"HI, Tita!" bati niya sa mommy ni Tristan na nakaupo sa dining table. Nakasuot ito ng pink pastel na dress at may pulang apron. Nakapusod ang buhok nito at may ilang hibla ang nakakalat sa batok nito.
Hindi niya maiwasang mamahangha kay Tita Bianca. Mukha siyang anghel, napakaamo ng mukha niya, ganoon din ang tinig niya.
Minsan nahihiling niya na sana siya na lang ang mommy niya.
"Hello, Amelie!" Nakangiting nilingon siya nito habang abala pa rin sa ginagawa.
Lumapit siya sa tabi nito at nakiusyoso sa ginagawa.
"Ano 'yan, Tita?" curious na tanong niya. May mga hiniwang saging na saba, kamoteng ube, at kamoteng kahoy. Mayroon ding isang tasang sago. Sa harap naman nito ay giniling na malagkit na bigas. Pumipiraso ito at binibilog saka inilalagay sa bandehado.
"Bilo-bilo?!" nanlalaki ang mga matang tanong niya, bigla siyang na-excite.
"Ginataang bilo-bilo," nakangiting sagot nito.
"Puwede po akong tumulong?" Nag-puppy eyes pa siya rito. Nakangiti naman itong tumango.
"Wash your hand first," anito.
Mabilis naman siyang nagtungo sa lababo at naghugas ng kamay saka bumalik sa dining table. Nakitulong na siya sa pagbibilog ng malagkit na bigas.
Masaya siya kapag pumupunta siya rito, bukod kasi sa nakikita niya nang malapitan si Tristan ay nag-e-enjoy siyang ka-bonding si Tita Bianca. Madalas siya nitong tinuturuang magluto, minsan naman tinutulungan niya ito sa garden at sa paglilinis ng bahay ng mga ito.
Lumilipas ang araw na nakabuntot siya sa ginang kapag nandito siya. Madami rin siyang nalalaman tungkol kay Tristan dahil dito.
Alam naman niyang alam naman nito na may gusto siya kay Tristan, minsan kasi ay sinasadya nitong magkuwento ng tungkol kay Tristan sa kaniya.
Hindi niya nga maiwasang isipin na baka gusto rin siya nito bilang mamanugangin. Kinikilig siya kapag naiisip niya iyon.
"'My!" tawag ni Tristan sa ina nang pumasok ito sa kusina.
Natigil naman siya sa ginagawang pagbilog sa malagkit at napako ang tingin niya kay Tristan.
Basa ito dahil galing sa pool. Tanging board short lang ang suot nito wala itong suot na pang-itaas. Hindi niya alam kung bakit hindi maalis ang mga mata niya sa katawan ni Tristan samantalang sanay naman siyang nakikita itong n*******d kahit noong mga bata pa sila.
Napansin niyang medyo lumapad ang katawan ni Tristan. Nagkakaroon na rin ng muscle ang mga balikat nito at mayroon na rin siyang abs! Kailan iyon tumubo roon? Hindi niya alam. Hindi niya napansin. Ngayon lang at hindi niya maalis ang mga mata rito.
"Ano ka ba naman, Tristan? Kama-mop lang ni Melba nagkalat ka na naman ng basa!" pagalit na ani rito ni Tita Bianca.
Napakamot naman si Tristan sa noo nito at napangisi.
Wow, parang lalabas na sa ribcage ang puso niya dahil sa ngiti na 'yon. Wish niya lang na sana para sa kaniya iyon kaso parang hindi siya nakikita ni Triatan. Ni hindi man lang ito sumusulyap sa kaniya kahit katabi naman siya ng mommy nito.
Ganoon naman lagi, e, para lang siyang hangin sa harap nito. Hindi katulad noong elementary sila, lagi siya nitong napapansin. Siya kasi ang paborito nitong i-bully kasama ang mga pinsan niya at mga barkada ng mga ito.
"Kukuha lang ako ng juice namin nina Drake," anito.
"Ako na! Ihahatid ko na lang doon. Sige na, lumabas ka na at baka mas lalo pang magbaha riyan sa sahig."
