Share

CHAPTER 190-TESTIMONY

Penulis: Leigh Obrien
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-09 11:38:14
Parang gusto niyang manlapa ng tao sa tindi ng kanyang tingin. Napanginig si Savannah habang hawak ang mangkok ng sopas, halos mahulog ito sa sahig.

Wala siyang pagdududa na kung hindi lang malubha ang sugat ni Jameson ngayon, siguradong babangon ito mula sa kama at sasakalin siya.

"Jameson, natatakot ako. Minahal mo nang sobra si Roxanne noon, natatakot akong magbalik ang damdamin mo para sa kanya..."

Tiningnan siya ni Jameson nang may mapait na ngiti. "Kaya mo ipinost ang tungkol dito sa internet nang wala akong pahintulot? Basta mo na lang inihayag na kasal na tayo?"

Ang lambing sa mata niya kanina ay tuluyang naglaho at napalitan ng matinding lamig. Nakaramdam ng matinding hinanakit si Savannah.

Kung hindi lang niya nakita si Jameson na yakap si Roxanne at nakunan ng larawan, hindi siya matatakot, hindi siya gagamitin ni Daphne para sa sariling pakinabang, at hindi rin siya uusigin ng mga tao sa internet na tinatawag siyang kabit.

Lalo siyang nanlumo sa pag-iisip.

Tumingin s
Leigh Obrien

Good morning, maaga po update, busy po kasi ako mamaya.

| 8
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 191-BLAME

    Agad na nanigas ang panga ni Devon, at sumilay ang galit sa kanyang mga mata. "Ikaw ang unang nanggulo sa akin, kaya ako ang magpapasya kung kailan ito matatapos."Tinitigan siya ni Roxanne nang malamig. "Devon, hindi mo ba naiisip na sobra ka na? Hindi mo naman ako gusto, kung hindi, hindi mo sana muling sinamahan si Daphne. Ngayon, kinukulit mo na naman ako—gusto mo ba akong gawing kabit?"Naging malamig ang tingin ni Devon. "Sabi ko, bigyan mo ako ng tatlong buwan.""Sabi ko rin na ayoko. Kung talagang may konsensya ka pa, tigilan mo na ako."Pinulot ni Roxanne ang kanyang bag at tumalikod para umalis. Pagbalik niya sa sasakyan, unti-unting kumalma ang kanyang emosyon.Samantala, sa loob ng restaurant, nanatili si Devon sa kanyang kinauupuan, naninigas ang mukha at bumabalot sa kanya ang matinding lamig.Biglang tumunog ang kanyang cellphone.Pagkasagot niya, isang nag-aalalang boses ang umalingawngaw. "Sir Devon, kailangan niyong umuwi ngayon sa lumang mansyon!"Mahigit isang oras

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-09
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 192-OUT OF CONTROL

    Hindi inasahan ni Savannah na sasaktan siya nito, kaya hindi siya agad nakapag-react. Napaatras siya ng ilang hakbang matapos matamaan. Kung hindi siya nakakapit sa kabinet sa may pintuan, malamang ay natumba na siya. Hawak niya ang kanyang tiyan habang nanlalambot ang kanyang mukha, at biglang napuno ng luha ang kanyang mga mata. "Jameson... buntis pa rin ako... paano mo nagawa ito sa akin?" Mapait na ngumiti si Jameson. "Bakit hindi? Matagal na kitang binalaan na alagaan ang bata, pero pinagtaksilan mo ako nang hindi ako handa. Ang isang katulad mong tanga ay magiging pabigat lang sa akin. Bukas na bukas magpapa-diborsyo tayo!" Napatitig si Savannah kay Jameson nang walang imik. Hindi niya ito inasahan, at ilang segundo bago siya nakapag-react. "Hindi! Hindi ako papayag sa diborsyo! Hindi kita iiwan!" Matagal niyang hinintay ang pagkakataong mapangasawa si Jameson. Kahit pa mamatay siya, hindi siya makikipagdiborsyo! "Ano bang karapatan mo para tumanggi? Pagkatapos ng diborsyo

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-09
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 193-ALLURE

