Akala ni Bhemzly Acson ay habambuhay siyang untouchable. Lahat ay kayang paikutin, kayang tapakan—pati si Jack Devera, ang tahimik at simpleng lalaking minsang naging laruan ng kanyang kabataan. Ngunit paglipas ng panahon, bumaliktad ang mundo. Ngayon, si Jack na ang nasa itaas—isang respetadong billionaire na hindi lang ubod ng talino, kundi kontrolado rin ang halos lahat… kasama na ang kapalaran ni Bhem. At sa isang kasunduang wala siyang takas, napilitang tanggapin ni Bhem ang papel bilang asawang-kontrata ng lalaking minsan niyang sinaktan. Ang hindi niya alam, hindi lang paghihiganti ang dahilan ni Jack. Sa ilalim ng malamig nitong anyo, may lalaking matagal nang may pagtatangi sa babaeng nang-api sa kanya noon. At bang kasunduang ito, ay hindi lang para turuan siya ng leksyon—kundi para protektahan siya, ilayo sa mas malaking kapahamakan, at muling kilalanin ang pusong dati’y binasag. Ngunit sa pagitan ng galit at pag-aalangan, unti-unti ring lumilitaw ang tunay na kulay ng bawat damdamin. Kapag ang poot ay nagsimulang tumiklop sa harap ng muling pagtibok ng puso—may pag-asa pa bang maging totoo ang isang kasal na nagsimula sa kasinungalingan? Isang kwentong puno ng emosyon, sikretong hindi inaasahan, at isang lalaking kahit may sugat sa nakaraan—ay piniling mahalin pa rin ang babaeng naging dahilan nito.
View More"Walang imposible sa mundo… kahit ang muling pagkikita namin."
Hindi akalain ni Bhemzly Acson na sa dinami-rami ng lugar at pagkakataon, dito pa sila muling magkikita. Sa isang five-star hotel sa Maynila, sa isang business gala kung saan halos puro negosyante at elite personalities ang naroon, doon niya nakita ang isang taong matagal na niyang kinalimutan—o mas tamang sabihin, pilit niyang kinakalimutan. Si Jack Devera. Hindi na siya ‘yung dating mahiyain at tahimik na binata sa high school. Wala na ang luma niyang itsura na madalas nilang pagtawanan noon. Sa halip, sa harap niya ngayon ay isang makapangyarihan at kaakit-akit na lalaki—matangkad, matipuno, at may karisma na parang kaya niyang paikutin ang buong mundo sa isang sulyap lang. Nakasuot ito ng all-black designer suit, maluwag ang ngiting nasa kanyang labi, at may titig na tila ba matagal nang hinihintay ang sandaling ito. "Bhem Acson." Sa apat na taon nilang magkaeskwela noon, hindi nito kailanman tinawag ang pangalan niya nang gano’n—may lalim, may diin… parang isang pahayag kaysa pagbati. Napatigil si Bhem sa pag-inom ng wine. Dumagundong ang dibdib niya. Ilang taon na ang lumipas. Bakit parang bumalik siya sa pagiging teenager na kinakabahan sa harap ng isang lalaki? Hindi. Hindi siya dapat ganito. Nag-angat siya ng tingin, pilit pinapawi ang pagkalito. "Jack Devera?" aniya, kunwa’y nagtataka. “Ikaw nga ba ‘yan?” Jack smirked, tilting his head. "Disappointed ka ba?" Napasinghap siya, pero agad ding ngumiti. "Of course not! Hindi lang ako makapaniwala." At talagang hindi siya makapaniwala. Noong huli silang nagkita, siya ang nasa pedestal habang si Jack ay isang simpleng binata lang—walang kapangyarihan, walang impluwensya. Ngunit ngayon… tila ba nagpalit sila ng posisyon. Siya? Halos nagkandalugmok sa mga nangyari sa buhay niya. Samantalang si Jack? Isang bilyonaryo. Nagkatitigan sila. Nakangiti si Jack, ngunit sa ilalim ng tingin nito ay may hindi siya mawari. Parang alam na niya kung anong tumatakbo sa isip ni Bhem. “Gulat ka ba, Bhem?” She swallowed hard. "Gulat? Hindi naman." Jack took a slow step forward, halatang hindi intensyon na takutin siya kundi para lamang mas marinig siya sa maingay na paligid. "Sigurado ka? Kasi parang hindi ka makahinga." Napakunot-noo siya. "Ang yabang mo na, ah." Jack chuckled, his eyes gleaming with amusement. "Dati pa akong ganito. Hindi mo lang napansin." At hindi niya maitanggi. Noon, never niyang pinansin si Jack. Siya ang sikat, siya ang nasa itaas. Samantalang ito… isang simpleng lalaki lang. Ngunit ngayon, parang biglang naging mas kapansin-pansin ito sa kanya kaysa kahit sino sa paligid nila. “Matagal na kitang gustong makita ulit.” Napalunok si Bhem. The way he said it—parang may ibang ibig sabihin. Pero hindi. Iniisip niya lang ‘yon. Humalakhak siya, pilit na ibinabalik ang sarili sa kasalukuyan. "Bakit? Para ba makaganti? Para ipakita kung sino na ang mas makapangyarihan