Share

THIRTY NINE

Penulis: SHERYL FEE BAJO
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-02 11:37:35

LAKING pasasalamat ng magkabilang pamilya o ang Sandoval at Mondragon. Dahil makalipas ilang buwang pagkakawalay ng bagong Mrs Mondragon ay nakauwi rin ito. Sa tulong ng pera ay naging matiwasay ang pagsundo nila rito sa Switzerland kung saan napadpad mula sa pagtilapon sa bangkang de-motor na ginamit ng naging abductor. Kahit nga ang right hand man ng Boss sa MARGARITA ay labis-labis nilang pinasalamatan. Dahil bukod sa nagampanan nito ang trabaho bilang isang marine engineer ay napangalagaan pa ang buong barko sa loob ng ilang buwang pagkawala ng mga Bosses.

LUMIPAS pa ang ilang taon.

Sa kabilang banda, laking dismaya ni Cassandra nang masulyapan ang orasan sa wall clock. It's already eight in the morning yet she's still in her bed.

"Ikaw na alarm clock ka bakit hindi ka tumunog? Tsk! May lakad pa naman ako ngayon ngunit dahil hindi ka tumunog ay mukhang huli na naman ako." Nakasimangot siyang bumaling sa alarm clock niya sa side table.

Ngunit paano nga ba niya ito maririnig samanta
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • MR SEA-MANLOLOKO    THIRTY NINE

    LAKING pasasalamat ng magkabilang pamilya o ang Sandoval at Mondragon. Dahil makalipas ilang buwang pagkakawalay ng bagong Mrs Mondragon ay nakauwi rin ito. Sa tulong ng pera ay naging matiwasay ang pagsundo nila rito sa Switzerland kung saan napadpad mula sa pagtilapon sa bangkang de-motor na ginamit ng naging abductor. Kahit nga ang right hand man ng Boss sa MARGARITA ay labis-labis nilang pinasalamatan. Dahil bukod sa nagampanan nito ang trabaho bilang isang marine engineer ay napangalagaan pa ang buong barko sa loob ng ilang buwang pagkawala ng mga Bosses.LUMIPAS pa ang ilang taon.Sa kabilang banda, laking dismaya ni Cassandra nang masulyapan ang orasan sa wall clock. It's already eight in the morning yet she's still in her bed."Ikaw na alarm clock ka bakit hindi ka tumunog? Tsk! May lakad pa naman ako ngayon ngunit dahil hindi ka tumunog ay mukhang huli na naman ako." Nakasimangot siyang bumaling sa alarm clock niya sa side table.Ngunit paano nga ba niya ito maririnig samanta

  • MR SEA-MANLOLOKO    THIRTY EIGHT

    "HEY, will you stop that! My goodness, Brian Niel Mondragon! Hindi na nakakatulong ang ginagawa mo!" sigaw ni Franklin sa kaibigan."Pare, naman, bakit ka sumisigaw? Makakausap naman natin siya ng hindi sinisigawan," sawata ni Allick Francisco sa bayaw.Dahil bihira lang ito magtaas ng boses pero delikado kapag nangyari iyon. Malakas ang self-control nito pero kapag nagalit ay tahimik silang lahat. Sa madaling salita ay takot sila kapag ito ang nagalit."H-hayaan mo lang, P-pareng Allick hik. H-hindi naman ako g-galit sa kanya." Dulot ng tama ng alak na nainom ay nagpautal-utal si BN na pumagitna sa magbayaw.Aminado naman siyang naparami na ang nainum niya pero matino pa ang isipan niya kaya't alam na alam niya ang pagsigaw at pagsaway ng kaibigan din nilang bayaw nito."Alam mo bang gustong-gusto kitang bugbugin? Kung gaano kabangis ang pangalan mo ay kabaliktaran naman sa pagkalampa mo. Paano mo magagampanan ang tungkulin mo kung lagi kang lasing? Ano'ng gusto mo lulubog ang barko?

  • MR SEA-MANLOLOKO    THIRTY SEVEN

    ISANG UMAGA, kulang na lamang ay magkabanggaan na naman ang dragona at si Engineer Saavedra. Halatang nagmamadali sa pag-alis ang una kaya't hindi nito napansin ang pagdating ng huli na dumulog sa tahanan ng mga Mondragon."Type mo si dragona, Kuya?" Napalingon siya sa mapanuksong tinig sa tabi niya.Masayahing tao ang kambal ng dragona. Ngunit hindi niya maturuan ang puso niyang iibig sa dalagang nasa harapan niya. Dahil simula't sapol ay ang dalagang nakaupo sa ticketing booth ang pumukaw sa puso niya. Maaring may kasintahan ito pero may taning sa buhay. Ihinabilin pa nito sa kaniya ang dalaga.Kaso!"Papasukin mo muna, anak, bago mo tuksuhin. Aba'y wala namang masama kung type niya," wika ng Ginang sa anak. Sinalubong pa nito ang binata ng panunukso. Ayaw din naman kasi nilang ma-offend ang panauhin nila lalo at agad itong tinukso ni Mariz."Ay, oo nga pala, Kuya Tommy. Pasok ka at ako'y papasok na rin sa trabaho ko. Enjoy the day with Mom and Dad." Nakangiti itong bumaling binata

