Good evening! Ayan malapit na alas dose tulog na tayo 🤣
Kumunot ang noo ni Donovan. "Dad, pakinggan mo muna ang paliwanag ko.""Manahimik ka! Dumating ako ngayon para ayusin ang gulong ginawa mo. Dahil wala kang sapat na kakayahang pamunuan ang kumpanya, mas mabuting ipaubaya na lang ito sa mas karapat-dapat bago pa tuluyang masira sa mga kamay mo."Sa malamig na titig ni Mr. Dalton, hindi makapaniwala si Donovan sa narinig niya."Ilang taon na akong tapat na nagtatrabaho sa kumpanya. Ngayon lang ako nagkamali, at gusto mo na akong paalisin?"May kumislap na komplikadong emosyon sa mata ni Mr. Dalton, bago siya tumalikod at malamig na nagsalita, "Kung simpleng pagkatalo lang sa investment, hindi ako magsasalita. Pero pinalugi mo ang kumpanya dahil lang sa isang babae. Hindi ko matitiis 'yon!"Tahimik ang buong conference room, walang isa mang shareholder ang nangahas huminga nang malalim. Sa totoo lang, karamihan sa kanila ay nagsabi lang noon na dapat magbitiw si Donovan dahil sa galit. Gusto lang nilang bigyan siya ng babala para hindi n
Umitim ang mga mata ni Donovan at malamig niyang sinabi, "Alam ko. Pupunta na ako."Hindi naging maganda ang reaksyon ng mga shareholders. Madaling mahulaan na ang mga kasosyo ay pumunta roon upang pag-usapan ang pagputol ng kontrata."Donovan, kung hindi mo kayang kumbinsihin ang mga kasosyo na huwag ituloy ang termination, magbitiw ka na ngayon din. O kaya naman, kakausapin ko ang ama mo para makita niya kung mas nararapat na ibigay ang posisyong ito sa mas karapat-dapat na tao!"Biglang lumamig ang tingin ni Donovan at tumitig sa shareholder na nagsalita.Napaatras ang shareholder sa malamig na tingin niya, namutla ang mukha, pero agad din itong bumawi at galit na nagsabi, "Donovan, kahit anong titig mo sa’kin, wala ‘yang silbi. Para rin naman ito sa ikabubuti ng kumpanya!""Hay naku, matagal ko nang alam na ‘yang mga anak ng mayayaman, walang alam sa negosyo. Kung anu-ano lang ang pinaggagawa!""Tama na ‘yan. Wala naman tayong magagawa, mas marami kasi siyang shares sa atin.""Kun
Habang iniisip ito, mas naging masigasig ang tingin ni Irene kay Merida."Madame, namimili ka rin ba rito?"May ngiti sa mukha ni Merida, ngunit malamig ang kanyang mga mata. "Hindi, may nakipagkita lang na kaibigan. Miss Irene, kung wala ka nang iba pang kailangan, may meeting pa ako. Magkita na lang tayo ulit sa ibang pagkakataon."Nang mukhang paalis na si Merida, nagmadaling nagsalita si Irene. "Madame Merida, narinig ko na may resort project daw ang kumpanya ninyo ngayon, at wala pa raw kayong kapartner..."Ngunit pinutol siya ni Merida nang may ngiti, "Miss Irene, kakapirma lang namin ng kasunduan. Pasensya na, pero kung magkaroon ng pagkakataon sa susunod, tiyak na makikipagtulungan ang kumpanya namin sa kompanya ninyo."Napako sa kinatatayuan si Irene, at ilang segundo pa bago siya tuluyang naka-react."Madame, pwede ko po bang malaman kung aling kompanya ang napili ninyong maging ka-partner?"May sumilay na pagkainis sa mga mata ni Merida at malamig siyang sumagot, "Hindi pa
Nanigas ang mukha ni Mr. Medina at agad na nagsalita, "Mr Devon, sobrang bilis niyo naman po maghinuha. Ang totoo niyan, huli ko ng malaman ang tungkol sa alitan ninyo. Kung alam ko lang agad, hinding-hindi ko siya hahayaan gawin iyon. Bukod pa roon, malaki rin ang naging pagkalugi ni Donovan sa pagkakataong ito. Maraming shareholders ang lihim na gustong tanggalin si Donovan bilang presidente ng kumpanya."Walang reaksyon sa mukha ni Devon, halatang wala siyang interes sa usapan. "At wala naman yata itong kinalaman sa akin kung gusto siyang pabagsakin ng kasamahan niya."Maingat na pinagmamasdan ni Mr. Medina ang mukha ni Devon, sinusubukang basahin ang iniisip nito, pero wala siyang nakita ni bakas ng emosyon. Ayon sa tsismis, tuso raw si Devon, kaya dapat mag-ingat sa pakikitungo sa kanya.Habang iniisip ito, pinatatag ni Mr. Medina ang kanyang loob at mariing nagsalita, "Mr. Devon, alam kong ayaw ninyong maglaro ng putik pero alam ko na ang dahilan ng alitan ninyo ay si Paris Gueva