    Tinamad si Roxanne na bigyan siya pansin siya at nilampasan niya lang ito. Hindi niya rin naasahan, hinabol siya ni Jameson hanggang sa gilid ng kanyang sasakyan. “Roxanne, tanggapin mo ang mga bulaklak at almusal, tapos aalis ako pagkatapos.” Kumunot ang noo ni Roxanne, halos hindi na mapigilan ang bugso ng kanyang inis. Bago pa siya makapagsalita, isang galit na boses ang umalingawngaw sa tabi. “Jameson, lumayo ka kay Roxanne!” Sabay silang napalingon at nakita si Miles. Kumislap ang gulat sa mga mata ni Jameson bago siya ngumiti. “Kaibigan, anong ginagawa mo rito?” Walang emosyon sa mukha ni Miles habang tinitigan siya. “Hiwalay na kayo ni Roxanne. Hindi mo na ako kailangang tawaging kaibigan. Lumayo ka sa kanya, kung hindi, hindi kita palalampasin.” Bahagyang nawala ang ngiti sa mukha ni Jameson, at lumamig ang tono niya. “Wala kang karapatang makialam sa amin ni Roxanne. Huwag mong kalimutan na ampon ka lang sa pamilya niya. Ang pagtawag ko sa'yo ng kapatid ay para lang kay

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 194-TRADE

    Nagitla si Daphne sa narinig. "Bakit? Hindi mo ba siya gusto?" "Kailangan mo lang tandaan na hindi siya isang taong maaari mong pakialaman. Babalik ako sa bansa sa loob ng ilang araw. Mas mabuti pang huwag kang kumilos nang padalos-dalos, kung hindi, hindi mo kakayanin ang magiging kapalit!" Natigilan si Daphne. Bago pa siya makasagot, ibinaba na ng kausap ang video call. Ibinato ni Wilfred ang phone sa mesa, bakas sa mukha niya ang labis na kasabikan. Sa wakas, natagpuan na niya ang babae! Sa kabilang panig, nakatitig si Daphne sa natapos na video call, at may bahagyang lamig sa kanyang mga mata. Ano'ng ibig sabihin ni Wilfred na hindi niya maaaring pakialaman si Roxanne? Bukod pa roon, mukhang hindi gusto ni Wilfred si Roxanne. Pagkatapos ng lahat, kung may gusto siya sa isang babae, ang unang ginagawa niya ay ang maghanap ng paraan para kumuha ng mga pribadong larawan ng target, tapos gagamitin niya iyon para pilitin ang babae na sumama sa kanya. Habang iniisip ito ni Daphne,

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 195-CRASH DOWN

    Hindi alintana ang reaksyon ni Emmanuel, agad na tumalikod si Roxanne at lumabas matapos sabihin ang kanyang mga salita. Mula sa likuran, nagsalita si Martha, "Emman, kalmahin mo ang sarili mo at huminga nang malalim. Sabi ng doktor, hindi ka dapat masyadong ma-stress!" Napahinto saglit si Roxanne ngunit hindi lumingon. Matapos huminga nang malalim, tuluyan na siyang lumabas ng silid. Pagkarating niya sa pintuan ng ospital, mabilis siyang inabutan ni Miles. "Roxanne..." Hinarang siya nito. "Mahina ang kalusugan ni Uncle ngayon at hindi dapat nai-stress. Sana intindihin mo naman siya." Malamig na tumingin si Roxanne sa kanya. "Intindihin ko siya? Sino naman ang iintindi sa akin?" Isinugal niya ang sarili para maipakulong si Lolo Gerald, pero sinira lang nila ang lahat. Sa paningin nito, parang wala na siyang halaga bilang anak. Akala niya ay naiintindihan nito ang kanyang ipinaglalabanan pero nadadala pa rin ito sa takot. Naduduwag ang ama niya sa mga Delgado."Alam kong pakiramda

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 196-STAINED

    Nakita ni Roxanne ang pang-uuyam sa mga mata ni Savannah, kaya naman ngumiti siya nang may panunuya at sinundan ang sales assistant upang ipaswipe ang kanyang card. Matapos bilhin ang bestida, lumapit siya kay Roxanne, bahagyang itinaas ang kanyang baba, at punong-puno ng pangmamaliit ang kanyang tingin. "Ang card na ito ay bigay sa akin ni Jameson. There’s no limit. Hindi lang itong bestida ang kaya kong bilhin, kahit itong buong store, kayang-kaya ko!" Tumango si Roxanne. "Ah ganon ba? Pero hindi ko lang alam kung magagalit si Jameson sa'yo kung totohanin mo ngang bilhin itong store." Sandaling nanigas ang ekspresyon ni Savannah bago muling lumamig ang kanyang boses. "Anong pakialam mo? Maging si Jameson o itong bestida, wala ka nang kinalaman doon." "Hindi rin naman ako interesado. Ang bestidang ito ang may pinakamaliit na sukat. Sa laki ng katawan mo, malamang hindi mo ito maisusuot, at saka..." Tumigil saglit si Roxanne at hinaplos ang kanyang damit. "Sa tingin ko, marurumi an

