Share

CHAPTER 7: His Daughter?

Author: febbyflame
last update Last Updated: 2025-08-12 13:24:17

Pagkasalubong ng mga mata namin ni Walden, para akong nabato sa kinatatayuan ko. Kita ko sa kaniyang mukha ang pagkagulat, at hindi iyon maitatanggi—pero alam kong pareho kaming nakaramdam ng parehong emosyon. Hindi ko inaasahan na sa dinami-dami ng doktor sa ospital na ito, siya pa ang mag-oopera kay Tatay. At higit pa roon… hindi ko inakalang siya na ngayon ang taong nakatayo sa harap ko, nakasuot ng puting coat at may seryosong titig na tila binabalikan ang lahat ng nakaraan.

“P–Parang nakita na kita dati…” bulong ni Trisha, na nakatayo sa tabi ko habang buhat-buhat ko si Alliya.

Hindi siya pinansin ni Walden. Sa halip, bumaba ang tingin niya sa anak kong nakapulupot sa leeg ko. Para bang tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa. Nanlaki ang mga mata ko, at hindi ko alam kung uunahin ko ba ang paghinga o ang pagtakas sa tingin niyang tila bumabaon sa kaluluwa ko. Lumabas na ang isa pang doktor mula sa operating room, ngunit si Walden ay nanatili sa harap ko, at paulit-ulit na lumilipat ang tingin mula sa akin patungo kay Alliya.

“Doc? Okay ka lang?” tanong ni Trisha, na halatang nahihiwagaan na rin sa kakaibang tensyon.

“A–ah, Trisha… mauna ka na sa hospital room ni nanay. Dalhin mo na rin si Alliya ro’n,” sabi ko, sabay abot sa kaniya ng bata.

May nais pa sanang sabihin si Trisha, pero agad ko siyang tinulak palayo. Alam ko kasing hindi ako basta makakaalis sa presensya ni Walden nang hindi kami nagkakausap. Mas mabuti nang kaming dalawa lang ang magharap—kahit pa alam kong hindi magiging magaan ang pag-uusap na ito.

“Salamat nga pala, Walden… sa pag-opera sa nanay ko,” mahina kong sambit, at pilit na iniwas ang tingin ko.

Napatalikod siya sandali, at buga ng hangin lang ang narinig ko, para bang pilit niyang pinapakalma ang sarili. Muli siyang humarap sa akin, walang sabi-sabi, at bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Bago ko pa mapigilan, hinila niya ako papunta sa kaniyang private quarters. Pagkasara ng pinto, marahas niyang itinapon kung saan ang hawak niyang facemask at saka ako hinarap nang may bakas ng inipon na galit sa kaniyang mukha.

“How old is she?” malamig pero puno ng tensyon na tanong niya.

“H–Ha? Ano bang sinasabi mo—”

“Damn it, Meleah!” bigla niyang sigaw, dahilan para mapaatras ako. “Alliya is her name! ‘Yan ang pangalan na pinangarap nating ibigay sa magiging anak natin noon! Hindi ko na kailangang itanong kung anak ko siya o hindi, dahil alam mo kung ano ang iniisip ko!” Hinawakan niya ako sa balikat, mahigpit, halos maramdaman ko ang panginginig ng kaniyang kamay.

Ramdam ko ang pamimigat ng dibdib ko, at bago ko napigilan, tumulo na ang luha ko.

“N–Nasasaktan ako, Walden…” mahina kong sabi.

Kita ko ang pagkatanto sa mukha niya. Kumalas siya at bigla na lang niyang hinampas ang mesa, hinagis ang lahat ng gamit na naroon, habang paulit-ulit na sumisigaw. Rinig ko sa bawat piraso ng salitang lumalabas sa bibig niya ang paghihirap at pighati.

“A–Anak ko siya…” bulong niya, ulit-ulit, habang unti-unti na ring lumuluha. “Anak ko ba siya, Meleah?”

Hindi ko magawang magsalita. Sa boses niya, ramdam ko ang sugat na matagal nang nakabaon.

“All these years… hindi ko alam na may anak na pala ako? Hindi ko nga alam kung bakit ka bigla na lang nawala noon… at ngayon, saka ko pa malalaman na may bunga ang gabing ‘yon na magkasama tayo.” Muling lumalim ang boses niya, puno ng sakit. “Ano bang nagawa kong mali sa ’yo, Meleah? Halos naging impyerno ang buhay ko simula nang mawala ka! Tell me! May nagawa ba akong mali sa ’yo? At kahit itong anak natin, hindi mo man lang sinabi sa akin!”

