Share

Chapter 6

Klaire's

POV.

Ang lakas lakas na ng ulan pero hindi ako natinag. Gusto kong makasiguradong wala na talaga na tapos na talaga ang lahat samin.

I wanted to give it my all so that sa pagsuko ko, wala akong pagsisisihan.

"Hindi yun imposible, mahal naman natin ang isa't isa"

"That was all in the past now"

"Ano yun? Agad agad mo kong nakalimutan dahil dumating si Ashley?"

"That's not it Klaire"

"Eh ano?! Di mo na ba ko talaga mahal?"

"I'm sorry Klaire"

"Sorry? Wow? Pagkatapos ng lahat, sorry? Sorry lang Dwayne?!" I faked a laugh. "So ganoon na lang? Bakit?"

Iyak na ko ng iyak.

"Mahal ko si Ashley"

Para akong dinurog sa mga salitang sinabi nya. Dahan dahan kong ibinaba at binitawan ang kamay nya bago ako tumakbo palayo. Di pa ko nakakalayo ng magdilim ang paningin ko at ang huli kong narinig ay ang pagsigawan nila ng pangalan ko.

Dwayne's POV

I don't know who to choose between them. Sa totoo lang, mahal ko si Klaire, she is my first love and I always loved everything about that girl but Ashley, she makes me feel special and excited.

Ayokong maging unfair kay Klaire, I have to let her go. Lalo na ngayon pang sa tingin kong may gusto sa kanya yung Rain na yun, may sasalo sa kanya. She deserves someone better.

Looking at her while she's crying is tearing me apart. Nasasaktan ako pero alam kong mas nasasaktan sya, mas ayoko ng pahirapan pa sya.

Naiinis ako dahil from a bubbly and a happy girl, I turned her to be a sad and pathetic Klaire,

Nasaktan ako ng lumuhod sya kay Ashley. She has never done that before. Ganito na ba talaga nya ko kamahal?

"Mahal ko si Ashley" simpleng sagot ko sa kanya kahit di pa ko sigurado.

I have to end her sadness, pain, and sufferings.

Bumitaw sya sakin. Umuulan na pala halos di ko napansin. Nakikita ko sa mukha nya ang labis na kalungkutan. Sa pagbitaw nya sakin ay bigla syang tumakbo papalayo.

Pero laking gulat ko ng bumagsak sya sa damuhan.

"Klaire!" nagsigawan ang mga kaibigan nya.

Nataranta ako kaya I ran towards her pero may nauna. Naunang kumuha at bumuhat sa kanya. It's Rain. Tinitigan nya ko sa mata. Mababakas mo ang galit.

"Don't go near her again, I swear I'll kill you. You don't deserve her love, you kept hurting the one who loves you" sabi ni Rain bago tumalikod at nagmamadaling umalis para dalhin sa clinic si Klaire.

Nagsunuran naman ang mga kaibigan nya at pabalik na sana ako ng makaharap ko si Haria.

Hindi na ko nagulat ng masalubong ko ang talim ng tingin nya. Klaire's friends had always been protective with her.

Sinampal nya ko at totoong masakit yun pero hindi kasing sakit ng ginawa ko kay Klaire. I deserve that.

Kahit umuulan I can see that she is crying.

They are all affected sa break up namin.

"Akala ko ba iingatan mo sya? Mamahalin mo sya ng totoo na hindi mo sya iiwan no matter what? That is what you promised to me before I agreed that she can be officially yours! Naniwala ako, kami! Lalong lalo na sya. How dare you Dwayne! Sobra sobra na ang sakit na binigay mo kaya sana wag mong pagsisisihan itong araw na to. Don't miss her when she's gone, don't go look for her cause sa oras na magsisisi ka, we won't help you." sabi ni Haria nago nag walk out sakin.

I looked at Ashley. Alam nya namang naguguluhan lang ako. Alam nya yun because I told her how confused I am sa feelings ko between them.

Lumapit sya sakin at niyakap ako.

"I will always be here for you"

I need someone to comfort me.

This is also hard for me.

Klaire's

POV.

"Are you sure that she will be fine? That she'll wake up soon?"

Nagising na ko pero hindi ko pa madilat ang mata ko. Naririnig ko ang boses ni Rain sa paligid. Nasaan kaya ako?

"I assure you Mr. Park, that Ms. Lim will be fine. Her fever is just too high earlier and maybe she is too emotionally stressed that's why she fainted"

Finally! Nadilat ko na din ang mata ko at puro puti ang sumalubong sakin. I knew it nasa clinic ako.

"R-rain" I managed to say his name. Dali dali naman siyang lumapit sakin.