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-11
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 197-REQUEST

    Tiningnan ni Roxanne ang imbitasyon sa kamay nito. Dahil hindi siya nakabili ng regalo para sa kaarawan ngayon, mukhang magandang ideya ang pumunta sa auction ng alahas. Gayunpaman, ayaw niyang magkaroon ng utang na loob kay Miles. "Hindi, wala akong interes." Napabuntong-hininga si Miles, "Roxanne, galit ka pa rin ba tungkol kay Uncle at Mama?" Tiningnan siya ni Roxanne nang walang emosyon. "Miles, problema ko ito, wala kang kinalaman dito." Bahagyang nasaktan ang ekspresyon ni Miles. "Pero pamilya tayo!" "Oo, Miles pero tulad ng sabi ni Tita, huwag kitang idamay sa mag problema ko.”"No, Rox. May pakialam ako." Excited si Miles habang seryoso siyang tinititigan. Sandaling natahimik si Roxanne, bago siya tumingin sa kanya at dahan-dahang nagsalita. "Miles, hindi mo naiintindihan." Natahimik ang buong pasilyo, halos marinig nila ang hininga ng isa't isa. Punong-puno ng emosyon ang mga mata ni Miles, parang may gusto siyang sabihin, pero sa huli, pinakalma niya ang sarili. Ibina

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-11
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 198-FEELING USED

    Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan sa kabilang linya bago marinig ang malamig na boses ni Lolo Gerald. "Mas mabuti pang huwag kang mahulog sa kamay ko, kung hindi, ipaparanas ko sa'yo ang buhay na mas masahol pa sa kamatayan!" Pagkasabi nito, agad niyang ibinaba ang tawag. Huminga nang malalim si Roxanne upang pigilan ang galit at hinanakit sa kanyang dibdib. Siguradong magkakaroon siya ng pagkakataong mahuli ito muli sa hinaharap! Matapos magpalit ng damit, kinuha niya ang kanyang bag at umalis. Pagdating niya sa elevator, sakto namang bumukas ang pinto nito. Napatigil siya nang makita kung sino ang nasa loob. Si Daphne ay nakasuot ng puting damit at mahigpit na hawak ang kamay ni Devon habang may ngiti sa kanyang mukha. Nang makita si Roxanne, hindi niya maiwasang higpitan ang pagkakahawak kay Devon, at bahagyang nawala ang saya sa kanyang mukha. "Miss Roxanne, ang pagkakataon naman." Gusto sanang magpanggap ni Roxanne na hindi niya sila nakita, kaya malamig siyang tumang

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-11

Bab terbaru

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 12

    [Miss Paris, sinabi sa akin ni Chris na may anak ka na.]Nanlumo si Paris. Tinitigan niya lang ang mensahe nang walang imik. Ilang minuto ang lumipas bago siya nakapag-reply kay Secretary Kenneth.Bandang alas nuwebe ng gabi, matapos niyang tiyaking tulog na si Lance, pinakiusapan ni Paris ang yaya nito na bantayan ito sa kwarto. Pagkatapos ay nagpalit siya ng damit at naghanda nang umalis."Miss Paris, gabi na. Saan ka pupunta?""May aasikasuhin lang ako sa laboratory. Susubukan kong makauwi bago mag-alas dose."Tumango naman ang yaya. "Sige, mag-ingat ka."Halos alas diyes na nang makarating si Paris sa lugar na napagkasunduan nila ni Secretary Kenneth.Pagpasok niya sa restaurant, tumayo si Secretary Kenneth at kumaway sa kanya.Dumilim ang mga mata ni Paris habang papalapit siya at naupo sa tapat ng lalaki."Secretary Kenneth, nandito na ako. Sabihin mo na ang pakay mo."Sandaling natigilan si Secretary Kenneth habang pinagmamasdan si Paris, na ngayo'y ibang-iba na sa Roxanne lima

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 11

    Nang makita ni Devon ang gilid ng mukha ni Lance, tila may naramdaman siyang pamilyar na pakiramdam, ngunit hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.Bago pa niya ito mapagmasdan nang maigi, naisuot na ni Paris ang mask kay Lance.Tumayo si Paris at hinarap sina Devon at Chris, pilit na kalmado ang tono. “Mr. Devon, Secretary Chris, what a coincidence.”Tumango si Devon. “May proyekto kasi ang kompanya sa amusement park, kaya pumunta kami para inspeksyunin ito.”Habang nagsasalita siya, napatingin si Devon sa batang hawak ni Paris sa harap niya.Tinitigan din siya ng bata. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, may kakaibang pakiramdam ang biglang sumagi sa dibdib ni Devon.Hindi siya mahilig sa mga bata. Para sa kanya, abala lang ang mga ito. Pero sa unang sulyap pa lang sa batang ito, hindi niya maramdaman ang pagkainis.“Sino ang batang ito…”Awtomatikong itinago ni Paris si Lance sa likuran niya. Nang mapagtanto niyang masyado iyong halata, pinilit niyang panatilihin ang isang m

