NALAGLAG siya sa kama, una ang mukha. Doon na naputol ang panaginip niya. Sayang mahahalikan na sana niya si Tristan kaso nalalag naman siya sa higaan. Buwisit talaga!
Sa panaginip niya na nga lang nakakalampungan si Tristan bitin pa.
Inis na hinimas niya na lang ang mukhang nasaktan. Kasabay naman niyon ang malakas na pagkatok sa pintuan niya.
"Amelie! Amelie, gumising ka na. Nag-text na ang mama mo, papunta na raw!" sigaw ni Manang Josie sa labas ng pintuan ng kuwarto niya.
Napaungol na lang siya. Gusto niya pa namang balikan ang pagtulog baka sakaling madugtungan pa ang panaginip niya.
"Amelie!" muling sigaw ng matandang katulong.
"Oo na ho! Gising na 'ko!" sigaw niya rin pabalik, hindi rin naman kasi ito titigil sa kasisigaw sa labas ng kuwarto niya hangga't hindi nito nasisiguro na gising na siya.
"Bilisan mo na!" ani pa nito.
"Oho!" sagot niya para lang tigilan na siya ni Manang Josie saka kakamot-kamot na tumayo na. Nag-inat muna siya ng katawan bago tinungo ang banyo.
Mabilis siyang naligo at nagbihis. Pinatutuyo na niya sa blower ang kaniyang buhok nang pumasok ang kapatid niya sa kuwarto.
"'Andiyan na si Tita, Amelie, bilisan mo raw," anito.
"Oo saglit na lang 'to!" aniya. Hindi kasi niya puwedeng hayaang basa pa ang buhok niya bago siya umalis ng bahay. Buhaghag kasi ang buhok niya unlike Sunny—na kapatid niya sa ama—kapag hindi iyon natuyo at nalagyan ng baby oil magtitikwasan na parang mga alambre ang kaniyang buhok. Buti pa si Sunny, namana ang buhok ng daddy nila. Bagsak at straight. Kahit kagigising pa lang nito, ang ganda-ganda pa rin ng buhok nito.
"Bakit kasi hindi ka magpa-rebond?" tanong nito sa kaniya na pinanonood siya sa ginagawa.
"Sa bakasyon. Ayaw akong bigyan ni Daddy ng pera kaya nag-iipon pa ako," sagot niya.
Hindi naman sila mahirap. Mayaman sila. Hindi rin naman kuripot ang daddy niya pagdating sa kanilang magkapatid, ang kaso sumang-ayon ang mommy niya na ipa-rebond siya tutal daw fifteen na siya. Kagaya ng inaasahan kumontra ang daddy niya.
Napabuntonghininga na lang siya. Feeling niya ang mommy niya talaga ang may ayaw na magpa-rebond siya kaya ito sumang-ayon para naman tutulan ng daddy niya. Dito niya kasi namana ang buhok niya. At in fairness sa mommy niya, bagay rito ang buhok nito.
Dahil pinanganak siyang maganda! Himutok niya. Maganda ang mommy niya. Maliit ang hugis puso nitong mukha at pinagkasya roon ang manipis na labi, matangos na ilong, at hugis almond na mga mata na binagayan pa ng mahabang pilikmata at natural na nakaarkong mga kilay.
Samantalang siya, kabaliktaran ng mommy niya. Nakuha niya ang mga mata ng mommy niya samantalang ang ilong at bibig niya ay sa daddy niya. At katulad ng mga ito, hindi magkakasundo ang mga parte ng mukha niya kaya labas siya sa kategorya ng mga magaganda.
"Badtrip!" angal niya at nagmamadaling itinali ang buhok nang marinig ang pagbusina ng mommy niya.
Natawa sa kaniya si Sunny, pero hindi niya na ito pinansin. Lalo lang siyang maba-badtrip kapag nakita niya ito na kahit hindi mag-effort kagaya niya ay maganda pa rin.
Dinampot niya na ang bag at mabilis na tumakbo paibaba. Nakasalubong niya pa ang stepmother niya.
"Dahan-dahan!" saway nito.
"Sorry, Tita!" hinging paumanhin niya at patuloy sa pagbaba.
"Dumaan ka sa kusina, 'andon ang daddy mo. May sandwich din don!" anito at nagpatuloy nang umakyat sa itaas.
Dumaan naman siya sa dining. 'Andon nga ang daddy niya, nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape.
Humalik siya sa pisngi nito at kumuha ng sandwich sa lamesa.
"Morning, princess," anito.