Kinabukasan ng umaga, ihinatid ni Paris si Lance sa paaralan, ngunit tila wala siya sa sarili habang nagmamaneho. Napansin ito ni Lance kaya kusa niyang pinisil ang kanyang maliliit na kamao.Pagkaparada ng sasakyan sa harap ng gate ng paaralan, pinilit ngumiti si Paris, tinitigan si Lance at malumanay na nagsabi, "Lance, susunduin kita mamayang gabi ni mama."Tumango si Lance. "Okay Mommy."Pagkaalis ni Paris, binuksan ni Lance ang kanyang smartwatch at tinawagan ang numerong ibinigay sa kanya noon ni Secretary Kenneth.Makalipas ang ilang saglit, isang malamig na boses ang sumagot sa kabilang linya. "Ano'ng kailangan mo?"Huminga nang malalim si Lance, kita sa kanyang batang mukha ang kaseryosohan. "Gusto kitang makausap."Isang oras ang lumipas, nasa opisina na sila ng punong-guro.Nasa tapat niya si Devon, at puno ng galit ang mukha ni Lance."Ano pa ba ang gusto mong gawin ko para lang tigilan mo na kami ni Mommy, hmp???"Bagaman apat na taong gulang pa lang siya, tinitigan niya s
Hindi na napigilan ni Paris ang kanyang emosyon at niyakap si Lance. Namumula ang kanyang mga mata, ngunit matigas niyang pinipigilan ang pagluha.Hindi niya maintindihan. Kahit limang taon na ang lumipas at nakalimot na si Devon, patuloy pa rin itong nanggugulo sa kanyang tahimik na buhay. Si Devon ang makapangyarihang presidente ng Pharmanova, samantalang si Paris ay isang simpleng pharmacist.Kahit na maraming tagumpay na siyang naabot sa pananaliksik at pagbuo ng mga gamot, wala pa rin itong saysay kumpara sa Pharmanova.Ginawa na niya ang lahat, pero bakit hindi pa rin siya pinapalaya ni Devon?Napansin ni Lance ang panginginig ng katawan ni Paris kaya't marahan niyang hinaplos ang likod nito, "Mommy, huwag ka ng malungkot. Sayo pa rin ako sasama okay?”Sa narinig, lalong humigpit ang yakap ni Paris kay Lance at tumango, "Alam ko anak, huwag kang mag-aalala. Hindi tayo mawawakay sa isa’t-isa.”Lumabas ang yaya mula sa kusina at nakita si Paris na yakap si Lance sa may pintuan. Sin
Hawak-hawak ni Roxanne si Lance sa kanyang mga bisig habang marahang inaalo ito. “Lance, huwag kang matakot. Poprotektahan ka ni Mommy mula ngayon. Hindi ka na muling kukunin ng kahit sino.”Tumango si Lance. “Mommy, ayoko sa lalaking 'yon. Sabi niya siya daw ang tatay ko, pero ayoko siyang maging tatay!”“Huwag mo na siyang isipin. Magpahinga ka muna nang maayos. Bukas, ihahatid kita sa school.”Kinabukasan, dinala ni Roxanne si Lance sa paaralan. Nang makita niya ang guro ni Lance, agad itong nagsalita na may pagtataka, “Ma’am, hindi ba lumipat na si Lance sa ibang paaralan? Bakit dinala mo pa siya rito ngayon?”Natigilan si Roxanne. “Anong sinasabi mong nilipat?”“Hindi rin ako sigurado. Ang sabi ng punong-guro, lumipat na raw si Lance sa ibang paaralan at pinayuhan akong huwag nang makialam sa usaping ito.”Pinagdugtong ni Roxanne ang mga nangyayari at agad niyang naunawaan ang sitwasyon.Iniabot niya si Lance sa guro. “Naiintindihan ko, Teacher. Hindi lilipat si Lance. Pakiusap, i
Biglang natahimik ang buong sala at parang kumulimlim ang buong paligid.Tumingin si Donovan kay Paris, hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Ngunit kung titingnang mabuti, makikita rin ang bahagyang tuwa sa kanyang mga mata.Bagaman alam niyang kasinungalingan lang si Paris kay Devon, natuwa pa rin si Donovan na ipinagtanggol niya ang sarili sa harap ni Devon.Naningkit ang mga mata ni Devon habang nakatitig sa dalawa. "Wala akong tutol kung gusto mo siyang pakasalan o hindi, pero hindi ko maibabalik sa’yo si Lance."Lalong namula ang mukha ni Paris sa galit. Ngunit bago pa siya makapagsalita, isang maliit na pigura ang biglang tumakbo palabas at agad na yumakap sa kanya."Mommy!"Tumakbo si Lance papunta kay Paris, mahigpit na niyakap ang mga binti nito at ayaw nang bumitaw habang umiiyak nang labis.Dati, tinig lamang ni Lance ang naririnig niya sa telepono habang umiiyak. Pero ngayong harapan na niyang nakikita ang namamagang mga mata ng anak, tuluyan ng nilamon ng galit si Roxan
Naging madilim ang mukha ni Irene. Nasayang ang maraming taon niya kay Devon, at kailanman ay hindi niya papayagan na maapektuhan ng isang biglaang lumitaw na anak sa labas ang kanyang mga plano.Huminga siya nang malalim, pinigilan ang galit at pagkadismaya sa puso niya, at nagsalita sa isang kalmadong tono. "Devon, hindi ko pa kayang tanggapin ang bagay na ito ngayon, kaya bigyan mo muna ako ng isang linggo. Kailangan ko ng oras para tanggapin ito. Kapag napag-isipan ko na nang mabuti, saka ako lalapit sa’yo. Sa panahong ito, huwag muna tayong mag-usap."Pagkasabi noon, natakot si Irene na banggitin na naman ni Devon ang tungkol sa pagkansela ng kasunduan sa kasal, kaya agad niyang ibinaba ang tawag. Kinagat niya ang labi niya, puno ng galit ang kanyang mukha.Si Roxanne, ang tusong babaeng iyon sa isipan niya ay nagawa pang ipaalam kay Devon ang tungkol sa bata nang hindi man lang siya sinabihan. Noon, parang wala siyang interes kay Devon, pero peke lang pala iyon.Agad niyang dinia