LOGINDOMINIC POV:Seryosong nakikinig ako sa presentation at tahimik din silang lahat. Tanging boses lang ng mga executive ang maririnig habang ipinapaliwanag ang detalye ng hotel partnership at endorsement deal, collaboration sa isang luxury lifestyle brand, expansion ng hotel visibility, at paggamit ng ilang floor bilang exclusive venue para sa kanilang events at photoshoots.“Ang target market po natin ay high-end clients, business executives, foreign investors, at celebrity endorsements,” paliwanag ng isa sa mga presenter habang naka-project sa screen ang layout ng hotel.Nakatagilid lang ang ulo ko, nakikinig, o mas tama, nagpapanggap na nakikinig. Dahil gumugulo sa isipan o sabihin na nating gusto ko na siyang makita.I gave a slight nod. “Go on,” sabi ko, kahit kalahati lang ng utak ko ang present.Hanggang sa....Biglang may dumaan sa labas ng glass wall ng meeting room.Isang pamilyar na pigura.Mira.Parang may kung anong kusang humigpit sa dibdib ko.At automatic na nag-focus ang
MIRA POV:“Nay…” malumanay kong tawag habang tinatanggal ang sapatos ko.“Mira, anak, nand’yan ka na pala.”Napangiti ako sa boses niya, parang magic na agad ang epekto sa akin, lahat ng pagod, init, at hirap sa buong araw ay biglang nawala. Ang boses niya ang aking power charge, ang lakas ko para harapin kahit anong pagod.Pero may kakaiba sa tono niya, kaya dali-dali kong pinuntahan ang pinagmumulan ng boses, ang kusina.“Nay?”Nakita ko siyang, abala sa paghahalo ng biko sa kawali. Tagaktak ng pawis sa noo niya, pero kahit ganon, ang bawat galaw niya ay puno ng pagmamahal. Pinunasan niya ang pawis gamit ang face towel na nakasabit sa balikat niya, at sa bawat paghahalo ng biko, ramdam ko ang init at pag-aalaga na iniwan niya sa bawat galaw.“Anak, nagluto na ako ng biko para sa mga boss mo bukas. Kung may oven naman sila, initin mo na lang.”Tahimik lang akong tumitig sa kanya, parang gusto kong itala sa memorya ko ang bawat detalye, ang paraan ng pagkakabuhol ng towel sa balikat n
*DAYS AGO*Kinausap ni Dona Celestine si Felix, na para bang nagkakasabwatan ang dalawa. Alam niyang maaasahan niya si Felix para tulungan ang anak niyang ubod ng masilan pagdating sa pakikitungo sa mga babae. Dahil matagal nang nao-obserbahan ni Dona Celestine ang anak niya, at wala pang ipinapakilala si Dominic na girlfriend sa kanila noon pa man, may mga naririnig pa siya na mayabang at arogante ang kanyang anak.May mga nagtangka ring makipag-date kay Dominic, ngunit hanggang doon na lamang. Iisa ang naging sentimyento ng mga babaeng naka-date niya 'arogante. At palagi namang iisa ang dahilan ni Dominic,“Hindi nila ako gusto. Nahuhulog lang sila sa estado ko, kaya desperado silang makuha ang atensyon ko.”Kaya minsan napaisip na siyang baka maging matigas na puso na ang anak niya. Dito nagsimulang planuhin ni Dona Celestine na ipush ang ideya ng kasal kay Monica, na tinanggihan naman ni Dominic. Na kinatampu na niya naman kay Dominic at muntikan pa ngang magkasiraan mga imahe ni
MIRA POV:Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang eksena kanina.Kung paano ko hinawakan ang pulso ni Sir Dominic. Kung paano ko ikinabit ang bracelet ng dahan-dahan.Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay malinaw pa rin iyon sa isipan ko.Habang ang tatlo naman ay tahimik lang sa may likuran ko habang naglalakad kami pabalik sa locker area. Kahit hindi maingay, amdam ko ang presensya nila. Halatang may hinihintay. Para bang naghihintay silang magsalita ako, magkuwento, magpaliwanag.Alam kong gumugulo iyon sa kanila.’Yong kanina?… Teka… oo, ’yong kanina, Mira… ano ba talaga ’yon?’ Paulit-ulit kong tanong sa sarili.Pero kahit ako, wala ring maibigay na sagot.Bigla na lang ulit pumasok sa isip ko kung paano ko isinara ang maliit na hook ng bracelet sa pulso ni Sir Dominic. Ngayon ko lang napansin ang kakaibang epekto ng ginawa ko. Para bang saka lang dumating ang panghihina, ang biglang pag init ng pisngi ko, at ang mga palad ko ay nanlalamig na pinagpapawisan.Bakit ko nga
THIRD PERSON:“Hi, ladies!” charming pang bati ni Felix.Nagulat ang tatlo, sina Joy, Marites, at Lisa. Pero ilang segundo lang, napalitan iyon ng kilig at pigil na tawa. Si Mira naman ay ngumiti lang, natural na ekspresyon, na para bang sanay na siyang makihalubilo lalo na kila Dominic at Felix.“Makikisalo sana kami ni Sir Dominic, okay lang ba?” tanong ni Felix, sabay tingin kay Mira. “Okay lang ba, Mira?”“O-okay lang po, Sir Felix,” nakangiting sagot ni Mira.Sa una nakiramdam pa si Dominic kung meron pag iilang kay Mira na naroon silang dalawa ni Felix ngunit napapansin niya sa dalaga ay natural lamang, simpleng ngiti na signature na talaga ni MIra.Walang bakas ng pagkailang.Para bang siya lang talaga ang kinakabahan.Kaya kahit papaano, nakahinga siya nang maluwag. Mas kabado pa siya kay Mira kaysa sa mismong sitwasyon, at alam na alam iyon ni Felix, kaya palihim itong napapangiti sa gilid, aliw na aliw sa reaksyon ng boss niya.“Ito, girls,” dagdag pa ni Felix habang inilala
THIRD PERSON:Hindi pa rin naibibigay ni Mira ang mga natitirang souvenir na nakalaan para kina Dominic at Felix. Balak niya na lamang itong ibigay kapag may tyempong magkasalubong sila, iyong walang ibang kasamang makakakita, walang atensyon ng iba.Sa loob-loob niya, may pag aalinlangan pa siya lalo na't alam niya sanay ang mga ito sa mga mamahaling gamit. "Paano kung hindi nila tanggapin? Hindi nila magustuhan?" iyon ang paulit ulit na naririrnig niya sa kanyang isipan.Ngunit higit pa roon ang paniniwala niya, may kahulugan ang mga munting regalong iyon na hindi na niya kailangang ipaliwanag pa sa kanila. Sapat na sa kanya na makita niyang suot o ginagamit nila iyon kahit minsan lamang. Doon pa lang, sapat na. Doon na mismo nakaukit ang tahimik niyang pasasalamat para sa kabutihang ipinakita nila sa kanya, para sa pag-unawa, para sa pag-aalaga na hindi niya kailanman inasahan.Malapit na ang break time kaya dali-dali siyang nagtungo sa staff room upang kunin ang iba pang souvenir.