"Morning, Daddy!" balik na bati niya rito. Medyo napangiwi dahil nakalimutan niya itong batiin.
"'Andiyan na ang mommy mo," nakaingos na ani ng daddy niya. Parang laging nakaaamoy ng mabaho ang daddy niya kapag nasa paligid lang ang mommy niya.
"Opo. Alis na ko, Dad!" sigaw niya at nagtuloy-tuloy na sa labas.
Inip na ang mommy niya nang pumasok siya sa loob ng kotse. Sabado ngayon kaya naman doon siya maglalagi sa condo ng mommy niya.
"Bakit ba ang tagal mo?"
"Maaga ka lang, 'My!" aniya at dumukwang dito para humalik sa pisngi nito.
"Oh my God, Amelie! Ang lagkit ng bibig mo!" reklamo nito. Nanlalaki pa ang mga mata na parang akala mo pinahiran niya ito ng tae.
Napahagikgik lang siya.
Kumuha naman ng wipes ang mommy niya sa bag nito at agad na pinunasan ang pisngi nito bago tuluyang nag-drive. Papunta sila ngayon sa bahay ng lola niya—ang mommy ng mommy niya. Doon siya naglalagi tuwing Saturday at Sunday. At ibig sabihin lang n'yon ay makikita niya na naman si Tristan. Kaharap lang bahay ng lola niya ang bahay nina Tristan at malaya siya roong nakalalabas-masok dahil sa mommy nito na tuwang-tuwa sa kaniya.
______________
SAMPUNG minuto lang ay nasa tapat na sila ng bahay ng lola niya. Hindi pa man nakahihinto ang mommy niya ay nagtanggal na siya ng seatbelt. Nang makahinto ito ay nagmamadali na siyang bumaba bitbit ang backpack niya at tumakbo papasok ng bahay, hindi niya pinansin ang mommy niya na galit na galit na sinisigawan siya dahil sa ginawa niya.
"Lola!" malakas na tawag niya sa lola niya pagkapasok na pagkapasok pa lang sa pintuan.
Lumabas naman ito mula sa kusina na may hawak pang sandok.
"Oh, tinanghali 'ata kayo?" tanong nito na nakangiti sa kaniya.
Lumapit naman siya rito, nagmano at saka humalik sa pisngi nito.
"Paano tinanghali na naman ng gising 'yang apo niyo!" ani ng mommy niya. Lumapit din sa lola niya at nagmano. "Aalis na ho ako, Nay. Hinihintay na ako ni George," anito na ang tinukoy ang bagong asawa nito.
"Hindi ka man lang ba muna kakain dito?" tanong ng lola niya sa mommy niya. "Darating na rin ang tatay mo, bakit 'di mo pa hintayin?"
"Eh, may usapan nga ho kami ni George. Dito na lang kami maghahapunan," pangako nito sa lola niya at saka humalik na ulit bago siya binalingan ng tingin. "Huwag matigas ang ulo mo rito ha? Huwag ka ring gala nang gala," bilin nito sa kaniya na mabilis niyang tinanguhan.
Hindi naman siya pala-gala, e. Doon nga lang siya sa tapat tumatambay.
"'La, doon lang ako sa kabila." Bumaling siya sa lola niya nang umalis na ang mommy niya, sinilip niya pa ito sa bintana para masiguro na wala na ito.
"Magbihis ka na muna bago ka mangapitbahay," ani naman ng lola niya at bumalik na sa kusina.
Nagtanggal lang siya ng sapatos at nagpalit ng tsinelas saka nagmamadaling lumabas ng bahay ng lola niya.
Tumawid siya at nagtungo sa tapat nila. Sa bahay nina Tristan. Heto na naman ang puso niya, ang bilis na naman ng kabog habang palapit sa gate ng mga ito.
Nakita niya si Melba, ang katulong nila Tristan. Agad na binati niya ito.
"Hi, Ate Melba!"
"Oh, Amelie, tinanghali 'ata pag-akyat mo ng ligaw ngayon?" tanong nito sa kaniya na ikinahagikgik niya. Alam kasi nito ang pagkakaroon niya ng crush kay Tristan at pasimple pa itong tumutulong sa kaniya para lagi niyang maabutan si Tristan sa bahay ng mga ito.
"'Andiyan si Tita?" tanong niya rito.
"Si Ate lang?" tukso nito sa kaniya na nakangisi.
"Ang cute mo," aniya rito na ikinatawa nito. "Siyempre kasama na ro'n si future ko," aniya at ngumisi rin dito.
