Share

CHAPTER 6

Author: SPICY SINGLE
last update Last Updated: 2025-01-27 15:32:30

“Salamat po sa paghatid, Tito,” ani ko kay Tito Vicente pagkababa sa tricycle niya.

Hindi ko na siya hinintay na bumaba. Nauna na ako at agad na dumiretso sa kwarto namin ni Mama para makapagpalit. Nadatnan ko si Mama na nakaupo sa sahig. Nakayupyop ang ulo niya sa papag. Hindi ko makita kung tulog ba siya o gising dahil nakatalikod siya.

“’Ma? Ano po ang ginagawa mo diyan? Bakit diyan ka nakaupo? Malamig ang sahig.”

Hinubad ko ang backpack na dala papuntang school at inilapag sa lamesita. Isinara ko muna ang bintana dahil magbibihis ako. Lumapit ako sa kahon na lagayan ng mga damit ko at naghanap ng damit pangbahay.

“’Ma, natutulog ka po ba? Dapat dito ka na lang sa papag nahiga.”

Hinubad ko ang puting polo shirt na suot ko at nagpalit ng blouse na kulay asul. Sunod kong hinubad ay ang maong na pantalon at saka isinuot ang asul din na cotton shorts na terno sa damit. Dinampot ko ang mga pinaghubaran at inilagay sa isang kahon na lagayan ng mga labahan namin ni Mama.

“’Ma?” Tawag ko ulit sa kaniya.

Hindi pa rin siya kumikibo kaya linapitan ko na siya. Tinambol ng malakas ang dibdib ko nang makita ang maraming dugo na nagkalat sa sahig galing sa pulsuhan niya. Katabi nito ay ang kutsilyong ayaw ipagamit sa akin ni Tita dahil bagong bili lang daw niya at masiyado pang matalas.

May nakakalat din na dalawang banig ng gamot sa sahig na wala nang laman at maaaring ininom din ni Mama.

“Mama!” Malakas na sigaw ko.

Sa nanginginig na katawan ay napaluhod ako at dinaluhan si Mama. “Mama, gumising po kayo diyan! Bakit n’yo naman po ginawa ’to?” Nag-unahang pumatak ang mga luha sa pisngi ko.

Niyugyog ko ang balikat ni Mama habang patuloy na umiiyak. Namumutla na ang kaniyang mukha.

“Tulong! Tulong! Tito Vicente! Tulungan n’yo po ako! Tito! Tulong!” Paulit-ulit kong sigaw habang nakakulong sa mga bisig ko si Mama.

Maya-maya ay pabalyang bumukas ang pinto. “Ano ang nangyari, Dhanna?”

Lumapit sa amin si Tito Vicente na humahangos. Namilog ang mga mata niya pagkakita kay Mama pati na din sa nagkalat na dugo sa sahig.

“Belen! Ano ba ang ginawa mo sa sarili mo!” Agad niyang binuhat si Mama palabas ng kwarto.

“Papa, bakit po ba ang ingay n’yo diyan?” tanong naman ni Jovy nang makasalubong namin siya habang palabas kami ng bahay.

“Tawagan mo ang Mama mo at sabihin mong umuwi muna dito sa bahay. Sabihin mo emergency! Dalian mo!” May pagmamadali sa boses na utos niya kay Jovy.

Naguguluhang tumingin si Jovy kay Mama. Kagaya ni Tito Vicente, nanlaki din ang mga mata niya pagkakita kay Mama na duguan ang palapulsuhan.

“S-Sige po,” tugon niya saka dinukot ang cellphone sa bulsa ng kaniyang maong na shorts.

Tumalikod si Tito Vicente at muling nagpatuloy sa paglalakad palabas ng bahay. Sumunod ako sa kaniya. Mabilis akong pumasok sa tricycle pagkalapag niya kay Mama sa loob.

Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko habang nakayakap kay Mama. Panay din ang dasal ko na sana ay maisalba pa ng mga doktor ang kaniyang buhay.

