Share

Chapter 5

Rain's

POV

While I'm staring at her, I can feel the pain she is suffering. Maybe not as bad as she feels, but I don't know. I can't bear to see her tears. It's like it's tearing me apart.

Maybe in a short period of time that I knew her, I fell hard already. Even though I knew that she has someone else. I just can't help it.

She is like a child that needs protection, care and most of all, love which her boyfriend couldn't give her. I know that I can love her more than him. She deserves to be happy.

I came near her, while she is staring blankly at the grass. But as I go near her, her friends came too.

"Uy! Rain, kamusta?" Tessa asked me.

"I'm fine, but you should ask her that" I told her while I'm pointing at Klaire.

Haria hugged her from the back that made her comeback to the reality.

I can't take it anymore. I should do something, even if it will not work out for me, I just want to see her smile again.

"Klaire?" I called her.

She blankly looked at me. Her eyes is so red, so as her face. She really cried so hard even if it's over a week since they broke up. She must've really love him.

"Do you want to move on?" I asked her.

"Di ko pa kaya, mahal na mahal ko sya and all I feel is pain now" she said while crying.

Cherry slapped her which made all of us shocked.

"Tumigil ka na nga! Tama na! Tama na ang pagiging tanga mo sa p*t*ng i*ang lalaking yun! Maawa ka naman sa sarili mo! Napapabayaan mo na! Kung ikaw ayaw mong tumigil, magpakamatay ka na lang kasi kahit anong gawin mo, hindi na sya babalik sayo! May Ashley Ramirez na sya, and if you are thinking na you have nothing, don't you dare! Because you have your family, yourself, and the six of us! Tama na Klaire!" Cherry shouted at her. She is really burning from anger, not to her bestfriend but because of the man who did this to Klaire.

Klaire's

POV.

Nasaktan ako sa ginawa ni Cherry na pagsampal sakin pero mas masakit yung katotohanang inilalahad nya sakin! Di ko kayang tanggapin. I know Dwayne, he just needs time and space.

"Nasasabi mo yan kasi hindi ikaw ang nasa posisyon ko! Hindi naman ikaw yung iniwan!" sigaw ko kay Cherry.

Iyak na ko ng iyak and I was surprised to see that all of them are crying now.

"Yun nga yung point, hindi naman kami yung nasa posisyon mo pero bakit nasasaktan kami para sayo? Bakit ba iniisip mong mag isa ka lang ha?!" sigaw ni Haria sakin.

Diba nila ako naiintindihan? Ang hirap hirap kasi para akong nawawalan ng hininga.

"Look at yourself? You are a total mess, but look at him? Sya masaya sya! Kumakanta kasama ang banda! As if nothing is wrong, as if he didn't break my bestfriend's heart! Kung hindi lang ipinagbabawal ang pagpatay, matagal na yang nasa kabaong!" Tessa.

"Di ka kumakain, you have tons of sleepless nights! You've been crying all day. Bes naman, kahit para naman samin mag move on ka kasi kahit anong gawin namin na pagkausap sa kanya, ayaw nya na talaga. Sinampal at pinagtulungan na namin sya, muntik na nga yung Ashley sakin pero wala bes. Learn to accept and learn to let go." Paliwanag ni Aira.

Naiyak ako nung naalala kong sinabi kong hiniwalayan ako ni Dwayne sa kanila. Tinakbo nila ang practice room para sugurin sya. Naawa ako sa ginawa nila kay Dwayne pero hindi ko naman sila masisisi.

They had always been protective pagdating sakin.

"Give yourself time and space. Lumayo ka muna dito, if you want, we can all transfer to another university. I heard maganda sa Vistoun University. Pag wala sya sa paligid mo, siguro, siguro makaka move on ka. You just need a change of ambiance bes. We are here, all of us to help you, right Rain?" sabi ni Valerin sabay tingin kay Niall.

"Yeah! As I was saying, you really need to move on Klaire so I'm gonna ask you this question" sabi ni Rain habang titig na titig sakin. Ang bilis ng puso ko for some reason.

"Would you come with me to states?"

Lahat kami nagulat, lalo na ako, kaya ko ba? Kaya ko bang iwan ang lahat ng ito?Kaya ko bang iwanan si Dwayne? Kaya ko bang mabuhay ng di sya nakikita? Kakayanin ko kaya? Naguguluhan ako kaya tumayo ako

"Sorry guys, I need time to think" sabi ko sabay takbo. Leaving the six of them.

Tumakbo ako papuntang girls restroom. Luckily walang tao.

I  looked at myself, I look pale, my hair is a mess, mugto ang mata ko at namamayat na din ako. Sa puntong yun ay kinaawaan ko yung sarili ko. What the heck happened to me? I just want him back! Iyak ako ng iyak sa loob ng restroom ng may mapadaan na mga babaeng first year college.

"Grabe, pinagtutulungan nung limang babae yung Ashley ang pangalan doon sa field, bakit kaya?" tanong nung isa.

"I heard, inaagaw daw nung Ashley yung boyfriend ng bestfriend nila, naku, malandi naman pala, tama lang yun, kahit ako ang bestfriend nung inagawan, gagawin ko yun" dagdag pa ng isa.

As soon as makalagpas sila ay tumakbo ako sa grassfield. May komusyon nga at tama ang iniisip ko. Ang mga kaibigan ko nga ang sumugod kay Ashley, kahit makulimlim na ay ang dami pa ding nakikisawsaw.

