Share

Kabanata 4 Gulo sa paraiso

Author: Gabby Emmanuel
(ARIELLE’S POV)

Habang saradoang bibig ni Sofia, nagulat ako sa biglaang pagpapakita ni Jared, unti-unti akong tumayo mula sa kainauupuan ko, gulat pa din sa mga narinig ko.

Sumakit ang puso ko—hindi lang sa sinabi ni Sofia, dahil sa bagay na narinig ko ito mula sa kanya, hindi mula kay Jared.

Nakarating ako kay Jared at hindi ko siya binigyan ng pansin ng daanan ko siya, pero sinubukan niya kaong kausapin.

“Arielle, pakiusap makinig—” sambit niya, sinusubukan akong abutin.

Inalis ko ang kamay niy at umakyat ng hagdan, lumuha ang mga mata ko. Nakarating ako sa kuwarto at bumagsak sa kama, manhid, pagod at disappointed.

Sa oras na iyon, may text na dumating sa phone ko. Galing ito kay Jared. “Patawad,” ang nakasulat dito.

Tinitigan ko sandali ang screen, pagkatapos ay pinatay ko ang phone, hindi ko kayang asikasuhin muna ang paghingi niya ng tawad. Hindi ako dinalaw agad ng antok, at noong dumating na ito, hindi ako mapakali at gulong-gulo.

Sa sumunod na umaga, nagising ako ng walang katabi.

Isa lang ang ibig sabihin nito; hindi siya natulog sa kama namin kagabi. Marahil natulog siya sa kuwarto ng bisita. Lagi naman, sa tuwing nag-aaway kami.

“O baka natulog siya sa parehong kuwarto ni Sofia?” bulong ng boses sa isip ko.

Tumigil ako sandali at inisip ang posibilidad, pero agad ko itong kinontra. Baka nagdududa ako kay Jared sa mga nangyayari, pero alam ko pa din naman kung anong kaya at hindi niya kayang gawin.

Natapos ako sa paghahanda at bumaba ng hagdan kung saan nakita ko si Jared na hinihintay ako sa foyer.

“Magandang umaga,” bati niya, humalik sa pisngi ko na tila ba walang nangyari.

“Oo, magandang umaga,” sagot ko, umarte na parang wala lang din.

“Arielle, tungkol sa kahapon…” Ang boses niya ay kalmado, masyadong kalmado. “Nahihirapan lang so Sofia sa pagdadalantao niya. Una niyai to, at nagiging… needy siya. Pakiusap, huwag mo isapuso ang mga sinasabi niya. Hindi niya gustong makasakit ng damdamin.”

Kaysa lumambot ang puso ko tulad ng inaasahan mula sa mga salita, lalo lang ako naging bitter dahil defensive ang asawa ko sa ibang babae.

Tungkol sa pagdadalantao, alam din ba niya na buntis ako? Siyempre, hindi inuna niya ang kanyang ex kaysa sa akin noong isang araw noong sasabihin ko na dapat sa kanya.

“Ano naman? Dapat ko ba isawalangbahala na nagsinungaling ang asawa ko sa akin? Na iniwan mo ako para sa ibang babae sa gitna ng gabi?”

Bumuntong hininga siya, nabawasan ang pagiging kalmado niya. “Hindi ako nagsisinungaling. Natulog ako sa opisina. Ang pagsundo sa kanya—”

“Convenient lang?” hindi ko siya pinatapos magsalita. “Wala akong pakielam sa dati mong crush Jared. Pero ang magtago ng mga bagay mula sa akin? Iba iyon! Hindi na kita kilala.”

Nagdilim ang mga mata niya. “Arielle, alam mo na hindi iyan totoo. Nandito ako. Committed ako sa iyo.”

Umiling-iling ako, nararamdaman ko ang bara sa lalamunan ko na paangat. “Papasok na ako sa trabaho. At kapag umuwi ako, hindi ko siya gustong makita ulit. Naiintindihan mo?”

Walang nangyari na kakaiba sa trabaho ko, parang blur lang ng pagluluto at paglilinis, at hindi nagtagal, oras na para magsara. Nasa opisina ako at may mga tinatapos ng may katok na nag-echo mula sa pinto.

“Sino yan?” tanong ko.

“Si Rebecca, Ma,” sagot ng junior chef. “Isang guwapong lalake ang naghihintay sa iyo na may dalang malaking bouquet,” anunsiyo niy, at narinig ko pa na natawa siya.

