“Ano na, Dhanna? Hindi ka pa ba diyan babangon? Pinagbigyan na kita kahapon na maghapong magmukmok dahil naiintindihan ko ang pinagdaanan mo. Pero baka nakakalimutan mo, may mga gawain ka na dapat gampanan. Alam mong may pasok ako sa trabaho. Matuto kang kumilos dahil wala nang libre sa ngayon. Nadala na ako sa pagtulong noon sa nanay mo kaya hindi ko na hahayaang maulit na naman ang nangyari noon.”
Inalis ni Tita Jocy ang kumot na nakatalukbong sa katawan ko. Kanina pa ako gising pero wala akong ganang bumangon at kumilos. Hindi rin ako nakakaramdam ng gutom. Mas gusto kong mawala na rin para makasama ko na si Mama. “Bumangon ka na diyan at kumain. Kahapon pa walang laman ang sikmura mo. Nagluto na ako ng almusal ninyo. Tumayo ka na diyan para makapaglaba ka. Hindi pwedeng tatamad-tamad ka na lang, ha?” Hindi ako kumilos. Nanatili akong nakahiga sa papag yakap ang unan na gamit ni Mama. “Wala po akong ganang kumain, Tita,” walang buhay na tugon ko sa kaniya. “Huwag mo nga akong paandaran ng ganiyan! Tapos ano ang sunod mong sasabihin sa akin? Wala ka nang ganang mabuhay, gano’n?” Napakamot siya ulo at mariing ipinikit ang mga mata. Tinapunan niya ako ng nayayamot na tingin nang dumilat siya. “Kapag nakita ni Belen ’yang ginagawa mo ngayon sa tingin mo ba matutuwa siya, ha? Siguro naman may mga pangarap sa ’yo ang nanay mo. Hahayaan mo na lang na magkaganiyan ka?” “W-Wala na pong saysay kahit pa matupad ko ang mga pangarap namin ni Mama kasi wala naman na po siya,” lumuluhang tugon ko sa kaniya. “Hay naku! Ewan ko sa ’yong bata ka! Pagbibigyan ulit kita sa ngayon na ipagluksa ang pagkamatay ni Belen. Pero bukas dapat kumilos ka na. Huwag mo ding iisipin na ginagawa kitang alila dito sa bahay. Gusto kong paghirapan mo ang lahat ng bagay bago mo makamit para matuto kang magpursige. Ayaw kong matulad ka sa nanay mo na na-spoiled namin kaya naman hindi na nagsumikap at mas inuna ang love life. Tapos ano ang nangyari, nagkandaletse-letse tuloy ang buhay. Bago ka sana sumuko alalahanin mo muna lahat nang pangarap ni Belen para sa ’yo. Pag-aaralin kita pero gusto kong pagtrabahuhan mo lahat ng gagastusin ko para sa ’yo. Huwag mo sanang bibiguin ang nanay mo dahil lang sa wala na siya. Hindi niya magugustuhan kapag nakita ka niyang nagkakaganiyan.” Napapailing siyang lumabas sa kwarto. Dahil sa mga sinabi niya, bigla kong naalala ang mga naging payo sa akin ni Mama bago siya mawala. Gusto niya na mag-aral ako ng mabuti at magsumikap para ipakita kay Papa na kaya kong maging successful kahit wala ang tulong niya. Kaya naman bumangon ako at pinahid ang mga luha sa aking pisngi. Inilibot ko ang tingin sa kwarto. Napansin ko na naging maaliwalas na ito kumpara noong bago ako magpa-enroll. Siguro ay nilinis niya muna dito bago niya k*tilin ang sariling buhay. “Sorry po, Mama. Sandali akong nakalimot sa mga ipinangako ko sa ’yo bago ka mawala. Huwag po kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat para makapagtapos ng pag-aaral. Tutuparin ko lahat nang pangarap natin. Magiging matagumpay ako balang araw,” ani ko sa sarili. Palabas na sana ako