"Glad you're awake,do you still feel sick?" Nag-aalalang tanong ni Rain

"No! I'm feeling better" sagot ko kaya tinapat naman sakin ni doktora, sa tenga ko to be exact ang isang thermometer. I heard it beep pagkatapos ay ngumiti sya.

"That's nice! Nawala na yung lagnat mo, normal body temperature ka na ulit pero mas maganda kung uuwi ka na at magpahinga na at baka mabinat ka" bilin ni doktora bago lumabas ng room ko dito sa clinic.

"You made me worried sick" Rain

"Pasensya ka na talaga, pinag alala pala kita. Sina Aira pala, nasaan sila?" Sa tanong kong yun ay sya namang pagdating ng lima kong kaibigan, they look fresh, mukhang nagpalit lang sila ng damit.

"Oh ano? Okay ka na ba?" tanong sakin ni Cherry habang sinisipat ang noo ko.

"Oo best. Sorry, to be honest, sorry sa inyong lahat. Napakatanga ko kasi, ang bobo ko at ayoko pa kasi syang bitawan" sabi ko bago kinagat ko ang labi ko to stop myself from crying. I know they've been in too much drama.

"Ano ka ba best? Kaibigan mo kami kaya we are here for you" Sabi ni Valerin sabay yakap sakin.

Nagsisunuran naman yung iba except kay Rain.

"G*ga ka kasi kaya naniwala kang may forever yan tuloy. Ikaw din ang kawawa sa bandang dulo" Haria.

"So sinasabi mo bang wala ding forever sa inyo ni Revo?" tanong ko sa kanya.

Binatukan ako nito ng mahina.

"We've been together for years na no!"

Yan na naman, yung taon! Yung ilang taon nga namin ay walang kagatol gatol nyang tinapon at sinayang.

"Baliw ka talaga Haria, pinaalala mo pa! Naku bes, wag kang mag alala dahil may mas darating pang much better for you" Aira

"Oo nga naman bes! Malay mo nasa kwartong ito na pala sya pero di mo napapansin" sabi ni Tessa sabay kindat kay Rain.

Natawa naman kami. Ito ang unang beses kong tumawa after our break up. Masaya akong hindi ako sinukuan ng mga ito. Siguro nga tama sila, siguro nga panahon na para palayain ko talaga sya at hanapin na ang sarili ko, kaya kahit mabigat sa loob ko, I made the hardest and maybe the best decision in my life.

"Rain, I'm coming with you sa states" sabi ko ng seryoso.

Lahat sila nagulat. Lahat sila nabigla sa pagdedesisyon ko

"Are you sure?" Rain asked.

"Yes"

"Well, okay but in one condition"

"Ha? Condition?"

"Naku best wag ka ng sumama, may bayad pala sya as tour guide" Cherry.

"Baka as maid" Haria

"As driver" Tessa

"As carrier ng maleta" Aira

"Baka naman as fixer ng passport mo" Valerin.

Nagtawanan kaming lahat sa mga pinagbabanat nila even Rain.

"Pero ano nga ba yung kondisyon mo Rain?" tanong ko.

"Let me take care of you from this moment. You'll let me protect you" sinserong sabi ni Rain sakin.

Nakakapagtaka kung bakit yun ang hinihiling nyang kapalit sa pag alalay sakin sa pag move on.

Pero he deserves my trust.

Dahan dahan akong tumango at nginitian sya.

He breathed heavily as a sign of relief and smiled back at me.

"Ayieee" hiyawan ng mga kaibigan ko sabay sinundot sundot sa tagiliran ko

"Di mo na ata kailangang pumunta pa ng states" Valerin

"Dito pa lang kasi sa kwartong ito makakapag move on ka na" sabi ni Cherry habang hinihimas ang pader.

"Mga baliw kayo" sita ko sa kanila

"Tama yan! Tama mas boto ako kay Rain dahil mabait na, korean hottie pa!" sabi ni Aira sabay yakap kay Rain at pagkatapo ay lumayo sya. "Ay sorry nadala, I remebered na kaibigan nga pala kita"

"Rain, crush mo bestfriend namin no?!" biglaang tanong ni Tessa kay Rain na ikinagulat naman ng huli.

"W-what?" nauutal si Rain at namula din sya ng sobra.

"You're blushing Rain!" Tessa.

"No! No! It's you know, It's getting hot here. Maybe the aircon is not working anymore, I'll just go outside and breathe some fresh air" sabi ni Rain na agad agad lumabas ng pinto

Nagtawanan pa silang lima at sabay sabay nagsabing CONFIRMED!

Natawa ako sa mga inaakto at pang-aasar nila.

Rain doesn't like me.

Does he?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status