"Thank you, 'My," ani ni Tristan at tumalikod na.
Napalabi siya. 'Di talaga siya sinulyapan kahit kaunti lang samantalang simula nang pumasok ito sa kusina ay hindi na nawala ang paningin niya rito.
"Amelie, puwede mo ba itong dal'hin sa pool?" pukaw sa kaniya ni Tita Bianca.
Inilalagay na nito sa isang tray ang isang pitchel na orange juice na galing sa ref at mga baso.
"Opo!"
Nagtungo siya sa lababo para muling maghugas ng kamay. Pasimple niya pang binasa ang buhok niya na nakatali para bumaba ang mga nakatayong buhok niya.
"Akin na po," aniya at kinuha sa dining table ang tray na may juice.
"Kaya mo ba? O tawagin ko na lang si Melba?"
"Hindi po. Huwag na po. Kaya ko na po ito," paniniguro niya rito.
Binuhat niya na ang tray at lumabas ng dining room para dal'hin sa pool ang juice.
MALAYO pa lang siya ay rinig niya na ang mga splash ng tubig at tawanan. Huminga muna siya nang malalim saka lumabas. Naroroon sina Drake, Bench, Carlo, Justin, Eve, at . . . si Sunny.
Nangunot ang noo niya, hindi niya alam na pupunta rito ang kapatid niya. Nakaupo ito sa gilid ng pool habang nakalubog ang mga paa sa tubig. Nasa harapan naman nito si Tristan na nakalubog ang kalahati ng katawan sa tubig at nakatingala sa kapatid niya habang nagtatawanan ang mga ito.
Nawala ang ngiti sa labi niya. Para siyang naestatwa habang nakatingin sa dalawa. Daig niya pa ang tinadyakan sa dibdib. Nakasuot si Sunny ng yellow na short shorts at puting t-shirt, bakat pa ang itim na bra ng kapatid niya dahil basa ang damit nito.
"Uy, sa wakas!" Nagulat pa siya nanag humarang sa harapan niya si Drake at nagsalin ng juice sa baso.
Ikiniling niya ang ulo para muling masilip sina Sunny at Tristan, pero ikiniling din ni Drake ang ulo niya at ginaya siya.
Napasimangot siya rito. Halatang nang-iinis na naman.
"Uy, Amelie, gumaganda ka," nakangising anito.
Kahit alam niyang pinagti-trip-an lang siya ni Drake ay 'di niya maiwasang hindi pamulahan ng mukha. Hindi naman kasi araw-araw may nagsasabi sa kaniyang maganda siya kahit pa biro lang.
Tanggap niya namang 'di siya kagandahan. Araw-araw kaya siyang nananalamin!
Nginitian niya si Drake kahit madalas mas gusto niyang burahin ang mukha nito dahil isa ito sa malakas mang-alaska sa kaniya.
"Maliit na bagay," aniya sabay ipit ng buhok sa likod ng tainga niya.
Ang lakas naman ng tawa ni Drake na halos masamid pa ito sa iniinom.
"Ang sagwa!" Halos mamatay na ito katatawa. Nakuha na tuloy nila ang atensiyon ng iba. Lumapit si Bench sa kanila kaakbay si Justin. "Uy, mga 'tol, nagjo-joke si Amelie, oh! Ano nga ulit 'yon, Amelie?" Bumaling sa kaniya si Drake na nangniningning ang mga mata, tuwang-tuwa sa kaniya.
"Ewan ko sa 'yo, baliw!" aniya rito at hindi na ito pinansin.
Nagtawanan naman ang tatlo. Kumuha naman ng juice sina Justin at Bench. Nang magsilayo na sa kaniya ang mga ito ay saka siya naglakad papunta sa gilid ng pool kung nasaan ang wrought iron table na kinalalagyan ng mga towel ng mga ito. Inilapag niya roon ang tray ng inumin at saka tumalikod na nang mabunggo siya sa lalaking nasa likuran niya.
Malakas na tawanan ang narinig niya pagkatapos niyang mabunggo sa dibdib ni Drake at mawalan ng balanse kaya nahulog siya sa pool.
