Share

CHAPTER 84-UNDERTAKE

Author: Leigh Obrien
last update Last Updated: 2024-07-30 10:03:53

Nasa kabilang station si Secretary Kenneth na naguguluhan sa iniutos ni Devon. "Boss? Bakit niyo po ba gustong pa-imbestigan ang empleyadong ito??"

"I hired you to do things, not to ask me questions." Tugon ni Devon.

"Ay, yes sir. Masusunod po. Titingnan ko ito kaagad. Hehe."

Wala na siyang maraming tanong at wala pang isang oras, mayroon na siyang nailimbag na impormasyon tungkol kay Warren Ferrer at dinala ito sa opisina ng CEO.

"Humanap ka ng pagkakataon na ipadala siya sa isang business trip, mga isang kalahating taon, sapat na 'yun. Ayaw ko kasing makita siyang nandito sa kompanya ngayon." Seryosong sabi ni Devon matapos na mabasa ang files.

Mas lalong naguluhan si Kenneth kung bakit nito biglang ipapatapon sa business trip ang isang empleyado ng ganoon katagal pero ayaw niya ng magtanong baka mapagalitan na siya nito. Susundin niya na nalang kaagad ang ipinag-uutos nito tulad ng nakasanayan.

"Sige Boss. Gagawin ko agad."

***

Pag-alis ni Warren Ferrer doon sa cafete
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 50

    Tinitigan siya ni Donovan, tila gusto niyang tanungin kung kaya ba talaga ni Roxanne na maging ganoon kalupit kay Devon?Pero matapos mag-isip sandali, hindi na lang siya nagsalita.Umasa na lang siya na si Roxanne ay wala na talagang nararamdaman para kay Devon.Gabi na nang bumalik si Roxanne sa villa. Pagpasok pa lang niya sa sala ay nakita na niya si Devon na nakaupo sa sofa.Nagulat siya nang bahagya na gising pa si Devon, kaya siya na ang unang nagsalita, “Devon, bakit hindi ka pa nagpapahinga sa ganitong oras?”Lumingon si Devon, at ang malamig at malalim niyang tingin ay dumapo sa kanya, parang may bigat, “Ah, alam mo pala na gabi na ngayon.”Narinig ni Paris ang pangungutya sa tono ng kanyang boses, kaya siya’y napakunot-noo, “Devon, kung tama ang pagkakaalala ko, parang wala kang karapatang pakialaman ang mga personal kong gawain.”“Syempre wala akong karapatang ganoon, pero sana huwag mong kalimutan na isa kang ina ngayon. Kahit pa gusto mong makipagkita sa lalaki mo, dapat

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 50

    Tinitigan siya ni Donovan, tila gusto niyang tanungin kung kaya ba talaga ni Roxanne na maging ganoon kalupit kay Devon?Pero matapos mag-isip sandali, hindi na lang siya nagsalita.Umasa na lang siya na si Roxanne ay wala na talagang nararamdaman para kay Devon.Gabi na nang bumalik si Roxanne sa villa. Pagpasok pa lang niya sa sala ay nakita na niya si Devon na nakaupo sa sofa.Nagulat siya nang bahagya na gising pa si Devon, kaya siya na ang unang nagsalita, “Devon, bakit hindi ka pa nagpapahinga sa ganitong oras?”Lumingon si Devon, at ang malamig at malalim niyang tingin ay dumapo sa kanya, parang may bigat, “Ah, alam mo pala na gabi na ngayon.”Narinig ni Paris ang pangungutya sa tono ng kanyang boses, kaya siya’y napakunot-noo, “Devon, kung tama ang pagkakaalala ko, parang wala kang karapatang pakialaman ang mga personal kong gawain.”“Syempre wala akong karapatang ganoon, pero sana huwag mong kalimutan na isa kang ina ngayon. Kahit pa gusto mong makipagkita sa lalaki mo, dapat