  • MR SEA-MANLOLOKO    THIRTY-SIX

    FEW WEEKS later...Dahil na rin sa rin sa pakiusap ng mag-asawang Clarence at MaCon ay hindi na sumabay si Tommy sa batang amo. Pinaiwan nila ito dahil na rin sa burol ng panganay na kapatid. Kailangan nila ang tulad nito sa barko ngunit hindi kaya ng konsensiya nila na hayaan itong sasampang muli sa barko samantalang nakaburol pa ang kapatid nito."Magandang umaga, Boss, Ma'am." Magalang na pagbati ng binata sa mga amo. "Same to you, Hijo. Maupo ka." Masayang itinuro ng Ginang ang sofa.Kaso hindi pa man lumapat ang puwet ng binata sa upuan ay nanukso ang Ginoo."Huwag mong sabihing ipapahatid na kita sa New Zealand, anak? Aba'y baka ako ang multuhin ng kapatid mo kung gagawin ko iyan samantalang wala pang siyam na araw simula ng nailibing siya." Nakatawang pagbibiro ni Ginoong Clarence.Tuloy ay napakamot si Tommy sa ulo kahit nasa harapan siya ng mga Bosses niya. Ibubuka pa nga lamang niya ang labi upang sagutin sana ito ngunit ang dalaga naman ang nanukso."Hala ka, Kuya Tommy, n

  • MR SEA-MANLOLOKO    THIRTY FIVE

    NANG dahil sa pakiusap ng most trusted man nila sa barko ay pinuntahan ng mag-asawang Clarence at MaCon ang panganay na kapatid ng huli. Ngunit dahil na rin sa nabuo nilang plano ay hindi sila kaagad nagpakita bagkus ay sumunod sila sa takbo ng buhay."Pasok maupo kayong tatlo," wika ni MA sa mga tauhan ng kumpanya.Wala naman siyang kaalam-alam kung ano ang dahilan kung bakit nakiusap sa kaniya ang bayaw na ipatawag niya ang magkakaibigan. Ganoon pa man ay sinunod niya. Maaring may sasabihin ito sa tatlo ngunit hindi maaring ipagsabi sa labas kaya't sa kaniya ito dumaan."Salamat, Boss. Subalit maari ba naming malaman kung bakit mo kami ipinatawag?" tanong ni Samson na agad sinundan ni Anjo."Tama si Engineer Reyes, Boss. May nilabag ba kami sa patakaran dito?" anito."Hindi ko alam, Boss, pero pakiramdam ko ay may importante kang sasabihin. Maari mo naman po kaming kausapin in public pero pinagreport mo pa kami rito," wika naman ni Romy.Wala siyang masabi sa mga ito. Dahil simula

  • MR SEA-MANLOLOKO    THIRTY-FOUR

    LUMIPAS pa ang mga taon sa buhay nilang mag-anak. Nag-asawa na nga ang panganay na si Brian Niel."Huwag kang magulo, kambal. Ano ba!" singhal ni Mariz Kaye sa kambal dahil nakikipag-agawan ito sa pamangkin nila. Hindi naman siya galit pero natatakot na baka mabitawan nila ang Baby Dragon. Lagot pa sila sa ama nitong Dragon at inang amazonang tigre."Kapag mahulog ang anak ko'y itatakwil ko kayong dalawa. Aba'y hindi n'yo na lang siya bantayan ng maayos. Baby pa lang iyan, hindi pa niya kayo tatakbuhan," sabi tuloy ni Brian Niel.Magkakatabi lang naman kasi sila. Maaring ibinalita na ng mga biyanan niya na nanganak ang asawa niya kaya't napasugod ang buong mag-anak, including Mang Carlito."Ay, ang harsh ni Kuya. Itong si Mariz kasi, ayaw ipahawak sa akin si Baby Dragon." Nakangiwing angal ni Cassandra.Tuloy!Kahit bagong panganak siya(Agatha) ay hindi niya napigilang napangiti. Natutuwa siya kahit noon pa sa kiti-kiting kambal kung tawagin ng asawa niya. Some sides of their persona

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status