Share

FORTY

last update Last Updated: 2025-10-03 00:40:09

MANILA, PHILIPPINES

"Sa oras na ito ay sigurado akong nasabi na ni Brian ang tungkol sa bagong posisyon ni Tommy," ani Clarence.

Kasalukuyan silang nagkakape ng oras na iyon. Mahigpit naman kasi niyang binilinan ang anak na pagdating nila sa barko ay aprobahan na ang retirement papers ng kasalukuyan nilang assistant ship captain. Ipalit sa puwesto ang binatang si Tommy. Hindi dahil sa mayroon ito ngunit ito ang napili ng lahat including the staffs as the assistant ship captain. Iyon din ang rason kung bakit umuwi ang panganay na anak kahit isang araw lang din.

"Sigurado ako sa bagay na iyan, Honey. Natutuwa ako dahil muling nagbalik sa barko ang batang iyon." Nakangiting pagsang-ayun ni MaCon sa asawa.

"Oo, Honey. He deserves that promotion although it's the simplest matter. Nasaksihan ko ang dedikasyun niya noon pa man. Ang tulad niya ang taong may malasakit sa bawat ginagawa. Hindi niya habol ang sahod dahil mas iniisip niya ang kapakanan ng mga pasaheros. Salamat sa Diyos dahil wa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MR SEA-MANLOLOKO    FIFTY ONE

    "WHERE is Engineer Saavedra now?" tanong ni Brian Niel.Alam niyang dumating na ang binata dahil sila ang sumalubong dito gamit ang bangkang de-motor. Sila rin ang nagdala sa mga gamit nito dahil pinanindigan ang pagiging maninisid. Naging diver ito mula hindi kalayuan ng barko. Inantabayan na lamang nila sa ground deck upang hindi makahalata raw ang dragona nito."Hindi na dapat tinatanong iyan, Boss. Aminin man natin o hindi ay si Ma'am Cassandra ang pinakamalaking dahilan kung bakit siya bumalik dito. And naturally, magkasama silang dalawa," nakangiting wika ni Engineer Rodrigo."Tama si Engineer Rodrigo, Boss. Parang nakita ko si Ma'am kanina sa engineer's deck. Surely nakatingala sa cabin ni Engineer Saavedra. Kaya't sang-ayun ako sa sinabi ni Kuya Rudy." Nakangiti ring lumapit sa kanila ang isa pa nilang kasama.Sa narinig ay hindi na napigilan ni Brian ang mapatawa. Totoo naman kasi silang lahat. Hindi maipagkakamaling kaya bumalik ang paborito niyang engineer sa barko dahil sa

  • MR SEA-MANLOLOKO    FIFTY

    DAHIL alam ng mag-asawang Clarence at MaCon na darating ang PI ay sinadya na itong hinintay."So, how did it go, Jerry?" tanong ni Clarence nang dumating ang PI."Tama nga kayo, Sir. Mahirap magalit ang taong tahimik. Huli ko siyang nakitang nagalit ng husto noong buhay pa ang kapatid niya. I mean ang nakalakhan niyang pamilya. Walang nakakaawat sa kaniya kung tungkol sa pang-aalipusta," pahayag nito."Ha? Nagkaaberya ba kayo sa pakikipagharap sa magulang niya?" hindi makapaniwalang anong ni MaCon."Opo, Ma'am. Mr and Mrs Arevalo is living all these years in poverty. Akala nga nila ay masasama kaming tao. The worst is may asthma ang kapatid ni Sir Tommy. Itinakbo namin ito sa pagamutan at kasalukuyang nandoon si Boss. About sa pang-aalipusta, Ma'am. Kasalanan ng nurse dahil binastos ang ama niya ayon siya na ang humarap. Pero naniniwala na ako ngayon na kung ano ang puno ay iyon din ang bunga. Alam ko na ang pinagmanahan ni Boss Tommy sa ugali, kahit pa sabihing pinalaki siya ng mga S