Sisinghap-singhap na umahon siya. Hanggang leeg niya ang tubig kaya kahit hindi siya marunong lumangoy ay hindi siya malulunod, ang kaso, nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman ang biglang pagkirot ng binti niya paakyat sa kaniyang hita. Pinupulikat siya!
Sa sobrang sakit ay napalubog siya sa tubig at nahirapang iangat ang sarili. Nakalunok din siya ng tubig na mas lalong nagpahirap sa kaniyang umahon.
"T-Tulong!" hingi niya ng saklolo sa mga nasa gilid ng pool nang sa wakas ay magawa niyang ilitaw ang ulo niya, pero agad din siyang lumubog nang mamilipit siyang muli sa sakit. Umaakyat sa hita niya ang kirot.
Kahit na nasa ilalim ng tubig ay rinig niyang nagtawanan lang ang mga ito. Siguro inaakala ng mga ito na nagbibiro siya o baka siguro din ay wala lang talagang may pakialam kahit nahihirapan siya. Halos maiyak na siya sa sakit ng pulikat niya at dahil na rin sa nakakainom na siya ng tubig. Hanggang sa tuluyan na siyang lumubog at hindi na magawang makaahon.
Nahihirapan na siyang huminga at alam niyang ilang sandali na lang ay mauubusan na siya ng hangin. Gusto niya sanang tumayo at ilakad ang mga paa para maiangat ang ulo niya at makasagap ng hangin, pero hindi niya magawa. Naiiyak na siya kung posible man iyong gawin sa ilalim ng tubig. Tinatawag niya sa isip ang papa niya para sana tulungan siya, pero alam niyang hindi siya nito maririnig.
Mamatay na 'ata siya . . . ang bata-bata pa niya para mamatay. Pipikit na sana siya nang may isang braso ang pumulupot sa leeg niya at hinila siya paahon bago pa siya tuluyang maubusan ng hangin.
Isang malakas na singhap ang pinakawalan niya nang makasagap siya ng hangin. Inihit siya ng ubo at halos hindi na siya makahinga dahil pati sa ilong nito ay lumalabas ang tubig na nainom niya. Naramdaman niyang may humila sa kaniya sa pool at inihiga siya sa gilid. Nanlalabo ang paningin niya at nasisilaw siya sa liwanag, pero may humarang sa liwanag na iyon—ang nag-aalalang mukha ni Tristan.
Tristan...
"YOU better tell me what really happened!"
Pinilit niyang nagmulat ng mga mata nang marinig ang tinig ni Tita Bianca habang galit na nagsesermon.
"I already told you, Mom, she fell. Nadulas siya kaya siya nahulog!" kat'wiran ni Tristan.
"Is that true, Sunny?" Bumaling si Tita Bianca kay Sunny na napapitlag sa tabi ni Tristan. Katabi rin ng mga ito ang mga kabarkada ni Tristan. Halatang hindi ito naniniwala sa anak.
Bumangon siya at naupo sa kama. Nasa loob siya ng isang silid at nasa labas naman ng pintuan sina Tita Bianca at Tristan, nakabukas ang pintuan kaya naman nakikita at naririnig niya ang mga ito.
Marahang tumango si Sunny nang sikuhin ito ni Tristan.
"A-Aksidente lang po ang nangyari. N-Nagmamadali po si Amelie kaya n-nadulas siya at nahulog sa pool."
Napaawang ang bibig niya sa narinig. Hindi siya makapaniwala. Naroroon ito, sigurado siya na nakita nito ang totoong nangyari. Nagyuko siya ng ulo at mahigpit na nilamukos ang kumot.
"Why don't we ask Amelie instead?"
Napatingin sa gawi niya ang mga ito nang magsalita si Kuya Travis, hindi niya napansin na naroroon din pala ito. Siya lang sa lahat ang mukhang cool. Ang iba lalo na si Sunny ay halatang kabado at hindi makatingin sa kaniya.
Agad na naupo si Tita Bianca sa tabi niya nang makita nitong gising na siya.