ngayon?" Nakita niya ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Jack bago ito ngumiti. "Ganti? That’s so… predictable." May kung anong kaba ang gumapang sa kanya. "Then why?" Sa halip na sumagot, inilapit ni Jack ang sarili sa kanya. Ngunit hindi ito lumampas sa limitasyon. Sapat lang upang maramdaman ni Bhem ang presensya nito—hindi para guluhin siya, kundi para iparamdam na nandiyan lang ito, handang protektahan siya. "Ikaw, Bhem." Bumaba ang boses nito, halos pabulong. "Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito." Nag-freeze siya. Ano? Pero bago siya makasagot, lumapit ang isang event organizer at tinawag ang pangalan ni Jack. Tumikhim ito at ngumiti sa kanya bago bumaling sa organizer. "I'll be back." Habang pinagmamasdan niya ang paglayo ni Jack, hindi pa rin niya maintindihan ang nararamdaman niya. Ano ang ibig sabihin nito? Bakit siya? At bakit parang ang puso niya ay biglang bumalik sa dati—sa isang panahon kung kailan hindi niya alam kung ano ang gagawin kapag nasa paligid lang si Jack? Pero isang bagay ang malinaw—hindi ito ang huli nilang pagkikita. At kung tama ang kutob niya, mukhang magsisimula pa lang ang laban. Alas-dose na ng hatinggabi nang makarating siya sa kanyang apartment. Pagod siya sa event, pero hindi niya maalis sa isip si Jack. Pagdating niya sa pintuan, natigilan siya. May isang bouquet ng red roses sa harap ng kanyang pintuan. Walang card. Walang pangalan. Pero sa tabi ng mga bulaklak, may isang maliit na papel. Dahan-dahan niyang dinampot iyon at binasa ang nakasulat: "Just the beginning. –J" Napapitlag si Bhem. Wala siyang duda kung kanino galing iyon. Pero ang tanong… ano ang simula? At anong balak ni Jack Devera sa kanya? Habang nakatayo siya sa harap ng pintuan, isang malamig na hangin ang dumaan sa kanyang batok. Ngunit bago pa siya tuluyang lamunin ng kaba, may isa pang bagay siyang napansin—hindi lang bulaklak ang iniwan ni Jack. May isang itim na card sa ilalim ng bouquet. Binuksan niya iyon at nabasa ang eleganteng sulat-kamay ni Jack: "Mula ngayon, ako na ang bahala sa’yo. Huwag kang matakot. Huwag kang mag-alala. Hindi na kita hahayaang masaktan ulit. Kahit sino pa ang lumapit sa’yo, kahit sino pa ang sumubok na saktan ka— Tatapusin ko sila." May kilabot na gumapang sa kanyang balat. Ngunit hindi ito dala ng takot. Sa unang pagkakataon, may isang lalaki na hindi lang basta nagbalik sa kanyang buhay—isang lalaking handang gawin ang lahat para protektahan siya. At sa kabila ng lahat… Bakit parang gusto niyang paniwalaan ito? —To be continued…" Good morning Self " saad ko sa sarili ko habang nagbibihis pagong dahil alas kuwarto palang ng madaling araw , para aliwin muna ang sarili sumayaw nalang ng cha-cha hindi naman ako makakadistorbo sa mga kasama ko sa bahay dahil hindi naman nila naririnig ang ingay ng kuwarto ko , kaya naman enjoy the moment ika nga nila.Ang sarap pala sa feeling pag single but ready to menggle ang isang tao. Kaya proud to be single ako dahil i can do all things i want without needing permission to someone puwera lang sa pamilya ko syempre kailangan na nagpapaalam parin ako sa kanila ayaw kona maulit uli yong nangyari.Nang mapatingin ako sa samalin don ko na realize na subrang napabayaan kona pala ang sarili ko ilang years ang nakalipas ang dating ako na hindi man lang nadadapuan ng lamok ay ito na ngayon, pero tanggap ko naman sa sarili ko kong ano ako noon at kong ano ako ngayon kasi hindi kona mababalik ang nakaraan para baguhin lahat ng maling nagawa ko. At dahil 12:00 noon pa ang pasok ko i to
" Ang lalaking yan o Sarili mo? " nanggagalaiting tanong sakin ni kuya leo habang pilit akong pinapasakay sa sasakyan."Hindi ko alam!" Sagot ko habang umiiyak super napahiya kasi ako kanina sa harap ng maraming tao at sa harap ni Jade.Tinuturo-turo pako nito habang pinagsasabihan " Bhem dika paba na dala niloko kana nga ng gagong yon makikipag balikan kanaman uli."Natigilan ako ng marinig ko iyon at paulit-ulit na sumasagi sa isip ko " pano nalaman ni kuya ang tungkol do'n hindi ko naman na kuwento sa kanila ahh , sino kaya nag sabi sa kaniya ng bagay na yon? " ngunit bago pako makasagot uli agad na niyang pinaandar ang kotse, diritso sa bahay.Pagdating namin namumugto parin ang mga mata ko inakala ko tapos na ang pangsisirmon niya hindi pa pala.Dahil mas tumindi pa ang galit nito wari'y wala siyang pakialam kong marinig man iyon ni Daddy at Mommy basta mapagalitan lang niya ako.Habang ako nagsiagosan na ang luha sa mga mata ko , masakit kaya mapahiya sa maraming tao , pero m