“Pasensiya na po, pero ginawa na po namin ang aming makakaya. Marami nang dugo ang nawala sa kaniya at idagdag pa ang mga nainom niyang gamot–”

Biglang dumilim ang paningin ko hindi pa man tuluyang natatapos ng doktor ang kaniyang sinasabi. Paulit-ulit akong kinakausap ni Tito Vicente habang nasa ospital kami pero hindi ko magawang magsalita.

Hindi ko matanggap na sa isang iglap ay wala na si Mama. Siya na lang ang mayroon ako pero nagawa niya pa akong iwanang mag-isa.

“Kumain ka na daw sabi ni Mama. Nakakailang balik na ako sa ’yo dito pero para kang bingi. Kahit magpagutom ka pa diyan, hindi na maibabalik ang buhay ni Tita Belen. Tanggapin mo na lang na wala na siya.” Nayayamot na sermon sa akin ni Jovy.

Pinukol ko siya ng matalim na tingin. “Ulitin mo nga ang sinabi mo, ha!” Tumayo ako at binulyawan siya.

“Hindi ba at ikaw ang kasama dito ni Mama nang magl*sl*s siya? Bakit hindi mo man lang napansin na kinuha niya ang kutsilyo at bumili siya ng maraming gamot? Baka naman alam mo na talaga na may balak na si Mama na mag-s**cide pero hinayaan mo lang siya?” Pang-aakusa ko sabay tulak sa kaniya.

Napalingon si Jovy sa mga taong nakaupo upang makiramay sa burol ni Mama nang umugong ang bulong-bulungan.

Hindi makapaniwalang tumingin siya pabalik sa akin. “Naririnig mo ba ’yang mga pinagsasabi mo, ha? Baka naman kagaya ka na din ng Nanay mong baliw kaya kung ano-ano na ang naiisip! Huwag mo nga akong pinagbibintangan! Hindi naman na bata ang Nanay mo para bantayan ko!” Sigaw niya sa mukha ko.

“Ano ba ang nangyayari dito? Bakit kayo nagsisigawan?” Sita sa amin ni Tita Jocy na kagagaling lang sa kusina.

May dala siyang isang malaking mangkok na naglalaman ng mga biscuits at candies para sa mga nakikiramay.

“Si Dhanna kasi, Mama. Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig. Gusto pa ata na isisi sa akin ang pagpapakam*tay ng Nanay niyang baliw sa lalaki.” Sumbong ni Jovy kay Tita Jocy.

“Jovy, ano ba ’yang bibig mo. Patay na nga ang Tita Belen mo pagsasalitaan mo pa ng hindi maganda. Matuto ka namang rumespeto.” Saway naman ni Tito Vicente kay Jovy. Inilapag niya sa lamesa na nasa gilid ang isang pitsel ng juice.

“Ikaw naman kasi Dhanna hindi mo na inirespeto ang burol ng Mama mo. Nakikipagbangayan ka pa talaga sa harap ng kabaong niya.” Sikmat sa akin ni Tita Jocy.

Pinagkrus ni Jovy ang mga braso sa tapat ng dibdib. Nakataas ang kilay na ngumisi siya sa akin. Huminga ako ng malalim upang kumalma.

“Pasensiya na po, Tita.” Hinging paumanhin ko saka napayuko. Nagpakumbaba na lang ako alang-alang sa burol ni Mama.

“Ikaw Jovy, baka naman pinagsasalitaan mo ng hindi maganda si Dhanna? Dapat damayan at intindihin mo na lang muna siya. Kamamatay lang ni Belen. Tigilan mo na ang pagmamaldita sa kaniya lalo na ngayon. Hindi ka naman namin pinalaking ganiyan.” Baling naman ni Tito Vicente kay Jovy.

“Ano ka ba, Vicente! Ang dami-daming tao! Huwag mo namang ipahiya ang sariling anak mo," mariing sambit ni Tita Jocy na napapalingon pa sa mga nakikiramay. Nakatutok na sa amin ang atensyon nila na para bang nanonood sila ng palabas.