  • MR SEA-MANLOLOKO    FORTY NINE

    HERRERA-MONDRAGON RESIDENCE Makaraan ng halos dalawang oras na itinakbo ng jeep ay nakarating siya sa tahanan ng mga Mondragon. Mainit siyang tinanggap ng guwardiya kaya't dumiretso rin siya sa loob kung saan naroon ang mag-asawa. Kagaya ng mga nagdaang pagdalaw niya o pagkikita nila ay mainit din siyang pinakiharapan. Halatang bakas ang kasiyahan sa kanilang mukha nang nakita siya."You're here, Tommy. May hindi ka ba nasabi noong nagtungo kami sa rancho? Halika, maupo ka." Masayang salubong ni Clarence sa binata."Salamat po, Boss. About sa tanong mo po ay not really. Sinadya ko po talagang hindi binanggit ang bagay na iyon dahil ayaw ko po na masira ang kasiyahan ng bawat isa that day. Total nakaabala na po ako sa iyo ever since, lubos-lubusin ko na po. May kakilala ka po bang trusted private investigator?" patanong na sagot ng binata nang siya ay nakaupo."Ikaw talagang bata ka oo. We're family kaya't huwag mong isipin na nakakaabala ka." Napailing tuloy ang ilaw ng tahanan haban

  • MR SEA-MANLOLOKO    FORTY-EIGHT

    "WELL DONE, Mr and Mrs Mondragon. Pinatunayan n'yo na namang walang mahirap, walang mayaman sa batas natin," masayang wika ng judge nang sa wakas ay nadala na sa kulungan ang mag-asawang Saavedra."Hindi kami ang dapat ninyong pasalamatan, judge. Dahil lahat ng ito ay nasa kamay ng batang Saavedra I mean si Engineer Saavedra." Nakangiting tinanggap ni Clarence ang palad ng judge."Tama ang asawa ko, judge. Kahit nandito kaming lahat upang suportahan siya kung hindi siya nagdesisyon ay wala ring kinahantungan ang lahat. Masaya at malungkot kaming mag-asawa dahil alam naming mahirap ang desisyung ginawa niya but still we understand his situation." Kagaya ng asawa ay tinanggap ni Macon ang nakalahad na palad ng judge."He's really unfortunate child. But I salute how he handled his life. Alam pala niya ang tungkol sa pagkamatay ng tunay niyang pinagmulan ngunit inisip niya ang pamilya niya. Again, hindi nila pinahalagaan ang kabaitan ng batang iyon," wika ng judge."Yes, Judge. As I've sa

  • MR SEA-MANLOLOKO    FORTY SEVEN

    KUNG TUTUUSIN ay hindi pa sumisikat ang mahal na araw ay nakahanda ang mag-asawang Saavedra para sa lakad nila ng araw na iyon. Kailangan nilang magtungo sa City Hall upang harapin ang mag-asawang akala mo ay sino."Ano'ng sabi ng mga nasa rancho, Honey?" tanong ng Ginang sa asawa."Naging salitan din daw ang bantay na itinalaga ng mga Mondragon gaya ng mga tauhan natin. Kahit ang mga choppers na nakaantabay ay nandoon pa rin daw. Mukhang pinapahalagaan nila ng husto ang rancho ayun na rin sa mga kilos nila. Siya nga pala saan nila dinala ang bangkay ni Yaya?" sagot at balik-tanong ng Don."Sabi ko sa mga tauhan nating ilibing nila ng maayos sa sementeryo pero hinarangan daw sila ng mga tauhan ng mag-asawa. Sila na raw ang bahala kaya't hindi na raw sila umangal kaysa naman magpakapagod pa sila," sagot ng Ginang. Pupunta na sana siya sa kusina upang magpagawa ng kape nilang mag-asawa ngunit natigilan siya dahil sa buntunghininga ng asawa."Oh, Hon, what's on that deep sigh?" Muli niya

  • MR SEA-MANLOLOKO    FORTY SIX

    DAHIL na rin sa pakiusap ng mag-asawang katiwala ni Tommy sa kanila ay regular din silang bumibisita sa rancho nito. Kaso nang araw na iyon ay hindi mapakali si Clarence. Hindi pa naman sila bumisita roon ng araw na iyon dahil ang balak nila ay mas maganda kung hapon sila pupunta."Ano sa tingin mo, Honey? I mean, may ibig sabihin kaya itong pakiramdam ko? Tutuloy pa ba tayo ngayong araw o makikibalita na lang tayo sa mga tauhan nating nandoon?" hindi mapakaling tanong ni Clarence sa asawa."Pangitain iyan, Hon. If I were you, tawagan mo muna ang mga nandoon or si Tan-Tan o 'di naman kaya ay sila Nana Tina at Tata Andong ang sabihan mo na late na tayong makapunta ngayon doon. Mahirap na ang susugal wala pa naman dito ang may-ari." Hinarap ni MaCon ang asawa na halatang hindi mapakali."Kaya nga, Honey. Iba talaga ang pakiramdam ko---"Kaso hindi na natapos ni Clarence ang pananalita dahil tumunog ang mobile phone niyang nasa lamesa. Agad niya itong dinampot saka sinagot kaso halos mab

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status