Share

SEASON 2- C. 82

Penulis: Leigh Obrien
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-25 11:39:34

Narinig ni Zach ang pag-aalinlangan sa boses ni Roxanne kaya pinipigilan niya ang buntong-hininga at naintindihan ang nais nitong ipahiwatig.

“Kuya Zach, huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang makaapekto ang personal kong damdamin sa trabaho. Isa pa, si Devon ay presidente ng Pharmanova, wala siyang oras para intindihin ang isang maliit na proyekto.”

Bahagyang nakahinga ng maluwag si Zach, “Pero Roxanne, kung nahihirapan ka, kakausapin ko na lang ang propesor.”

“Ayos lang, sakto naman at wala akong ginagawa dito sa panahong ito. Tatapusin ko lang ang proyektong ‘to bago ako bumalik.”

Dahil sa pagpupursigi ni Roxanne, hindi na siya napilit ni Zach at mahina na lang nitong sinabi, “Sige, ipapadala ko sa’yo mamaya ang project information. Sina Melissa at Manager Drake pupunta rin sa San Lorenzo sa loob ng dalawang araw para maging assistant mo.”

“Sige, noted.”

Pagkababa ng tawag, agad na natanggap ni Roxanne ang mga dokumento tungkol sa proyekto mula kay Zach. Nang i-click niya iyon, n
Leigh Obrien

2nd update!

| 3
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 83

    Pagkatapos lumingon ni Vincent, agad na lumiliit ang kanyang mga mata nang makita si Roxanne. Kamakailan lamang niyang nalaman na buhay pa si Roxanne at may anak sila ni Devon.Ngunit wala siyang pakialam dito. Matagal na silang nagkasamaan ng loob ni Devon, at kahit na bumalik pa si Roxanne, hindi na sila maaaring magkasundo.Matapos titigan si Roxanne ng ilang segundo, inalis niya ang kanyang tingin nang walang emosyon. "Wala tayong dahilan para pansinin ang mga taong walang kinalaman sa atin."Bagaman malamig ang tono ni Vincent, napansin pa rin ni Daphne na mahigpit ang pagkakahawak niya sa kutsilyo at tinidor. Mukhang hindi siya kasing kalmado gaya ng ipinapakita niya.Ibinaba ni Daphne ang kanyang kubyertos, tumingin kay Vincent at mahinahong nagsalita, "Vincent, hindi mo ba nararamdaman na hindi ito makatarungan? Maayos si Roxanne at nanganak pa ng anak ni Devon, pero tayo ang pinaghigantihan ni Devon, lalo na ikaw. Halos malugi na ang pamilya niyo. Gaano karaming pagsusumikap

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 82

    Narinig ni Zach ang pag-aalinlangan sa boses ni Roxanne kaya pinipigilan niya ang buntong-hininga at naintindihan ang nais nitong ipahiwatig.“Kuya Zach, huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang makaapekto ang personal kong damdamin sa trabaho. Isa pa, si Devon ay presidente ng Pharmanova, wala siyang oras para intindihin ang isang maliit na proyekto.”Bahagyang nakahinga ng maluwag si Zach, “Pero Roxanne, kung nahihirapan ka, kakausapin ko na lang ang propesor.”“Ayos lang, sakto naman at wala akong ginagawa dito sa panahong ito. Tatapusin ko lang ang proyektong ‘to bago ako bumalik.”Dahil sa pagpupursigi ni Roxanne, hindi na siya napilit ni Zach at mahina na lang nitong sinabi, “Sige, ipapadala ko sa’yo mamaya ang project information. Sina Melissa at Manager Drake pupunta rin sa San Lorenzo sa loob ng dalawang araw para maging assistant mo.”“Sige, noted.”Pagkababa ng tawag, agad na natanggap ni Roxanne ang mga dokumento tungkol sa proyekto mula kay Zach. Nang i-click niya iyon, n