“Huwag mo kasing laging kinakampihan ’yang anak mo. Kahit alam mong mali na ang ginagawa hinahayaan mo lang kaya namimihasa,” tugon naman ni Tito Vicente bago tumalikod at umalis sa sala.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 43

    “K-Karl . . .”Balak ko sanang awatin siya sa kaniyang ginagawa, ngunit sa halip na pagalit ang tono ay halos naging pabulong pa. Gusto kong s*bunutan ang buhok ko. Hindi ko maintindihan ang sarili, kung kailan patapos na ako sa plano ko ay saka naman ako nagkaganito sa kaniya. “Yes honey?” namamaos ang tinig na tugon niya. Bumaba ang mga labi niya sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi. Ibinuka ko ang bibig at nilasap ang matatamis niyang halik. Umangat ang braso ko at ikinawit sa leeg niya. Mula sa pisngi ay bumaba ang palad niya papunta sa leeg at sa balikat ko. Bawat pagdampi ng balat niya sa akin ay nag-iiwan ng kakaibang init sa aking pakiramdam. “Ah . . .” Kusang umalpas ang isang daing sa aking bibig nang bumaba pa ang palad niya sa kaliwa kong d*bdib. Napaliyad ako at unti-unting napahiga sa kama. Pinaglaraun ng mga daliri niya ang d*nggot ko na naninigas. Dumagan siya sa akin at mariing idiniin ang kaniyang sandata. “Hindi ko akalaing ganito

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 42

    “Ahh . . .” Umalpas ang mahabang daing sa bibig ko matapos kong manginig at makaramdam ng nakakikilabot na sarap. Hapong-hapo ako at sobrang init ng pakiramdam ko. May umagos na mainit-init at malapot na likido sa gitnang bahagi ng aking katawan kaya kahit antok na antok pa ay bigla kong naidilat ang mga mata. Muntik pa akong mapasigaw nang sa pagdilat ng mga mata ko ay mabungaran ko ang mukha ni Karl na sobrang lapit sa akin. “Karl! Akala ko bukas pa ang uwi mo? Bakit nandito ka na?” magkasunod na tanong ko.Agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong hininga niya pati na din ang shower gel na ginamit. Hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya, nakapagpalit na siya ng damit at nakaligo. Tumutulo pa ang tubig sa buhok niya pababa sa kaniyang leeg. Tanging tuwalya lang ang tumatabing sa ibabang bahagi ng katawan niya. Napaiwas ako ng tingin nang dumako ang mga mata ko sa bagay na natatakpan ng tuwalya. Halatang-halata ang pamumukol ng kaniyang alaga. Tumaas ang sulok ng labi niy

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 41

    Hihiga na sana akong muli sa kama pagkatapos naming mag-usap ni Karl ngunit nakarinig ako ng mahihinang katok. Bumangon ako at tinungo ang pinto. Bumungad sa akin si Christan na malapad ang pagkakangiti. Bahagya niyang iwinagayway ang isang kamay pagkakita sa akin. “Hi, Misis Martinez!” bati niya sa akin habang nakabungisngis at kumakaway. Napairap ako. “Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa pormal na tinig. “Magpapaalam na ’ko. Susundan ko ang aking minamahal. Ngayon niya ako higit na mas kailangan.” tugon niya. “Wala namang problema sa akin kahit saan ka pa magpunta. Basta huwag mo nang ibabalik si Diana dito sa pamamahay ni Karl,” matabang na sambit ko. “Talagang hindi na! Pinakawalan ko na tapos hahayaan ko pang bumalik sa kaniya.” Muli na namang tumikwas ang dulo ng labi niya. “Teka, huwag mong sabihing nahulog ka na din sa g*gong ’yon? Ikaw ah...” nanunukso niyang sambit. Itinaas-babs niya ang mga kilay at muling nagpakawala ng mapang-asar na ngiti. “Tsk! Tigilan mo ’ko! A