Nakatingin siya diretso sa mga mata ko, naghahanap ng kasagutan. Pero wala siyang kasalanan… ang ama niya ang tunay na dahilan kung bakit ako umalis noon. Naalala ko ang lahat ng masasakit na alaala—at ang takot. Pero paano ko sasabihin sa kaniya ang totoo kung alam kong mahirap niyang paniwalaan?

Sa huli, pinili kong sabihin ang kasinungalingang iyon.

“Hindi mo siya anak.” Malamig at diretso kong sinabi, kahit ramdam ko ang panginginig ng boses ko.

Natigilan si Walden. “W–What?”

“Hindi mo siya anak…” ulit ko.

“N–No, you are lying...”

“Bakit akala mo? Sa ’yo lang ako maaaring makisiping? Alam mo kung anong trabaho mayroon ako ngayon, kaya dapat hindi ka na magtataka kung magkaroon ako ng anak sa ibang lalaki. Lalo at matagal naman na tayong tapos.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Luisiana Hernandez
next naaaa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND   Chapter 15: My Ex Is My Boss?!

    Kinabukasan, maaga pa lang ay nakarating na si Meleah sa opisina. Halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa excitement at kaba na rin sa mga salitang binitiwan ng CEO. “You will do anything for me…” Paulit-ulit ‘yon na pumapasok sa isip niya.Pagpasok niya sa main lobby ng kumpanya, sinalubong siya ng receptionist.“Good morning, Miss Meleah. This way po.”Medyo nagtaka siya kung bakit tila may VIP treatment. Sinamahan siya diretso sa elevator na may kasamang guard, at doon ay dinala siya sa top floor kung saan naroon ang CEO’s office.Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya si Eric, nakaayos na ang mesa at may nakahandang folder na may pangalan niya.“Good morning, Miss Meleah. Handa ka na ba?” bati nito na may kasamang ngiti.Ngumiti rin siya kahit kinakabahan. “Good morning po. Yes, ready na ako.”“Good. Kasi ngayon makikilala mo na mismo si Sir Den.”Nanlaki ang mga mata niya. “Ha?! As in face to face? Hindi na video call?”Tumango si Eric. “Oo. Pero gusto kong ipaalala na hindi l

  • MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND   CHAPTER 14: A Bait

    Wala nang nagawa pa si Sunshine nang maglakad ako patungo sa CEO’s office. Pagdating ko roon ay nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa gilid, at yumuko ito nang bahagya nang makita ako nito. “Good morning, Miss Meleah.” Bati nito sa akin. Yumuko rin ako nang bahagya bilang paggalang. “Good morning din po, Sir—” “I’m not the CEO.” Putol nito sa akin. “I’m Eric, I’m also personal assistant here, pero more on personal na trabaho lang din ang ginagawa ko.” Paliwanag nito sa akin. “Pero he’s the one who will interview you.” Napatango ako dahan-dahan, “Ah, gano’n po pala.” Sagot ko sabay tumingin ako sa paligid para hanapin ang CEO, pero wala na akong nakita pang ibang tao bukod sa aming dalawa. “Eh, nasaan po ang CEO?” tanong ko. “He’s not here.” “Ha? Pero akala ko ay siya po ang mag-interview sa akin?” “Siya nga, pero via video call.” Naglakad si Eric papalapit sa lamesa at ihinarap nito sa akin ang laptop. “You may seat now, Miss Meleah.” sambit nito na kaagad ko rin naming si

  • MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND   CHAPTER 13: B!tch Everywhere

    Kinabukasan ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Maaga akong nagpunta sa Gstone Builders Company upang magpasa sana ng resume, pero sana ay diretso interview na.Finger cross!This is my last hope, at sana talaga ay makapasok ako, dahil bago pa ako magtungo rito ay napakaraming gamot ang kailangan kong bilihin para kay nanay. Ang iba ay talagang pricey ang presyo, at mabibili lang sa mismong hospital.Nang makarating ako sa entrance ng kompanya ay kaagad akong pinigil ng guwardya.“Miss, hindi po basta-basta nagpapapasok ng tao rito sa kompanya, lalo kung wala po kayong appointment.” Sambit ng guwardya saka ako pinsadahan ng tingin nito. “At mukhang sa ayos niyo Miss ay malabong matanggap kayo rito, dahil maseselan ang mga tao rito.”Napatingin tuloy ako sa sarili ko. Ayos naman ang suot ko, ah? Naka-black slacks ako at white polo shirt.“Grabe ka naman, Manong Guard! Maayos naman po ang suot ko, ah?” sambit ko.Napailing ang guwardya. “Hindi naman sa panlalait, Miss, pero kasi lahat

  • MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND   CHAPTER 12: GStone Builders Company

    Bago pa ako makasagot sa banat ni Walden, bigla kong narinig ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa. Kinuha ko ito agad at umaasang baka tawag ito mula sa opisina para sa ibang appointment.Ngunit sa unang ring pa lang, nakita ko na ang pangalan ng branch manager namin. Kinabahan akong bigla at napakunot ng noo.Bakit naman tatawag ang manager namin sa akin?“Hello?” Sinubukan kong gawing normal ang boses ko, kahit ramdam kong nakatitig sa akin si Walden.“Miss Flamenco,” mabilis at malamig ang tono ng nasa kabilang linya. “Hindi na ako maglalabas pa ng memo, pero effective today… terminated ka na bilang sales agent.”Parang umalingawngaw sa tenga ko ang bawat salita. Napasinghap ako, at halos mahulog ang cellphone sa kamay ko. “W–wait, bakit po? Ano’ng nang—”“May reklamo mula sa kliyente. Ayokong ipaliwanag sa telepono. Ibalik mo na lang ang mga gamit ng kumpanya.” At bago pa ako makasagot, pinutol na niya ang tawag.Napako ako sa kinatatayuan ko, at halos hindi pa rin ako m

  • MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND   CHAPTER 11: RATED SPG

    “Ano ang dapat kong malaman?” tanong ng pinakapamilyar na boses sa akin.I know that voice na lumipas ang maraming taon, kaya niyang basagin ang pader na itinayo ko bilang pang depensa.Parang nanigas tuloy ang katawan ko. Mabigat at mabagal ang bawat paghinga habang dahan-dahan akong lumingon. At doon ko siya nakita… si Walden. Nakatayo siya sa may pintuan, nakasuot ng white coat, ang kilay niya’y magkadikit sa lalim ng pagkakunot, at ang mga mata niya ay diretso sa amin ni Zachary, matalim at puno ng katanungan.“What?” muling tanong ni Walden, ngunit mas mababa at mas mariin na ang tono. “Napipi yata kayong bigla?” dagdag pa niya, na para bang nauubusan ng pasensya sa aming dalawa ni Zachary.Napatingin ako kay Zachary, at marahan akong umiling. Hindi ko na kailangan pa na magsalita, alam kong naintindihan niya ang ibig kong sabihin.Bumuntong-hininga si Zachary, at kita sa kaniyang mukha ang pag-aalangan. “We were talking about…” sandali siyang natigilan, at tila pinag-iisipan niy

  • MY EX, MY BOSS, MY CONTRACTED HUSBAND   CHAPTER 10: No Way Out!

    Nang tingnan ko siya ay para akong nakakita ng multo. It was Zachary. I remember before na isa siya sa pinakamalapit at pinakapinagkakatiwalaan ni Walden noon. “Zach, what are you doing here?” tanong ni Kristoff na parang inilalayo nito ang atensyon sa akin, pero sa halip na sumagot ito ay sa akin ito diretsong tumitig. Bago pa ako makaiwas ay nagsalita na ito kaagad. “T–Teka… Meleah? Ikaw ba ‘yan?” tanong ni Zachary, bakas ang pagkagulat at kunot ang noo habang titig na titig sa akin. Napalunok ako. Alam kong hindi lang sorpresa ang nararamdaman niya ngayon, may halong hinanakit din, dahil isa siya sa mga taong nakasaksi kung paano ko iniwan si Walden… at walang paliwanag na iniwan ko ang lahat. Bubuka na sana ang bibig ko para magpaliwanag kahit kaunti, pero bago ko pa magawa, naramdaman ko ang maliit na kamay na humawak sa laylayan ng damit ko. “Mama…” lumingon ako. Nandoon si Alliya, nakataas ang mukha sa akin, inosente at walang kaalam-alam sa tensyong nasa paligid. “

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status