MasukSanay si Dominic Villaruel, isang gwapong bilyonaryo at may-ari ng kilalang hotel chain, na habulin at pagsilbihan ng mga babaeng halos mag-unahan para lamang mapansin siya. Dahil sa tingin niya’y pare-pareho lang ang lahat—nahuhulog sa kanyang yaman at sa kinang ng kanyang kagwapuhan—hindi niya kailanman sineseryoso ang pag-ibig. Mayabang, arogante, at sarado ang puso; iyon ang mundong matagal na niyang nakasanayan. Ngunit biglang nag-iba ang lahat nang makilala niya si Mira Santos, isang tahimik at introvert na staff sa kanyang hotel. Sa unang pagkikita, ni hindi siya nito binigyan ng tingin—para bang ang kinang ng kanyang itsura ay wala lang. Sa halip na ikababa ng kanyang ego, mas lalo siyang naiintriga. Unti-unti, natuklasan ni Dominic na sa likod ng pagiging mahiyain ni Mira ay may matatag at matalinong babaeng kayang suwayin ang kanyang kayabangan. At sa bawat saglit na magkasama sila, tila isang pana ng kupido ang muling bumuhay sa pusong matagal nang naniniwala na hindi na muling iibig. Hindi niya akalain—ang babaeng hindi man lang siya pinapansin ang siya palang dahilan ng pagbagsak ng kanyang pusong matagal nang sarado sa pag-ibig.
Lihat lebih banyakCYRUS’ POVNang mapanood ko ang video clip, parang biglang lumamig ang sikmura ko.Hindi ko alam kung ano ang mas matimbang, yung galit ko kay Monica o yung pag-aalala ko kay Mira.Hindi ko na namalayan na tumatakbo na pala ako pababa ng lobby. At pagdating ko doon.May i-ilang reporters na nag aabang sa harap ng entrance. May mga camerang nakaabang, may sigawan pa ng mga tanong.“Shit…” bulong ko.“Look what you’ve done, Monica. You’re in deep trouble.”At ang mas problema, dinadamay nila si Mira.Dumeretso ako sa staff room, pero pagdating ko doon, wala siya.“Baka hindi pumasok dahil sa paa niya…” bulong ko, pilit iniisip na sana nga.Pero hindi eh. Kilala ko si Mira. Kahit pilay, papasok ’yon.Habang naglalakad ako palabas, may napansin akong isang mas nakatatandang staff na nag-aayos ng mga dokumento.Lumapit ako.“Uhm, hello po. Pumasok po ba si Mira?”Nag-angat ito ng tingin sa akin, bahagyang nagulat.“Ay opo, sir. Pumasok po siya. Bakit po pala?”Anong idadahilan ko?Ayaw ko
THIRD PERSON:Paglabas ng sunod-sunod na video clips at ang pag public apology ni Monica sa TV, napuno ang private wellness suite ng mag-asawang Lim ng malamig na katahimikan.Si Doña Celestine, nakahiga sa massage bed, eleganteng nakabalot sa cream silk robe, ay bahagyang ngumiti, iyong ngising may aristokratang pang-aalipusta.“Look at her…” aniya, bahagyang tinaas ang baba habang tinititigan ang screen.Ang boses niya ay kalmado, kontrolado, ngunit bawat salita ay punong-puno ng lamig.“Ni hindi marunong mag-sorry nang sincere. Kung makapag-public apology, parang nagsho-shoot ng commercial.”Itinaas niya ang kamay, at mahinang inayos ng spa staff ang shawl sa balikat niya. Patuloy ang marahang pagmasahe sa likod niya, soft, respectful strokes.“Honestly,” dagdag niya, bahagyang napahinga nang malalim, “kahit anong pilit niyang pagpapaka-mabait, it is still an elegant no from me. A big, shimmering X.”Sa tabi niya, si Mr. Lim, ang kanyang asawa, ay nakaupo sa velvet lounge chair. Na
THIRD PERSON:Nakatayo si Monica sa gitna ng suite, naka-cross pa ang mga braso nito, habang galit na galit ang ama’t ina niya sa harapan. Pero kahit pinapagalitan siya, hindi man lang kumurap ang mata niya—nananatiling mataas ang baba, parang siya pa ang agrabyado.“Because you weren’t careful, mas lalo mong pinalala ang sitwasyon, Monica!” bulyaw ni Don Leonardo, halos umalingawngaw sa buong silid ang boses nito.Pero imbes na matakot o mapahiya, napairap lang si Monica, exasperated, parang sila pa ang mali.“Tsskk! Dad, sobrang OA ng mga tao dito sa Pilipinas. Konting tulak lang, parang end of the world na!”Napahagikgik siya nang may bahid ng pangmamaliit.“At saka please, huwag n’yong gawing malaking issue ang isang hamak na staff lang. Tinulak ko lang naman, hindi ko naman tinanggal ‘yung paa niya. Siya rin kasi—ang arte! May pa-ika-ika pang nalalaman sa harap ng camera.”Nanlaki ang mata ni Doña Vevienne, hindi makapaniwala sa pagiging manhid ng anak.“Monica!” sigaw ni Doña Vi
THIRD PERSON:Nagising si Mira sa amoy ng ginisang bawang. Bago siya bumangon, pinakiramdaman niya muna ang kanyang paa. Mas magaan na ang pakiramdam niya ngayon, kaunting kirot na lang ang nararamdaman, ngunit hindi na kasinglala tulad kahapon. Para sa kanya, hindi iyon sapat na dahilan para lumiban; kaya pa rin niyang pumasok.Kahit sinabihan siya ni Dominic kagabi na magpahinga muna at huwag pumasok, talagang ayaw niyang mag-absent. Ang tanging plano lang niya ay ang umabsent sa resto ni Doña Felisa, para makaiwas muna roon.Habang nag-aalmusal sila, tahimik na pinapanood ni Aling Carmen ang kilos ng anak. Sanay siyang nakayuko lang si Mira, laging parang may iniisip. Pero ngayon… parang may kakaibang sigla.“Anak, okay na ba talaga iyang paa mo?” tanong ni Aling Carmen habang inaayos ang maliit na baunan ni Mira. Bahagyang ngumiti si Mira, iyong tipid na ngiti na bihira lang niyang ibigay. Tumango siya at marahang ikinilos ang paa.“Opo, Inay. Tignan ninyo-”“’Pasaway ka, wag mo a






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.