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 40

    “Diana!” Sindak na sigaw ni Danny.Si Mariel naman ay muntikan nang mabuwal sa kaniyang kinatatayuan dahil sa nerbiyos kung hindi nga lang naagapang saluhin ni Nanay Karina. “Sa susunod na ipuputok ko ’to, siguradong may tatamaan na sa inyo. Kaya umalis na kayo habang nakakapagtimpi pa ako. Buhay ang nawala sa akin. At kapag nagdilim ang paningin ko ay baka buhay din ng isa sa inyo ang maging kabayaran.” Muli kong babala sa kanila. “D-Dan, tayo na. U-Umalis na tayo. Hindi puwedeng ma-stress ang anak natin dahil makakaapekto ’yan sa ipinagbubuntis niya,” nahihintakutang turan ni Mariel. “P-Patawarin mo sana ako sa naging kasalanan ko sa inyo ni Belen, anak. Hindi ko inaasahang hahantong ka sa ganito nang dahil sa kapabayaan ko,” nangilid ang mga luha at puno ng pagsisising turan ni Danny.Kapagkuwa’y nilapitan niya si Diana na namumutla at hindi na nakakilos sa kinatatayuan nito. “Halika na, anak. Umalis na tayo dito.” Tulala si Diana at tila wala sa sarili na nagpatianod sa pag-ak

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 39

    “Ma’am Belle, nasa labas po ang mga magulang ng asawa ni Mister Martinez. Papapasukin po ba naman?” magalang na tanong ng isa sa dalawang bodyguards na itinalaga sa akin ni Karl. Sandali akong huminto sa pagbabasa ng nobela. Ipinatong ko sa hita ang maliit na libro at lumingon sa dalawang bodyguards na nakatayo sa may likuran ko. “Sige, papasukin mo sila.” Tumaas ang sulok ng labi ko at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa excitement. Dinampot ko ang libro. Muli kong ipinagpatuloy ang pagbabasa habang naghihintay sa kanila. Halos isang linggo nang pinababayaan ni Diana ang sarili niya. Ayon kay Lanie ay lagi daw walang ganang kumain. Minsan ay nakikita ko sa cellphone ni Karl kapag nagti-text o tumatawag siya pero hindi naman siya pinapansin. Pinapatayan lang siya ng tawag at binubura lang ang mga mensahe niya. “Siya ba? Siya ba ang walang hiyang kabit ng manugang ko?!”Maya-maya ay narinig kong sigaw ng isang tinig ng may edad na lalaki. Hindi ko na kailan

  • MISTRESS SERIES 1: The Mistress' Regret    Chapter 38

    “Lanie, galit ka din ba sa ’kin?” tanong ko kay Lanie habang nagpapalit ng bedsheet ng kama sa isa sa mga guestroom sa second floor. Bahagya niya akong tinapunan ng tingin ngunit agad ding napayuko saka muling ibinaling ang atensiyon sa kaniyang ginagawa. “A-Ano po kasi, Ate–ay! M-Ma’am Belle pala..” nauutal na tugon niya. Huminto siya sa pagsasalita. Tumuwid siya ng tayo at huminga ng malalim bago muling tumingin sa akin. Dumaan ang disappointment sa mga mata niya ngunit agad ding napalitan ng lungkot. “Okay lang, huwag mo na akong tawaging Ma’am, ate na lang. Hindi naman ako ang nagpapasahod sa ’yo,” ani ko at tipid na ngumiti. “Sa totoo lang, hindi ko po alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Na-disappoint po ako sa ginawa mo. And at the same time po ay nalulungkot din. Alam kong may dahilan ka kung bakit mo ito ginagawa. Ramdam ko po na mabait ka, Ate. Hindi ko po kasi makita sa mga mata mo na may pagmamahal ka para kay Sir Karl,” aniya saka naupo sa kama hawak ang bedshe

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status