"Hantaray! Ang tanong, bet ka bang maging future ng alaga ko?" Pinamaywangan siya nito, hawak ang walis tingting nito sa isang kamay.
Irap naman ang isinagot niya rito. Alam din kasi nito na malabo siyang magustuhan ni Tristan. Ang dami kayang nagkakagusto kay Tristan, halos lahat 'ata ng ka-batch nila ay may gusto rito.
"Pasok na nga ako, Ate Melba!" aniya at nagkusa nang buksan ang maliit na gate saka pumasok sa loob.
Malakas na tawa naman ang isinagot sa kaniya ni Ate Melba.
Bungalow ang bahay nina Tristan, pero isa sa pinakamalaking bahay rito sa lugar nila. May swimming pool pa sa gilid at may garden sa likod.
Isang engineer kasi ang daddy ni Tristan habang plain housewife naman ang mommy nito.
"Oh, nandito ka na naman?" ani Travis, ang kuya ni Tristan. Nakasuot ito ng jersey at short.
Lumabi siya at sinubukang magpa-cute.
"Oo, kuya, nandito na naman ako," aniya at may papikit-pikit pa.
Ang lakas naman ng tawa nito at ginulo ang buhok niya.
"Funny ka," halatang aliw na aliw naman na anito. "Nasa swimming pool 'yong crush mo. Go na, bosohan mo na!" bulong nito sa kaniya na may pilyong ngiti sa mga labi.
Agad namang nag-init ang pisngi niya.
"Bosohan ka riyan!" kunwa'y inis na aniya rito, pero sa totoo lang ay nangangati na ang mga paa niyang puntahan ang swimming pool. "Si Tita ang ipinunta ko rito."
"Sus, kunwari ka pa!" tatawa-tawang anito at nilagpasan na siya.
"Pang-asar talaga 'yon!" nakasimangot na aniya at dumiretso na sa kusina ng bahay. Feel at home na feel at home siya roong nagtungo.
MAAGANG nagising si Amelie kahit pa masama ang pakiramdam niya. Ilang umaga nang madalas na nakahiga lang siya sa kama dahil sa nararamdaman. Pero iba ang sigla niya ngayong umaga. Kahit pa kanina ay nagduduwal at nahilo na naman siya, nagawa niya pa ring bumangon at makapagluto ng agahan.Na-miss niya ang ganito. Ang magising na magaan ang pakiramdam at walang pangungulilang nararamdaman. Puno ng galak ang kaniyang puso.Napalingon siya sa pintuan ng kusina nang makita roon ang asawa. Kagaya kagabi ay nakatingin na naman ito sa kaniya na tila siya ay isang aparisyon na kung kukurap ito ay bigla na lang siyang mawawala.Hindi ganoon ang iniisip niyang muling pagkikita nila. Nagulat pa siya kagabi nang parang walang panahon na nagkawalay sila nang yakapin siya nito. Para bang araw-araw siyang naroroon at nakakasama nito. Kumain sila nang hindi nakakapag-usap. Hinayaan niya lang si Tristan dahil iniisip niyang nabibigla ito sa pagdating niya sa bahay.Natulog siya sa bisig nitong mahigp
IT'S been three months since Amelie left. Masakit at hanggang ngayon hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang sakit na nararamadaman niya. Amelie take his heart with her when she left him. And now, para siyang robot na nakaprogramang huminga at gumalaw.Nabubuhay at kumikilos siya ayon na lang sa dikta ng pagkakataon. Bumalik si Tristan sa trabaho. Nanatili siya sa bahay nila ni Amelie. Their home doesn't feel home anymore. There's something missing. Somewhere felt empty.Ganito na nga siguro talaga ang magiging buhay niya. Kung makakaya niyang makapag-move on, hindi niya alam. Nilinaw ni Amelie na wala na sila. Ayaw niya itong pilitin dahil ngayon na-realize niyang kung mahal niya talaga ito, hahayaan niyang mag-grow ang asawa sa paraang gusto nito . . . ang magkalayo sila. Mahirap, sobrang hirap. Pero magtitiis siya para kay Amelie."'Tol, sama ka naman. Night out. Friday naman, e, walang pasok bukas," aya ni Carlos, officemate niya.Nginitian niya ito habang inaayos ng mga gam