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 81

    Ang eksena ay naging sobrang magulo. Mabilis na hinila ni Roxanne si Lance sa kanyang likuran upang hindi sila aksidenteng masaktan nina Madame Julie at Hudson na nag-aaway.Lumapit si Devon sa kanyang tabi at mariing sinabi, "Magtago kayo ni Lance sa likod ko.""O-oo," sagot niya.Tinitigan ni Henry ang dalawang nag-aaway na may matinding pagkadismaya. Dati-rati’y sila ang pinakamalapit na magkamag-anak, pero ngayon ay nag-aaway dahil lang sa kapirasong yaman.At si Madame Julie, na pumatay sa matanda dahil sa pera, ay hindi karapat-dapat matawag na tao!Si Attorney Marquez, na nasa tabi lang, ay hindi maiwasang mapakunot-noo. Mula sa pagiging litong-lito ay naging hindi makapaniwala sa mga naririnig.Napapasubo na ba siya? Dapat ay nagbasa lang siya ng testamento, pero hindi niya inasahan na malalaman niyang hindi pala totoong miyembro ng pamilya si Devon, at na si Madame Julie ay pinaslang si Lola Ofelia.Mayamaya pa,may kumatok sa pinto ng silid. Dalawang pulis ang pumasok. Nang m

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 80

    Tiningnan siya ni Henry nang malamig, “Baka ikaw itong magaling magkunwari na walang alam noong may sakit si lola, pero nakakuha pa rin ng pamana na tatlumpung milyon.”“Tatlongpong milyon!” ngisi ni Hudson, “Anong magagawa n’yan?!”Sa sobrang galit ni Hudson ay muntik na siyang masamid sa sariling laway. Lalo niyang kinamuhian ang pamilya sa kanyang isipan. Ang dami niyang iniwang pera at ari-arian para sa hindi kadugo. Pero sa kanya na tunay na anak ay parang winalanghiya.Habang lalo niyang iniisip, lalong sumidhi ang galit ni Hudson. Lumingon siya kay Roxanne na tahimik lang sa gilid.“Roxanne, wala ka rin bang hiya at tinanggap mo pa ang pera’t ari-arian na ‘yon?”Hindi interesado si Roxanne sa pamana ni Lola Ofelia, pero ang tono ng panunumbat ni Hudson ay lubhang nakairita sa kanya. Itinaas niya ang kilay at ngumisi, “Dahil iniwan ito ni Lola Ofelia para kay Lance, bakit ko naman ito tatanggihan? Akala mo ba basta ko na lang isusuko at ibibigay sa’yo nang libre?”Mas gugustuhin

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 79

    Nang makita ni Devon ang pagiging palaban sa mga mata ni Donovan, bahagya siyang tumawa.“Devon, wala akong intensyong bastusin ka, pero si Lance ay lumaki sa paningin ko, at tungkulin ko ring protektahan siya.”Matigas ang mukha ni Devon. “Anak ko siya, kaya kaya ko siyang protektahan mag-isa.”Pagkasabi niya noon, tumingin siya kay Roxanne, walang emosyon ang mukha. “Kung lilipat ka sa tirahan ni Donovan, ibalik mo si Lance sa villa. Kung dito pa rin kayo titira ni Lance, magdadagdag ako ng mga tao para bantayan kayo at hindi ko hahayaang samantalahin kayo ng iba.”Nang mapansing seryoso ang hangin sa paligid, hindi na nangahas magsalita si Lance. Yumuko na lamang ito at halos hindi na huminga.Pinagdikit ni Roxanne ang kanyang mga labi, at makalipas ang ilang sandali, mahina siyang nagsalita, “Naiintindihan ko pero dito pa rin kami titira ni Lance.”Bahagyang lumambot ang titig ni Devon. Ibinaba niya si Lance at tumayo. “Gabi na, hindi na ako magtatagal.”Pagkatapos niyang paalam k

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 78

    Tahimik si Roxanne sandali bago marahang nagsabi, "Devon, kailangan ko munang pag-isipan ito. Tatawagan kita kapag nakapagdesisyon na ako."Pagkababa ng tawag, napabuntong-hininga si Roxanne na may halong komplikadong emosyon sa mukha. Mahalaga ang kaligtasan ni Lance, ngunit ayaw na niyang magkaroon pa ng kahit anong koneksyon kay Devon.Simula nang mangyari ang insidente ng pagdukot, hindi na siya makaramdam ng kapayapaan tuwing maiisip si Devon. Kaya ang dapat niyang gawin ay lumayo sa kanya.Pagkatapos mag-isip sandali, nakapagdesisyon na si Roxanne sa kanyang puso.Kinagabihan, dumating si Donovan pagkakatapos lamang ni Roxanne magluto."Naamoy ko agad ang ulam paglabas ko pa lang ng sasakyan. Sigurado ka bang ayaw mong magtayo ng sariling kainan?"Ngumiti si Roxanne at tiningnan siya, sabay taas ng kilay, "Ang galing mo talagang magsalita, sige, para sa’yo, kainin mo lahat ng niluto ko mamaya. Walang matitira.""Sige!"Narinig ni Lance ang boses at lumabas mula sa kanyang kwarto