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 10

    Malamig ang ekspresyon ni Devon sa narinig mula sa pinsang si Henry, "Baka nagkamali ka lang ng tingin.""Talaga! Nagmamadali ako noon kaya hindi ko na nakuhanan ng litrato. Pero makakapagsumpa ako, kung ikaw mismo ang makakakita, siguradong magugulat ka. Sa totoo lang, pinaghihinalaan kong baka anak mo sa labas iyon na naglalakad-lakad lang sa labas, ano?" Natatawa pang sabi ni Henry."Kung wala ka nang ibang sasabihin, ibababa ko na ang tawag.""Uy, sandali lang… May pag-asa pa bang makakuha ng parte sa amusement park project na balak pagbidahan ng Pharmanova?""Pumunta ka sa branch bukas para pag-usapan natin."Pagkasabi nito, ibinaba ni Devon ang tawag.Kakatapos pa lang niya ilapag ang telepono nang bigla ulit itong tumunog.Nang makita niyang si Irene ang tumatawag, nanlabo ang kanyang mga mata. Pagkaraan ng ilang segundong pag-iisip, sinagot niya ito."Ano'ng problema?""Ah Devon, kalimutan mo na lang ‘yung sinabi ko nung isang araw. Kung ayaw mo pa ring magpakasal ngayon, hind

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 9

    Nanlaki ang mga mata ni Paris sa gulat, pagkatapos ay tumingin kay Devon."Hindi...Bakit ko naman sasabihin 'yan Mr. Devon?"Tinitigan siya ni Devon gamit ang kanyang malalim na mga mata, puno ng mga emosyon na mahirap basahin."Kung hindi, bakit ka lumalayo sa akin?"Nanigas ang katawan ni Paris saglit bago siya mabilis na umayos ng upo, ibinaba ang tingin at mahinang nagsabi, "Kasi... ayokong makaistorbo sa trabaho sayo, Mr. Devon."Pagkaupo niyang tuwid, mas naging malapit ang distansya nila sa isa’t isa. Maayos niyang inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang hita, ang tingin ay nakatuon lang sa harapan.Ibinaba ni Devon ang mga dokumento at biglang naalala ang eksena noong nakita niya itong si Paris na masayang nakikipag-usap sa loob ng kotse sa may bintana. Nakangiti ito noon, pero kapag siya ang kaharap, parang ayaw niyang mapalapit sa kanya.Tahimik silang dalawa habang papunta sa opisina ng Pharmanova branch. Pagkababa ni Paris sa kotse, napalalim siya ng hinga. Kanina pa kas

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 8

    "Sige, alamin mo kung ano ang nangyari kay Roxanne nitong mga nakaraang taon at kung sinu-sino ang mga nakasalamuha niya!"Hindi siya pwedeng kumilos nang personal, ganoon din ang mga taong malapit kay Roxanne."Opo, Ma'am."Pagkaalis ng tao, matalim na tumitig si Irene sa bintana, puno ng galit ang kanyang mga mata.‘Kung patay na siya, bakit kailangan pa niyang magpakita sa kanila? Hindi ba mas mabuting manatili na lang siyang patay?’ Isip niya.Sa kahit anong paraan, ngayong pagkakataon ay hindi na niya hahayaan na may sinuman pang sumira sa relasyon nila ni Devon!Dahil natagalan sila sa mall, bandang alas-singko na sila nakarating sa bahay ni Paris, kaya nagdesisyong maghapunan na rin si Donovan sa kanila.Habang nagluluto si Paris, tumutulong si Donovan sa gilid.Habang pinagmamasdan niya si Paris na nakasuot ng apron, nakatali lang ng simpleng itim na goma ang kanyang mahabang buhok, at tahimik ang kanyang kilos, biglang lumambot ang puso ni Donovan.Ang simpleng buhay na ganit