"TRISTAN . . .""Yes, baby?" sagot nito kay Amelie habang patuloy na hinahalikan ang balikat at leeg niya.Nagtatalo naman ang loob niya dahil sa ginagawa ni Tristan. Gusto niyang pumikit at namnamin ang ginagawa nito pero kailangan niyang paglinawin ang isip at paglabanan ang nararamdaman.Kailangang manalo ang isip niya sa pagkakataong ito at hindi ang damdamin.Mali na nga na nagpadala siya sa pang-aakit ni Tristan. Pero may akitan bang nangyari? Nakahihiya mang aminin sa sarili niya pero wala, hindi siya inakit ni Tristan dahil nang halikan siya nito ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya iyon."Tristan, stop it. Teka nga. Tristan." Napabuntonghininga na lang siya dahil parang walang naririnig si Tristan, patuloy lang ito sa ginagawa.Kapag umiiwas siya at lumalayo hinahapit naman siya nito palapit.Pinilit niyang tumayo pero hinila lang siya ni Tristan at pumaibabaw ito sa kaniya. Ngiting-ngiti itong nakatunghay sa kaniyang mukha. Tila kinakabisado pa nga nito ang bawat s
"HI," bati ni Sunny. Agad na tumayo ito pagkakita sa kaniya. Alanganin ang ngiting nakapaskil sa labi nito, tila nananantiya.Tipid ang ngiting ibinalik niya sa dalaga. Napahimas siya sa batok niya. Wala pa siyang ligo o kahit hilamos man lang. Hindi pa rin siya nakakapag-ahit ilang araw na. Dalawang araw na siyang nagkukulong sa bahay nila. Nakahiga sa kama habang binibilang ang mga gumagapang na langgam sa kisame niya.Si Amelie ang naiisip niya. Hindi na kasi sila ulit nakapag-usap pagkatapos niyang akyatin ang bahay ng mga ito at makausap ito. Wala pa siyang balita sa asawa, sa totoo lang ayaw niya munang makibalita. Ayaw niya munang isipin na aalis si Amelie at kailangan na muna nilang maghiwalay. Na kung hanggang kailan, hindi niya pa alam.Mas gusto niyang isipin na naroroon lang ito, naghihintay na uwian niya."You look . . . awful," ani Sunny.Mahina siyang natawa. Maski ang mommy niya iyon din ang sinabi sa kaniya. Medyo nakaramdam siya ng hiya."Ano palang sadya mo?" tanong
"GUSTO ko ng annulment, Tristan." Agad niyang pinigil ang pagpatak ng kaniyang luha nang makita ang gulat at sakit na bumadha sa guwapong mukha ni Tristan.Gusto niyang bawiin ang sinabi ngunit pinigil niya ang sarili. Tama lang na ngayon pa lang ay masabi niya na habang may lakas pa siya ng loob. Hangga't kaya niya pa."W-What?" halos anas na ni Tristan. Ang sakit ay bakas din sa tinig nito.Bumitiw siya sa pagkakayakap nito. Tila nawalan naman ito ng lakas kaya hindi siya nito napigilan."Narinig mo ako," malamig na aniya. Pinilit niyang tingnan nang diretso sa mga mata si Tristan para makita nito kung gaano siya kaseryoso. "Mag-file tayo ng annulment—""Ayoko! Hindi . . . Amelie . . . bakit?"Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya makayanang tagalang titigan ang mukha ni Tristan."'Yon naman ang dapat. Noon pa nga tayo dapat pormal na naghiwalay, Tristan.""Is this because of what happened? Because I deceived you when you had your amnesia? I . . . I—"Huminga muna siya nang malal
AMELIE is safe now. Kahit paano ay nakahinga na siya nang maluwag. Inilipat na ito ng silid mula sa ICU, pero under monitoring pa rin ang asawa niya. Sinigurado naman ng doctor na ligtas na ito at kailangan na lang ng pahinga.Malalim siyang napabuntonghininga. Parang ngayon lang siya nakahinga nang maayos simula pa kahapon. Buong akala niya mawawala na sa kaniya si Amelie. Buti na lang talaga at lumaban ito. Hinaplos niya ang noo nito at hinawi ang mga hibla ng buhok doon palayo sa mukha nito. Maputla pa rin si Amelie dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya.Hinalikan niya ito sa noo at ginagap ang kamay nito saka iyon dinala sa pisngi niya. Napapikit siya nang maramdaman ang init na nagmumula sa palad nito."Tristan, I need to talk to you," dinig niyang ani ng daddy ni Amelie mula sa likuran niya.Saka niya lang ulit naalala na naririto rin pala sa loob ng silid ang pamilya ni Amelie pati na ang mommy at daddy niya. Napabuntonghininga siya. Alam niyang alam na nila ang nangyari pa