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 77

    Nagningning ang mga mata ni Roxanne ng may halong panlalait. “Pinagtatanggol mo pa rin ang anak mong baliw?”Kung hindi si Madame Julie ang tagalinis ng mga kalokohan ni Jameson sa likod ng kanyang likuran, hindi sana ito naging ganoon ka-walang pakialam sa mga ginagawa niya—hanggang sa umabot sa puntong nangidnap na siya ng tao.“Roxanne...parang awa mo na...”Pinutol siya ni Roxanne, “Hindi ko siya patatawarin. Nasa presinto siya ngayon. Kriminal ang kidnapping, at hindi na ito puwedeng bawiin o iatras.”Napailing-iling si Madame Julie, “Maawa ka, Roxanne. Wala na siya sa katinuan. Kailangan ko siyang dalhin sa mental, hind isa kulungan.”“Kahit saan mo ilagay ang anak mo, hinding-hindi siya titino dahil sa pangungunsinti mo!”Nanigas ang ekspresyon ni Madame Julie. Ilang segundo siyang tahimik bago siya nauutal na nagsalita, “Roxanne... minahal niyo naman ang isa’t isa noon, naging mag-asawa kayo ng ilang taon... bakit kailangan mong maging ganito kalupit...”“Tama na! Walang ng kw

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 76

    Tiningnan siya ni Henry ng malamig, “Kahit magising pa si Lola, hindi ko kayo hahayaan na bigyan siya ng stress!”“Wala kang pakialam!”Hindi na muling nagsalita si Uncle Hudson at tumalikod.Makalipas ang ilang oras mula nang dinala sa ward, sa wakas ay nagising si Lola Ofelia.Agad na lumapit si Henry pero agad siyang inunahan ni Madame Julie, “Lola, sa wakas nagising ka rin!”Sa pagdilat niya at makita ang malalapit na mukha nito, muntik na naman siyang himatayin.“Lumayas ka! Lumayas kayong lahat, lumabas kayo!”“Lola, sabi ng doktor kailangan ninyong magpahinga at iwasang magalit.” Ani ni Henry.Dahil hindi niya sila mapaalis, pinikit na lang ni Lola Ofelia ang mga mata at nagkunwaring walang naririnig.May bakas ng lamig sa mga mata ni Madame Julie, pero kunwari ay nagpakita pa rin ng pag-aalala. “Lola, magpahinga po kayo ng maayos. Narito lang ako sa tabi ninyo. Tawagin mo lang ako kung kailangan niyo ng kahit ano.”Pagkakasabi niya’y biglang narinig ang malamig na boses ni Hen

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 75

    “Devon! Bakit mo ba kami pinapahirapan ng ganito?!”Nanginginig ang mga labi ni Madame Julie sag alit.“Hindi niyo rin naman ako anak, bakit ako maaawa sa inyo?” Sarkastikong sabi ni Devon na walang emosyong nakatingin sa kanya.Napakurap si Madame Julie at ang iba pa sa loob sa narinig.“P-paano mo nalaman?” Pagtataka niya.Ngunit hindi na sumagot si Devon sa tanong niya at pinaalis sila. "Kailangan kong magpahinga. Umalis kayo rito sa kwarto ko. Ngayon din."Pilit tumayo na nagmakaawa ni Madame Julie, tumingin kay Devon at sinabi, "May mahigit sampung milyong piso pa ako. Ibinibigay ko na sa'yo lahat ng pera. Basta patawarin mo lang si Jameson."Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Devon, at may bakas ng pagkainis sa kanyang mga mata."Sa palagay mo ba may karapatan ka pang makipagkasundo sa akin ngayon? Ang mga bagay na hawak mo ay wala nang halaga para sa akin. Hindi ko maaaring patawarin si Jameson."Sa malamig niyang ekspresyon, tuluyang naunawaan ng dalawa na kahit anong paki

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status