"Kumusta ang pakiramdam mo, hija?" masuyong tanong ni Tita Bianca, hinawi pa nito ang buhok niya at iniipit sa likod ng kaniyang tainga.
"A—" Tumikhim muna siya dahil magaspang ang lalamunan niya siguro dahil sa pag-ubo niya kanina. "A-Ayos n-na po ako," aniya na hindi man lang makatingin nang diretso sa mga mata nito.
"May nagtulak ba sa 'yo sa pool, Amelie?" seryosong tanong ni Kuya Travis na nakatayo sa gilid ni Tita bianca.
"I told you it was an accident!" ani Tristan. Napatingin siya rito, nakita niyang nakatingin din ito sa kaniya. Pinipilit nitong maging cool lang, pero halata niyang kinakabahan ito.
Maging si Sunny ay kabado rin. Nang magawi ang mga mata niya kay Drake ay nakita niya itong namumutla at hindi makatingin sa kaniya.
"Hindi ikaw ang tinatanong, Tristan," galit na pambabara dito ni Kuya Travis.
"Nadulas po ako, Tita. Madulas kasi ang tsinelas ko," pagsisinungaling niya. Kita niya ang pagbalatay ng relief sa magbabarkada.
"Is that true?" masuyong tanong sa kaniya ni Tita Bianca at hinahaplos pa nito ang braso niya.
"Yes, Tita." Nakagat niya ang labi niya. Ayaw niyang magsinungaling kay Tita Bianca dahil sobrang bait nito sa kaniya, pero ayaw naman niyang ipahamak ang grupo nina Tristan, lalo na si Tristan. Kung si Sunny nga na tunay niyang kapatid nagawang magsinungaling para kay Tristan, siya pa kaya?
Mukha namang nakahinga nang maluwag si Tita Bianca, pero si Kuya Travis ang mukhang hindi naniniwala dahil matalim pa rin ang tingin nito kina Tristan na tahimik na nakatayo sa labas ng pintuan.
"Okay. Ang mabuti pa ay magsilabas na kayong lahat at magmeryenda. Ikaw, Amelie, dadal'han kita rito, hmmm?" Bumaling sa kaniya ang ginang. Tumayo na ito, inakay si Kuya Travis at grupo nina Tristan na bumaba na.
Naiwan siya sa silid. Napabuga na lang siya ng hangin nang makaalis ang lahat. Saka niya lang inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan niya. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya nang may ma-realize.
Nasa kuwarto siya ni Tristan!
Napaawang ang bibig niya. Puti ang pintura ng silid, maaliwalas dahil sa manipis na puting kurtina na nasa bintana. May mga sikat na poster ng mga banda sa dingding, gitara, at ilang mga varsity shirt. Malinis ang silid—parang hindi lalaki ang natutulog doon. Sa bedside table katabi ng lamp shade naroroon ang picture ni Tristan. Dinampot niya iyon at nakangiting pinagmasdan ang litrato.
Nakasakay si Tristan sa bike, nakasuot pa ito ng helmet at knee pad.
"Ehemm."
Muntik na niyang mabitiwan ang picture frame nang may tumikhim. Lumingon siya sa pintuan at nakita roon si Tristan na may hawak na tray na may lamang tasa.
"Magmeryenda ka raw sabi ni Mommy," anito at lumapit sa kinaroroonan niya.
Mabilis namang nag-init ang pisngi niya dahil huling-huli siya nito na titig na titig sa litrato nito. Pasimpleng ibinalik niya ang picture sa bedside table at umayos ng upo.
Inilapag naman ni Tristan ang tray sa ibabaw ng kama.
"S-Salamat." Napangiwi siya dahil ipit na ipit ang boses niya, para iyong dagang naipit.
Tumango lang si Tristan at tumalikod na. Malapit na ito sa pintuan nang lingunin siya nito.
"Amelie . . ."
Dumagundong ang puso niya at mabilis na lumipad ang tingin dito. Parang kay lambing kasi ang pagkakabigkas nito sa pangalan niya.
"T-Thank you for not telling the truth . . ." Namula ang tainga nito at kinagat ang pang-ibabang labi.
Ang cute niya talagaaaaa!
