong tingin ang ipinukol ko sa kanya nang tumingin na ako sa kanya.. Tuwing nakikita ko siya ay umaahon ang lahat ng galit sa dibdib ko pero pinipilit ko lang na maging mahinahon. Naglakad siya palapit sa akin at pwersahan niya akong pinatayo."Ano ba?
WARNING: YOU CAN SKIP THIS CHAPTER PO. DAHIL MAY MGA EKSENA PO NA MAAARI NIYONG HINDI MAGUSTUHAN. THANK YOU PO!***MIREYA'S POVUnti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Unang bumungad sa akin ang kisame kaya alam ko na nandito pa rin ako sa silid na kinaroroonan ko. Pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nataranta ako dahil nakita ko na nakagapos na ang kamay at mga paa ko. Bumalik rin sa alaala ko ang gamot na pinainom niya sa akin kanina.Tumulo ang luha ko. Wala silang mga puso. Sobrang sama nila. Hindi ko talaga naisip na darating ang oras na gagawin ito sa akin ni Xandro. Gusto rin nila akong matulad sa mommy ko. Ang gamot na pinainom nila sa akin ay kagaya lang ng gamot na pinainom nila kay mommy noon. Ang sakit ng puso ko dahil 'yon ang naging dahilan kung bakit ako muntik ng mawala sa mundo. At ngayon ay nangyayari na rin sa akin.Gusto rin niyang sirain ang buhay ko. Gusto rin niya akong pahirapan ng sobra. Saksi ako sa lahat ng hirap ng mommy ko. At ngayon ay parang mangyaya
MIREYA’S POVPuting kisame ang bumungad sa akin. Wala na ako sa dating silid na pinagkulungan nila sa akin. Nakaramdam rin ako ng pagkauhaw. Kaya sinubukan kong bumangon.“Thank God you're awake, Ate.”Tumingin ako sa gilid ko at si Dahlia ang bumungad sa akin. “Nasaan ako?” Tanong ko sa kanya.“Nasa bahay ka pa rin, ate. Tatlong araw kang nakatulog.” Sagot niya sa akin.Biglang nanubig ang mga mata ko nang maalala ko ang nangyari sa akin. Pero kaagad ko ring pinunasan ang mga luha ko. I scanned myself. Ang kaliwang kamay ko ay may swero at nag-iiba na ang kulay ng balat ko. I want to see my face pero wala namang salamin dito. Siguro ay pangit na ako dahil bumagsak na ang katawan ko. Humaba na ang mga kuko ko. Ibang-iba na ako sa dating Mireya. “Dahlia, nauuhaw ako.” Sabi ko sa kanya habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko.Mabilis naman siyang tumayo at kumuha ng tubig. Pinainom niya ako. Pinunasan rin niya ang mga luha ko.“Huwag ka ng umiyak, Ate.” aniya sa akin.“Dahlia,
MIREYA'S POVNakahiga lang ako at hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kanina pa ako nakaupo dito sa kama. Paulit-ulit kong pinag-iisipan ang alok sa akin ni Xandro. Nilalaro ko ang mga daliri ko. Pero nang marinig ko ang pagtunog ng lock ng pinto ay mabilis akong humiga para magpanggap na tulog.Kahit hindi ko idilat ang mga mata ko ay alam ko kung sino ang dumating. Nalalanghap ko ang pabango niya na kilalang-kilala ko. Napa-tanong ako sa sarili ko. Bakit siya nandito ng ganitong oras? At bakit siya humiga sa tabi ko?Nagtataka man ay hinayaan ko siya. Kailangan kong pangatawanan ang pagpapanggap ko. Pero napsinghap ako bigla dahil niyakap niya ako. Hindi ako kumilos kahit na ang totoo ay para akong mauubusan ng hangin. Nang masigurado ko na tulog na siya ay humarap ako sa kanya.Pinagmasdan ko ang buong mukha niya. Kahit sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko na siya mahal at galit ako sa kanya ay hindi ko pa rin pala talaga kaya. Dahil mahal ko pa
MIREYA’S POV Nakatingin lang ako kay Alec na patuloy na umiiyak. Hanggang sa lumapit na ako sa kanya at binuhat ko siya. Hindi ko rin kasi kaya na makita ang isang inosenteng bata na umiiyak. Inosente nga ba? Biglang tanong ko sa sarili. “Hush… Baby, don’t cry na.” Pagpapatahan ko sa kanya.“Okay lang po ba kayo?” Tanong niya sa akin.“Okay lang naman po ako. Kaya stop crying na, sige ka kapag umiyak ka pa ay papangit ka.” Saad ko sa kanya.“Are you sure po ba na okay ka lang. Masakit po ba dito?” Tanong niya sa akin sabay hawak sa pisngi ko.“Okay na okay po ako.” Nakangiti na sagot ko sa kanya.Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ako sa pisngi. Kaya tumingin ako sa kanya. He is a younger version of Xandro. Halos lahat ng features ng mukha niya ay namana niya kay Xandro. Kay sigurado ako na kapag lumaki siya ay magiging kamukha rin niya ang daddy niya.“Bakit umiiyak ang anak ko?” Galit na tanong ni Xandro sa Nanny ng anak niya.“Nakita po kasi niya na sinaktan ni Senyora ang asawa
MIREYA POV“Ang ganda po dito, mommy diba?” Biglang tanong sa akin ni Alec habang nakatanaw kami sa mga bulaklak. “Oo, baby.” Sagot ko na lang sa kanya.“Mommy, kung maganda dito. Hindi mo ba ako iiwan?” Tanong niya sa akin na ikinagulat ko.“Baby, what are you talking about?”“Gusto ko po na dito kana sa amin ni daddy. Hindi man po kayang ipakita sa ‘yo ni daddy pero mahal ka po niya.”“Mahal?” Tanong ko sa sarili ko.“Mahal niyo rin po ba siya?” Dagdag pa niyang tanong sa akin.“Baby, how old are you na?” Tanong ko sa kanya.“Six years old po,” nakangiti na sagot niya sa akin.Parang hindi six years old ang kausap ko. Dahil ang matured niyang mag-isip. Kung hindi ako pinahirapan at niloko ng daddy mo ay kaya kitang sagutin na mahal ko rin siya. Pero kailangan kong p*tayin ang damdamin na meron ako para sa kanya. Dahil alam ko na hindi na maghihilom ang sugat dito sa puso ko. Gustong-gusto kong isagot kay Alec pero alam ko na hindi niya pa ako maiintindihan. “Mommy, sana po ‘wag niy