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 49

    Tiningnan ni Roxanne ang pintuan ng kusina at malamig na nagsalita, "Oh, Devon? Naghapunan ka na ba?”Napalunok si Devon ng laway at hindi masyadong sanay sa ganoong pakikitungo ni Roxanne at pakiramdam niya ay para siyang matutunaw.Hindi niya maintindihan, pero parang may kung anong kumikiliti sa kanyang puso.Pagkalipas ng ilang sandali, malamig siyang nagsabi, "Kumain na ako. May trabaho pa ako. Aakyat na ako sa taas."Tumango si Roxanne. "Sige."Bago umalis si Devon, pinanood niya ang mag-ina niyang nagkukulitan sa kusina at para siyang tangang namamangha sa nakikitang eksena. Hindi pa rin siya makapaniwala na mayroon pala siyang pamilya, dahil sa loob ng limang taon, inakala niyang mag-isa lang siya.Nakaramdam ng matinding pagkalito si Devon sa kanyang nararamdaman at iniwas niya nalang ang mga tingin at nagpatuloy na umakyat.Nang tuluyang lumayo ang mga yabag, saka lang nakahinga ng maluwag si Roxanne. Takot na takot siya na baka sabihin ni Devon na hindi pa ito kumakain. Ayaw

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 48

    Sandaling napaisip si Devon, at ang dating malamig niyang ekspresyon ay bahagyang lumambot."Magiging maingat na ako sa susunod."Pagkasabi niyon, agad siyang naglakad papunta sa kanyang silid-aklatan.Tahimik na iniwas ni Roxanne ang kanyang tingin na para bang walang nangyari. Pagkatapos ay tumingin siya kay Lance at mahinahong sinabi, "Lance, huwag kang matakot. Masama lang ang pakiramdam ng tatay mo kanina. Hindi ka niya sasaktan."Tumango si Lance. "Opo.""Tuloy lang ang pagkain."Sa kabilang banda, kakapasok pa lang ni Devon sa silid-aklatan nang tumunog ang kanyang cellphone."Sir, update ko lang po. May nagbabalak pong mang-agaw ng lupain para sa isa nating proyekto."Naging mapait ulit ang hitsura ni Devon sa narinig at nakipag-usap siya kay Secretary Chris sa loob ng ilang minuto.Mayamaya ay natapos din silang mag-usap at nagpatuloy si Devon na magpahinga habang umiinom ng alak.****Kinabukasan ng tanghali, nasa loob ng isang VIP room si Devon kasama ang isang kilalang nego

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 47

    “Hindi pa.” Sagot ni Devon kay Manang Lucille.Tumango ang matanda at medyo natuwa. “Sumabay ka nalang po ng hapunan sa baba. Aakyat muna ako para tawagin sina Miss Roxanne at si Lance para bumaba na’t kumain.”Pinuntahan agad ng katulong ang dalawa sa kanilang kwarto. Inakay din ni Roxanne si Lance pababa ng hagdan.Pagkapasok nila sa dining area, agad niyang nakita si Devon na nakaupo sa pangunahing upuan. Saglit siyang nagtaka.“Oh, Devon, nakauwi ka na pala. M-magandang gabi.”Simula nang magkasundo silang huwag nang magbangayan, mas naging magaan ang hangin sa tuwing nagkikita sila.“Magandang gabi rin.”Pagkaupo kasama si Lance, inihanda na ni Roxanne ang sarili para siya ang unang magpakain dito bago siya kumain. Ngunit napansin agad ni Manang Lucille at mabilis siyang lumapit, kinuha ang mangkok, at sinabi, “Miss Roxanne, ako na po ang magpapakain sa bata, kumain na po muna kayo.”Nagdadalawang-isip si Roxanne kaya ngumiti si Manang Lucille at nagsabi, “Marunong po akong mag-al

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 46

    Hindi pinansin ni Roxanne ang biglaang pagdating ni Jameson.Pagkatapos ng kanilang diborsiyo noon, wala na silang koneksyon sa isa’t isa, at hindi na rin magkakaroon pa ng anumang ugnayan sa hinaharap.Makalipas ang ilang sandali, pumasok na sa isang subdibisyon ang sasakyan. Sa magkabilang gilid ng kalsada ay may mga malalaking puno, na tila dagat ng luntian.Pagkalipas ng sampung minuto, huminto ang sasakyan sa harap ng isang villa.Bumaba ang driver at binuksan ang pinto para kay Roxanne. “Miss, dito na po tayo.”Binuhat ni Roxanne si Lance palabas ng sasakyan. Pagkakita niya sa villa sa harap nila, agad napuno ng pagtutol ang mga mata ni Lance.Maganda ang kanyang memorya. Naalala niyang minsan na siyang ikinulong dito ni Devon noon.Papasok na sana si Roxanne nang mapansin niyang marahang humawak si Lance sa kanyang kamay.Pagyuko niya, tumambad sa kanya ang bahagyang takot sa mga mata ng bata kaya siya'y natigilan.“Lance, bakit? Anong nangyari?”“Mommy, hindi ba sabi mo uuwi na