"W-Wala 'y-yon."
Halos lumuwa na ang mga mata niya nang ngumiti sa kaniya si Tristan.
"Thanks." Tatalikod na sana ulit ito nang may maalala. "And . . . ahmmm . . . 'wag mong dumihan ang kama ko, okay?" paalala nito.
Wala sa loob na tumango na lang siya. Tuluyan nang lumabas ng pintuan si Tristan. Nang makalabas na ito ay kinuha niya ang unan at isinubsob ang mukha roon saka tumili nang walang boses.
Grabe! Kinausap siya nang matino ni Tristan. Tapos nagpasalamat pa ito sa kaniya. Pakiramdam niya tuloy close na sila ni Tristan. Ang sarap palang mahulog sa pool!
Nang mahimasmasan ay inamoy-amoy niya ang unan. Iyon ang unan na gamit ni Tristan.
Gosh, ang bangooooo!
Nakahiga siya ngayon sa kama ni Tristan, kay Tristan! Ang suwerte-suwerte niya.
MAAGANG nagising si Amelie kahit pa masama ang pakiramdam niya. Ilang umaga nang madalas na nakahiga lang siya sa kama dahil sa nararamdaman. Pero iba ang sigla niya ngayong umaga. Kahit pa kanina ay nagduduwal at nahilo na naman siya, nagawa niya pa ring bumangon at makapagluto ng agahan.Na-miss niya ang ganito. Ang magising na magaan ang pakiramdam at walang pangungulilang nararamdaman. Puno ng galak ang kaniyang puso.Napalingon siya sa pintuan ng kusina nang makita roon ang asawa. Kagaya kagabi ay nakatingin na naman ito sa kaniya na tila siya ay isang aparisyon na kung kukurap ito ay bigla na lang siyang mawawala.Hindi ganoon ang iniisip niyang muling pagkikita nila. Nagulat pa siya kagabi nang parang walang panahon na nagkawalay sila nang yakapin siya nito. Para bang araw-araw siyang naroroon at nakakasama nito. Kumain sila nang hindi nakakapag-usap. Hinayaan niya lang si Tristan dahil iniisip niyang nabibigla ito sa pagdating niya sa bahay.Natulog siya sa bisig nitong mahigp
IT'S been three months since Amelie left. Masakit at hanggang ngayon hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang sakit na nararamadaman niya. Amelie take his heart with her when she left him. And now, para siyang robot na nakaprogramang huminga at gumalaw.Nabubuhay at kumikilos siya ayon na lang sa dikta ng pagkakataon. Bumalik si Tristan sa trabaho. Nanatili siya sa bahay nila ni Amelie. Their home doesn't feel home anymore. There's something missing. Somewhere felt empty.Ganito na nga siguro talaga ang magiging buhay niya. Kung makakaya niyang makapag-move on, hindi niya alam. Nilinaw ni Amelie na wala na sila. Ayaw niya itong pilitin dahil ngayon na-realize niyang kung mahal niya talaga ito, hahayaan niyang mag-grow ang asawa sa paraang gusto nito . . . ang magkalayo sila. Mahirap, sobrang hirap. Pero magtitiis siya para kay Amelie."'Tol, sama ka naman. Night out. Friday naman, e, walang pasok bukas," aya ni Carlos, officemate niya.Nginitian niya ito habang inaayos ng mga gam
"TRISTAN . . .""Yes, baby?" sagot nito kay Amelie habang patuloy na hinahalikan ang balikat at leeg niya.Nagtatalo naman ang loob niya dahil sa ginagawa ni Tristan. Gusto niyang pumikit at namnamin ang ginagawa nito pero kailangan niyang paglinawin ang isip at paglabanan ang nararamdaman.Kailangang manalo ang isip niya sa pagkakataong ito at hindi ang damdamin.Mali na nga na nagpadala siya sa pang-aakit ni Tristan. Pero may akitan bang nangyari? Nakahihiya mang aminin sa sarili niya pero wala, hindi siya inakit ni Tristan dahil nang halikan siya nito ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya iyon."Tristan, stop it. Teka nga. Tristan." Napabuntonghininga na lang siya dahil parang walang naririnig si Tristan, patuloy lang ito sa ginagawa.Kapag umiiwas siya at lumalayo hinahapit naman siya nito palapit.Pinilit niyang tumayo pero hinila lang siya ni Tristan at pumaibabaw ito sa kaniya. Ngiting-ngiti itong nakatunghay sa kaniyang mukha. Tila kinakabisado pa nga nito ang bawat s