Tumigil ako sandali, naguguluhan. May appointment ba ako? Agad ko na kinuha ang bag ko. “Lalabas na ako ngayon.”

Noong lumabas ako, isang pamilyar na tao ang nakita ko—si Jared, nakatayo sa entrance, mukhang nakakaakit pa din ng walang ka-effort effort, may hawak siyang bouquet. Panandalian akong nabigla. Talaga? Pambihira naman, ginagamit na naman niya ang ‘charming husband’ card ulit? Sinusubukan niyang mapagaan ang loob ko gamit ang itsura niya? Guilty na lalake.

Agad ako naging kalmado at humarap kay Rebecca na mapaglaro ang ngiti. “Pasensiya na, pero hindi ito misteryosong lalake—asawa ko ito. Alam ko, nasasayangan din ako.”

Nanlaki ang mga mata ni Rebecca. Hindi ko siya masisisi, sa araw lang na nagpakita si Sofia bumisita si Jared sa trabaho, kaya walang nakakakilala sa kanya.

Humakbang palapit si Jared, nakangiti siya pero may bakas ng paghingi ng tawad. “Hello, Mrs. Smith.”

Tumaas ang kilay ko. “Anong ginagawa mo dito, Mr. Smith?”

“Humihingi ng tawad,” sambit niya, humakbang siya palapit. “Dahil gago ako. Arielle, dapat matagal ko ng sinabi sa iyo ang tungkol kay Sofia. Wala akong palusot, alam ko na nagkamali ako. Mapapatawad mo ba ako?”

Tumingin siya sa bouquet, at pagkatapos sa akin. “Para bumawi sa iyo, ano kaya kung magweekend getaway tayo? Tayong dalawa lang. Sa una nating bahay.”

Ang pagkakabanggit sa unang bahay namin—ang kumportableng penthouse na pinili namin at nilagyan ng dekorasyon ng magkasama pagkatapos namin ikasal—nanlambot agad ang puso ko. Ang lugar na iyon ay maraming masasayang mga aalaala. Sobrang tagal na ng huli kaming bumisita doon, ang pangunahing rason ay malayo ito sa pinagtatrabahuhan ko.

Pagmamaliit na sabihin na natuwa ako, sobrang saya ko at sabik. Sawakas, isang getaway na makakatulong sa akin na kalimutan ko ang lahat ng mga drama sa nakalipas na mga araw at anong malay natin, maaaring ito ang perpektong oras para sabihin ang balita tungkol sa pagdadalantao ko kay Jared.

“So, anong masasabi mo, Mrs. Smith?” tanong ni Jared, umaasang nakatingin sa akin.

“Alam ni Mr. Smith kung paano magpasaya ng babae,” kumurap ako.

Natawa si Jared ng mahina, ang mga mata niya ay nakatitig sa akin bago siya lumapit at halikan ako ng malalim at mahinhin. “Salamat, at pinatawad mo ako,” bulong niya, ang mga labi niya ay dumaan sa mga labi ko. “At sa pagtanggap mo sa alok ko.” Iniabot niya sa akin ang bouquet, kumikinang ang mga mata niya.

Huminga ako ng malalim, nilalasap ang amoy ng lavender—ang paborito ko. “Salamat,” bulong ko, nararamdaman na nabawasan ang tensyon sa pagitan namin.

Isinama ako ni Jared sa sasakyan, binuksan ang pinto para sa akin habang patuloy na elegante. Habang nagmamaneho kami papunta sa penthouse, kalmado ang pakiramdam sa paligid namin, isang kinakailangan na pambawi mula sa tensyon ng nakalipas na mga araw.

Mapaglaro ko siyang sinulyapan. “So… seryoso ba, dalawampung taon na crush kay Sofia? Kailangan ko sabihin, ang taste mo talaga ay nag-improve sa pagpapakasal mo sa akin, hubby.”

Tinignan ako ni Jared mula sa gilid ng mga mata niya, ang ekspresyon niya ay natutuwa pero may babala. “Ingat ka,” sambit niya gamit ang mababang tono, “kung hindi paparusahan kita mamayang gabi.”

Hindi ko mapigilan na mamula, napangiti ako ng kaunti habang umiiwas ng tingin, namumula ng husto ang mga pisngi ko.