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 45

    Parehong silang natahimik sa loob ng ilang Segundo.Nakatitig pa rin si Devon kay Roxanne at may di maipaliwanag na damdaming sumiklab sa kanyang puso.“Hindi ko alam, Devon. Huwag mong ilihis ang usapin sayo dahil ang kasiyahan at kalayaan lang ni Lance ang mahalaga.”Hindi sumagot si Devon na mayroon pa ring malalim na iniisip.Naalala niya na noong bata pa lang siya ay tinuruan na siyang isaalang-alang muna ang interes kaysa sa kalayaan o kaligayahan. Lahat ng desisyon niya ay laging nakabase sa kung ano ang makabubuti sa kanya—hindi sa emosyon.Ni minsan, hindi niya naisip kung masaya ba siya o hindi.Pero nang sabihin ng babaeng ito na ang pinakamahalaga ay ang lumaking malaya at masaya si Lance, tila may tinamaan sa kanyang puso.Sa gitna ng katahimikan, biglang tumunog ang cellphone ni Devon.Nang makita niyang si Irene ang tumatawag, bahagya siyang napakunot-noo, tumayo at lumabas ng silid.Kasabay ng pag-alis niya, nawala rin ang bigat sa loob ng kwarto.Pagbalik niya matapos

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 44

    Napakagat-labi si Roxanne habang galit na galit na nakatingin kay Devon. "Isa kang kupal, Devon!""Limampung segundo na lang." Ani ni Devon habang tinitingnan ang relo.Malamig ang ekspresyon niya, malamig din ang mga mata, pero umaasang papayag siya. Sa sobrang pagkalito ni Roxanne, wala na siyang ibang maisip, at nais niya ng makasama ulit ang anak,"Sige na nga, pumapayag ako!"Punong-puno ng determinasyon ang mga mata ni Roxanne. Hindi niya kakayaning mawala si Lance muli.Hindi na nagulat si Devon sa pagsuko ni Roxanne. Sa malamig na tono, sinabi niya, "Nasa ward 302 siya."Hindi na siya tiningnan pa ni Roxanne at agad na nagtungo sa ward.Pagdating sa pinto, bigla siyang huminto. Huminga siya nang malalim, mahigpit na kumapit sa door knob gamit ang nanginginig na kamay, at dahan-dahang binuksan ang pinto.Kahit na inihanda na niya ang sarili, hindi pa rin napigilan ni Roxanne na mamula ang mga mata nang makita si Lance.Kahit ilang araw pa lang silang hindi nagkikita, kapansin-p

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 43

    “Nasaan si Lance?!” Galit na galit si Roxanne at sinugod ang lalaki.Naiirita na si Devon at inalis ang kamay nito sa kanyang coat, “Sabi ko na sa’yo, ligtas siya ngayon.”“Hindi ako naniniwala! Maliban na lang kung ipakita mo siya sa akin!”Nang makita niyang makulit si Roxanne, nawalan na ng pasensya si Devon at tumingin kay Chris, “Ikaw na ang bahala rito, aalis na ako.”Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto ng sasakyan at sumakay.Nais pa sanang habulin ni Roxanne si Devon pero hinarangan siya ni Chris.“Ma’am, kahit habulin mo pa siya, wala rin namang mangyayari. Ayaw ni Mr. Devon na makita mo si Lance, kaya hindi mo talaga siya makikita. Pero totoo ‘yong sinabi niya—ligtas na ang bata, huwag ka nang mag-alala.”“Hindi mag-aalala?!”Mataman siyang tinitigan ni Roxanne, “Kung anak mo ang biglang kinuha mula sa bahay niyo, hindi ka ba mag-aalala? Sekretaryo Chris, sa tingin mo ba tama ang ginagawa ng amo mo?”Hindi agad nakasagot si Chris, halatang wala ring magawa. “Ma’am, sekretar

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status