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 7

    "Oo, hindi niya nga ako makilala. Mabuti na rin ‘yun at para na rin sa kaligtasan ng anak ko.”Matatag ang kanyang tingin, at wala ni kaunting bakas ng pananabik kay Devon. Sa wakas, nawala na ang pagkabahala ni Donovan na matagal na niyang kinikimkim.“Don’t worry, Paris. Nandito naman ako para tulungan kang protektahan si Lance.""Salamat, Donovan."Pagkaraan ng ilang sandali ng katahimikan, nagsalita si Donovan na may bahid ng pag-aalala, "Pero nasa Manila na ngayon si Devon. Baka hindi mo na maitago ang mga nangyayari sa'yo roon nang matagal."Hindi nagulat si Roxanne sa sinabi niya. May kutob na siya noon pa man nang makasalubong niya si Irene sa isang restaurant. Ngunit ngayon, si Devon ang nawalan ng alaala. Hindi siya ang dapat matakot, kundi si Irene.Pagkatapos ng lahat, si Irene ang fiancée ni Devon ngayon. Kahit pa nawalan ng alaala si Devon, siguradong nababalisa siya na baka isang araw ay maalala ng lalaki ang lahat at kanselahin ang kasal nila.Ang isang tao, kapag mas

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 6

    Napangiti si Melissa at mabilis na nagsalita, "Salamat, Miss Paris!"Ngumiti si Paris. "Sige, simulan na natin ang paghahanda para sa experiment."Sa tulong ni Paris, naging maayos ang takbo ng eksperimento.Bandang alas-sais ng umaga, tiningnan ni Melissa ang data sa computer at napabuntong-hininga ng may gaan sa pakiramdam. Lilingon na sana siya para ibalita kay Paris ang magandang resulta nang mapansin niyang nakatulog ito sa mesa.Hindi na niya itinuloy ang sasabihin at kusa na ring naging mahina ang kanyang paghinga.Kagabi, salitan silang nagpahinga, pero si Paris ay tutok na tutok sa eksperimento. Malamang ay sobrang pagod ito dahil hindi talaga ito nakatulog buong gabi.Bigla namang bumukas ang pinto at may pumasok na ibang tao."Mr. Devon, ito po ang aming laboratory, silipin niyo po..."Pagkapasok na pagkapasok ni Devon, agad na napako ang tingin niya sa mahinang pigura na natutulog sa mesa. Biglang lumalim ang ekspresyon sa kanyang mga mata.Tumayo agad sina Melissa at kasa

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 5

    Habang nakatitig siya sa kalmadong mga mata nito, sandaling natigilan si Irene. Naalala niya kung paano tumingin si Devon noon kay Roxanne—may lambing at pagtitimpi. Ngunit ngayon, wala ni kaunting bakas ng ganung damdamin.Tatlong taon na silang magkasintahan, pero kahit kailan, hindi siya tiningnan ni Devon ng ganoon ka-giliw, gaya ng tingin niya kay Roxanne. Kapag nakatingin ito sa kanya, palagi na lang kalmado, malamig, at walang emosyon.Minsan ay napapaisip si Irene, baka naman pinili lang siyang maging kasintahan dahil akala nito’y siya ang pinakaangkop na ipareha?Pinilit niyang itaboy ang magulong kaisipan at mahina niyang sabi, "Wala naman, siguro napagod lang ako sa biyahe."Lumapit siya at naupo sa tabi ni Devon. Kinagat niya ang ibabang labi, saka buong tapang na nagsalita, "Devon, bakit hindi na lang tayo magpakasal ngayong taon? Hawak mo na ang kumpanya, wala namang masyadong problema ngayon. Gusto ko nang magpakasal."Hindi siya sinagot ni Devon, sa halip ay malamig nit

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 4

    Tumango si Lance. "Yes po, Uncle Lance."Mas lalong lumambot ang ngiti ni Donovan at naging banayad ang kanyang mga mata. "Miss na miss ka na ni Tito. May dala akong regalo para sa’yo."Habang nagsasalita, parang mahikang inilabas ni Donovan mula sa likod ang isang set ng English books at iniabot ito kay Lance."Huling beses na nakita kitang nagbabasa ng ganitong libro sa bahay. Kaya ngayong nagpunta ako sa ibang bansa para sa business trip, binili ko na ang original na version para sa’yo. Gusto mo ba ito?"Napangiti si Lance sa tuwa. "Thank you po, Uncle Donovan!"Kinuha niya ang libro at sabik na binuksan ito. Sa wakas, lumabas din ang inosenteng ngiti ng isang bata sa dati’y seryoso niyang mukha.Tiningnan ni Paris si Donovan na may bahid ng pagkaasiwa. "Huwag ka nang gumastos sa susunod. Mahal ‘yan."Limang taon na ang nakalipas mula nang dumating siya sa Maynila. Hindi rin nagtagal ay natagpuan siya ni Donovan. Malaki ang naitulong ni Donovan sa kanya nitong mga nakaraang taon—par

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status