Makalipas ang isang oras, pumarada kami sa kalapit na parking lot sa labas ng bahay. Matatagpuan ito sa magandang reputasyon na estate. Pero noong pababa kami, pakiramdam ko may mali.

Sinubukan ko itong alamin at makalipas ang ilang segundo ng pag-iisip, napagtanto ito ng isip ko. May ilaw, sa isa sa mga kuwarto, bagay na kakaiba.

“Jared, sa tingin ko may tao sa bahay,” ipinaalam ko kay Jared habang palapit kami sa pinto.

Tumigil si Jared at naguguluhan akong tinignan. “Anong ibig mo sabihin?”

“Tignan mo,” itinuro ko ang itaas, kung saan bukas ang ilaw.

“Ikaw talaga, Arielle. Nagiging paranoid ka. Baka nakalimutan mo lang patayin ang ilaw noong huli tayong nandito,” sambit ni Jared, isinawalangbahala ang obserbasyon ko.

Ibinuka ko ang bibig ko para makipagtalo, pero nagulat ako, dahil bumukas bigla ang pinto. Doon, nakatayo sa harap ng pinto habang mayabang na nakangiti si Sofia.

Nanigas kami ni Jared, at gulat na nagkatinginan.

“Pambihira? Anong ginagawa mo dito?” galit kong sinabi kay Sofia, hindi ko makontrol ang galit ko.

“Kumalma ka, Arielle. Nakuha ko ang address nito mula sa nanay ni Jared. Sinabi niya sa akin na tumira dito pansamantala hanggang sa makakuha ako ng titirahan ko, sinabi niya na makakatulong ito sa pagdadalantao ko dahil kumportable ang paligid.” Paliwanag ni Sofia.

“Wala kang karapatan na dumito!” tumaas ang boses ko, nanginginig sa galit. “Amin ang lugar na ito, akin at kay Jared. Ang lakas ng loob mo na magpakita na tila ba ikaw ang nagmamayari nito?”

Grabe naman, bakit ba nakikita ko ang babaeng to kahit saan ako makarating?

“Oh, pasensiya na, hindi ko alam na bibisita kayong dalawa dito. Patawad, aalis na ako agad,” tumagilid ang ulo ni Sofia, nanlaki ang mga mata. Heto na naman siya, ang “nagsosorry” na itsura.

Nilinaw ni Jared ang lalamunan niya, humakbang siya palapit, “Arielle, pumasok na muna tayo,” sambit niya, hinawakan ang likod ko na tila ginagabayan ako mula sa tensyon.

Tinitigan ko ng galit si Sofia bago padabog na pumasok, nilampasan ko siya sa pinto.

Sa oras na nasa loob ako, humarap si Jared kay Sofia, ang tono niya ay madiin. “Sofia, maraming alaala para sa amin ni Arielle ang lugar na ito. Espesyal ito para sa amin, at ang may tumira dito, lalo na ng hindi namin nalalaman, ay hindi tama.”

“Naiintindihan ko ng buo. Hindi ko sinasadyan na makielam.” Tumigil siya sandali, madramang inilagay ang kamay niya sa kanyang tiyan. “Aalis na ako...”

Bumuntong hininga si Jared, “Gabi na, Sofia. Buntis ka. Hindi puwedeng nasa kalsada ka ng gabi.” Tumingin siya sa akin, na tila hinihingi ang pagpayag ko. “Puwede ka manatili ngayong gabi, at aayusin natin itong lahat bukas.”

Ginamit ni Sofia ang pinakanakakaawa niyang ekspresyon, ang boses niya ay mahina at nanginginig. “Hindi, hindi dapat. Hindi ko gusto na magkaroon ng tensyon sa pagitan ninyo ni Arielle.”

“Maaappreciate ko ito ng husto,” sambit ko, wala kahit katiting na awa para sa kanya.

Umiling-iling si Jared at tinignan siya ng mahaba ang pasensiya. “Hindi ka nagdudulot ng tensyon. Pag-uusapan natin ang lahat sa umaga.”

Nagsimula siyang tapikin muli ang likod ko para pagaanin ang loob ko. “Tama ba, Arielle?”

Hindi na ako sumagot, pakiramdam ko ang bigat ng mga salita niya ay pinalala lalo ang sitwasyon kaysa mapagaan ito. Sa halip, naglakad ako paalis ng hindi nagsasalita, tumungo sa malalim na bahagi ng bahay para pakalmahin ang sarili ko.

Habang naglalakad ako sa mga pamilyar na kuwarto, may nakapukaw sa atensyon ko—ang mga pagbabago. Ang mga dekorasyon na pinili namin ng mabuti ni Jared at inilagay ng magkasama at pinalitan. Ang mga furniture ay binago ang puwesto, at may mga hindi pamilyar na bagay na umagaw sa puwesto nila. Bumilis ang tibok ng puso ko habang tumitindi ang galit ko.

Matagal na siyang nandito para maging at home siya. Alam ko, ng walang duda, na si Sofia ang nasa likod nito.

Habang galit, bumalik ako sa living room, determinado na kumprontahin siya. Habang palapit, narinig ko ang natutuwang boses ni Sofia. Nagmadali siya palapit kay Jared, inagaw ang bouquet mula sa kamay niya.

“Jared!” sambit niya, kumikinang ang mga mata sa pasasalamat. “Hindi ako makapaniwala na naalala mo ang paborito kong mga bulaklak…”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sarra Hernandez
update po pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 110 Kaunting libangan

    (ARIELLE’S POV)Ang restaurant ko, ang A and M, na initials para sa Arielle at Maverick, ay nagbukas na sawakas ang mga pinto para sa publiko noong nakaraang araw, at ngayon, para maghost ng meeting sa potensyal na mga shareholders ng restaurant ko. Ang sagot nila at turnout ay overwhelming, at nasabik akong pag-usapan ang hinaharap ng business ko sa mga indibidwal na interesado.Marami sa kanila ang dumating, at ang iba ay papunta na. Hindi magsisimula ang meeting ng wala sila, at bukod pa doon, hindi pa oras ng meeting, kaya worth it ang paghihintay.Ang entrance ay bumukas, at alam ko na isa ito sa mga interesadong indibidwal na papasok, kaya inihanda ko ang sarili ko at ngumiti, handa na iwelcome ang kahit na sino ng nakangiti, tulad ng ginawa ko sa iba.Pumasok ang pigura sa loob, at nanghina ang ngiti ko. Nanigas ako, nanlaki ang mga mata ko at napanganga. Anong pambihirang nangyayari dito? Sambit ko sa isip ko, nakipagtitigan ako sa bagong dating.Hindi maaari! Jared?Kahi

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 109 Isang potensyal na shareholder

    (JARED’S POV)Tumunog ang phone ko, nabasag ang katahimikan sa aking opisina. Sinulyapan ko ang screen at nakita ang pangalan ng imbestigador ko.“Sabihin mo,” sagot ko. “May update ka na?”“Oo,” sagot niya at nag-alinlangan siya“Sige,” udyok ko.“Sa kasamaang palad, hindi ko siya masundan hanggang sa bahay. Napansin niya na sinusundan ko siya at gumawa siya ng paraan para hindi ko siya mahabol.”Sumarado ng mahigpit ang panga ko at humigpit ang kapit sa phone. “Puro palusot na lang ba ang mabibigay mo?” galit ko na sinabi.“Kumalma ka, sir. Pakiusap, makinig ka sa akin,” makaawa niya.Huminga ako ng malalim, pinilit ko ang sarili ko na manatiling tahimik at hayaan siyang magpatuloy.“Hindi ko siya nagawang sundan sa kanyang bahay tulad ng plano ko kahapon, pero nagawa ko na makuha ang address ng restaurant niya.”“Restaurant niya?” inulit ko, naging interesado ako.“Oo, mayroon siyang building restaurant, at sa isang linggo ito magbubukas.”Naupo ako ng diretso ngayon. “I

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 108 Ang ipinangakong proteksyon

    (ARIELLE’S POV)Matapos magmaneho pa, itinigil ko ang sasakyan sa isang lugar na maikukunsidera ko na ligtas at sinubukas na maghabol ng hininga. Nanginig ako ng hindi makontrol ang kamay ko sa manibela, habang ang puso ko ay malakas ang tibok na parang lalabas ng dibdib ko.Sinubukan ko kumalma, kung hindi, hindi ako makakapagmaneho pauwi. Huminga ako ng malalim at mabagal, sinubukan ko na ayusin ang aking sarili. Nagpanic ako, pero isinantabi ko ang nararamdaman ko. Hindi ako puwede magpanic attack, hindi, hindi dito.Makalipas ang ilang minuto, naging normal ng unti-unti ang tibok ng puso ko, at naging steady ang aking kamay. Dahil kuntento na ako na puwede na akong magmaneho ulit, sinindihan ko muli ang makina ng sasakyan, nagmaneho ako pauwi, alerto na ang aking senses.Habang nagmamaneho, lalo akong nabalisa, habang sinusubukan ko alamin kung bakit ako susundan ng kahit na sino. Hindi ko ito maintindihan, at patingin tingin ako pa din ako sa salamin para masiguro na wala na a