sa kwarto nang biglang may kumatok. Pinihit ko ang door knob at binuksan ang pinto. Tumambad sa akin si Jovy na may dalang pagkain. Kulang na lang ay masabitan ng kaldero ang nguso niya sa pagkakasimangot. “Bakit kasi hindi ka na lang lumabas diyan sa kwarto mo? Masiyado kang pa-importante. O, pagkain mo, pinabibigay ni Mama!!” Inabot niya sa akin ang plato na may sinangag at pritong itlog. Pati na din ang isang tumbler na may malamig na tubig. “S-Salamat," sambit ko. Umirap lang siya sa akin at padabog na naglakad papasok sa bahay. Ipinatong ko sa lamesa ang pinggan pati na ang tumbler. Pinilit kong ubusin ang pagkain na nakalagay sa plato kahit wala pa rin akong gana. Kailangan kong maging malakas. Lalaban ako sa bawat hamon ng buhay para kay Mama. “O, isabay mo na din ’tong mga punda ko at kurtina sa kwarto.” Inilapag ni Jovy ang isang palanggana na naglalaman ng mga punda at kurtina. “Ang sabi ni Mama kapag maglalaba ka ng mga damit namin isabay mo na din ang mga labahan mo para isahan na lang. Aksaya pa daw kasi sa sabon at sa tubig kung ibubukod mo pa.” Dagdag pa niya. Walang pasabi na basta na lang siya tumalikod. Noong bagong dating pa lang kami dito ay sumasama pa ang loob ko sa tuwing tatalikuran na lang niya ako bigla. Hindi nagtagal ay nasanay na din ako sa pag-uugali niyang gan’on. Wala akong ideya kung bakit nagsusungit siya sa akin parati. Maayos naman ang pakikitungo ko sa kaniya. “Mabuti naman at naisipan mo nang bumangon. Akala ko magmumukmok ka na lang buong maghapon sa kwarto ninyo.” Puna sa akin ni Tita Jocy nang madatnan niya akong nagluluto ng hapunan namin. Nagtatrabaho siya sa bayan bilang isang janitress sa isang grocery store. Alas otso hanggang alas singko ang pasok niya pero alas siyete pa lang ng umaga ay hinahatid na siya ni Tito dahil halos forty five minutes din ang biyahe papunta sa bayan. “Mano po, Tita.” Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya. Nagmano lang ako sa kaniya at saka muling humarap sa kawali upang haluin ang niluluto kong gulay na langka. “Noong mamatay si Papa, nagmukmok din ako. Hindi makakain at laging malungkot. Ako ang pinakamalapit kay Papa, mas malapit pa nga ako sa kaniya kaysa kay Mama. Pero hindi ako nagpatalo sa pagsubok. Panganay ako sa aming magkakapatid, kaya sinabi ko sa sarili na hindi ako dapat magpakita ng kahinaan sa kanila. Halos patayin ko noon ang sarili sa pagtatrabaho para lang hindi siya maalala dahil sobrang sakit sa tuwing maiisip kong hindi na namin siya makakasama kahit kailan.” Kumuha siya ng baso at uminom ng tubig. “Wala kang kapatid na umaasa sa ’yo. Pero kailangang mas maging matatag ka kasi sarili mo na lang ngayon ang kakampi mo. Tandaan mo din, hindi kita papayagang hindi kumilos dito sa bahay. Kaya huwag kang palamya-lamya. Kahit pa magalit sa akin si Belen at multuhin niya ako, wala akong pakialam. Iniwan ka na niya sa puder ko kaya kargo na kita. Nag-iwan si Mama ng sulat bago niya k*tilin ang sariling buhay. At isa sa mga nakapaloob sa sulat ay ang pagpapaubaya niya sa akin kay Tita dahil naniniwala daw siya na hindi ako hahayaang mapariwara ng nakatatanda nilang kapatid. Wala din naman akong pagpipilian. Ayaw ko din namang sumama kay Tito Romel sa ibang bansa. Marami kaming alaala dito ni Mama kaya mas gusto kong dito na lang tumira.