Home / Romance / MR.CEO and ME / CHAPTER FORTY

Share

CHAPTER FORTY

last update Huling Na-update: 2025-11-06 16:50:36

THIRD PERSON:

Nakatitig si Dominic sa mga papel sa mesa, pero halata sa mga mata niya na hindi talaga iyon ang iniintindi. Kanina pa siya hindi mapakali. Minsan ay binubuksan niya ang laptop, minsan ay sinasara ulit — pero walang ni isa sa ginagawa niya ang may saysay.

Si Felix naman ay abala kunwari sa pag-aayos ng mga dokumento pero panay ang pasulyap sa boss niya. Napapansin na niya ang kakaibang pananahimik nito. Ilang ulit na ring napabuntong-hininga si Dominic na parang may gusto talagang sabihin pero pinipigilan lang.

Hanggang sa hindi na rin nakatiis si Felix.

“Sir…” bahagya pa itong umubo, “okay lang po ba kayo?”

Biglang tumayo si Dominic, halos bigla ring napaatras si Felix sa gulat. Lumapit si Dominic sa glass wall, nakatukod ang dalawang kamay sa bulsa habang nakatingin sa malawak na tanawin sa labas.

Tahimik muna ito ng ilang sandali bago nagsalita.

“Akala ko ba introvert siya?” malamig ngunit may halong pagtataka ang tono nito. “’Di ba sabi mo, ayaw niyang nakikihalubilo
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • MR.CEO and ME   CHAPTER FIFTY-FOUR

    CYRUS’ POVNang mapanood ko ang video clip, parang biglang lumamig ang sikmura ko.Hindi ko alam kung ano ang mas matimbang, yung galit ko kay Monica o yung pag-aalala ko kay Mira.Hindi ko na namalayan na tumatakbo na pala ako pababa ng lobby. At pagdating ko doon.May i-ilang reporters na nag aabang sa harap ng entrance. May mga camerang nakaabang, may sigawan pa ng mga tanong.“Shit…” bulong ko.“Look what you’ve done, Monica. You’re in deep trouble.”At ang mas problema, dinadamay nila si Mira.Dumeretso ako sa staff room, pero pagdating ko doon, wala siya.“Baka hindi pumasok dahil sa paa niya…” bulong ko, pilit iniisip na sana nga.Pero hindi eh. Kilala ko si Mira. Kahit pilay, papasok ’yon.Habang naglalakad ako palabas, may napansin akong isang mas nakatatandang staff na nag-aayos ng mga dokumento.Lumapit ako.“Uhm, hello po. Pumasok po ba si Mira?”Nag-angat ito ng tingin sa akin, bahagyang nagulat.“Ay opo, sir. Pumasok po siya. Bakit po pala?”Anong idadahilan ko?Ayaw ko

  • MR.CEO and ME   CHAPTER FIFTY-THREE

    THIRD PERSON:Paglabas ng sunod-sunod na video clips at ang pag public apology ni Monica sa TV, napuno ang private wellness suite ng mag-asawang Lim ng malamig na katahimikan.Si Doña Celestine, nakahiga sa massage bed, eleganteng nakabalot sa cream silk robe, ay bahagyang ngumiti, iyong ngising may aristokratang pang-aalipusta.“Look at her…” aniya, bahagyang tinaas ang baba habang tinititigan ang screen.Ang boses niya ay kalmado, kontrolado, ngunit bawat salita ay punong-puno ng lamig.“Ni hindi marunong mag-sorry nang sincere. Kung makapag-public apology, parang nagsho-shoot ng commercial.”Itinaas niya ang kamay, at mahinang inayos ng spa staff ang shawl sa balikat niya. Patuloy ang marahang pagmasahe sa likod niya, soft, respectful strokes.“Honestly,” dagdag niya, bahagyang napahinga nang malalim, “kahit anong pilit niyang pagpapaka-mabait, it is still an elegant no from me. A big, shimmering X.”Sa tabi niya, si Mr. Lim, ang kanyang asawa, ay nakaupo sa velvet lounge chair. Na