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 107 Ang habulan

    (ARIELLE’S POV)Nakabalik ako sawakas sa bahay, pagod pero fulfilled. Ang nanay ko at anak ay naghihintay na sa sitting room, at yumakap sila sa akin habang ipinapakita ang tuwa ng pumasok ako.“Nakita namin ang balita!” sambit ni Maverick, tumalon siya sa akin. “Sikat ka na ngayon, Mama.”“Congrats, darling ko. Sobrang proud ako sa iyo,” sambit ng aking nanay.Ngumiti ako, masaya rin dahil masaya sila. “Salamat.”Naglakad ako patungo sa couch at naupo kaming lahat at ikinuwento ko sa kanila na mga nasasabik kung anong nangyari sa araw ko. Pero siyempre, siniguro ko na hindi kasama ang aksidente at engkuwentro kay Sofia, para hindi sila mataranta.Pagkatapos ko magkuwento, nagpaalam ako dahil gusto ko na hubarin ang damit ko at accessories sa aking katawan. “Pasensiya na sa inyong dalawa, sambit ko,” tumayo ako. “Kailangan ko maligo at magpahinga ng kaunti.”“Malapit na maging handa ang dinner,” paalala ng nanay ko.Tumango ako, nagpapasalamat sa kaunting pahinga. Sa oras na na

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 106 Nakatikim ng tagumpay

    (ARIELLE’S POV)Unang araw ko simula ng makauwi ako, at nakaramdam ako ng sabik at kaba. Ngayon, bibisita ako sa restaurant site ko at dadalo sa isang mahalagang meeting kasama ang mga delegates mulas a Paradiso Culinary Academy—ang alma mater ko—para sa ambassador endorsement na nagpakahirap ako para masigurong makuha.Pagkakataon ito para hubugin ang culinary world sa paraan na ninanais ko sa mga panahon ng mahahabang taon sa Italy.Nasabik ako habang iniisip ko ang mga benepisyo na kaakibat ng posisyon—mamahaling sasakyan, fully funded insurance, malaking sahod na magpapayaman sa akin. Napakaganda ng mga benepisyo.Pero ang pinakaninanais ko ay ang mag-iwan ng marka sa menu ng Paradiso, sa pagkakakilanlan nito, sa kanilang mga patron. Ito ang entablado ko, at handa na akong angkinin ito.Isinuot ko ang aking itim na dress, ang fabric ay nakakapit sa lahat ng mga tamang lugar. Simple, elegante. Walang makeup para mahighlight ang itsura ko at mabilis na pagpapa unat ng buhok ko,

  • Hindi Matanggihang Asawa ng Bilyonaryo   Kabanata 105 Bagong Siya

    (JARED’S POV)Kumurap ako at tinignan muli ang headline, sinisiguro na hindi mali ang nabasa ko. Pero hindi nawala ang mga salita. Nandoon sila, nakasulat pa din.Pagkatapos ay napalunok ako ng madiin, pinilit ko ang sarili ko na tumingin pababa, at nahirapan akong huminga. Siya nga. Si Arielle.Ang parehong babae sa airport.Ang parehong babae sa sasakyan ni Ashley. Kaya pala naaakit ako sa sasakyan kanina.Paano ako naging ganito kabulag?Dalawang beses, makalipas lang ang ilang araw. Sa airport, kung saan naramdaman ko ang kakaibang hatak sa akin pero isinawalangbahala ko. Sa sasakyan, noong sinubukan ko siyang makita, pero naglaho siya bago ko siya tunay na masulyapan. Sa parehong beses, hinayaan ko siyang makaalis.Pagkatapos, tinamaan ako ng napagtanto ko na parang tone-toneladang mga simento, nadurog ang puso ko. Paano ako nagagawang biruin ng tadhana ng ganito?Hindi ko naisip na makikita ko siya ulit. Pero heto siya.Tinitigan ko ang litrato, mabilis ang tibok ng akin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status