Nagulat ako sa malakas na pagkakasampal ni Valerin kay Ashley. Ang dami ng taong nanonood sa kanila.

Di nakapalag si Ashley, alam nya sigurong pagtutulungan sya ng iba ko pang kaibigan.

"Ang kapal ng mukha mong pumasok sa University na to para lang agawin ang boyfriend ni Klaire! Wow! Your flirting skill is unbelievable!" Valerin

"Nagre-reyna reynahan ka dito, hindi mo alam kung anong nangyayari sa kaibigan namin dahil sa lecheng kalandian mo! Wala ka bang para sayo?!" Haria was so mad right now.

"Oo! Walang sakin pero mahal na mahal ko si Dwayne!" Ashley said that proudly.

Isang sampal na naman ang ginawad sa kanya pero sa puntong ito galing ito kay Aira.

"Mahal? Porket ba mahal mo may karapatan ka ng agawin?! You are a one hell of a b*tch Ashley! Masaya sila noon pa man, okay sila! Perfect couple, then you came in to the picture and ruin everything, the way you want it!" galit na galit na sigaw ni Aira.

Ewan ko ba kung bakit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Naiiyak na lang ako. Alam ko kasing ginagawa nila ito para sakin pero nakakaramdam pa din ako ng awa kay Ashley.

"So this would be our last warning to you. Layuan mo na si Dwayne, magtransfer ka na sa ibang school at ayusin mo ang ilang taong relasyong sinira mo in just a split of second! You moron!" sigaw ni Tessa.

"No! Hindi! Akin lang si Dway—" naputol ang sasabihin ni Ashley ng hilahin ni Cherry ang buhok nya papalapit dito at binigyan ng sobrang lakas na sampal na naging dahilan ng pagbagsak nito sa damuhan.

She started crying.

This time tumakbo na ko palapit sa kanila. I can hear what Cherry is saying. Nakikita ko na din ang luha sa mga mata nya.

"Napakawalang kwenta mong babae! Ikaw ang dahilan kung bakit nagkakaganyan ang kaibigan ko ngayon, kung bakit halos hilingin na lang nya na patayin nyo na lang sya. You guys are so disgusting!" sigaw ni Cherry habang garalgal na ang boses.

Hihilahin nya pa sana ang buhok nito ng pigilan ko ang kamay nya

"Che, tama na" sabi ko sa kanya while tears are falling down from my eyes. Dahan dahan syang lumayo kay Ashley. Tumingin ako sa mga kaibigan ko. They are all emotional. Apektado talaga sila.

Tinayo ko si Ashley. Habang nagpapagpag sya at alam kong kahihiyan ko ito.

Alam kong mali pero gagawin ko to para sa taong mahal ko.

Dahan dahan akong lumuhod sa harapan ni Ashley kaya naglapitan ang mga kaibigan ko para pigilan ako.

"Ano ba best! Tumayo ka dyan" Tessa.

"Please don't do this to yourself Klaire" Aira.

"Tama na! Wag mong gagawin yan, sinasabi ko sayo Lim!" Haria.

I looked at them with pleading eyes that is telling them to let me be. Iyak na ko ng iyak. Napasapo sila sa noo at isa isa akong binitawan. It's like saying that what else can they do?

Lumuhod ako sa harapan nya.

Habang umiiyak, yumuko ako at hinawakan ang isa nyang binti.

"A-ano bang ginagawa mo Klaire?" natatarantang tanong ni Ashley.

"Anong meron dude?" biglang singit ng isang pamilyar na boses sa gitna ng crowd na nakikinig samin.

Who else would it be?

"Dwayne, Klaire is kneeling in front of Ashley, the one you are courting" sagot ng kabanda nyang si Lourence.

Para akong sinaksak sa narinig ko. Nililigawan nya na pala si Ashley. Napalingon ako sa direksyon nya at nagtama ang paningin namin.

Halatang nagulat sya ng makitang nakaluhod nga ako.

Nagmamadali syang pumunta samin pero nahihirapan sya dahil siksikan ang mga nakiki-usosyo.

Humarap ako kay Ashley habang umiiyak. Umiiyak na din ang mga kaibigan ko.

"Ashley, I'm begging you, nagmamakaawa ako, don't take Dwayne away from me, please! Please, iba na lang, wag sya" sabi ko habang umiiyak.

"Padaanin nyo ko!" sigaw ni Dwayne.

"Please Ashley! Ashley, wag sya! Wag sya please."

Nag crossed arm sya at tinitigan ako.

"Sorry Klaire pero hindi ko kaya ang sinasabi mo! Mahal ko sya, mahal nya ko,  mahal namin ang isa't isa. Hindi ko sya pwedeng ibigay sayo so back off! You're already his ex" sabi nito sakin.

Naiyak ako lalo ng biglang may magtayo sakin.

"What the f*ck are you doing?! Bakit ka lumuluhod?!" sigaw sakin ni Dwayne. habang hawak hawak ang dalawang balikat ko.

"I just want you back so badly kaya kung yun lang ang paraan para ibalik ka nya sakin, gagawin ko" umiiyak kong sabi. "Just please choose me again babe" sabi ko sabay hawak sa kamay nya.

"That is not possible anymore Klaire" sabi nya kasabay nito ang pagbuhos ng malakas na ulan kaya nagtakbuhan na ang ilang mga nakikisali.

Tanging kaming walo na lang ang nandito.

He is so close to me yet I feel like he is really way farther than ever before.

Bakit ba tayo humantong sa ganito?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status