  • MR.CEO and ME   CHAPTER FIFTY-TWO

    THIRD PERSON:Nakatayo si Monica sa gitna ng suite, naka-cross pa ang mga braso nito, habang galit na galit ang ama’t ina niya sa harapan. Pero kahit pinapagalitan siya, hindi man lang kumurap ang mata niya—nananatiling mataas ang baba, parang siya pa ang agrabyado.“Because you weren’t careful, mas lalo mong pinalala ang sitwasyon, Monica!” bulyaw ni Don Leonardo, halos umalingawngaw sa buong silid ang boses nito.Pero imbes na matakot o mapahiya, napairap lang si Monica, exasperated, parang sila pa ang mali.“Tsskk! Dad, sobrang OA ng mga tao dito sa Pilipinas. Konting tulak lang, parang end of the world na!”Napahagikgik siya nang may bahid ng pangmamaliit.“At saka please, huwag n’yong gawing malaking issue ang isang hamak na staff lang. Tinulak ko lang naman, hindi ko naman tinanggal ‘yung paa niya. Siya rin kasi—ang arte! May pa-ika-ika pang nalalaman sa harap ng camera.”Nanlaki ang mata ni Doña Vevienne, hindi makapaniwala sa pagiging manhid ng anak.“Monica!” sigaw ni Doña Vi

  • MR.CEO and ME   CHAPTER FIFTY-ONE

    THIRD PERSON:Nagising si Mira sa amoy ng ginisang bawang. Bago siya bumangon, pinakiramdaman niya muna ang kanyang paa. Mas magaan na ang pakiramdam niya ngayon, kaunting kirot na lang ang nararamdaman, ngunit hindi na kasinglala tulad kahapon. Para sa kanya, hindi iyon sapat na dahilan para lumiban; kaya pa rin niyang pumasok.Kahit sinabihan siya ni Dominic kagabi na magpahinga muna at huwag pumasok, talagang ayaw niyang mag-absent. Ang tanging plano lang niya ay ang umabsent sa resto ni Doña Felisa, para makaiwas muna roon.Habang nag-aalmusal sila, tahimik na pinapanood ni Aling Carmen ang kilos ng anak. Sanay siyang nakayuko lang si Mira, laging parang may iniisip. Pero ngayon… parang may kakaibang sigla.“Anak, okay na ba talaga iyang paa mo?” tanong ni Aling Carmen habang inaayos ang maliit na baunan ni Mira. Bahagyang ngumiti si Mira, iyong tipid na ngiti na bihira lang niyang ibigay. Tumango siya at marahang ikinilos ang paa.“Opo, Inay. Tignan ninyo-”“’Pasaway ka, wag mo a

  • MR.CEO and ME   CHAPTER FIFTY

    THIRD PERSON:“Insan,” tawag ni Cyrus kay Dominic habang nakasandal sa sofa, pa-chill, pa-cool, at pa-epal. “Nag-iisip ako, maybe I should stay here longer. Alam mo ’yon… enjoy the city, enjoy the-” Naputol ang salita niya nang tumapat ang matalim na titig ni Dominic sa kanya.“No.”Seryoso. Diretso. Walang pasintabi.Napakurap si Cyrus. “Ha? Bakit-”Hindi pa man siya tapos ay sumiklab na ang bwisit sa loob ni Dominic. Of all people, bakit kailangan pa talaga nitong mababad sa hotel? Pero ang mas ayaw niya ay alam niyang may balak ito. At mukhang hindi iyon tungkol sa negosyo.Tumawa si Cyrus nang mahina, nakakaloko. “Come on, Dom. You sure this is about business? Or…”Napataas ang kilay niya.Ayun na naman ang ngiting gusto niyang ibalibag sa pader.“…baka may someone dito na ayaw mong lapitan ko?”Nagsikpik ang panga ni Dominic. Bahagyang tumigas ang panga niya sa inis.At hindi, hindi niya gustong pag-usapan iyon.Sakto namang bumukas ang pinto.Bumungad si Monica, fresh, mabango, a

  • MR.CEO and ME   CHAPTER FORTY-NINE

    THIRD PERSON:Pagka-start niya ng makina, ilang segundo muna siyang hindi gumalaw.Parang may naiwan sa dibdib niya—mainit, magaan, pero nakakailang.Napailing siya nang mahina.Ano ba ’to, Dominic? Hindi ka ganito.Habang umaandar ang sasakyan palabas ng maliit na eskinita ng lugar ni Mira, napapakunot ang noo niya sa bawat makikitid na daan, sa bawat bahay na dinaanan niya, sa mga batang naglalaro pa kahit gabi na.Kung tutuusin, hindi ito ’yung mundong kinalakihan niya.Pero hindi niya alam kung bakit… nakakagaan sa pakiramdam.At doon nagsimulang pumasok ang iniisip niyang ayaw sana niyang harapin.Magka-kilala si Mom at si Mira.At parang matagal na.Hindi niya makalimutan ang tingin ng mommy niya kanina—malambing, may pagalala, parang may paboritong anak na bigla na lang nagpakita.At ang ginawa niyang pagmano?Damn… ni hindi ko ginagawa ’yon sa parent's ni Monica o kahit kanino man.Napatigil siya sa red light.Napatingin sa sarili niya sa reflection sa windshield.“Ano bang n

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status