"HI," bati ni Sunny. Agad na tumayo ito pagkakita sa kaniya. Alanganin ang ngiting nakapaskil sa labi nito, tila nananantiya.Tipid ang ngiting ibinalik niya sa dalaga. Napahimas siya sa batok niya. Wala pa siyang ligo o kahit hilamos man lang. Hindi pa rin siya nakakapag-ahit ilang araw na. Dalawang araw na siyang nagkukulong sa bahay nila. Nakahiga sa kama habang binibilang ang mga gumagapang na langgam sa kisame niya.Si Amelie ang naiisip niya. Hindi na kasi sila ulit nakapag-usap pagkatapos niyang akyatin ang bahay ng mga ito at makausap ito. Wala pa siyang balita sa asawa, sa totoo lang ayaw niya munang makibalita. Ayaw niya munang isipin na aalis si Amelie at kailangan na muna nilang maghiwalay. Na kung hanggang kailan, hindi niya pa alam.Mas gusto niyang isipin na naroroon lang ito, naghihintay na uwian niya."You look . . . awful," ani Sunny.Mahina siyang natawa. Maski ang mommy niya iyon din ang sinabi sa kaniya. Medyo nakaramdam siya ng hiya."Ano palang sadya mo?" tanong
"GUSTO ko ng annulment, Tristan." Agad niyang pinigil ang pagpatak ng kaniyang luha nang makita ang gulat at sakit na bumadha sa guwapong mukha ni Tristan.Gusto niyang bawiin ang sinabi ngunit pinigil niya ang sarili. Tama lang na ngayon pa lang ay masabi niya na habang may lakas pa siya ng loob. Hangga't kaya niya pa."W-What?" halos anas na ni Tristan. Ang sakit ay bakas din sa tinig nito.Bumitiw siya sa pagkakayakap nito. Tila nawalan naman ito ng lakas kaya hindi siya nito napigilan."Narinig mo ako," malamig na aniya. Pinilit niyang tingnan nang diretso sa mga mata si Tristan para makita nito kung gaano siya kaseryoso. "Mag-file tayo ng annulment—""Ayoko! Hindi . . . Amelie . . . bakit?"Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya makayanang tagalang titigan ang mukha ni Tristan."'Yon naman ang dapat. Noon pa nga tayo dapat pormal na naghiwalay, Tristan.""Is this because of what happened? Because I deceived you when you had your amnesia? I . . . I—"Huminga muna siya nang malal
AMELIE is safe now. Kahit paano ay nakahinga na siya nang maluwag. Inilipat na ito ng silid mula sa ICU, pero under monitoring pa rin ang asawa niya. Sinigurado naman ng doctor na ligtas na ito at kailangan na lang ng pahinga.Malalim siyang napabuntonghininga. Parang ngayon lang siya nakahinga nang maayos simula pa kahapon. Buong akala niya mawawala na sa kaniya si Amelie. Buti na lang talaga at lumaban ito. Hinaplos niya ang noo nito at hinawi ang mga hibla ng buhok doon palayo sa mukha nito. Maputla pa rin si Amelie dahil sa dami ng dugo na nawala sa kaniya.Hinalikan niya ito sa noo at ginagap ang kamay nito saka iyon dinala sa pisngi niya. Napapikit siya nang maramdaman ang init na nagmumula sa palad nito."Tristan, I need to talk to you," dinig niyang ani ng daddy ni Amelie mula sa likuran niya.Saka niya lang ulit naalala na naririto rin pala sa loob ng silid ang pamilya ni Amelie pati na ang mommy at daddy niya. Napabuntonghininga siya. Alam niyang alam na nila ang nangyari pa