“K-Karl . . .”Balak ko sanang awatin siya sa kaniyang ginagawa, ngunit sa halip na pagalit ang tono ay halos naging pabulong pa. Gusto kong s*bunutan ang buhok ko. Hindi ko maintindihan ang sarili, kung kailan patapos na ako sa plano ko ay saka naman ako nagkaganito sa kaniya. “Yes honey?” namamaos ang tinig na tugon niya. Bumaba ang mga labi niya sa akin. Napapikit ako nang maramdaman ko ang malambot niyang labi. Ibinuka ko ang bibig at nilasap ang matatamis niyang halik. Umangat ang braso ko at ikinawit sa leeg niya. Mula sa pisngi ay bumaba ang palad niya papunta sa leeg at sa balikat ko. Bawat pagdampi ng balat niya sa akin ay nag-iiwan ng kakaibang init sa aking pakiramdam. “Ah . . .” Kusang umalpas ang isang daing sa aking bibig nang bumaba pa ang palad niya sa kaliwa kong d*bdib. Napaliyad ako at unti-unting napahiga sa kama. Pinaglaraun ng mga daliri niya ang d*nggot ko na naninigas. Dumagan siya sa akin at mariing idiniin ang kaniyang sandata. “Hindi ko akalaing ganito
“Ahh . . .” Umalpas ang mahabang daing sa bibig ko matapos kong manginig at makaramdam ng nakakikilabot na sarap. Hapong-hapo ako at sobrang init ng pakiramdam ko. May umagos na mainit-init at malapot na likido sa gitnang bahagi ng aking katawan kaya kahit antok na antok pa ay bigla kong naidilat ang mga mata. Muntik pa akong mapasigaw nang sa pagdilat ng mga mata ko ay mabungaran ko ang mukha ni Karl na sobrang lapit sa akin. “Karl! Akala ko bukas pa ang uwi mo? Bakit nandito ka na?” magkasunod na tanong ko.Agad na nanuot sa ilong ko ang mabangong hininga niya pati na din ang shower gel na ginamit. Hindi ko man lang naramdaman ang pagdating niya, nakapagpalit na siya ng damit at nakaligo. Tumutulo pa ang tubig sa buhok niya pababa sa kaniyang leeg. Tanging tuwalya lang ang tumatabing sa ibabang bahagi ng katawan niya. Napaiwas ako ng tingin nang dumako ang mga mata ko sa bagay na natatakpan ng tuwalya. Halatang-halata ang pamumukol ng kaniyang alaga. Tumaas ang sulok ng labi niy
Hihiga na sana akong muli sa kama pagkatapos naming mag-usap ni Karl ngunit nakarinig ako ng mahihinang katok. Bumangon ako at tinungo ang pinto. Bumungad sa akin si Christan na malapad ang pagkakangiti. Bahagya niyang iwinagayway ang isang kamay pagkakita sa akin. “Hi, Misis Martinez!” bati niya sa akin habang nakabungisngis at kumakaway. Napairap ako. “Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa pormal na tinig. “Magpapaalam na ’ko. Susundan ko ang aking minamahal. Ngayon niya ako higit na mas kailangan.” tugon niya. “Wala namang problema sa akin kahit saan ka pa magpunta. Basta huwag mo nang ibabalik si Diana dito sa pamamahay ni Karl,” matabang na sambit ko. “Talagang hindi na! Pinakawalan ko na tapos hahayaan ko pang bumalik sa kaniya.” Muli na namang tumikwas ang dulo ng labi niya. “Teka, huwag mong sabihing nahulog ka na din sa g*gong ’yon? Ikaw ah...” nanunukso niyang sambit. Itinaas-babs niya ang mga kilay at muling nagpakawala ng mapang-asar na ngiti. “Tsk! Tigilan mo ’ko! A
“Diana!” Sindak na sigaw ni Danny.Si Mariel naman ay muntikan nang mabuwal sa kaniyang kinatatayuan dahil sa nerbiyos kung hindi nga lang naagapang saluhin ni Nanay Karina. “Sa susunod na ipuputok ko ’to, siguradong may tatamaan na sa inyo. Kaya umalis na kayo habang nakakapagtimpi pa ako. Buhay ang nawala sa akin. At kapag nagdilim ang paningin ko ay baka buhay din ng isa sa inyo ang maging kabayaran.” Muli kong babala sa kanila. “D-Dan, tayo na. U-Umalis na tayo. Hindi puwedeng ma-stress ang anak natin dahil makakaapekto ’yan sa ipinagbubuntis niya,” nahihintakutang turan ni Mariel. “P-Patawarin mo sana ako sa naging kasalanan ko sa inyo ni Belen, anak. Hindi ko inaasahang hahantong ka sa ganito nang dahil sa kapabayaan ko,” nangilid ang mga luha at puno ng pagsisising turan ni Danny.Kapagkuwa’y nilapitan niya si Diana na namumutla at hindi na nakakilos sa kinatatayuan nito. “Halika na, anak. Umalis na tayo dito.” Tulala si Diana at tila wala sa sarili na nagpatianod sa pag-ak
“Ma’am Belle, nasa labas po ang mga magulang ng asawa ni Mister Martinez. Papapasukin po ba naman?” magalang na tanong ng isa sa dalawang bodyguards na itinalaga sa akin ni Karl. Sandali akong huminto sa pagbabasa ng nobela. Ipinatong ko sa hita ang maliit na libro at lumingon sa dalawang bodyguards na nakatayo sa may likuran ko. “Sige, papasukin mo sila.” Tumaas ang sulok ng labi ko at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso dahil sa excitement. Dinampot ko ang libro. Muli kong ipinagpatuloy ang pagbabasa habang naghihintay sa kanila. Halos isang linggo nang pinababayaan ni Diana ang sarili niya. Ayon kay Lanie ay lagi daw walang ganang kumain. Minsan ay nakikita ko sa cellphone ni Karl kapag nagti-text o tumatawag siya pero hindi naman siya pinapansin. Pinapatayan lang siya ng tawag at binubura lang ang mga mensahe niya. “Siya ba? Siya ba ang walang hiyang kabit ng manugang ko?!”Maya-maya ay narinig kong sigaw ng isang tinig ng may edad na lalaki. Hindi ko na kailan
“Lanie, galit ka din ba sa ’kin?” tanong ko kay Lanie habang nagpapalit ng bedsheet ng kama sa isa sa mga guestroom sa second floor. Bahagya niya akong tinapunan ng tingin ngunit agad ding napayuko saka muling ibinaling ang atensiyon sa kaniyang ginagawa. “A-Ano po kasi, Ate–ay! M-Ma’am Belle pala..” nauutal na tugon niya. Huminto siya sa pagsasalita. Tumuwid siya ng tayo at huminga ng malalim bago muling tumingin sa akin. Dumaan ang disappointment sa mga mata niya ngunit agad ding napalitan ng lungkot. “Okay lang, huwag mo na akong tawaging Ma’am, ate na lang. Hindi naman ako ang nagpapasahod sa ’yo,” ani ko at tipid na ngumiti. “Sa totoo lang, hindi ko po alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Na-disappoint po ako sa ginawa mo. And at the same time po ay nalulungkot din. Alam kong may dahilan ka kung bakit mo ito ginagawa. Ramdam ko po na mabait ka, Ate. Hindi ko po kasi makita sa mga mata mo na may pagmamahal ka para kay Sir Karl,” aniya saka naupo sa kama hawak ang bedshe