Pauwi na sana ang pamilya Acson galing sa outing ngunit nakalimutan ni Bhem ang isang bag na dala niya kaya binalikan niya ito sa nirentahan nilang catage , pagbalik nga niya ay naroon parin ang bag na naiwan niya ngunit hindi inaasahang timing doon pala niya muling makikita ang isang tao na sumira ng tiwala niya.Dahil sa pagmamadali nakabanggaan niya ang isang lalaki na maydalang apat na manggo shake , galing sa counter ng resort kaya naman napagtaasan siya nito ng boses " Ano ba miss dahan-dahan naman ohh " ngunit pareho silang natigilan ng makilala ang isa't isa.Nakataas ang kilay ng lalaki ng makilala niya ang nakabanggaan niya " B-Bhem ? "Habang si Bhem tulala sa harap niya hindi makapaniwala sa nakita." B-Bhem anong ginagawa mo rito ? " pagtatanong nito kay Bhem ng may tuwa sa mukha." ahmm ahh nag outing kami ng pamilya ko " Nakangiti nitong tinanong uli si Bhem " I see , muzta kana? , long time no see." Malugod namang sinagot ni Bhem ang tanong ni Jade kahit med
" Bunsoyy , matutuloy muna ang pangarap mo! " nakangiting sambit ni Ate Jona , habang tumatalon talon ito dahil sa tuwa.Pero hindi namin alam kong bakit siya masaya kaya naman nagtanong ako " Ate , ano ang ganap? " pagtataka ko , kaya yong kaliwang kilay ko tumaas naman.Ngunit bago niya ako sagutin niyakap muna niya si Lyla " May bago nang scholarship si Lyla hindi na siya titigil makakatapos na siya ng pagaaral ," nagulat kaming apat, ngunit mas nanaig parin ang saya na nadama naming lima.Kaya naman agad naming ipinaalam kay Mommy ang magandang balita kahit nasa ospital siya natuwa parin siya. Upang tuloyan nang makapasok kinabukasan si Layla nag ambagan kaming apat para sa mga gastosin ni Lyla sa pagaaral.Pang allowance niya kong baga.Kahit wala nakong kapera-pera tanging pang isang lingo ko nalang budget ay iniambag ko nalang , para makapasok na siya.Narealize ko God is good talaga , he always there not just for me and my family but also to all people. Wala talagang s
" Ate wala na yong mansion " umiiyak na balita sakin ni Lyla , ang bunso namin.Ng marinig ko nga ang sinabi nito hindi na ako nagdalawang isip na umalis sa kinatatayoan ko .Agad akong nag hanap ng masasakyan pauwi upang puntahan kong ano na ang nangyari sa pamilya ko.Pagkarating ko nga sa mansion naabutan ko nalang ang Mommy at ang bunso kong kapatid na nasa labas na ng bahay , pati yong mga gamit namin nasa labas narin. Hindi ko napigilang mapa luha sa nadatnan ko , kaya nang makita ko ang representative ng bangko agad ko itong diniritsahang kinausap." Sir mawalang galang napo , bakit niyo naman po kami pinapalayas agad akala ko po ba sa makalawang buwan pa kami aalis rito " " Sir Bakit po ? " pagtatanong ko sa matandang lalaki na nag papalabas ng mga gamit namin." Sorry hija , may buyer na kasi nitong bahay at dapat lang na umalis na kayo rito dahil halos 10 years na kayong hindi nakakabayad kaya kailangan niyo nang umalis rito , " at agad nakong tinalikoran ng matandang l
Ng bumuti na ang lagay ng Daddy at hindi narin siya masyadong nahihirapan dahil sa mga gamot na natake na niya. Kinailangan konang pumasok sa trabaho dahil may magbabantay naman sa kanya ang mga kapatid ko. Halos tatlong buwan rin akong naka leave sa trabaho , nangangamba nako baka pag tumagal na hindi pako pumapasok baka tanggalin nila ako.At dahil nagtitipid nga ako kailangan kong gumising ng maaga para maka sabay kay kuya Garin , sa pinsan ko. At dahil iisa lang ang company na pinapasokan namin , sabay na kami lagi sa pagpasok sa work.Araw ng lunes , unang araw ng buwan ng Mayo kaya kailangan kong maaga gumising kasi ang dami kong aasikasohing papelis .Ngunit ang plinano kong paggising ng maaga taliwas sa nangyari , naggising nalang ako na nagbubukang liwayway na ang araw at magaalas syete na ng umaga kaya naman no more relapse moment sa kama , transform agad bilang flash the second .Kahit hindi pa nakakaalmusal , ni pagsuklay sa basa kong buhok hindi kona nagawa .Dahil wal
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments